Sunday, 30 April 2023

WHY/WHEN GOD HATES DIVORCE by Pastor Ed Lapiz

UNAHIN TALAGA ANG CHURCH MINISTRY???

 UNAHIN TALAGA ANG CHURCH MINISTRY???

Q - Matthew 6:33
“Seek first the kingdom of God”.
Ibig sabihin po ba ay unahin ang church and ministry above all others? Na ibigay ang lahat ng Time, Talent and Treasure
sa church; wag aabsent kahit ano ang dahilan? Isuko sa church ang dreams, plans, ambitions, wants, desires, etc.?
A - Noooo!
“Kingdom” does not mean “church” or church work! Ang “Kingdom of God” ay ang isip at puso ng tao na pinaghaharian ng God’s peace of mind and emotional rest.
Sabi ni Jesus, “The Kingdom of God is in you —within you!”
So hindi church yung “kingdom”.
Lalung hindi church work na madalas ay sya pa ngang stressful at kapagod.
Unahin daw kung ano ang nagbibigay ng peace and rest kesa sa vexing, troubling. magulo at kapagod na materialism.
Unahin ang payapa at restful na paghahari ng Dios sa kalooban kesa ang paghahari ng gulo pag materialistic.
Mas pahalagahan ang peace of mind higit sa guilt feelings; yung wag gumawa ng uusig sa budhi kahit pa nga mas magbibigay ng material gain/fortune or fame. Wag unahin yung "lust of the flesh, lust of the eyes and pride of life" kung makagugulo naman sa isip at makakasasakit ng damdamin o makakapagpa-worry.
Makuntento sa konti at simple kesa naman maghabol sa marami at marangya pero nagpapagulo ng isip o nagpapagulo ng samahan at pakikipagkapwa-tao. Kaya:
Proverbs 15:17 NIV
Better a small serving of vegetables with love than a fattened calf with hatred.
---
Mas pahalagahan ang peace of mind and rest of the heart higit sa anu pa mang material gain.
JESUS SETS FREE:
Nagkakalag, hindi nagtatali.
Nagapapalaya, hindi nagkukulong.
Nagpapaluwag, hindi nananakal.
Nagpapagaan, hindi nagpapabigat.
Matthew 11:28-30 ERV
“Come to me all of you who are tired from the heavy burden you have been forced to carry. I will give you rest. Accept my teaching. Learn from me. I am gentle and humble in spirit. And you will be able to get some rest. Yes, the teaching that I ask you to accept is easy. The load I give you to carry is light.”
*
APPLY THIS SA ---especially sa---"MINISTRY".
Hindi dapat nagtatali, nagkukulong, nananakal, nagpapabigat, nagli-limit,
namimilit ang ministry/church.
Sabi ni Jesus:
Mark 2:27 NIV
Then he said to them, “The Sabbath was made for man, not man for the Sabbath.
OR
Mark 2:27 ERV
Jesus said to the Pharisees,
“The Sabbath day was made to help people. People were not made to be ruled by the Sabbath.
---
THE CENTRAL IDEA /The teaching of Jesus: "Unahin ang kapakanan at ikabubuti ng tao above
- the Sabbath.
= religious laws.
= non-work or work
= ministry."
Substitute
"MINISTRY" for "SABBATH"
=
“MINISTRY was made for man, not man for MINISTRY.
OR
Mark 2:27 ERV
Jesus said to the Pharisees,
“MINISTRY" was made to help people. People were not made to be ruled by MINISTRY.
---
DO NOT LET MISUNDERSTANDING,
MISINTERPRETATION and MISAPPLICATION of Matthew 6.33
rob you (in Jesus' name pa naman!) of ALL Time, Talent, Treasure, rest, freedom and fullness of life that Jesus himself wants for you.
Do not let "church/ministry" be another "god" or an oppressive taskmaster in place of GOD/JESUS.
Galatians 5:1 ERV
We have freedom now, because Christ made us free. So stand strong in that freedom. Don’t go back into slavery (under religion and religious laws) again.

