MGA KWENTONG "KABANALAN"
*
AWANG-AWA po ako sa pamangkin ko,
anak ng kapatid kong babae na ang asawa ay born again church leader. Ikinasal po si pamangkin sa ibang church/religion kaya yung mga magulang nya ay hindi umattend. Una, unbeliever daw po yung mapapangasawa, tapos sa ibang religion pa pakakasal. Mali po daw yun na pumasok sa ibang simbahan.
Naawa ako sa pamangkin ko dahil kinasal sya walang parents.
A - Kung naniniwala naman kay Jesus at sa God the Father eh di HINDI naman "unbeliever" ---iba lang ang religious label?
At anu naman kung pumasok sa ibang religious building? Pumapasok nga sa palengke, mall, eroplano, barko, etc. At baka nga bago na-"born again" ay talagang pumapasok naman sa ganung building? Mawawala pa ba naman ang kaligtasan kung dumalo sa kasal ng sariling anak, kahit pa nga sa ibang building?
Bakit di na lang magpaka-magulang sa mga ganyang pagkakataon ---para sa anak?
No comments:
Post a Comment