Q - Tito di po ba dapat handa ang believer pag biglang end times na pala?
A - Kung believer eh di handa na talaga anytime?!
Anong paghahanda pa ba ang puedeng gawin ng believer?
Di ba ang believer tumanggap na kay Jesus? Eh di handa na!
Di ba ang tunay na believer, living a godly life? Eh di handa na!
Di ba ang believer ay soul winner? Eh di tinutulungan na nya ang ibang maging handa rin?
SO ANU PANG PAGHAHANDA ANG GAGAWIN?
Matatakot?
Mag-aabang?
Ititigil ang normal na buhay para abangan ang "end times"?
Real believers should live life as normally as possible, end times or no end times.
Do the most good --- always.
That would be readiness.
At dumating man O HINDI ang inaabangan ---sa oras na inaasahan---
walang kalugihan.
But if you would suspend normal living,
stop all the works of normal life,
magre-resign sa trabaho,titigil sa schooling,
ibebenta lahat ng ari-arian at ido-donate sa end-time teacher/leader,
etc.
TAPOS HINDI NAMAN DUMATING YUNG INAASAHAN MO SA ORAS NA INAAKALA MO,
EH DI LUGI KA tulad ng napakarami nang taong itinigil ang lahat ng buhay,
hanapbuhay at mga gawain,
naghintay,
pero hindi naman dumating as expected ang hinihintay.
Tapos kung anu-anong excuses ang ibinibigay sa maling prediction,
at sige na naman, resetting their end-time clocks till the next "appointed time" na naman.
No comments:
Post a Comment