Saturday, 25 March 2017

Ano po ang mga mahalagang katangian at gawa ng isang mabuting magulang?

Q - Ano po ang mga mahalagang katangian at gawa ng isang mabuting magulang?
A -
1. Sa abot ng kaya, nagpo-provide sa mga material, emotional and spiritual needs ng anak, lalu na sa kamusmusan at kabataan ng anak.
Sinisikap na makapagbigay ---hindi kumuha at umasa ---sa anak, 
lalu sa panahon ng kalakasan at kalusugan ng magulang.
2. Tinatanggap
at minamahal ang anak, anuman ang mga katangian, kapintasan o pagkatao at kabiguan nito.
Laging bukas
ang palad at puso sa pangangailangan ng anak.
3. Pinalalaki ang anak
na may pagkakilala at pag-ibig sa Diyos.
4. Nananatiling tapat sa asawa (na magulang ng anak nya) upang makabuo at makapanatili ng isang tahimik, payapa, tiwasay. matibay at masayang pamilya.

No comments:

Post a Comment