Tuesday, 27 October 2020

Spiritual leader

 Q - Anu-ano po ang dapat hanapin sa isang spiritual leader bago sya sundan and why?

A -
1. Godliness: Being kind, loving, giving, just, righteous
2. Intellect: Intelligence, Reason, Logic
3. Knowledge: Information, Education, Experience, Training
4. MIssion: Sense of purpose, direction, goals and objectives
5. Integrity: Honesty, Uprightness, Fairness, Purity of purpose and methods.
Pag hindi sya godly, paano ka magtitiwala?
Pag hindi sya matalino, paano ka nya patatalinuhin at palalakihin ang isip?
Pag hindi sya knowledgeable, ano ang ituturo nya?
Pag wala syang clear mission, saan kayo pupunta?
Pag wala syang integrity, paano sya magiging tapat sa pagtitiwala mo?
Q - Hindi po ba qualification ang "spirit led?".....
A - Dapat.
Pero ang daming kakengkoyang ginagawa ang ilan na ang reason nila ay "spirit-led" sila. Madalas ma-abuse yang spirit-led -spirit-led na yan...guniguni lang pala.

Acts 7:49-50 (CEV)

 GOD EXCLUSIVE TO ONE RELIGION???

BEFORE the
- families
- tribes
- nations
- sects
- congregations
- religions
- idols in stone and/or in doctrine
WAS GOD.
Who would dare to
- create God in their own human image, then
- own God and
- lay exclusive claim to the door to eternity?
HOW COULD GOD WHO FILLS HEAVEN AND EARTH WITH HIS GLORY
FIT INSIDE ANY SPECIFIC, LIMITED, OFTEN EXCLUSIVE MAN-MADE RELIGION?
Acts 7:49-50 (CEV)
"Heaven is my throne,
and the earth
is my footstool.
What kind of house
will you build for me?
In what place will I rest?
I have made everything."

PAGTULONG?

 Q - While I recognize of course that all good things come from above and that we are only instruments of God to do good, medyo nakakainis pong marinig sa tinutulungan ko na it is God who helps him and that I am only an intrument.

Tapos idadagdag pa nya na kung hindi ako pagagamit sa Diyos para tulungan sya, ibang tao raw ang gagamitin ng Diyos? Parang wala akong participation o contribution o hirap sa pagtulong ko.
Parang namamaliit ang sacrifice at pagod ko?!
Don't get me wrong, I do recognize that it is really God who only uses me to help him, pero nakakainis po talagang marinig yan mula sa bibig ng beneficiary.
Bakit po kaya ganun sya magsalita?
A -
1. Tactless, naive and childish expression of "spirituality"?
2. Tactless lang talaga , period?
3. Yun talaga ang belief nya?
4. Ayaw ma-obligang tumanaw ng utang na loob?
SABIHAN MO KAYA NA HINDI MO NA SYA TUTULUNGAN TOTAL MAY IBA NAMANG GAGAMITING INSTRUMENT ANG DIOS PAG DI KA TUMULONG? 🙂

IPON PAMPAKASAL

 Q -Ano po ang dapat gawin para makaipon agad ng pangpakasal?

Paulit-ulit na pong naurong ang kasal namin kasi laging nasisira ang plano sa pag-iipon.
A - Magpakasal na lang ng simple para di na kailangang pag-ipunan?
Para matuloy na ang kasal. Pag-ipunan nyo na lang ang 5th or 10th wedding anniversary at dun kayo maghanda kung gusto nyo!
Inabot na kayo ng Quaran. Konti na lang ang bisita at no need for magastos na kasalan.

Get a life!

 Q - Sobra po akong nasaktan at na-shock when my son asked me to let him be. Bayaan ko na raw sya na magdecide sa buhay nya at gawin ang gusto nya. Napalaki, naturuan at na-train ko na raw sya and the time has come to let go of being a trainor-police-parent and become his friend naman? Ang sakit-sakit po; parang feeling ko ay hindi na ako needed/wanted ng anak ko.

A - Tahan na.
Mula pa nang isilang mo siya, nang malagot ang pusod/placenta mula sa womb, nagsimula na ang letting go. Ituloy mo na lang especially na sa kanya na nanggaling. It means he thinks it's time for you to let him become the individual that he is ...to see the effects of your parenting...to enjoy the good fruits...and endure and be patient with the aspects of his personaity and decisions that you probably will not want/like / agree with.
Ang anak ay anak. They don't stop becoming our children just because they want to take steps on their own. Let them claim their destiny --- their way.
Just always be there for your son. Pag kailangan ka nya...lalapitan ka rin nya.
Sigurado yon.
Set him free. Hindi lang sya ang lalaya; ikaw din. Take a break from being an omniscient, omnipotent and omnipresent parent and get a life!

