Q - Your services are personally attended by thousands and your broadcasts and books are heard and read by so much more people. Sino po ang talagang concern nyo? Sino at talagang gusto nyong maabot at maministeran? Sino ang "crowd" nyo?
A - Lahat ng gustong makipaglakbay sa atin palapit sa Diyos ay welcome.
But especially the wounded, the victim, the marginalized, the weak, the oppressed. Mahal natin ang mga sugatan, ang mga kawawa, outcasts, puera, very especially those who are judged and shunned by the religious. I reach out sa mga separada, desgraciada, diborsiada, mga taong hinihiya at ikinahihiya ng madla, yung mga labeled, ridiculed na sa kabila ng mga pagkakadapa sa buhay ay sinisisisi pa at tinatapakan ng mga moralista. Yung ang mga buhay ay magulo, buhol-buhol, sugat-sugat, putik-putik. Give them all to me. The church is a hospital, not a modelling agency. It is for people who are hurting, wounded and isolated by Phariseeic moralists.
Yung mga perfect, saintly, purists, dogmatic, rabid, ultra conservative that disdain people beneath their standards, yung mga morally over simplistic, very opinionated, idealistic ---- balato na sila sa kabilang church sa kanto. :-)Dun na sila. Dadagdag lang sila sa pahirap sa mga kapus-palad.
But give me maaayos, matitino at mababait na anak ng Diyos para makatuwang sa pasaning ito. :-) The Church needs caregivers for workers, not judges!
No comments:
Post a Comment