Monday, 24 April 2023

"I LOVE YOU WITH THE LOVE OF THE LORD!" ???

 "I LOVE YOU WITH THE LOVE OF THE LORD!" ???

Q - Naanakan po ako at ibinahay naman ng BF ko long ago though we remained unmarried for many reasons. Then, nag-join po kami sa isang born again church at nagkaron ng ministries which we both loved doing. Lately, biglang may nagkalat ng balita sa kapatiran na hindi kami kasal ---at agad-agad kaming ipinatawag ng elders, inisbestiga, at nang ipagtapat naming di nga kami kasal, bigla kaming inalis sa ministry at pinulpito. Inutos po sa aming pakasal agad-agad at lagi kaming sinisita kung pakakasal na kami. KASO po, hindi pa talaga kami sure kung pakakasal---sobrang daming seemingly irreconcilable differences na malamang ay maghiwalay lang kami kahit pakasal pa. Lalu lang maco-complicate.
Meanwhile, nanlamig po ang pakikitungo sa amin ng lahat sa church; para po kaming may virus. Tinanggal kami sa mga chat groups at online Bible studies.
Pag dumadalo kami sa services, walang kumakausap sa amin. Si partner ko po, tumigil nang dumalo: nainis, nagalit, nalungkot. Ako naman, trying hard na dumalo pa rin, pero nagiging stressor na po sa akin ang pagdalo. I don't feel welcome, lalu na sa traditonal welcome singing namin na may "I love you with the love of the Lord..." WALA PONG KUMAKAMAY SA AKIN. At sa sermon po ay lagi akong pinariringan, pinatatamaan at habang binabaril ako from the pulpit at tinginan at lingunan sa akin ang madla na ang mga mukha nila ay parang electric fans na sabay-sabay humaharap sa akin with matching matataim na irap. Nakakabaliw po Tito. Torture chamber ang church!
What to do po, Tito?
A -
1. Pakasal to the Church's satisfaction?
Bahala nang lalu pang magkabuhul-
buhul ang lahat later?
OR
2. Wag pa rin pakasal pero patuloy dumalo sa church to everyone's horror and discomfort ---and your agony?
OR
3. Wag pa rin pakasal at wag na munang dumalo sa church na yan para makapahinga at matahimik muna kayong lahat? Ayusin nyo munang mag-partner ang samahan/dynamics nyo para mapagpasiyahan kung ano ang magandang gawin in short and long terms? DISTANCE MUNA SA LOVING KAPATIRAN?

Sunday, 23 April 2023

MORE THAN ONE BLESSINGS 💖💖💖 ED LAPIZ

NEW EL BOOK COMING UP!

 NEW EL BOOK COMING UP!