PANINIRA

 Q - Dahil po sa paninira sa akin ng Pamilya X, may mga taong lumayo ang loob sa akin kahit hindi man lang nila narinig ang side ko. I lost some friends because of their paninira Ano po ang dapat kong gawin?

A -
Wala.
Bayaan mo sila sa hukuman nila na sila alone ang nang-uusig at nanghuhusga.
They deserve each other/one another.
And don't feel bad, becuase actually YOU did not lose friends.
Yung nakinig sa paninira nila WERE NOT your friends at all.
Kung tunay mong friends ang mga yon, hindi sila makiinig basta-basta sa paninira sa yo
Travel on as best as you can.
Truth prevails.

UTANG (KAPAMILYA O KAPAL NILA)

 Q -Tito seaman ako. Bakit ganun yung mga kamag anak, grabe maka utang hehe. Parang hanggat meron pa ako pera hindi ako titigilan?

A -
Tanggihan mo. Lagyan mo ng maximum amount per month
ang puede mong ipautang at ipamigay. Then that's it for that month.
Mauubusan ka pag di ka naglagay ng limit.
At pag dumating ang araw na yon, tatanggi ka na siempre.
Pero magagalit sila sa yo kahit marami nang nautang before.
So, magagalit din lang sila, agahan na. Ngayon na.
Tumanggi ka na ngayon para may matira sa yo.
Pareho lang ang ending nyan: magagaliit sila pag wala ng mautang.
Bakit mo pa hinintaying maubusan ka?

READING AND INTERPRETING BIBLE VERSES.

 READING AND INTERPRETING BIBLE VERSES.

It's disheartening how people of opposing points of view could use the same identical Bible to support their clashing theologies!
Many times, it's not WHAT the Bible says but what theologians, preachers and teachers interpret and SAY the Bible says!
Almost any skilled "interpreter" could manipulate hermeneutical processes to make verses "say" what they want to hear/say.

Fulltime sa church ministry?

 A- Ano po advice nyo sa tulad ko na gustong mag fulltime sa church ministry?

Q - Ministries, like social advocacies, usually do not pay well. Churches are not exactly well known for taking care of the medical/ financial, retirement needs of workers.
Pero magkakaron ka ng family responsibilities. Tatanda ka, hihina, magkakasakit. Mabuting may iba ka pang income-generating activities or investments. Para kung magka need ka o ang pamilya mo, at hindi maging sapat ang support sa yo ng "mininstry" na pinag-ubusan mo ng buhay at lakas, hindi ka nakatunganga sa buwan at bituin.

GROW spiritually...

 Q - Gusto ko pong mag GROW spiritually ---REALLY GROW. Any advice po?

A -
To GROW you must OUTgrow something.
You want to really grow spiritually?
OUTgrow ---grow out of ---many religious constructs/ boxes
in your mind.
WAG MATAKOT MAGBAGO NG ISIP.
REVIEW
QUESTION
DECONSTRUCT
every religious thought na isinaksak sa utak mo.
Tapos, yung natira matapos magsala,
RECONFIGURE
RECONSTITUTE
RECONSTRUCT
into your new spiritual awareness /consciousness.
This time, pinag-isipan mo, hindi lang isinaksak sa utak mo ng iba.

Matthew 18:20 (CEV)

  - Ito pong maliit na Jesus-believing and Jesus-centered congregation namin ay nilalait ng isang grupo: kulto raw po kami at illegitimate dahil hindi nila kami kasapi at hindi kami nagmula sa grupo nila? Hindi raw po kami tunay na church? Sila lang daw po ang tunay na church at mapapatunayan daw yun sa history?

A - Kung nananalig kayo kay Jesus at sumasamba sa Amang Dios,
Christian / totoo / legitimate kayo! Di nyo kailangan ang pagsapi sa kung anu mang grupo.
*
Matthew 18:20 (CEV)
Whenever two or three of you come together in my name, I am there with you.
*
Pag may Jesus at may mananampalataya, may Church!
Wag nyong pansinin ang mga umaangkin sa Dios, sa Langit at sa kabanalan para lang sa kanilang sarili.
Yang "historical" claim nila ay guni-guni at hindi mapatutunayan sa masusi, mabusisi, maalam, marunong, informed, enlightened, educated and scientific historical study.
Ituloy nyo lang ang pagtitipon, pagsamba at pamumuhay ayon sa katuruan ni Jesus.
God really bless you!

None Of The Above!

 Q - May tatlo pong babae sa buhay ko na sobrang lumilito sa akin.

