Friday, 7 April 2017

People who are full of self-hatred, self-condemnation, guilt, frustrations and self-anger need someone else to project their dark side on. People need "witches, heathens/unbelievers, perverts, strangers," etc to hate so they could divert their destructive energies away from their self-righteous and hypocritical selves.

Lumulikha ang tao na mga "aswang" para magkaron sila ng pagtutuunan ng kanilang mga muhi, galit, pandidiri at paninira sa sarili. Ang aswang ng bawat lipunan ay ang imahen ng kanilang madilim at lihim na pagkatao na itinatanggi nila at kailangan nilang ibintang sa iba. Kaya ang magnanakaw ay galit sa kapwa magnanakaw. Ang makasalanan ay naglilinis-linisan at unuusig sa ibang "marumi", para mailayo sa sarili ang liwanag at pananagutan.
Ang mag taong galit sa sarili ay lumilikha ng kani-kanilang "aswang" na kamumuhian at pupuksain.

Kung walang aswang, pagtuunan at pag-initan na lang ang kapwa mananampalataya na may "kakaibang" pananaw o gawi. Basta dapat laging may pinupukol, inaaway, winawasak. Kasi kung hindi, tuluyan nang ang sarili ang wawasakin.
Kaya hanggang ngayon, wala pang nahuhuli, naitatali, nasusukol o nabibihag na aswang: Kasi ang aswang ay nasa kalooban ng mga naglilinis-linisang lipunan.

No comments:

Post a Comment