Wednesday, 12 April 2017

LINDOL Trauma / Fear / Phobia

LINDOL Trauma / Fear / Phobia
Q -
Isa po ako sa natrauma at naging victim ng takot ko sa earthquake nun June 1990. 6yrs old po ako. Nsa school that time at ng mangyari yun ay kasalukuyan pauwi na kami ng kapatid ko sa amin. Since then, nag-iba na po ako. Ayokong magpaiwan sa school sa parents ko, ayokong may aalis o iiwan. Hindi po ako sanay bumyahe mag-1. Naging late Bloomer po ako. I'm having a hard time po umalis sa comfort zone ko. Bibihira po ako lumabas o magtravel. Ngayon po na may chance ako na magtravel natatakot po ako. Pero po whenever I prayed. Lagi pong nireremind ni God sa akin yung love NIYA sa atin. Madalas po praning lang siguro po ako. Tito pastor, isama mo po ako sa prayers nyo po ha? And I wish makarinig po kami ng insight mo about sa nangyayari ngayon sa atin bansa and how you deal with your fears. Madalas po kasi imbes na lumakas ang loob natin dahil sa mga ibang post mas natatakot o napapanghinaan po ng loob ang mga kababayan natin.salamat po tito pastor, God bless po!
A -
1. Pray as much as you can / needed.
2. Kausapin mo ang isip mo.
Your brain remembers yours fears noong unang nakaexperience ka ng lindol. Kaya twing may lindol ulit, o twing maisip mo ang lindol, naalala ng brain mo ang fear mo noon.
Gusto ng brain mo na i-protect ka sa kinatakutan mo noon (Lindol) at sa pag-iisa --- at sa takot na matakot.
Nadodoble tuloy ang kinatatakutan mo.
Tinatakot ka ng isip mo
 sa pagsisikap nito na iiwas ka na maulit ang karanasan mo sa lindol at sa pag-iisa.
Siempre, pag natakot ka iiwas ka sa lindol at sa pag-iisa.
Kaya lang pano naman iiwasan ang lindol at pag-iisa?
Kaya ito ang gawin mo:
TWING TINATAKOT KA NG ISIP /MEMORY MO,
KAUSAPIN MO sya AT SABIHING MO:
"Thank you sa pagpapa-alala mo sa akin sa lindol noon at sa naging takot ko.
Alam ko pinaaalalahanan mo at tinatakot akong muli para iiwas ako, para tumakas ako sa lindol at sa pag-iisa.
Pero ang nangyari noon ay hindi naman necessary na mangyayari ulit.
At hindi naman totally maiiwasan ang lindol at ang pag-iisa.
KAYA THANK YOU, BUT NO THANK YOU SA REMINDER.
Huwag mo na akong paalalahan sabay takutin.
Bata pa lang ako noong una akong natakot kaya mas helpless and clueless ako noon. Pero ngayon, mas mature na ako, mas able at mas maalam kaya mas alam ko na ang gagawin.
KAYA HWAG MO NA AKONG TAKUTIN SA LINDOL, SA PAG-IISA, AT SA TAKOT NA MATAKOT."
GANITO rin ang gawin mo sa lahat ng iba mo pang fears, anxieties and phobias.
Kausapin mo ang isip mo na hwag ka nang laging paalalahan ng scary experience mo noon. Na huwag ka nang takutin.
Sabihin mo sa utak mo, ang Diyos at ikaw na ang bahala.
THIS SHOULD BE A VERY EFFECTIVE WAY NA MAKALAYA SA PHOBIA, fear, anxiety, panic attack, etc. kasi ang fears ay dahil lang sa pag-alala sa past. Forget the phobic fears of the past.
Instead, always PRAY positively, thankfully, gladly.
Philippians 3:13 (NIV)
13....But one thing I do: Forgetting what is behind and straining toward what is ahead,

No comments:

Post a Comment