Friday, 31 March 2017

Q - Bakit madaming version ang bible, ang ibig sabihin daw po ng EDITION sa bible (NIV edition etc..) ay inedit na, my binawas or dinagdag?

Q - Bakit madaming version ang bible, ang ibig sabihin daw po ng EDITION sa bible (NIV edition etc..) ay inedit na, my binawas or dinagdag?
A - Marami kasing groups na nag-translate ng bible sa ibat-ibang panahon. ang tawag: "edition/version".
Mas malinaw kung ang tawag ay TRANSLATIONS imbes VERSIONS kasi pag "versions" nagmumukha tuloy na iba-iba, na kanya-kanya.
May fans ang ilang specific translations/versions na mahilig manira sa ibang versions at ipinipilit na yun lang favorite version nila ang tama. I DO NOT BELIEVE THEIR UNSCHOLARLY AND SELF-RIGHTEOUS CLAIMS. Bias lang nila yun. (Sabagay, sila rin usually ang mahilig manira sa ibang churches.)
To be "safe", read and compare many "versions' para mas lumawak ang pananaw mo. DO NOT TRUST groups na pipilitin kang yun lang version nila ang basahin mo. Gusto nilang ikulong ang utak mo para kontrolin ka.

Sunday, 26 March 2017

Your services are personally attended by thousands and your broadcasts and books are heard and read by so much more people. Sino po ang talagang concern nyo? Sino at talagang gusto nyong maabot at maministeran? Sino ang "crowd" nyo?

Q - Your services are personally attended by thousands and your broadcasts and books are heard and read by so much more people. Sino po ang talagang concern nyo? Sino at talagang gusto nyong maabot at maministeran? Sino ang "crowd" nyo?
A - Lahat ng gustong makipaglakbay sa atin palapit sa Diyos ay welcome.
But especially the wounded, the victim, the marginalized, the weak, the oppressed. Mahal natin ang mga sugatan, ang mga kawawa, outcasts, puera, very especially those who are judged and shunned by the religious. I reach out sa mga separada, desgraciada, diborsiada, mga taong hinihiya at ikinahihiya ng madla, yung mga labeled, ridiculed na sa kabila ng mga pagkakadapa sa buhay ay sinisisisi pa at tinatapakan ng mga moralista. Yung ang mga buhay ay magulo, buhol-buhol, sugat-sugat, putik-putik. Give them all to me. The church is a hospital, not a modelling agency. It is for people who are hurting, wounded and isolated by Phariseeic moralists.
Yung mga perfect, saintly, purists, dogmatic, rabid, ultra conservative that disdain people beneath their standards, yung mga morally over simplistic, very opinionated, idealistic ---- balato na sila sa kabilang church sa kanto. :-)Dun na sila. Dadagdag lang sila sa pahirap sa mga kapus-palad.
But give me maaayos, matitino at mababait na anak ng Diyos para makatuwang sa pasaning ito. :-) The Church needs caregivers for workers, not judges!

Ano po ang ibig sabihin pag binabawalan ka ng religious leader na

Q - Ano po ang ibig sabihin pag binabawalan ka ng religious leader na 
- magbasa ng ganitong book, 
- makinig kay ganitong preacher,
- mag-follow kay ganito sa FB
- mag-share ng posts ni ganitong teacher?
A -
1. Sobrang kang mahal ni leader at gusto ka nyang i-protect sa dumi ng mundo/sa "wrong" teachings from others, etc?
2. Gusto ni leader sa kanya ka lang makinig para makontrol ka nya?
3. Walang tiwala si leader sa kakayahan mong mag-process at mag-filter ng mga maririnig mo kaya sya na lang ang pipili para sa yo?
4. Walang tiwala si preacher sa power ng teachings/idea nya kaya ayaw nyang may kakumpetensya sa pagtuturo sa yo?
5. Iba pang dahilan na bahala ka nang mag-isip?

Ed Lapiz - Overcome the fear of death (March 26, 2017)

Ed Lapiz - Overcome the fear of death (March 26, 2017)







Saturday, 25 March 2017

MALAS?

MALAS?
Very often, people who get labeled as unlucky / MALAS are simply those who
1. Do not recognize good opportunites so they miss out on them.
2. Do not recognize danger and so they walk into destruction.
3. Have bad habits that make them lose / end up as losers.
4. Do not learn from past mistakes so they repeat errors.
5. Involve themselves with devious people.
Perhaps more than 90% of the so-called KAMALASAN could be avoided.

Tito sabi po ng ibang church leaders namin, demonic daw ang "pak ganern" na expression at di dapat sambitin ng Christians?

