Q - Ano po ang dapat reaction sa CHURCH BULLIES--- mga kapwa members/leaders na laging nakabantay sa bawat pagkakamali mo, kakulangan sa perfection, kasuotan, kilos, salita, etc?
Nakakasakal po sila at nakaka-oppress!
A -
1. Suriin kung may point sila, kung tama sila. Kung sa tingin mo ay tama sila, pakinggan at mag-improve ka ayon sa pamumuna nila.
2. Kung sa tingin mo ay sobra na sila, masyadong perfectionist, unrrealistic o kaya ay pakialamera/o sa personal life, choices and style mo,
IGNORE THEM.
Sila ang mamuhay ayon sa standards nila; huwag nilang igiit ang sarili nilang tastes at pananaw sa kapwa. Buntot nila, hilahin nila!
3. Kung sobra na silang intrusive and oppressive, do not suffer in silence.
SAGUTIN MO!
Walang silang karapatang ipabuhat sa yo ang burdens na gusto nila para sa sarili nila.
Wala silang karapatang "pabanalin" ka ayon sa standards nila.
Pag sinagut-sagot mo sila ng buong tapang, titigl sila sa pakikialam.
Promise, wala silang magagawa hahahahah!
BARAHIN ANG ABUSADONG CHURCH BULLIES!
- Ed Lapiz
No comments:
Post a Comment