1. Nanay ng anak ko, hindi kami kasal at wala na kami matagal na.
2. Married woman, sumasakay ng barko ang husband, nagmamahalan kami twing nasa barko ang husband nya pero lagi akong tinatakot na iiwan nya ako.
3. Isang lady counselor ko na nung iniwan ako ni No. 2 ay sya bigla ang tumihaya at ibinigay ang lahat. Pero di ko sya mahal. Mapagbigay lang talaga sya kaya may nangyayari sa amin.
SINO PO TITO ANG PIPILIIN KO?
A -
NOTA! None Of The Above!
1. Yung nanay ng anak mo, wala na kayo.
2. yung minahal mo, may asawa at ganyan ang ugali.
3. yung adviser mo, di mo naman talaga gusto/mahal.
Lumayo ka muna sa lahat sa kanila para ka matahimik,
manalangin at makapag-isip, pamangkin.

Risk and Chance?!

 Q - Meron po kasi nanliligaw saken. Magkakilala na po kami since high school kami at nanligaw rin sya. Gusto ko rin naman po sya nun. Kaso di pa po ako pwedeng magka-bf at tingin ko hindi ko pa po kaya nun. Natatakot po kasi ako na baka masaktan lang ako. Kaya lumayo po ako kahit nakakalungkot.

Then after 2 years po, nagkausap ulit kami at lumabas-labas ulit ngayon. Okay naman po. Feeling ko pareho pa rin po kami ng nararamdaman sa isa't isa. Ayus naman po sya. Kaso bakit po kaya hindi ko maialis sa isipan ko na baka masaktan lang ako?
A - Eh kung ayaw mong masaktan, pasensya ka na ring hindi masarapan! If you play too safe, walang mangyayari sa buhay mo. We all take risks. Just minimize the risk by doing your research on him. Pero you must take your chances! "Go out and find your man where the wild winds blow..."
Kung ayaw mong tumaya, pasensya kang walang chance manalo

Q - May advantage po ba ang pagiging conservative? Disadvatage?

 Q - May advantage po ba ang pagiging conservative? Disadvatage?

A - Advantage: Puedeng MAS "SAFE". Less risk of going wrong or being harmed by new or yet unknown elements.
Disadvatage: Kulong ka. Kaya ka "safe", nakakulong ka kasi. Hindi ka nga mapuntahan ng "danger" pero hindi ka rin makalabas; di ka makapunta sa freedom, fulfillment, new discoveries.
"Conservative" means that: Conserve!
= Preserve. Don't change. Freeze. Don't move. Don't circulate. Stay within the circle/box. Have walls around you to "protect" you from outside "threats". (But stay as a prisoner within your wall of safety.)
Conservatives seek safety and comfort in attaching to the past, especially to the ideas /principles /beliefs developed and institutionalized by people who belong to the past (who are not abreast with present realities).
To be conservative is to live only within the walls of the past.
To be conservative in belief is to subscribe to the beliefs, interpretations and ideas of others who lived in the past and not risk thinking for oneself in one's own time and place.

Good manners?!

 Q - Tito any tip on good manners na very important mark of civilized persons?

A - Talk softly in public when you are not talking to everyone.
Do not be loud.
It is inconsiderate to fill everyone's ears with your voice.
Dapat yung kausap mo lang ang nakaririnig sa yo at hindi pati yung mga hindi mo kausap / kasama.

Revenge sa ex?

  - Ano po ang magandang revenge sa ex na talagang dumurog sa puso ko?

Ginaga po nya ako ng sobra.
A - Be more beautiful, be rich/er, be very fruitful.
Or just forget about the whole revenge thing.
If he didn't care for you then, he wouldn't care now
kahit ka pa maging Bb. Kangkungan or bilyonarya o senator.
Forget him.
Forgive him.
Kung nasakatan ka man, at least you were partly to blame
kasi minahal mo sya.
Huwag mong ibunton sa kanya ang lahat ng sisi.
Nagaga ka nya kasi nagpagaga ka.
Choice mo yun.
Move on; that's the best revenge.

80-85% ?

 Q - Tito ano pong % ang magandang timpla sa pagmamahal sa partner?

A -
80-85% ?
Para enjoy kung nariyan sya
at kayang mag-survive kung wala sya.
At para rin hindi ka masyadong sensitive at palahabol?
Kasi pag 100%, luka-luka na ang labas mo nun!

Q - Tito ano po ang magandang sabihin sa sarili nang paulit-ulitin pag nasa panahon ng sobrang hirap at pagdurusa?

 Q - Tito ano po ang magandang sabihin sa sarili nang paulit-ulitin pag nasa panahon ng sobrang hirap at pagdurusa?

A -
"HHAHAHAHAHAHAH! CRISPEEN! BASILIOOOOO!
Nasan kayo mga anak ko?"
Or
"THIS, TOO, WILL PASS."
Or
"GOD WILL HEP ME OUT OF THIS."
Or
"HINDI AKO SUSUKO DITO!"
Or
"THIS CAN'T KILL ME; and what can't kill me will only make me stronger."
Or
"MARAMI NANG LUMAMPAS SA GANITO; AKO RIN!"