SAMPLER PAGE
---
Working Title:
JESUSNESS TO GUILTLESSNESS
People are tormented by many “inner demons.” Maraming mga pagdurusa at paghihirap ng loob ang mga tao na para bang ang kanilang kalooban ay lagi na lang ginugulo ng mga "masasamang espiritu". One such cruel “inner demon” is guilt or the accusation of guilt. Maraming nabubuhay na may bigat at sikip ng loob dahil sila’y inuusig ng sariling budhi ---dahil sila ay binabagabag ng tinatawag na guilt. Satan, who Revelation 12:10 calls “the accuser” stops at nothing to accuse us. Wala siyang ginawa kundi usigin, pasamain ang loob, takutin ng mga parusa, at laging pahirapan ang loob ng mga tao dahil sa mga pagkakamaling nagawa. Guilt bothers, disturbs, vexes, troubles and agitates people. It causes grave and untold misery and sufferings. Gaano karaming pagdurusa at hirap ng loob at iba pang serious complications ang dinaranas natin dahil diyan ---dahil sa mga nagawa natin noon na hanggang ngayon ay hindi pa natin naipapatawad at patuloy pang isinisisi sa sarili? Ano ang kinalaman ni Jesus at ang kanyang ministeryong JESUSNESS sa kalagayan nating ito?
What is the relationship between people and guilt? People are conditioned by culture to be and to feel guilty. The religious, social and even legal culture of civilizations condition people to feel bad about themselves. Very especially, the religious. Mapapansing mas relihiyoso ang tao, mas laging maraming guilt, mas maraming pag-uusig, mas maraming dinaramdam. And pointedly, the so-called “people of the book” like Jews and Christians ay ganyan ---people who live verse-by-verse in the Scriptures of their tradition. Such people might as well be called, “people BY the book”: living by the book, by words, by legality, by technicalilty. Paano ka ba naman hindi mapupuno ng guilt, e nandiyan ang Ten Commandments na bawat isa ay kay hirap-hirap sundin? Meron pang 613 mitzvots na dinevelop ang Israel. Idagdag pa dito ang numberless and ominipresent doctrines developed out of the Ten Commandtments and 613 mitzvots. What about the additional traditions, regulations, policies, disciplinary rules of congregations developed post-Jesus, in the lasr two millenia? Napakabigat na dalahin ng mga relihiyosong tao ang sangkaterbang bawal na napakahirap naman, if not really impossible sundin. At kung nasusunod man ay paminsan-minsan lang dahil mahirap naman talagang sundin all the time.
Kaya ang pinakamadalas na tanong ng mga tao, “Bakit ganon, nagsisimba naman ako, pero hindi pa rin ako nagbabago? Bakit nagbalik-loob na ako pero meron pa akong ganitong ugali at bisyo? Bakit kahit nagbabasa na ako ng Bible, magagalitin pa rin ako?” Ang daming guilt. Many people even feel guilty for not feeling guilty. Merong gagawa ng isang bagay na sa tingin nila ay mali, tapos sasabihin nila, “I feel guilty for having done something wrong.” Meron namang, “Bakit kahit alam kong may ginawa akong mali, hindi ako nagi-guilty? Nakaka-guilty namang hindi ako nagi-guilty.” Laging may guilt na nasa loob ang mga tao. Tama ba ito o mali? Tama bang ma-guilty o hindi?
AT ANO NAMAN ANG KILALAMAN DITO NI JESUS ---NG JESUNESS?
------------

Mark 6:30-31

 Q – Tama po ba for church to require members to convert and recruit new members in ever-increasing numbers to the point of pagod/exhaustion?

At talaga pong inire-report, binibilang at chine-check, to the point na sobrang nakaka-pressure at wala nang joy?
A - Let’s see what Jesus and his disciples did along that matter:
Mark 6:30-31
The apostles gathered around Jesus and reported to him all they had done and taught. Then, because so many people were coming and going that they did not even have a chance to eat, he said to them, “Come with me by yourselves to a quiet place and get some rest.”
• The apostles were not required to report.
Out of joy, they volunteered to share their experiences.
• Walang bilangan ng converts.
• The sharing focused on WHAT they had
1. DONE (most probably healing, feeding, comforting, counseling, even raising some dead?).
2. TAUGHT the people: Message /Content /Lesson
The disciples GAVE to the people, not TAKE from them; they benefited their hearers, not themselves.
• So many people were coming and going. Sila ang pumupunta nang kusa kasi nakikinabang sila, hindi pinakikinabangan.
• Sobrang naging busy, napagod at nagutom ang disciples.
Hindi sila lalung pinagod ni Jesus; PINATIGIL sila sa “ministry”, inilayo sa field work, niyaya at pinangunahang
pumunta sa tahimik at relaxing/relaxed place to eat and rest.
Pinaiwan ni Jesus ang mga tao.
(Note: “Come with me by yourselves---KAYO LANG ---and get some rest.
Hindi (lang) sa converts/numbers focused si Jesus: Focused sya sa wellbeing ng workers, especially sa kanilang pagkain at pahinga.
THIS IS JESUS. THIS IS JESUSNESS.
Meanwhile, may teaching/comment si Jesus on this similar matter of recruiting converts:
Matthew 23:15-16 NIV
“Woe to you, teachers of the law and Pharisees, you hypocrites (WITH YOUR MOTIVES)! You travel over land and sea to win a single convert, and when you have succeeded, you make them twice as much a child of hell as you are.
• The work/What is DONE TO and TAUGHT the convert turn
him/her become like the missionary:
“a child of hell”---only twice as much!
Jesus calls the Pharisee a child of hell, which could mean
1. Suffering as if in hell. Victim of hell.
2. Promoter and recruiter to hell /hell-like physical, mental, emotional and spiritual condition.
3. Guilty at nagpapa-guilty.
4. Judgmental and teaching converts to be judgmental, too.
5. Hirap at nagpapahirap sa convert.
Pagod at pumapagod.
In all these, nagiging “twice as much a child of hell” ang recruits: napapahamak ---kasi matapos ma-recruit ay gagawin
ding recruiter/recruitment machine.
Ang “mission” ng Pharisee ay hindi para pakinabangIN ang recruit kundi para pakinabangAN.
SURIIN, URIIN ANG
- MISSION.
- GAWA AT ANG MESSAGE.
TEST FOR AND AVOID PHARISEENESS.
GO FOR JESUSNESS.