Q - Tito sabi po ng ibang church leaders namin, demonic daw ang "pak ganern" na expression at di dapat sambitin ng Christians?
A -
May pinaghuhugutan siguro sila.
I will share below what my pinsan shared about the possible origin of that phrase.
Meanwhile, 
DID YOU KNOW THAT SOME CHURCH PEOPLE ALSO THINK NA HINDI DAPAT BIGKASIN ANG WORD NA "AMEN"
kasi raw hango sa "AMON" na pangalan ng ancient Egyptian sun god???
Kung pakikinggan mo ang lahat ng ganyang mga ideas / katuruan demonizing words, music, dance, etc because of past "associations",
halos wala nang matitirang salita, musika, etc na puede mong gamitin today!
BUT WHAT I THINK IS THIS:
What really, actually matters is what the speakers mean in their hearts when they utter such words or sing any song.
The Lord looks at the heart, the inner intention.
A phrase, song, art form, etc might mean something (bad or good) in it's original language or context,
but when spoken or used by someone who attaches a different meaning (bad or good) to it, the value of the words or art forms naturally changes and assumes the value assigned to it by the speaker.
1 Samuel 16:7 (NIV)
... People look at the outward appearance, but the Lord looks at the heart.”
AT THE END OF THE DAY, IT IS YOUR INTENTION THAT MATTERS.









Sonjeh Drainer THANK YOU for posting questions like these. It keeps me learning, too. After Googling what the phrase means (since I don't have any clue), I can't blame those who are very concerned about the use of such term (in the like of, "what the heck" to the very conservative group) versus those who are not at all affected by it's use (pa-kwela lang, di ba?). From one of the articles: "Pak ganern is derived from latin words "Paccrassius" which means, "be with me satan" and "Ganri" means "eternal". So everytime you say Pak Ganern, you are inviting satan to be with you eternally.Aug 24, 2016" vs. "A Filipino phrase to express happiness, excitement, bragging, amazement, shock, et. al. The origin of the word pak comes from the sound of something explosive (as with the other Filipino expression; boom panes) that connotes something big, amazing and wonderful. Ganern is from the Tagalog word "ganoon or ganun" which literally means "like that". Pak ganern can literally mean "Boom! Look at that!" " I think I'll share those 2 contrasting articles on my page to be in the know. 

Mula po nang umattend ako ng isang Bible-based church, dumami po ang guilt feelings ko. Lalu po akong na depressed. At lalu akong nagkaron ng fears. Ang hilig po kasing mangaral ang preachers ng puro tungkol sa kasalan, karumihan, galit ng Diyos, parusa, impierno at end of the world.

Q - Mula po nang umattend ako ng isang Bible-based church, dumami po ang guilt feelings ko. Lalu po akong na depressed. At lalu akong nagkaron ng fears. Ang hilig po kasing mangaral ang preachers ng puro tungkol sa kasalan, karumihan, galit ng Diyos, parusa, impierno at end of the world.
A -
While the Bible indeed deals with those topics, it is also full of teachings on God's love, grace, forgiveness, peace, etc.
A balanced and gracious reading and studying the Bible should result in appreciation of God's UNLI love, kindness and mercy and should bear fruits of peace, serenity and gratitude

Bakit po kaya lagi na lang akong feeling guilty mula nang nakinig ako sa mga pangaral mula sa Bible?

Q - Bakit po kaya lagi na lang akong feeling guilty mula nang nakinig ako sa mga pangaral mula sa Bible?
A -
1. Baka nga may ginagawa kang talaga namang dapat ika-guilty tulad ng talagang mali ayon sa katuruan?

2. Puede rin namang feeling guilty ka hindi dahil mali ang ginagawa mo kundi dahil
- nakondisyon ang isip mo
- napapaniwala ka
na mali yun at dapat kang maguilty!
SURIIN MUNA KUNG ANO BA TALAGA ANG MALI AT MASAMA
at alin yung minamasama at inaaring mali lamang ng mga may
baluktot, makitid, mababaw o maling interpretasyon ng mga katuruan sa Biblia.

DAY BY DAY DUBAI

DAY BY DAY DUBAI
Metropolitan Palace Hotel Deira
1st floor Al Hamra Ballroom
Maktoum road, Deira, Dubai (Near clock tower Deira)
Fridays
9:00 am-10:30 am Worship Celebration
Pastor Boyet Martinez
+971503782389
b_consult2000@yahoo.com

Ano po ang sukatan para masabing successful ang isang parent sa pagpapalaki ng anak?

Q - Ano po ang sukatan para masabing successful ang isang parent sa pagpapalaki ng anak?
A -
Kung nahubog at napalaki ang anak na 
- mabuti
- mabait
- makatao
- makaDiyos
- masipag
- marunong at magaling magtrabaho
- mabunga
- maganda ang asal.
(Pero dapat isa-alangalang na may likas na personalidad ang anak na kung minsan ay hindi mahubog sa kabutihan sa kabila ng pagsisikap ng magulang.)

Ano po ang mga mahalagang katangian at gawa ng isang mabuting magulang?

Q - Ano po ang mga mahalagang katangian at gawa ng isang mabuting magulang?
A -
1. Sa abot ng kaya, nagpo-provide sa mga material, emotional and spiritual needs ng anak, lalu na sa kamusmusan at kabataan ng anak.
Sinisikap na makapagbigay ---hindi kumuha at umasa ---sa anak, 
lalu sa panahon ng kalakasan at kalusugan ng magulang.
2. Tinatanggap
at minamahal ang anak, anuman ang mga katangian, kapintasan o pagkatao at kabiguan nito.
Laging bukas
ang palad at puso sa pangangailangan ng anak.
3. Pinalalaki ang anak
na may pagkakilala at pag-ibig sa Diyos.
4. Nananatiling tapat sa asawa (na magulang ng anak nya) upang makabuo at makapanatili ng isang tahimik, payapa, tiwasay. matibay at masayang pamilya.