2 Kings 2:23-24?

 Q - What lesson can be learned from the bloody death of the boys

in 2 Kings 2:23-24?
A -
Let'e look at the story:
2 Kings 2:23-24 (CEV)
Elisha left and headed toward Bethel. Along the way some boys started making fun of him by shouting, "Go away, baldy! Get out of here!"
Elisha turned around and stared at the boys. Then he cursed them in the name of the Lord. Right away two bears ran out of the woods and ripped to pieces forty-two of the boys.
Lessons?
1. Never jeer at /mock someone ---anyone.
2. Never jeer at /mock someone ---especially if that person is an anointed servant of God.
Do not say/shout insulting words against God's anointed servant, especially if
- that person is doing you no harm and he/she is doing fruitful work in God's service.
- the motive for mocking is just to belittle, shame, insult, hurt and make fun of the person.
3. Never join people who mock others.
When they jeer,
- stop /caution /remind them to not do it. Or at least,
- do not encourage them with your silence or, worse, your cooperation.
Psalm 105:15 (NIV)
"Do not touch my anointed ones;
do my prophets no harm."
*
Be careful with words;
Use words to bless others, not to put curses on yourself.
Matthew 12:36 (CEV)
(Jesus:) I promise you that on the day of judgment, everyone will have to account for every careless word they have spoken.
*
How to recognize hard core mockers?
They will hate you when you caution them.
The not-so-bad ones will thank you and change their ways.
Proverbs 9:8 (NIV)
Do not rebuke mockers or they will hate you;
rebuke the wise and they will love you.
*
"Bears" or their modern-day equivalents, can still come out of "the woods" and rip mockers "to pieces" in many other ways.
IT IS SO EASY TO
- BE
- JOIN
MOCKERS IN THE antiSOCIAL MEDIA.

Matthew 24.1-13

 Q - Nawawala daw po ang salvation kasi sabi "Those who remain faithful till the end will be saved"?

A - That's from Matthew 24.1-13
WHAT IF:
1. "Saved" means saved from the death in the Roman Persecution of AD 68-70 and NOT saved from HELL?
WHAT IF
2. The "End of the World " is not of the end of the planet but of the end of the "Temple World", ---the existence of the Temple and Temple-based sacrificial religion ---which happened in AD 7O when Rome totally destroyed Jerusalem including/especially the Temple, effectively putting the END to the Jewish religion/world based on Temple sacrifices?
Such time was accompanied by great suffering as described.
WHAT IF
There are very strong textual bases that THE END OF THE WORLD and JESUS' "SECOND" COMING all happened in the First Century AD?
Jesus said ( Luke 9.27) that there are people among his original hearers that will still be alive when he returns / when the "world" ends.
NOTE:
a. The Temple World ended in AD 70. CHECK
WHAT IF
b. Jesus' Second Coming already happened at Pentecost, when the Holy Spirit came. (Acts 2.1-13 ) CHECK
NOTE:
Jesus said that he would not leave his people as orphans but that he would send the Holy Spirit in his behalf and that He/Jesus would be with his people soon and till the end. (John 14.18-19)
WHAT IF the count is:
Jesus' first coming was when he was born ( John 1.14) and the Second Coming was at Pentecost, through/by the Holy Spirit.?

Wala na syang pagmamahal

 Q - Pastor isa po akong seaman at nasa barko ako ngaun. Palagi na lang kami nag aaway ng misis ko hanggang sinabi na nya sa akin na wala na syang pagmamahal sa akin. So ako ngaun dito sobrang lungkot at wala ng peace of mind at palagi na lang wala sa sarili. So ang tanong ko lang totoo po bang once save forever save?

A - Bakit naman yan ang biglang tanong mo? Ano ang koneksyon sa isyu nyo ng misis mo?
Q - Hopeless na masydo ako at pagod na ako dito at lalo na ngayon na sinabi na nya na hndi na nya ako mahal kaya mas mabuti pa siguro ay tatalon ako sa barko. Sorry po Pastor.
A - That is not the best thing to do pamangkin.
Naiisip mo lang yan ngayon kasi hirap na hirap ang loob mo.
Pero pag nagpakatatag ka lilipas ang panahon at lilipas din ang samaan nyo ng loob.
Magkasundo man kayo o hindi, ilipas din ng bigat ng loob mo.
At magkakaron ka ng bagong buhay.
(BAKIT DI NA LANG SYA ANG IHULOG MO SA DAGAT? hohoho!)
Tibayan ang loob. Manalangin.
Life is a gift from God. We should value life.
Praying for you, pamangkin.
MGA PAMANGKIN, LET'S PRAY FOR HIM YOUR COUSIN.

Lumaking di kilala ang aking ama at ang ina?