Matthew 10:34-36

 Q - Bakit po kung sino pa ang "brother/sister" sa church, kung sino pa ang dating kasama at kaisa sa faith, sya pa ang later ay kokontra, hihiwalay at maninira? Yung matapos kang I- unfriend, iba-bash ka pa, sisiraan ka ng bonggang-bongga sa church at sa mga common friends niyo, hahanap ng kakampi sa personal war nya against you… sasabihing naging kulto ka na—-at etc etc…

A - JESUS ALREADY SAID THAT WOULD HAPPEN. When Jesus teaches love and grace, those who are slaves and promoters of the Law and Judgement will oppose Jesus. THOSE WHO ARE BLINDLY INTO PHARISEENESS WILL OPPOSE AND MALIGN THOSE WHO ARE FOLLOWERS OF JESUS /JESUSNESS and those who teach God's Love and Grace. ......................... Matthew 10:34-36
“Do not think that I have come to bring peace to the earth. I did not come to bring peace. I came to bring trouble. I have come to make this happen:
‘A son will turn against his father.
A daughter will turn against her mother.
A daughter-in-law will turn against her mother-in-law.
Even members of your own family will be your enemies.’ ----JESUSNESS WILL BE A CLARIFICATORY TEACHING; IT WILL ESTABLISH THE DIVISION BETWEEN LAW AND GRACE, LOVE AND JUDGMENT, PHARISEENESS AND JESUSNESS. JESUSNESS IS ALSO A SURGICAL TEACHING: IT WILL SEPARATE GANGRENOUS LAW FROM RESTORATIVE GRACE. IT WILL ALSO UNMASK AND EXPOSE THE ENEMIES OF JESUS ---THE WOLVES AMONG SHEEP. More close to home: it will unmask long-time false friends.

 Q - Sa observation nyo po, what is real about romantic love?

A - You want what I have observed to be REAL about romantic love?
1. Na seasonal ito. Bihira na forever. Yung mga mukhang"forever", madalas ay nagpapatuloy lang dahil may nagtitiis, nagpapasensya, nagpapatawad, nakikipaglaban para sa pagtutuloy ng relasyon for other considerations.
2. Na kahit mahal ka, puedeng ma-attract sa iba.
3. Na maraming cheating and infidelity na nangyayari at various levels: sa isip, sa salita o sa gawa.
4. Na ang umaaasa na magkakaron ng perfect relationship undisturbed by unfaithfulness could be mostly dreaming at hindi realistic.
5. You could fall out of love the way you fall in love.
Yan ang reality pamangkin, sa observation ko---ke religious o hindi ang tao. Pareho lang. Nababawasan lang minsan ang pagtataksil kung religious. O mas elaborate ang pagtatago . Pero napaka puede pa ring mangyari. At nangyayari kahit sa church people.
So, kung mai-in love, maghandang masaktan, mapagtaksilan o mag-fall out of love.
Be realistic.
All reactions:
259

sobrang fanatic sa pag-apply ng Bible verses

 Q - Yung pinsan ko pong sobrang fanatic sa pag-apply ng Bible verses, naninira ng mga religious images kahit hindi po nya pag-aari. Utos daw ng Diyos kay Gideon na sirain ang mga rebulto sa Isareal noon?!