Tito what makes us poor country po?

Q - Tito what makes us poor country po?
1. Bad, corrupt and inept governance plus bad, irresponsible citizenship of many. 2. Flawed taxation, especially of the rich and super rich. 3. Feudal and monopolistic control by the elite of the political structures, natural resources, labor force and the whole economy. 4. Too much interference on governance by the religious, pulling the country down to dark ages mentality. 5. Over dependence of many economically unproductive family members on only one or a few productive ones. 6. Lack of industrialization and manufacturing (Exporting raw materials at low cost and importing finished products at high cost. 7. The economy is in the hands of people who lack nationalism and love for the country. 8. Too much love for imported goods that bleed the economy. 9. Brain drain: Exporting talented and skilled people who could help develop the country but instead help develop other countries. 10. Too many natural disasters that drain government and private funds.
Add:
11. People have no sufficient social security and insurance coverage. Illness further impoverishes the people. Medical treatments make the people poor(er).
12. Too much expenses on funerals, weddings and other religious events.
13. Sobrang mahal ng kuryente kasi halos monopolized ng private business.
14. Ubos ang oras, pera, lakas at katinuan sa TRAFFIC!
15. Drugs, gambling and other vices.

Dapat po bang bawalan manood ang mga bata and youth ng certain movies/ video shows?

Q - Dapat po bang bawalan manood ang mga bata and youth ng certain movies/ video shows?
A - Yes and No.
Yes kung sobrang bata at ang movie ay sobrang violent or sex-oriented or horror: anything that glorifies or promotes immorality, fear, violence or other negative values.
No kung yun na lang pagbabawal ang only protection mo for them. Lalu na medyo may edad na; baka maging rebellious lang tuloy at lalong manood. O kaya, kababawal mo, maging curious tuloy at manood pa tuloy.
The best to do when children become older is to teach them to be discerning: to know right from wrong, to know good from bad taste, to determine good from bad themes, story lines, plots or stories. Children need to be trained to filter out bad from good, rubbish from treasure.
So, watch good and bad movies with them and discuss. Guide them as to what makes movies good or bad. Huwag puro pagbabawal.
"Train up a child in the way he should go, and when he is old he will not depart from it," sabi ng Bible.
Overprotectiveness, like pure prohibition, may backfire.
By practice and under your guidance, train the children to recognize good from bad.

Tuesday, 21 March 2017

Iisa po ang Bible, IIsa ang Diyos. Sa mga churches na pare-parehong Bible-based pero iba-iba ang culture / style like mayrong conservative, may moderate, may liberal, etc., saan po magandang umanib?

Q - Iisa po ang Bible, IIsa ang Diyos.
Sa mga churches na pare-parehong Bible-based pero iba-iba ang culture / style like mayrong conservative, may moderate, may liberal, etc., saan po magandang umanib?
A -
Kung saan ka 
- masaya?
- lalago spiritually, emotionally, intellectually, socially, even physically.
Balanced growth, tulad ng growth ni Jesus.
Luke 2:52 (NIV)
And Jesus grew in wisdom and stature, and in favor with God and man

Hindi po ako masaya sa church/fellowship na nasalihan ko. Hindi po tugma sa personal style ko ang culture ng church. Feeling sakal, sikil and tali po ako?

Q - Hindi po ako masaya sa church/fellowship na nasalihan ko.
Hindi po tugma sa personal style ko ang culture ng church.
Feeling sakal, sikil and tali po ako?
A -
Eh bakit ka nagsisiksik dyan?
Marami namang fellowships na based on the same Bible and believing in the same God na mas tugma sa personality mo ang style?!

Ang loyalty po ba kay God ay nagre-require ng loyalty sa isang specific church lamang? Na pag di ka na loyal sa isang fellowship ay di ka na loyal kay God?

Q - Ang loyalty po ba kay God ay nagre-require ng loyalty sa isang specific church lamang? Na pag di ka na loyal sa isang fellowship ay di ka na loyal kay God?
A -
God is before, above and beyond particular religious oragnizations or congregations.
Bago pag nagkaron ng churches / organized religion, nandun na ang Diyos at ang mga taong nanalig sa kanya.
Organized religion was a much much much later invention and franchise.

Ed Lapiz - Backsliding





Ed Lapiz - Backsliding

Madalas po akong mainip at malungkot :(

Q - Madalas po akong mainip at malungkot :(
A -
Hindi ka nag-iisa.
Majority yata ng katauhan ay may lungkot din.
Nilalabanan lang.
Nagpapaka-busy.
Naglilibang.
Pag nalulungkot, ituon ang pansin sa ibang bagay.
Lilipas din ang lungkot na yan.

Paano po matutulungan ang mother ko na OFW?

Q - Paano po matutulungan ang mother ko na OFW?
A -
Magpakabait ka. Huwag gumawa ng ikapapahamak mo dahil mamomroblema sya.
Mag-aral na mabuti. Makapagtrabaho o hanapbuhay agad para makauwi na sya.
Magtipid sa gastos.
Lagi syang padahalan ng masayang balita; wag puro problema o hingi ng pera.
Tumulong ka sa gawaing bahay.
Alagaan mo ang mga kapatid mo.
Lagi mo syang ipag-pray.