 Q - Tito, lumaki po akong di kilala ang aking ama at ang ina ko po na pinalaki ako habang may pangalawa na syang asawa ay namatay na ng hindi sinabi sa akin kung sino ang father ko. Para po tuloy kulang ang pagkatao ko? Paano po ako mabubuo?

A - Pamangkin buung-buo ka. Imagination at drama mo lang na kulang ka.
Pasalamat ka nga at pinalaki ka ng nanay mo kahit wala na ang tatay mo. At may tumayo naman palang tatay mo...at ngayon ay hayan at sobra ka ngang buo para makapag-isip pa ng mga ganyang tanong at umimbento ng problema.
Isipin mo na lang:
Si Adan at Eva, walang ama, walang ina.
Si Moses, lumaki sa piling ng ibang pamilya.
Si Jesus, on earthly terms, ay may ina pero walang ama.
Hindi lang ikaw ang ganyan.
Maraming-marami pang iba.
Kaya pasalamat ka.
Magpakabuti, magsikap and make something of yourself
through honest and hard work.
Ang bubuo sa yo ay yung pupuntahan,
hindi ang pinanggalingan mo.

young preacher

 Q - I'm a young preacher. What should preachers know and do in order to handle the studying and preaching of the Word in the best possible way?

A - Aside from the spiritual anointing, or on just the practical side, responsible preachers would:
1. Know what the text says.
2. Know what the text meant to the original
a. speaker/writer.
b. hearer/s.
3. Know the historical, cultural, literary, political, artistic, religious, etc. meanings behind every idea in the text.
4.Know the purpose for which the text was delivered /written.
5. Know the history of the text; how it was written, rewritten, copied, recopied and edited by copyists, editors, redactors and other powers that used and could have misused/abused the texts.
6. Look out for human error, inaccuracies, inconsistencies, bias, agenda, etc. in the perception and teachings of speakers /writers and beware of them.
7. Know/Study the text in original language it was written in or in a language closest to it. Access the important original words in the original manuscripts and study their meanings, contexts, connotations and denotations.
8. Choose the/a Bible version/translation that renders the meanings closest to the original languages. THERE WON'T BE A BLANKET "BEST" VERSION. Each version has strengths and weaknesses. Use at least three versions: one formal (word-for-word translation), one dynamic translation that translates ideas and not words, and another popular, contemporary version.
9. Contextualize the text and the spirit of the verses to the reality (situation, culture, needs, understanding, values, etc.) of the present audience.
10. Prepare the preaching in processed, concentrated, distilled, condensed "pills" or "drops" that could be served within a 40-50 minute window, the usual length of a church "sermon". HERE LIES THE BIGGEST CHALLENGE. The preachers in Biblical times had all the time in the world to preach/teach. Theirs' was the only show in town. Not now. When preachers breach the 40-minute window, the audience begins to be impatient! People used to 30-second, even 5-second TV /internet commercial spots expect to be taught, fed, healed, strengthened, transformed, encouraged, inspired and even "saved" in less than an hour of preaching once a week!
IT TAKES so much disciplined and competent study to prepare a sermon and deliver it
1. Faithful to its original content and intent, and
2. Efficiently so it gets understood.
The preacher is first and last a DILIGENT STUDENT. Dedicated to rigorous research, study, analysis, synthesis and contextualization of materials that are very, very distant in terms of time, place and cullture.
Then, or course, preachers are expected to master communication skills and methods in order to convey clearly what they have set to communicate.
- Ed Lapiz

Q - Para pong magka-kontra ang teachings on prayers & miracles vs. principles ng Natural Law?

 Q - Para pong magka-kontra ang teachings on prayers & miracles vs. principles ng Natural Law?

A - Hindi naman.
Yung Natural Law and Miracles ay hindi dapat either-or at hindi dapat pagkontrahin.
Take both as truth and truthful kasi parehong exemplified in scripture and demonstrated by Jesus.
TRUTH IS NOT ALWAYS LIMITED TO JUST ONE POINT or one point of view.
Sometimes it is two points or many points or a long line connected by still infinitely many points.
Truth is not just linear nor is it limited by the Natural Law of Impenetrability.
Interestingly, this is what many observers are just beginning to see in /through Quantum Physics.

religious

 Q - Pastor Ed, pano po ba makatulong sa problema ng iba na hindi nagiging religious yung pag-approach and at the same time hindi rin ma compromise and teachings sa Bible?

A - Follow the example of Jesus. Jesus was not religious in his approach and, of course, was not wrong and "compromising."
Jesus is the standard. The example, THE WAY.

move on?

 Q - Pano po maka-move on sa mga hurts ng past relationships?

At pano po masasabing naka-move on na pong talaga?
A -Just get busy with your present life. Di mo mapapansin na nagmu-move on ka na pala.

Nagtatampo?

