Sunday, 23 April 2023

NEW EL BOOK COMING UP!

 NEW EL BOOK COMING UP!

SAMPLER PAGE
---
Working Title:
JESUSNESS TO GUILTLESSNESS
People are tormented by many “inner demons.” Maraming mga pagdurusa at paghihirap ng loob ang mga tao na para bang ang kanilang kalooban ay lagi na lang ginugulo ng mga "masasamang espiritu". One such cruel “inner demon” is guilt or the accusation of guilt. Maraming nabubuhay na may bigat at sikip ng loob dahil sila’y inuusig ng sariling budhi ---dahil sila ay binabagabag ng tinatawag na guilt. Satan, who Revelation 12:10 calls “the accuser” stops at nothing to accuse us. Wala siyang ginawa kundi usigin, pasamain ang loob, takutin ng mga parusa, at laging pahirapan ang loob ng mga tao dahil sa mga pagkakamaling nagawa. Guilt bothers, disturbs, vexes, troubles and agitates people. It causes grave and untold misery and sufferings. Gaano karaming pagdurusa at hirap ng loob at iba pang serious complications ang dinaranas natin dahil diyan ---dahil sa mga nagawa natin noon na hanggang ngayon ay hindi pa natin naipapatawad at patuloy pang isinisisi sa sarili? Ano ang kinalaman ni Jesus at ang kanyang ministeryong JESUSNESS sa kalagayan nating ito?
What is the relationship between people and guilt? People are conditioned by culture to be and to feel guilty. The religious, social and even legal culture of civilizations condition people to feel bad about themselves. Very especially, the religious. Mapapansing mas relihiyoso ang tao, mas laging maraming guilt, mas maraming pag-uusig, mas maraming dinaramdam. And pointedly, the so-called “people of the book” like Jews and Christians ay ganyan ---people who live verse-by-verse in the Scriptures of their tradition. Such people might as well be called, “people BY the book”: living by the book, by words, by legality, by technicalilty. Paano ka ba naman hindi mapupuno ng guilt, e nandiyan ang Ten Commandments na bawat isa ay kay hirap-hirap sundin? Meron pang 613 mitzvots na dinevelop ang Israel. Idagdag pa dito ang numberless and ominipresent doctrines developed out of the Ten Commandtments and 613 mitzvots. What about the additional traditions, regulations, policies, disciplinary rules of congregations developed post-Jesus, in the lasr two millenia? Napakabigat na dalahin ng mga relihiyosong tao ang sangkaterbang bawal na napakahirap naman, if not really impossible sundin. At kung nasusunod man ay paminsan-minsan lang dahil mahirap naman talagang sundin all the time.
Kaya ang pinakamadalas na tanong ng mga tao, “Bakit ganon, nagsisimba naman ako, pero hindi pa rin ako nagbabago? Bakit nagbalik-loob na ako pero meron pa akong ganitong ugali at bisyo? Bakit kahit nagbabasa na ako ng Bible, magagalitin pa rin ako?” Ang daming guilt. Many people even feel guilty for not feeling guilty. Merong gagawa ng isang bagay na sa tingin nila ay mali, tapos sasabihin nila, “I feel guilty for having done something wrong.” Meron namang, “Bakit kahit alam kong may ginawa akong mali, hindi ako nagi-guilty? Nakaka-guilty namang hindi ako nagi-guilty.” Laging may guilt na nasa loob ang mga tao. Tama ba ito o mali? Tama bang ma-guilty o hindi?
AT ANO NAMAN ANG KILALAMAN DITO NI JESUS ---NG JESUNESS?
------------

No comments:

Post a Comment