Tito, paano malalaman kung tama ang concept or teachings ng church? (As to ur previous post 'kasalanan concept'). 2) I'm confuse w/ "tongues",,, As a member who doesn't do it.

Q -
1)Tito, paano malalaman kung tama ang concept or teachings ng church? (As to ur previous post 'kasalanan concept').
2) I'm confuse w/ "tongues",,,
As a member who doesn't do it.
A - 
Test the teachings against the teachings and character of Jesus. Jesus is loving, accepting, forgiving and nourishing.
What Jesus did not bother with, we need not bother with.
Jesus is the standard and filter.
So pag ang teaching and manner of teaching /ministry is not loving, accepting, forgiving, nourishing, etc like Jesus, I would not consider them as coming from Jesus.

Pano po kaya kung matagal na po akong Kristyano eh dpa rin po ako nkakapag tounges? Is there something wrong with me po ba pagka ganun? Hindi pa po ba ako true believer?

Q -
Pano po kaya kung matagal na po akong Kristyano eh dpa rin po ako nkakapag tounges? Is there something wrong with me po ba pagka ganun? Hindi pa po ba ako true believer?
A - 
According to experience and observation, may nagkakaron ng gift of toungues at may hindi, kahit parehong tunay na mananampalataya. Parang depende sa personality?

Tito ano po ang major difference ng churches na style ng Pharisee at style ni Jesus?

Q - Tito ano po ang major difference ng churches na style ng Pharisee at style ni Jesus?
A -
The Jesus church teaches forgiveness and restoration and makes you feel rested, loved and empowered.
The Pharisee church emphasizes condemnation, judgment and rejection and makes you feel always guilty, judged, rejected, unloved and forced to work, work, work for your perfection.

Monday, 20 March 2017

Bakit po ba dahil sa may source of income ako e dapat kargo ko ang mga kapatid ko na ayaw mag-aral at magtrabaho? Christian din po ang mother ko and pa lagi nya sinasabi na bilang lalake, may obligasyon daw ako sa mga kapatid Ko?

Q - Bakit po ba dahil sa may source of income ako e dapat kargo ko ang mga kapatid ko na ayaw mag-aral at magtrabaho? Christian din po ang mother ko and pa lagi nya sinasabi na bilang lalake, may obligasyon daw ako sa mga kapatid Ko?
A - No!
2 Thessalonians 3:10(CEV)
10 We also gave you the rule that if you don’t work, you don’t eat.

EX ay EX! Tapos na! Wala na!)

Hwag mag-STALK sa FB account ng 
- gusto mo pero di ka gusto.
- mahal mo pero di ka mahal.
- kilala mo pero di ka kilala.
- EX mo. (Ang ibig sabihin ng EX ay EX! Tapos na! Wala na!)
STALKER
=
LOSER
Bantayan
Asikasuhin ang sariling buhay!

May pwede po bang ipasalamat ang mga LOVELESS?

Q - May pwede po bang ipasalamat ang mga LOVELESS?
A -
HIndi ka
- nagseselos.
- hahabul-habol.
- afraid na maagawan.
- up and down na parang roller coaster ang emotion.
- madaling masaktan.
IOW:
Tahimik ang buhay mo.
(Hindi ito ideal ha! Pero tanong mo ay kung may puedeng ipagpasalamat.
Baka dapat tanong ay kung may puedeng ipag-"sour grapes"? :-) )

Tuesday, 14 March 2017

Tito ano po ang napapala sa pag-aaral at pagkakaron ng 1. Bachelor's Degree? 2. Masteral Degree? 3. Doctoral Degree?

Q - Tito ano po ang napapala sa pag-aaral at pagkakaron ng 
1. Bachelor's Degree?
2. Masteral Degree?
3. Doctoral Degree?
A -
To simplify:
1. Sa Bachelor's level,
nalalaman mo na marami palang dapat malaman; na konting-konti pala ang iyong alam.
DAPAT MA-CHALLENGE KA na mag-aral pa more after earning your bachelor's degree.
NALALAMAN MONG MARAMI KA PANG DAPAT MALAMAN.
2. Sa Masteral level,
nag-aaral ka in a more focused way, sa mas specialized and chosen field of study. Dito, nalalaman mo ang mga alam na / mga dati nang alam NG IBA kasi ang daming readings sa masteral studies. L
Ang maganda, napapasubo kang magbasa / mag-aral ng mga lama at nasulat na.
NALALAMAN MO ANG MARAMING BAGAY NA ALAM NA NG IBA.
3. Sa Doctoral level,
napapasabak ka sa research, sa pag-aaral ng mga alam na ng mundo, AT LUMILIKHA / BUMUBUO KA NG BAGONG KALAMAN mula sa mga researches mo.
Kahit limited ang specific dissertation / research / specialization sa doctoral level, nasasanay ka ring mag-reserach, mag-review, manuri,bumuo, humubog ng kaaalaman na puedeng puede mong magamit sa pag-aaral, pananaliksik o pagbuo ng bagong kaalaman sa IBANG fields of interest / study.
NAKALILIKHA / NAKABUBUO KA NG MGA BAGONG KAALAMAN.
*
ALTHOUGH YOUR SPECIALIZED FIELD OF STUDY IS LIMITED,
THE SKILLS YOU DEVELOP IN RESEARCH AND STUDY CAN BE APLLIED IN MANY / ALL OTHER AREAS OF STUDY.

