Tuesday, 27 October 2020

natataya sa gastusan sa family?

 Q - Young professional po ako na medyo malaki ang kita at promising ang career. Dahil dito, parang ako na lang nang ako ang natataya sa gastusan sa family ko. Yun pong mga kapatid ko, dahil di masyadong malaki ang kita, ang tingin nila ay exempted na sila sa mga family expenses. Ano po ang maipapayo nyo sa akin?

A - Kung responsible ka at promising ang career at kumikita ng mas malaki sa iba mong kapatid o kapamilya, YAN NA ANG MAGIGING ROLE MO BUONG BUHAY pag hindi mo binago ang system ngayon pa lang. Kahit maliit ang kita ng ibang kapamilya, hingan mo sila ng contribution pag may family expenses. Hwag kang masyadong generous na madaling lapitan/hingan kasi iisipin ng mga kamag-anak mo, ang dali sa yo ang pera. Hindi na sila mangingimi o makikiramdam. AASA na lang sila lagi sa yo. Kung ayaw mong yan ang maging permanent role mo sa buhay, huwag mong simulan o ituloy. Have everyone take responsibility for all family needs/expenses. Habang bata-bata ka pa, simulan mo ang ganyang system. Pag nasasanay na sila na laging ikaw ang taya, mata-trap ka.

No comments:

Post a Comment