 Q - Nagtatampo ako sa isang tao na dapat sana ngayong Quarantine-Lockdown crisis ay mas supportive, thoughtful, helpful, attentive at caring sa akin at sa iba pa like me...tapos tahimik lang sya, walang pangungumusta man lang at walang tulong na ibinibigay financial or emotional or spiritual man lang samantalang ganun naman sya noong mga nakaraang panahon?

A -
NAISIP MO BA na baka ngayon ay SYA NAMAN ang nangangailangan ng lahat ng sinabi mo?
Na baka dapat ikaw at ang iba pang binabanggit mo ANG umalala, tumulong, sumuporta, etc. sa kanya?
Hindi naman lahat ng panahon ay sya na lang LAGI ANG TAYA!
Kung may energy ka pang magtampo, ibig sabihin may energy ka pa, period. Why not use this energy to help yourself ---and that person na pinagtatampuhan mo pa!

LIBING O CREMATION?

 LIBING O CREMATION?

Q - Para pong di dapat magpa-cremate kasi paano bubuuin muli ang katawan sa panahon ng pagbangon mula sa kamatayan? Parang abu-abo na, lalu kung ikinalat kung saan-saan, paano mabubuo muli?
A -
Kahit naman ilibing ng buo ang katawan, maaagnas din at magiging lupa. Matutunaw, sasama sa ground. At hindi naman kumpleto ang body parts ng inililibing; may inalis na rin in embalming. At yung gaseous elements, siempre nawala na rin.
Tapos, paano yung hindi nga cremated, pero nalunod sa dagat, kinain ng mga isda? O kinain ng mga leon sa gubat? O namatay sa nasunog na building? Or nagdonate ng organs?
So, tulad ng creamated, paano buuuin yung mga katawan na yun?
Besides, sabi sa Corinthians, hindi naman itong the same na earthly body ang ibabangon kundi ang spiritual body. Hindi raw puedeng pumasok sa eternal life ang earthly body.
So Dios na ang bahala sa pagbuo ng spiritual body. Walang direct impact kung ano ang nangyari sa earthly body.
1 Corinthians 15:35-55 ERV
35 But someone may ask, "How are the dead raised? What kind of body will they have?" 36 These are stupid questions. When you plant something, it must die in the ground before it can live and grow.
42 It will be the same when those who have died are raised to life. The body that is "planted" in the grave will ruin and decay, but it will be raised to a life that cannot be destroyed.
44 The body that is "planted" is a physical body. When it is raised, it will be a spiritual body.
There is a physical body. So there is also a spiritual body.
50 I tell you this, brothers and sisters: Our bodies of flesh and blood cannot have a part in God's kingdom. Something that will ruin cannot have a part in something that never ruins.
53 This body that ruins must clothe itself with something that will never ruin. And this body that dies must clothe itself with something that will never die.

Overweight?

 Q - Over-overweight po ako at sobrang ganadong kumain. Any tips on how I could eat less para di masyadong tumaba?

A -
1. Huwag magpagutom till you eat your next meal.
Kumain habang medyo busog pa.
Pag gutom na sa oras ng meal, lalakas ang kain.
2. Uminom ng marami-raming tubig bago kumain para mabawasan ang gana.
Your stomach will feel full, so it will not urge you to eat too much.
3. Unahin ang gulay bago ang rice or ulam para mabusog na agad sa healthful food.
4. Eat fish and vegetables instead of meats.
5. Avoid/ Minimize desserts. Sugar becomes pounds ---kilos---tons!

How to be Smart?

 Q - Paano ako magiging matalino?

A -
1. Laging makipag-usap sa matalino --- at huwag makipag-contest. Just learn.
2. Magbasa, manood at makinig sa matatalinong paksa.
3. Be curious and studious.
4. Be teachable.
5. Huwag mawiling sumama sa mag taong laging ikaw ang mas matalino at bida at kayang-kaya mo sila: wala kang matututunan pag ganyan.

Open rebuke is better than secret love?!

  Q - May kasabihan pong "Open rebuke is better than secret love"

so dapat mang-rebuke openly?!
A -
Ibig sabihin lang nun, kung mangre-rebuke ka, mabuting open.
"Open" means derechahan sa kanya mo sasabihin at hindi pabulong-bulong kung kani-kanino at patagong chismis-chismis.
"Open "does not mean "public" at gagawin mo pa sa harap ng iba
o ipamamalita mo pa kung kani-kanino.
AT DI MO SYA TALAGA ,LOVE, WALA KANG KARAPATANG MANG-REBUKE.
Proverbs 27:5 (CEV)
A truly good friend
will openly correct you

Relations of neighbors?