Sobra pong makapamilya ang BF ko at ipinipilit po nya na pag ikinasal kami ay dun na sa family house nila kami tumira kasi malaki naman daw ang bahay. At yun daw po ang gusto ng parents nya. Sa tingin ko po, domineering at pakialamera ang nanay nya at mga kapatid. Ramdam na ramdan ko pong magiging problema pag nakapisan ko sila sa iisang bahay. Meanwhile, gustung gusto na po naming pakasal. Yun lang ang nagibibigay sa akin ng fear. Ayoko pong makipisan sa pamilya nya.

Q - Sobra pong makapamilya ang BF ko at ipinipilit po nya na pag ikinasal kami ay dun na sa family house nila kami tumira kasi malaki naman daw ang bahay. At yun daw po ang gusto ng parents nya.
Sa tingin ko po, domineering at pakialamera ang nanay nya at mga kapatid. Ramdam na ramdan ko pong magiging problema pag nakapisan ko sila sa iisang bahay. Meanwhile, gustung gusto na po naming pakasal. Yun lang ang nagibibigay sa akin ng fear.
Ayoko pong makipisan sa pamilya nya.
A -
Your BF wants to have his wife AND keep his old family lifestyle and habits!
That will be at YOUR expense.
Ikaw ang mahihirapang makisama.
Kung hindi sya maninindigan para sa yo,
kung isa-sacrifice ka nya para sa family life nila,
IBIGAY MO NA LANG SYA NG BUUNG-BUO SA NANAY NYA.
No wedding, no marriage.
Drop him pronto.

Tito may dalawa pong lalaki na pareho kong gusto at parehong seriously nanliligaw sa akin. Pareho po silang may past. Yung isa, maraming past girlfriends. Yung isa maraming past boyfriends. Sabi po ng iba, history repeats itself. Sino po kaya sa kanila ang less headache in the future in case their histories repeated? Sino po ang pipiliin ko? Kanino po ako sasama?

Q - Tito may dalawa pong lalaki na pareho kong gusto at parehong seriously nanliligaw sa akin. Pareho po silang may past. 
Yung isa, maraming past girlfriends. 
Yung isa maraming past boyfriends.
Sabi po ng iba, history repeats itself. 
Sino po kaya sa kanila ang less headache in the future in case their histories repeated?
Sino po ang pipiliin ko? Kanino po ako sasama?
A -
Kung kanino ka mas masaya?

Day by Day

Day by Day

Tito kung pipili po ako sa dalawang equally potentially good husbands pero dahil sa past ay may tendency yung isa na mambabae at yung isa may tendency na manlalake, alin po kaya ang less problematic in case mangyari?

Q - Tito kung pipili po ako sa dalawang equally potentially good husbands pero dahil sa past ay may tendency yung isa na mambabae at yung isa may tendency na manlalake, alin po kaya ang less problematic in case mangyari?
A -
Yung mas kaya ng powers mo?
In further consideration,
mas problematic yung situation na may puedeng magbuntis at magka-anak?

Ang isang anak ko po ay napaka imoral ng buhay at palipat-lipat at papalit-palit ng partner. Kahit po anong pigil, pagalit at parusa ang gawin namin ay ganun pa rin ang buhay nya. Leaders pa naman po kaming mag-asawa sa church pero hindi po sya tinatablan ng religious teachings. Ano po ang magandang gawin ng isang inang tulad ko?

Q - Ang isang anak ko po ay napaka imoral ng buhay at palipat-lipat at papalit-palit ng partner. Kahit po anong pigil, pagalit at parusa ang gawin namin ay ganun pa rin ang buhay nya. Leaders pa naman po kaming mag-asawa sa church pero hindi po sya tinatablan ng religious teachings. Ano po ang magandang gawin ng isang inang tulad ko?
A -
Magpaka-ina ka na lang muna sa anak mo

Nahuli ko po sa act ang mother ko na nanlalalake. Isusumbong ko po ba sa tatay kong OFW?

Q - Nahuli ko po sa act ang mother ko na nanlalalake. Isusumbong ko po ba sa tatay kong OFW?
A -
Pag isinumbong mo na agad, maaaring ma-damage beyond repair ang isa sa kanila o pareho sila.
Hindi na mababawi ang sitwasyon pag nagsumbong ka na.
Mag-observe ka muna kaya kung masusugpo ang nanay mo sa pagkakabisto mo sa kanya.
Kung kaya mo, kausapin mo sya.
Sabihin mong di mo sya isusumbong basta't tigilan na nya ang pagmimilagro nya.
Pag napigil mo sya, may chance marepair ang relationship nila ng father mo.
AT BANTAYAN MO ANG NANAY MO!

Away po nang away ang mother ko at ang wife ko. Kung pareho po silang may katwiran at pareho silang ayaw magbigay sa isat-isa, sino po ang kakampihan ko?

