Q - Tito mamamatay yata ako sa lungkot at depression. My super, mega, ultra love BF left me for another girl. Hindi ko po kaya. First love ko po sya. Parang mamatay ako o gusto ko ng mamatay. Hindi na po ako magmamahal sa iba at di ko kayang limutin sya.
A - Magtigil ka, pamangkin. Guni-guni mo lang yan.
More than 90% ng mag-asawa ay hindi mag-first love (Imbento ko lang ang figure.)
Pag may first love, puedeng may second, third, etc. (Wink)
More than 90% (Imbento ko ulit ang figure.) ng mga taong buhay beyond age 30 ay dumaan na rin sa ganyang sobrang nakamamatay na lunghkot --- pero nabuhay at buhay pa. At na-in love ulit o kaya ay basta na lang naka-recover.
Kung nakamamatay ang lungkot ng broken heart sa na-abort na romance, dapat walang buhay beyond age 30. Lahat naman nakararanas masaktan at magkadurug-durog.
But look, tumatanda pa ng husto ang madla. You will survive. Gagaling ang sugat.
Life will go on. And time will come when you'd look backward to today and laugh at yourself.
SO, JUST SURVIVE TODAY and tomorrow and the day after that till you wake up one morning na galing na ang sugat...at handa ka na namang sumubok magmahal.
The end of a romance is not the end of the world.
Pray.Seek God. And survive.
No comments:
Post a Comment