A –
1. Si Gideon ba ang pinsan mo?
2. Ancient Israel ba ang present-day Philippines?
3. Ang batas at gobyerno ba ng sinaunang bayan ng Israel ay pareho sa batas at gobyerno ng bayang Pilipinas ngayon?
4. Kinausap din ba personally ng Diyos ang pinsan mo na manira ng mga bagay na hindi kanya?
SO BAKIT GINAGAYA NG PINSAN MO SI GIDEON?
Malaki ang problem pag basta-basta na lang huhugot ng verse mula sa ancient scriptures na sinulat ng ibang lahi para sa lahi nila ---para sa panahon nila at sa sitwasyon / context nila --- tapos makikibasa ka ngayon at bigla mong pilit ia-apply ito sa lahi mo ngayon ---maski sa mga taong hindi mo katulad ang paniniwala --- na nasa ibang lugar at panahon, at nasa ilalim ng ibang gobyerno at mga batas,
One’s personal religious conviction cannot and must not be imposed on other citizens who have their rights and whose private properties are protected by law and respected by common courtesy.

Bible Teacher

Q - Tito! I'm happy to tell you na ako po ay isa nang certified Bible Teacher ngayon!
Dahil kayo po ang talagang life mentor ko, any advice po at this point!?
A - Wow! Congatulations, pamangkin!
ADVICE ba 'ka mo?
As teacher, ikaw ba ay alagad ng /teacher-promoter of Jesusness or of Phariseeness?
BE CONSCIOUS KUNG SINO ANG ITINUTURO MO: Baka katiting na Jesus at sandamakmak na Moses/Teachers of the Law and Pharisees?
Baka microscopic Jesusness at maladambuhalang Phariseeness.
Hindi sapat na nagtuturo mula sa Bible:
suriin kung ano at kaninong words sa Bible ang itinuturo!
PILIIN ANG TURO NI JESUS MISMO!
Salain sa turo ni Jesus ang lahat ng ibang turo ng lahat ng ibang "teachers".
Maraming katuruan ay kontra-Jesus / kontra-Jesusness at pro-Phariseeness pa!

Baga

 Q - Tito, ang tagal na po akong nanabik kay OFW husband. Gusto ko pa yatang pumatol sa aali-aligid para paypayan itong mainit na baga sa aking kandungan para tuluyan nang maglagablab???

A -
ANO KA, BARBECUE SA BLUMENTRIT na papaypayan?
Wag kang gaga, pamangkin!
Sprayan mo yan ng industrial-strength fire extinguisher!
O magkalong ka ng isang blokeng yelo. Ginawin mo para maapula.

Tito, nagpakasal po ako sa Japanese para magka-legal papers dito sa Japan

 Q - Tito, nagpakasal po ako sa Japanese para magka-legal papers dito sa Japan. Heto po ako ngayon, kasal, may anak, legal....pero hindi happy. Kasi po ang mister ko ay hindi karinyoso, hindi ako binobolatsing, hindi fun, hindi romantiko at hindi ako nakikiliti. Miss ko na po ang maloka sa kiliti.

Meanwhile, may mga Pinoy pong pogi at masuyuin na nanliligaw sa akin. Gusto ko na pong bumigay????
A - Halt! Tigil! ストップ
Pamangkin, nag-asawa ka, pinakasalan ka, ibinahay ka. May anak ka pa. Tahimik ang buhay mo. Kumakain ka (at siguradong nakapupuslit pa ng padala sa pamilya sa Pilipinas) Wag kang luka-luka! PAG-ARALAN MO NANG SUMAYA sa mga blessings na yan!
Huwag ka nang maghanap ng extra kiliti.
O kaya, kumuha ka ng hanger at kilitiin mo sa talampakan ang sarili mo hanggang mangisay at magpagulung-gulung ka sa kiliti! TAMA NA YUN.
Kung hindi, pupunta ako dyan at igagapos ka sa parking lot ng Pachinkong malapit sa inyo.

