"I LOVE YOU WITH THE LOVE OF THE LORD!" ???
Q - Naanakan po ako at ibinahay naman ng BF ko long ago though we remained unmarried for many reasons. Then, nag-join po kami sa isang born again church at nagkaron ng ministries which we both loved doing. Lately, biglang may nagkalat ng balita sa kapatiran na hindi kami kasal ---at agad-agad kaming ipinatawag ng elders, inisbestiga, at nang ipagtapat naming di nga kami kasal, bigla kaming inalis sa ministry at pinulpito. Inutos po sa aming pakasal agad-agad at lagi kaming sinisita kung pakakasal na kami. KASO po, hindi pa talaga kami sure kung pakakasal---sobrang daming seemingly irreconcilable differences na malamang ay maghiwalay lang kami kahit pakasal pa. Lalu lang maco-complicate.
Meanwhile, nanlamig po ang pakikitungo sa amin ng lahat sa church; para po kaming may virus. Tinanggal kami sa mga chat groups at online Bible studies.
Pag dumadalo kami sa services, walang kumakausap sa amin. Si partner ko po, tumigil nang dumalo: nainis, nagalit, nalungkot. Ako naman, trying hard na dumalo pa rin, pero nagiging stressor na po sa akin ang pagdalo. I don't feel welcome, lalu na sa traditonal welcome singing namin na may "I love you with the love of the Lord..." WALA PONG KUMAKAMAY SA AKIN. At sa sermon po ay lagi akong pinariringan, pinatatamaan at habang binabaril ako from the pulpit at tinginan at lingunan sa akin ang madla na ang mga mukha nila ay parang electric fans na sabay-sabay humaharap sa akin with matching matataim na irap. Nakakabaliw po Tito. Torture chamber ang church!
What to do po, Tito?
A -
1. Pakasal to the Church's satisfaction?
Bahala nang lalu pang magkabuhul-
buhul ang lahat later?
OR
2. Wag pa rin pakasal pero patuloy dumalo sa church to everyone's horror and discomfort ---and your agony?
OR
3. Wag pa rin pakasal at wag na munang dumalo sa church na yan para makapahinga at matahimik muna kayong lahat? Ayusin nyo munang mag-partner ang samahan/dynamics nyo para mapagpasiyahan kung ano ang magandang gawin in short and long terms? DISTANCE MUNA SA LOVING KAPATIRAN?
No comments:
Post a Comment