Q - Tito Ed, napapabuntong hininga po ako now kasi I'm in love with a guy for almost 4 years na po. 1 year na po sya married and talagang di niya magawang mahalin ang babaeng ipinakasal sa kanya ng family nya. Maganda po ung intentions nya sa akin and talagang nararamdaman ko ang love and concern nya. Di nya pwede hiwalayan ang asawa nya pero gusto nya na magsama kami kasi ako ang talagang mahal nya. Gustong gusto po ng puso ko at talagang gusto ko pumayag kasi alam ko na kahit ano mangyari hindi nya ako papabayaan. Pero ang iniisip ko po napakasama kong babae kung papayag ako at di ko ma-take ang sasabihin ng family ko sa akin. Pano po ba ito Tito? Di po ako makapag decide maigi.
A - Decide to do what is right and what will benefit you most:
Cut your attachment to him.
Lagnat-laki lang yan.
Feelings/Emotions LANG yan, at nababago ng panahon at distance ang emotion, lalu na kung may kapalit na sa puso. Ibibigay mo ang buo mo sa kanya pero di nya kayang suklian ng buo rin. Lugi ka at sya naman ay laging mahahati, malilito, mahihirapan din.
For the sake of the two of you, pairalin nyo ang isip at katwiran; hindi ang damdamin lang na mapandaya at paiba-iba.
Keep yourself free so that when the right one comes along, you could ride the train.
Masaklap kung lumubog ka na sa kanya tapos biglang dumating si talagang Mr. Right.
"IT'S SAD TO BELONG TO SOMEONE ELSE WHEN THE RIGHT ONE COMES ALONG."
No comments:
Post a Comment