Ed Lapiz -- isang tanong isang sagot!

 Q - I run into an old flame dito sa FB and she’s very accommodating sa akin and never madamot sa compliments. I never told her about my needs for appreciation from my ice-cold, unappreciative wife, but she is eager to catch up with my life here through chat… aaminin ko po its been a long time since i felt appreciated kaya nga po mas gusto ko cya kausap kaysa wife ko and she knows im married... and wala naman cyang masamang intention pero minsan flirty po cya makipag usap kaya nagiging ganun din ang replies ko sa kanya.

😞😞😞 Should i get rid of her nalang ba siguro?
A - Dapat!
Stop. Block. Kabwisitan ang uuwian nyan, especially that you are married.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Q - Ano po ang gagawin ko sa aming pastor's wife na panay ang punta/text/pm/email/etc sa akin para lang siraan ang ibang pastors?
A - Sungangain mo at itaboy /i-block
ang dalahira.
1 Timothy 5:13
...these (Apply to all other persons) begin to waste their time going from house to house. They also begin to gossip and try to run other people’s lives. They say things they should not say.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------

STRUGGLE WITH ONE'S PERSONALITY
Q - Matagal na po akong Christian pero kahit gaanong pagsisikap ko ay may hindi mabago at maiba sa aking pagkatao na itinuturo ng church namin ay masama at dapat baguhin. Talaga pong todo ang pagsisikap kong baguhin ang bahaging iyon ng personality ko pero ang ending lang po ay frustration, guilt, shame, fear, self-rejection and hypocrisy kasi ay itinatago ko na lang tuloy ang totoo kong pagkatao na ayon sa teachings ay not the standard. Sa simula pa lang ay alam kong ganito na ako at ginawa ko na lahat-lahat para mabago dahil nga sa demonization, rejection, ridicule, and all other negative things attendant to my personality. Worse, ako pa ang nasisisi sa ganitong sitwasyon na di ko naman nilikha o pinili. Sino ba naman ang kusang pipili na maging "less than standard" para lang maging talung-talo sa treatment ng marami?
I'm tired of trying to be sobody or something else other that who and what I really am. I'm tired of hiding, na lumala lang ng naging chuch member ako kasi at hindi ako tinatangap ng sarili kong church.
Bakit po kahit anong dasal at pagsisikap magbago ay hindi pa rin ako maging ideal/standard samatalang yung marami ay napaka effortless nila at natural na natural na ideal/standard na agad sila without even trying? How can I be like everyone else? Or what should I do to suffer less?
Q - Ang character na tao ay bunga ng dalawang major factors: 1.NATURE and 2. NURTURE.
Kung ang personality ay galing sa 2. NURTURE (meaning training, education, bringing up, environtment, etc.) ay puede itong maiba with retraining, reeducation, reconditioning and change of environment, etc. Pero siempre, mahirap at matagal na process ito at puedeng hindi maging 100% ang reshaping kasi may mga habits ng nabuo na overtime.
Kung ang personality naman ay galing sa NATURE (meaning genetic, in-born, likas) ay hindi yun mababago ng kahit anumang pagpipilit kasi nga ay likas.
Jeremiah 13:23 (CEV)
Can you ever change...?
Can people change the color
of their skin,
or can a leopard
remove its spots?
---
What is natural/genetic/inborn cannot be changed. It is only to be accepted. At best, it could only be modifed slightly.
Ang pagpipilit baguhin ito ay magbubunga lang ng sobrang inner struggle and conflict, frustration, feeling of failure, anguish, pain and suffering. Dapat lang itong tanggapin.