Q - Away po nang away ang mother ko at ang wife ko. 
Kung pareho po silang may katwiran at pareho silang ayaw magbigay sa isat-isa, sino po ang kakampihan ko?
A - 
Wala kang dapat kampihan sa away ng mga babaeng yan.
Pero tandaan mo lang,
Ang partner ng nanay mo ay ang tatay mo, hindi ikaw.
Ang partner mo ay ang asawa mo, hindi ang nanay mo

What you can say about saving for the retirement then?.. Are we just going to prioritize doing whatever we wanna do and think that retirement is not that important as today?. kasi, kami po ng asawa ko, we love to save money.

Q -What you can say about saving for the retirement then?.. Are we just going to prioritize doing whatever we wanna do and think that retirement is not that important as today?. kasi, kami po ng asawa ko, we love to save money.
A - 
Save some, spend some, proportionately to your priority. 
Parang sayang naman kung puro pang retirement na lang ang pera at wala nang naenjoy before retirement.
Lalu namang tragic kung puro spend now tapos walang retirement fund.

Paano po ba maging isang mabuting kristiyano? bakit po mahirap ang magpakabuti ngunit ganun na lang kadali gumawa ng mali, paano tayo maliligtas kung everyday of our life vunerable tayo magkasala.

Q - Paano po ba maging isang mabuting kristiyano? bakit po mahirap ang magpakabuti ngunit ganun na lang kadali gumawa ng mali, paano tayo maliligtas kung everyday of our life vunerable tayo magkasala.
A -
Dapat i-review ang concept of sin / kasalanan.
Sobrang daming gawa ang itinuturing ng religion na kasalanan.
Ang tanong, tama ba ang lahat ng opinion/teachings ng religion tungkol sa kasalanan? Kasalanan nga ba? 
MADALAS, MAS MAHIGPIT AT MAS MASUNGIT ANG RELIGION KESA SA DIOS MISMO.
Yan nga ang ginawa ni Jesus: binawasan at sobrang pinakonti ang mga batas at bawal kasi wala namang makasunod.
At dahil na rin marami sa mga religious laws ay man-made; hindi naman talaga galing sa Diyos.

Sobra pong pakawala ang kapatid kong babae. Laging kumakabit kung kani-kaninong lalake at tatlong ulit na nga pong nagbuntis at nanganak pero hindi pa rin tumitigil. Lagi po syang nai-involved sa married men. Sobra na pong desmayado ang mother namin at pati kaming magkakapatid at gusto na po namin syang itakwil. Kahiya na pong sobra sa buong community. Bakit po kaya sya ganun, hindi tablan ng pangaral at hindi natututo kahit maraming beses nang nalaspag?

Q - Sobra pong pakawala ang kapatid kong babae. Laging kumakabit kung kani-kaninong lalake at tatlong ulit na nga pong nagbuntis at nanganak pero hindi pa rin tumitigil. Lagi po syang nai-involved sa married men. Sobra na pong desmayado ang mother namin at pati kaming magkakapatid at gusto na po namin syang itakwil. Kahiya na pong sobra sa buong community. Bakit po kaya sya ganun, hindi tablan ng pangaral at hindi natututo kahit maraming beses nang nalaspag?
A -
Victim din ang kapatid mo---victim ng kanyang personality, maybe ng genetics. Puede kasing naipon sa kanya ang mga ganyang ugali/ personality ng ibat-ibang nyong ancestors. Hindi naman napipili ng tao kung kani-kaninong genes ng mga ninuno ang lalabas sa kanyang personalidad.
Ang in-born traits are not chosen, so the person cannot change much. Or the person may not even see the reason/ need for change.

Q - Tito, Ang boyfriend ko po kasi kapag online sya sa facebook madalas hindi nya ako chinachat. Ako rin po naghihintay lang na sya yung umunang mag chat sa'kin. Dapat po ba akong magpapansin (chat-tin sya) araw-araw whenever online sya o manahimik nalang ako at hayaan syang gawin kung anong gusto nya kapag online sya? Baka kasi nag oover react as a gf lang ako. May nagsabi kasi sakin maski boyfriend/girlfriend pa hindi nyo pa pag-aari ang isa't isa. Totoo po ba yun?

Q - Tito, Ang boyfriend ko po kasi kapag online sya sa facebook madalas hindi nya ako chinachat. Ako rin po naghihintay lang na sya yung umunang mag chat sa'kin. Dapat po ba akong magpapansin (chat-tin sya) araw-araw whenever online sya o manahimik nalang ako at hayaan syang gawin kung anong gusto nya kapag online sya? Baka kasi nag oover react as a gf lang ako. May nagsabi kasi sakin maski boyfriend/girlfriend pa hindi nyo pa pag-aari ang isa't isa. Totoo po ba yun?
A -
Kahit naman asawa hindi pa rin pag-aari ng partner. :-)
Kung hindi ka china-chat, mas class na manahimik ka.
Baka may ibang gustong kausap sa oras na yon?
Although puede namang mag "hi" ka peron kung obvious na hindi sya ganung ka-eager maki-chat with you, let him be.