Q - Bakit po kaya sa maraming pang-mayamang gated villages, hindi close ang relations ng neighbors?
A -
1. Kasi wala silang common past; iba-iba ang mga lugar na nilakihan at dati nilang tinirahan? So hindi rin sila magkakamag-anak.
2. Busy sila, making a living ang living their own lives.
3. They don't have much need for each other kasi mga may kaya sila.
MARAMI NAMANG "CLOSENESS", ke sa neighbors or relatives, ay dahil sa interdependence, dependence or parasitism. NAKIKISAMA, nakikipag-mabutihan, etc. kasi at MAY KAILANGAN sa kapwa. Halimbawa, sa malalayung nayon na walang sasakyan ang mga tao, siempre talagang nakikisama sila sa isat-isa, lalu na sa mayrong sasakyan, para in times of emergency at makahiram o pasakayin sila, etc etc.
Interdependence necessitates close social ties; the more independent or autonomous people become, the less need for such an arrangement.
Kaya ganun din sa mga affluent neighborhoods or countries.
Yang "closeness" na yan ang iniiwasan ng ilang mga umaasenso sa buhay na lagi nang nai-stress sa over dependence ng mga "ka-close" kaya marami sa kanila ay nagpapaka-layu-layu ng tirahan.

Slave of Love

 Q - Ano pong gagawin ko?? Ung gf ko hindi nakakamove-on sa ex niya.

Di ko magawang iwan kase mahal ko siya.
A - Pareho lang kayong alipin ng pag-ibig?
So, unawain?

Hard part of being in love?

 Q - Ano po ang mahirap na part of being in love?

A -
1. Magselos?
2. Matakot na madedo sya?
3. Matakot na mapalitan ka?

Major cause of poverty?

 Q - Ano po ang major cause ng poverty?

A -
The mind.
Personal mentality.
Kahit isinilang na mahirap,
umaangat din sa buhay
kung ayaw tanggapin ang kahirapan
at nagsisikap,
iniiba ang gawi at asal,
nilalagpasan ang mga hangganan ng mentalidad ng pamilya.

Q - Tito, simple lang naman po ang pangarap ko: ang magmahal at mahalin in return. Bakit po kaya yun lang ay hindi matupad?

 Q - Tito, simple lang naman po ang pangarap ko: ang magmahal at mahalin in return.

Bakit po kaya yun lang ay hindi matupad?
A - Sana ay alam ko ang sagot pamangkin para matugunan din ang tanong at pangarap ng mahigit 7 na bilyong tao sa planeta ---na yan din ang hangad.
Habang hindi pa natutupad, magtiyaga ka na muna kaya sa medya-medya: yung magmahal ka kahit di ka mahal in return? O enjoyin mo ang pagmamahal sa yo ng di mo mahal? Malay mo naman, madevelop at mabuo hanggang maging reciprocal?
Kesa zero?

Q - Paano po ibalik ang first love sa DIYOS?

 Q - Paano po ibalik ang first love sa DIYOS?

A - Stop activities that make you turn your back on God.
BUT FIRST REVIEW YOUR CONCEPT OF "SIN".
Marami sa akala natin na sins ay brainwashing lang pala ng Religion: Sin according to Religion pero hindi naman talaga sin according to God as taught by Jesus.
Know more about the lovable qualities of God.
KNOW GOD THROUGH JESUSNESS, NOT THROUGH PHARISEENESS

Major mistake ng mga tao sa pagkakilala nila sa Diyos?

 Q - Sa tagal nyo na po sa ministry, ano ang na-observe nyong major mistake ng mga tao sa pagkakilala nila sa Diyos?

A -
That God's agenda is to change people.
Yun din tuloy ang ginagawang (oppressive) agenda ng church.
What many do not realize and understand is that God opens his heart to accept and love people!
That God's acceptance does not require people to change first!
With unconditional love through Jesus, God accepts people as they are, where they are.
Then, "change" becomes the result of an active loving relationship and interaction with God.
And one of the greatest changes is not really having to force oneself to change
but to be able to change one's perception of and attitude toward himself --- to see himself, accept himself, and love himself ---as God does.

What is real about romantic love?

 Q - Sa observation nyo po, what is real about romantic love?

A - You want what I have observed to be REAL about romantic love?
1. Na seasonal ito. Bihira na forever. Yung mga mukhang"forever", madalas ay nagpapatuloy lang dahil may nagtitiis, nagpapasensya, nagpapatawad, nakikipaglaban para sa pagtutuloy ng relasyon for other considerations.
2. Na kahit mahal ka, puedeng ma-attract sa iba.
3. Na maraming cheating and infidelity na nangyayari at various levels: sa isip, sa salita o sa gawa.
4. Na ang umaaasa na magkakaron ng perfect relationship undisturbed by unfaithfulness could be mostly dreaming at hindi realistic.
5. You could fall out of love the way you fall in love.
Yan ang reality pamangkin, sa observation ko---ke religious o hindi ang tao. Pareho lang. Nababawasan lang minsan ang pagtataksil kung religious. O mas elaborate ang pagtatago . Pero napaka puede pa ring mangyari. At nangyayari kahit sa church people.
So, kung mai-in love, maghandang masaktan, mapagtaksilan o mag-fall out of love.
Be realistic.

