Q - Tito ano po ang napapala sa pag-aaral at pagkakaron ng
1. Bachelor's Degree?
2. Masteral Degree?
3. Doctoral Degree?
A -
To simplify:
1. Sa Bachelor's level,
nalalaman mo na marami palang dapat malaman; na konting-konti pala ang iyong alam.
DAPAT MA-CHALLENGE KA na mag-aral pa more after earning your bachelor's degree.
NALALAMAN MONG MARAMI KA PANG DAPAT MALAMAN.
2. Sa Masteral level,
nag-aaral ka in a more focused way, sa mas specialized and chosen field of study. Dito, nalalaman mo ang mga alam na / mga dati nang alam NG IBA kasi ang daming readings sa masteral studies. L
Ang maganda, napapasubo kang magbasa / mag-aral ng mga lama at nasulat na.
NALALAMAN MO ANG MARAMING BAGAY NA ALAM NA NG IBA.
3. Sa Doctoral level,
napapasabak ka sa research, sa pag-aaral ng mga alam na ng mundo, AT LUMILIKHA / BUMUBUO KA NG BAGONG KALAMAN mula sa mga researches mo.
Kahit limited ang specific dissertation / research / specialization sa doctoral level, nasasanay ka ring mag-reserach, mag-review, manuri,bumuo, humubog ng kaaalaman na puedeng puede mong magamit sa pag-aaral, pananaliksik o pagbuo ng bagong kaalaman sa IBANG fields of interest / study.
NAKALILIKHA / NAKABUBUO KA NG MGA BAGONG KAALAMAN.
*
ALTHOUGH YOUR SPECIALIZED FIELD OF STUDY IS LIMITED,
THE SKILLS YOU DEVELOP IN RESEARCH AND STUDY CAN BE APLLIED IN MANY / ALL OTHER AREAS OF STUDY.
No comments:
Post a Comment