Q - Ano po ang pwedeng sabihin sa isang 20-year-old, good looking guy na gustong magpakamatay dahil iniwan ng GF?

Q - Ano po ang pwedeng sabihin sa isang 20-year-old, good looking guy na gustong magpakamatay dahil iniwan ng GF?
A -
Sabihin mo, palampasin lang nya ang difficult moment na ito.
Temporary lang ka mo ang pain nya. Lilipas din.
At marami pa ka mong candidates na maging GF nya.
Just survive the few days na mahirap ang pakiramdam.
Maglibang. Magdasal. Huwag magmukmok.

Sunday, 12 March 2017

Listen to preachers / teachers / "gurus" if you want, but be the one to apply their teachings in your own life. Do not ask them

Listen to preachers / teachers / "gurus" if you want,
but be the one to apply their teachings in your own life.
Do not ask them 

Listen to preachers / teachers / "gurus" if you want, but be the one to apply their teachings in your own life. Do not ask them

Listen to preachers / teachers / "gurus" if you want,
but be the one to apply their teachings in your own life.
Do not ask them 
- WHAT to do in/with your life
- HOW to live your life.
You would only submit yourself to them as a robot.
Hear their teachings if you like
then decide for yourself
WHAT to do with
and
HOW to live your life.

Q - How can I join organized religion and still exercise my God-given free will?

Q - How can I join organized religion and still exercise my God-given free will?
A -
IF YOU WANT TO EXERCISE YOUR FREE WILL, 
DO NOT JOIN ORGANIZED, CORPORATE RELIGION AT ALL! :-)
Corporate religion is usually obsessed with control of people.
But if you really want to
- join one and still keep your free will
=
- have your cake and eat it too,
1. Join a group that does not control too much the member's personal will / lives.
One that "controls" only organized events and activities for the sake of order, but does not police the members' private lives.
2. Join a group but only minimally; do not get too active, too involved, too known. Especially, do not be a leader or a visible "worker" because people will scrutinize even your private life.
3. LISTEN TO THE TEACHINGS but
- study /examine
- decide by yourself, for yourself
HOW MUCH you would obey / submit yourself

While man is made in God's image

While man is made in God's image,
men also make God in their image.
Lumilikha ang tao ng imahen ng Diyos na kamukha at katulad nila.
Sa masungit na tao, masungit ang Diyos.
Sa mabait na tao, mabait ang Diyos.
Kanya-kanyang gawa ng imahen ng Diyos.
KASI ANG IMAHEN NG DIYOS NILA ANG TAGA-VALIDATE NG PAGKATAO NILA.

Persons, communities, civilizations create an image of their god that

Persons, communities, civilizations create an image of their god
that 
- represents them and their ideals.
- validates them.
- promotes their tribal. national or imperial interests.
- justifies and moralizes their wars with other tribes.
- makes them the center and star of the universe.
THEY MAKE THEIR GOD IN THEIR OWN IMAGE TO PROMOTE THEMSELVES.

Bakit po may mga church leaders na ayaw i-post sa internet ang worship services nila?

Q - Bakit po may mga church leaders na ayaw i-post sa internet ang worship services nila?
A -
Baka katwiran nila na puedeng hindi na dumalo personally ang mga tao?
Pag hindi sila dadalo personally, hindi sila
1. madi-disciple ng husto / tama?
2. makiki-fellowship ng personal?
Wala silang personal support group?
3. makakapag-serve;
sila na lang ang mapaglilingkuran at mapakakain
pero hindi sila makakatulong?
4. makakapag-support sa ministry?

Tuesday, 7 March 2017

Bakit po hindi na kayo madalas mag-guest sa mga tv talk /interview shows tulad noong dati? -Ed Lapiz

Q - Bakit po hindi na kayo madalas mag-guest sa mga tv talk /interview shows tulad noong dati?
A -
Usually very FRUSTRATING
magpa-interview o mag-guest sa TV o sa radio.
Maraming "media" talk show hosts ay medya-medya, hindi marunong mag- interview!!!
Walang kaalam-alam! O kaya nakikipag-contest sa guest.
Puro daldal, at yung "ideas" nya ang ibinabalandra samantalang ikaw ang interviewee!
At marami sa kanila, walang preparation.
Walang research tungkol sa topic o sa tungkol sa guest.
So yung "interview" nyo, nagiging parang initial research in preparation for THE interview.
O kaya, may preparation ng host at pilit nyang ipaparada ang kanyang "karunungan" at the expense of the guest.
Tapos, matapos mong mag-ubos ng oras pumunta sa station nila,
ang iksi ng oras ng tunay na talk! Dekorasyon ka lang. Parang deodorant or cosmetic. Sayang.
And for all your effort, bibigyan ka ng isang mini basket ng promo products ng sponsors nila
habang yung mga magagaling na hosts ay binabayaran ng malaki!??
Naku!
Kanila na lang ang mga interview-interview nila. 

Di po ba dapat pakasalan ni lalake si babae pag nabuntis nya?