Being a Man

 Q - Ano pong one-liner advice you would give to young men like me about to embark on relationships with girls?

A - Don't make girls cry.
Be tender with girls; don't play with their feelings.
A man who makes girls cry is not even half a man.
It is understandable for men to be aggressive against other men; but with women, men are to be tender and protective.
Baduy ang guy na nananakit ng feelings ng babae, lalu na ng nagmamahal sa kanya.
Guys, wag na lang mag-GF kung di rin lang aalagaan.
Mga pamangkin girls, huwag magpaka-gaga. Don't keep BFs that don't take care of you!
Dispose-dispose lang pag may taym.

Lungkot at depression?!

 Q - Tito mamamatay yata ako sa lungkot at depression. My super, mega, ultra love BF left me for another girl. Hindi ko po kaya. First love ko po sya. Parang mamatay ako o gusto ko ng mamatay. Hindi na po ako magmamahal sa iba at di ko kayang limutin sya.

A - Magtigil ka, pamangkin. Guni-guni mo lang yan.
More than 90% ng mag-asawa ay hindi mag-first love (Imbento ko lang ang figure.)
Pag may first love, puedeng may second, third, etc. (Wink)
More than 90% (Imbento ko ulit ang figure.) ng mga taong buhay beyond age 30 ay dumaan na rin sa ganyang sobrang nakamamatay na lunghkot --- pero nabuhay at buhay pa. At na-in love ulit o kaya ay basta na lang naka-recover.
Kung nakamamatay ang lungkot ng broken heart sa na-abort na romance, dapat walang buhay beyond age 30. Lahat naman nakararanas masaktan at magkadurug-durog.
But look, tumatanda pa ng husto ang madla. You will survive. Gagaling ang sugat.
Life will go on. And time will come when you'd look backward to today and laugh at yourself.
SO, JUST SURVIVE TODAY and tomorrow and the day after that till you wake up one morning na galing na ang sugat...at handa ka na namang sumubok magmahal.
The end of a romance is not the end of the world.
Pray.Seek God. And survive.

How to pray!

 Q - Hindi ko na po alam what to pray for and how to pray! Suddenly, ang daming biglang naging prayerful! At iba-ibang items of prayer, iba-ibang methods, postures, etc.ang prescribed nila. Mayron pa pong very militant, namimilit na mag-pray ang lahat tulad nila. Hinuhusgahan at pinipintasan ang mga hindi nila katulad mag-pray!

A - DO NOT LET OTHERS DIRECT OR CONTROL YOUR PRAYER LIFE. It's between you and God alone.
Lalu kung naging seasonally prayerful sila dahil lang sa present situation. Biglang PRAYER ang FLAVOR of the MONTH.
Yung talagang spiritually prayerful before this situation, hindi naman siguro kailangang magdagdag ng urgent dosage of prayer now --- especially VERBAL, DRAMATIC PRAYER.
Romans 8:26 (ERV)
Also, the Spirit helps us. We are very weak, but the Spirit helps us with our weakness. We don't know how to pray as we should, but the Spirit himself speaks to God for us. He begs God for us, speaking to him with feelings too deep for words.
Hindi naman necessary yung verbuous/wordy, loud prayer.
No need na magpagulung-gulong, mag-tumbling o magngangalngal ng malakas. (The ancient Jews had their cultural style of praying sa mga panahon ng national cirisis nila.
Pero culture nila yun, style nila yon. NO NEED TO COPY.
Suriin ang teachings ni Jesus about silent, solitary prayer, and consider how Jesus prayed minus the histrionics.

Q -Masama po bang mag girlfriend at age 15?

 Q -Masama po bang mag girlfriend at age 15?

A - Depende sa intensity ng relationship at sa maturity ng isip ng dalawa. Pero hindi masyadong advisable. Masyadong maaga para mag-commit to anyone.
Puede namang Special Friends na lang muna ---without benefits, ha!

Very practical goal/dream to accomplish

 Q - Tito pls give a young pro like me a very practical goal/dream to accomplish in my professional life?

A - Earn enough money and strengthen your social footing to the point that you may not have to deal with people who annoy or vex you?
Magpayaman to the point na hindi mo na kailangang makipagplastikan to survive or make a living?

Something is missing on your prayer?

 Q - What does it mean to humble yourself before God? I kneel pray and ask forgiveness, how come something still seems to be missing...

A - Humility is not just about posture. It is more of submitting your ideas and thoughts to God for examination and testing, then surrendering them kung hindi pasado.