Kung ang personality naman ay in-born/natural na nga tapos ay sobra pang nadevelop by nurture, kung babaguhin ang nurture ay puedeng may maiba ng konti sa outward behavior, actions and habits of the person (kaya akala ng outsider-obeservers ay nagbago na nga yung tao, pero yung inner, genetic nature nya ay di pa rin mababago.)
Ang mahalaga ay self-aceptance ng may katawan at acceptance sa iba kung sila ay ganyan.
On the issue of personality, Jesus was once asked why some men do not/cannot have sexual relations with women. (So the question was about sexual personality/identity) He answered:
Matthew 19:11-12 (NIV)
Jesus replied, “Not everyone can accept this word, but only those to whom it has been given. For there are eunuchs who were born that way, and there are eunuchs who have been made eunuchs by others —and there are those who choose to live like eunuchs for the sake of the kingdom of heaven. The one who can accept this should accept it.”
In others words, Jesus says:
... “Not everyone can accept this word, but only those to whom it has been given.
= UNDERSTANDING THIS REALITY REQUIRES SPIRITUAL /SUPERNATURAL REVELATION AND ENLIGHTENMENT. Not everyone will see it this way.
"For there are eunuchs who were born that way"
= NATURE, GENES, IN-BORN FACTORS not chosen by the individual and cannot be changed. Why blame people if they were "born that way"?
"and there are eunuchs who have been made eunuchs by others"
= NURTURE / CONDITIONING /ASSIGNMENT BY THE ENVIRONMENT. This may ba changed, up to a point.
" —and there are those who choose to live like eunuchs for the sake of the kingdom of heaven."
= PERSONAL CHOICE, MAY be changed by the changing of one's mind.
"The one who can accept this should accept it.”
= This reality/truth will be accepted by those who have the spiritual gift/enlightenment to understand it. (Those who are not gifted can't/won't accept it.)
Change for the better what can be changed. Work hard at it.
Meanwhile, do not kill yourself or others tryIng to change what is genetic and in-born. God created all people, and every in-born trait could only by caused and given the Creator.
Psalm 139:13-16 (NIV)
For you created my inmost being;
you knit me together in my mother’s womb.
I praise you because I am fearfully and wonderfully made;
your works are wonderful,
I know that full well.
My frame was not hidden from you
when I was made in the secret place,
when I was woven together in the depths of the earth.
Your eyes saw my unformed body;
all the days ordained for me were written in your book
before one of them came to be.
---
Thank God for creating you that way. God could not be wrong! Celebrate life; it is a gift to be enjoyed, not a problem to be solved nor a mistake to correct and change.
Be kind to yourself. Be kind to people who are "less-than-standard"; as it is, they suffer too much already.


MGA KWENTONG "KABANALAN"

 MGA KWENTONG "KABANALAN"

*
AWANG-AWA po ako sa pamangkin ko,
anak ng kapatid kong babae na ang asawa ay born again church leader. Ikinasal po si pamangkin sa ibang church/religion kaya yung mga magulang nya ay hindi umattend. Una, unbeliever daw po yung mapapangasawa, tapos sa ibang religion pa pakakasal. Mali po daw yun na pumasok sa ibang simbahan.
Naawa ako sa pamangkin ko dahil kinasal sya walang parents.
A - Kung naniniwala naman kay Jesus at sa God the Father eh di HINDI naman "unbeliever" ---iba lang ang religious label?
At anu naman kung pumasok sa ibang religious building? Pumapasok nga sa palengke, mall, eroplano, barko, etc. At baka nga bago na-"born again" ay talagang pumapasok naman sa ganung building? Mawawala pa ba naman ang kaligtasan kung dumalo sa kasal ng sariling anak, kahit pa nga sa ibang building?
Bakit di na lang magpaka-magulang sa mga ganyang pagkakataon ---para sa anak?

ILIGTAS ANG SARILI 💖⚠️ ITIKOM ANG BIBIG 💖⚠️ ED LAPIZ