Q - Tito, I'm more than 40 years old pero mukhang batang-batang-bata pa! (Salamat po, doctor!) Pero bakit kaya pag nagpopost ako ng magaganda, kaakit-akit at glamorosang pictures ko ay hindi man lang nagla-like ang mga female friends ko? Kinacareer ko naman po ang posing...kahit nga nung minsang kinecremate ang nanay ng BFF ko, nagpapicture ako sa isang sulok at ang ganda-ganda ng result. Dramatic kasi ang lighting. Maganda rin po palang background ang mga nakahelerang urns na wala pang laman. But my friends remain mysteriously silent? Inggit po kaya sila, Tito?
A - Puede, pamangkin.
At depende sa success ni Doctor, o sa dating ng mga urns, puede ring nandidiri, naasiwa o nahihiya for your sake?
Manalamin kang mabuti para masuri mo kung alin talaga ang dahilan ng kanilang mahiwagang pananahimik.
While others might refuse to comment out of envy, meron ding ayaw mag-comment kasi ayaw makasakit ng damdamin.
(At bakit naman pati sa crematorium ay nagpo-pose ka? Bakit di mo pa sinubukan dun sa pugon mismo?)
Q - PS. Minsan Tito, nagpose din po ako sa baha! Yes, tito, habang basang-basa ng ulan ang boobs ko at nakalubog ako sa baha hanggang waist level. Maganda rin pong background ang mga inaanod na basura. May texture. ......
A - Sino ba kasi ang nagturo sa yo ng photography at modeling pamangkin?
May texture-texture ka pa! Eh baha yun, di ka ba natakot na makuryente ng mga natumbang poste at lumubog na live wire?
No comments:
Post a Comment