Q - Di po ba dapat pakasalan ni lalake si babae pag nabuntis nya? Pag buntis na, ang hirap pong maghabol sa lalaki para hingan ng kasal!
A - Mas dapat na humingi muna si babae ng kasal BAGO tumihaya. Para pag nabuntis sya, di na kailangang maghabol pa.
Q - Ay! Wala pong lalaking papayag?! Hindi naman po sila ganung ka-serious agad para magpakasal na.
A - Di pala serious, eh bakit ka titihaya, babae? Tapos, maghahabol ka ng kasal kung kelan nakalunok ka na ng pakwan? Sorry na lang kaya.
Dapat talaga, panagutan yan ni lalake. Pero maraming dapat ang hindi nangyayari sa mundong ibabaw. Kaya kipit-kipit na lang pag may taym.

Humanism" as philosophy?

Q - Tito ano po ba ang "Humanism" as philosophy? Bakit po allergic sa humanism ang ilang religious teachers?
A -
Let's ask the Wiksionary / Wikipiedia:
"Humanism is a philosophical and ethical stance that emphasizes the value and agency of human beings, individually and collectively, and generally prefers critical thinking and evidence (rationalism, empiricism) over acceptance of dogma or superstition. The meaning of the term humanism has fluctuated according to the successive intellectual movements which have identified with it.[1] Generally, however, humanism refers to a perspective that affirms some notion of human freedom and progress. In modern times, humanist movements are typically aligned with secularism, and as of 2015 "Humanism" typically refers to a non-theistic life stance centred on human agency and looking to science rather than revelation from a supernatural source to understand the world.[2][3]"
----------------------------------------------------
Hindi siguro comfortable ang ilang religious teachers because HUMANISM
GIVES IMPORTANCE to the human individual or group over excessive / total control of religious dogma / doctrine.
Hindi sang-ayon ang Humanism na masa-sacrifice ang kalagayan, kapakanan, ginhawa o karapatan ng human beings dahil sa enforced religious control.
Humanism also places great importance to Science over Tradition / Superstition / Religious Dogma as teacher of natural truth.

Gusto ko na po talagang umalis sa church na ito kasi lahat po ng tungkol sa pagkatao ko ay pinakikialaman at gustong baguhin. Di po ba acceptance ang turo ni Jesus?

Q - Kinausap po ako ng church leaders.
Magbago daw po ako kasi sobra akong makatawa. Bawasan ko raw po kasi napagtsitsimisan na raw ako ng mga conservative at dahil sa akin ay nagkakasala ang marami?
Sobra po nilang pinahahalagahan yng panlabas na kilos, anyo, kasuotan at ang gusto nila yung para kang manekin, walang kibo, laging kimi at opo lang ng opo.
Gusto ko na po talagang umalis sa church na ito kasi lahat po ng tungkol sa pagkatao ko ay pinakikialaman at gustong baguhin.
Di po ba acceptance ang turo ni Jesus?
Bakit dito po, rejection ang nararamdaman ko?
A -
Go pamangkin!
Now na! :-)

The Jesus fellowship

The Jesus fellowship is a 
- sanctuary
- community of acceptance, love, restoration and nourishment,
NOT
a personality reprogramming factory to remold people in the image of Pharisees.

Q - Ang spiritual community po na naaniban ko ay hindi pala loving, In fact, mabagsik, controlling, self-righteous, judgmental and even unkind to sinners or members who fail. Hindi po ako makaalis kasi ito raw pong group namin ang totoo, tama at tunay na church ni Christ at kami lang daw po ang tunay na maliligtas?

Q - Ang spiritual community po na naaniban ko ay hindi pala loving,
In fact, mabagsik, controlling, self-righteous, judgmental and even unkind to sinners or members who fail. Hindi po ako makaalis kasi
ito raw pong group namin ang totoo, tama at tunay na church ni Christ at kami lang daw po ang tunay na maliligtas?
A -
Sabi mo
mabagsik, controlling, self-righteous, judgmental and unkind
tapos
NANINIWALA KA NA tama, totoo, tunay na church of Jesus yan?
Eh kabaligtaran ni Jesus ang mga sinabi mo.
At kung totoong sila/ kayo lang ang ligtas,
YAN BANG MGA GANYANG RELIHIYOSO ang gusto mong makasama sa eternity?

Bakit po ang daming manloloko sa loob ng church? Kung sino pa ang sister/brother, scammer pala o balasubas?

Q - Bakit po ang daming manloloko sa loob ng church? Kung sino pa ang sister/brother, scammer pala o balasubas?
A - Maraming manloloko sa lahat ng dako o grupo;
mas marami lang naloloko sa loob ng church kasi maraming mapagtiwala agad sa iba pag kapwa member.
In other words, mas marami lang nagpapaloko sa loob ng church dahil sa simplistic, childlike, naive trust.
At may mga PREFOESSIONAL manloloko na talagang umaanib kunwari sa church to win people's trust. Then they attack like wolves among sheep.
Kaya sabi ni Jesus, be careful like sheep among wolves.

Friday, 3 March 2017

Start A Small Group Under Day By Day Christian Ministries by Pastor Ed Lapiz

May Bible Study Guides /Lesson Plans on / for:
Salvation
Basic Christian Growth
Advance Christian Growth
Youth Groups
Women's Groups
Men's Groups
Etc

Email Ruby and request for your free BS Guide. daybydayoffice@gmail.com