Tuesday, 29 December 2020

DOS AND DONT FOR A HAPPIER NEW YEAR - ED LAPIZ


NEW YEAR

have joy and stay joyful

 Q - Tito how can I have joy and stay joyful?

A -
How To Be Joyful
John 7:37-39 (CEV)
… Jesus stood up and shouted, “If you are thirsty, come to me and drink! Have faith in me, and you will have life-giving water flowing from deep inside you, just as the Scriptures say.” Jesus was talking about the Holy Spirit, who would be given to everyone that had faith in him.
1. Believe in - Jesus.
Come to -
Receive -
=
Receive the Holy Spirit
John 20:22 (NIV)
And with that he breathed on them and said, “Receive the Holy Spirit.
=
Receive a new spirit.
2 Corinthians 5:17 (NIV)
Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here!
=
Have a new mindset.
Change your
- mind
- thinking
- ways unto Jesusness.
2. Let - Jesus “live” in you.
Galatians 2:20 (NIV)
I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I now live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me
Let
- the Holy Spirit
- the new thought / thinking / mentality
lead you.
Romans 12:2a (NIV)
Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind.
3. Let Jesus progressively fill your heart / mind.
John 3:30 (NIV)
He must become greater; I must become less.”
Be filled to overflowing.
Colossians 3:16 (NIV)
Let the message of Christ dwell among you richly as you teach and admonish one another with all wisdom through psalms, hymns, and songs from the Spirit, singing to God with gratitude in your hearts.
= Joy!
Romans 15:13 (NIV)
May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.
*
John 4:13-14 (CEV)
1Jesus answered, “Everyone who drinks this water will get thirsty again. But no one who drinks the water I give will ever be thirsty again. The water I give is like a flowing fountain that gives eternal life.”
BLESSINGS OF JOY TO ALL PAMANGKINS!
- Ed Lapiz

Tuesday, 22 December 2020

PEACE THE GIFT AND WAY OF JESUS - ED LAPIZ

PAG-IBIG NG ISANG BIYUDA

 Q - Byuda po ako, may mga pamilya na ang mga anak ko. Maginhawa po kami sa buhay kasi may mga negosyo ako. May nanliligaw po sa aking mas bata talaga at hindi kasing yaman namin. In fact, poor. Gusto ko po sana sya pero ayaw ng mga anak ko. Lolokohin lang daw ako. Please advice?

A –
1. Bukod sa talagang concerned ang mga anak mo sis, baka naman pino-protect lang nila ang mamanahin nila?
2. Yan ba namang edad nyo na yan, after all you've done, ay maloloko pa kayo ng bata? Kung makuha man nya ang gusto nya, yun naman siguro ay dahil "pinayagan" nyo na rin kasi may kasiyahan naman kayo. Eh ano namang may makuha ang bata kung may ligaya naman kayong tinatamasa? Basta alam nyo ang limit at hindi kayo "maloloko" to the point na maubusan kayo ng assets! Ano ba ang gusto nyo, walang nakakapanloko pero wala rin kayong ligaya? O may nakakapanloko ng konti pero may ligaya naman kayo? Bayad baga?! Ganun lang naman ang buhay. Sa kalagayan nyo ba namang may edad na kayo, byuda at baka nga lola na ay umaasam pa kayo ng dalisay, busilak at tapat na pag-ibig ng isang binata? Be realistic, Ate.
3. And who knows, baka naman talagang busilak ang hangarin ni Totoy?
- Ed Lapiz

VIRGINITY

 Q - Tito, talking about virginity, kung problem po ng iba ay para nang Aztec ruins ang puri nila, ako naman po ang problema ko e virgin pa ako at my very advanced age. Talaga pong parang Amazon Jungle, untouched and unexplored. Baka po kamatayan ko na virgin ako? Hindi po kaya ako mapagalitan ng Diyos kasi nasayang ang aking Natural Resources. Di po ba dapat sa natural resources ay ine-explore, ineexploit at talagang dinedevelop?

A - Hindi ka naman siguro papagalitan ng Diyos kung ang problema ay dahil walang naakit na mag-explore, mag-exploit at mag-develop ng iyong natural resources? Imbes maging agricultural land, para ka na ring nagsilbing Nature Reserve tulad ng mga kagubatan ng Palawan at Amazon River. May papel ka na ring gagampanan sa ecology and preservation of the environment. Ang mga di nagsikap na ang mananagot kung bakit nila sinayang ang sana'y ginintuang pagkakataon?

CHRISTMAS AND CHRISTIANITY

 Q - Kung wala pong biblical basis ang Santa Claus, reindeers, snow men, Christmas Trees ---at may associations pa nga with unChristian practices, bakit po ginagamit pang symbols or decorations sa Pasko?

A - Those symbols are used by most, if not all, NOT for their religious associations but for their EMOTIONAL associations. Kung paano man o para saan man ginamit yun ng mga sinaunang tao sa malayo nang panahon ---religious man o hindi--- hindi yun ang dahilan sa paggamit ngayon. Nagdedecorate ang mga tao to evoke memories of their happy chilhood and family life associated with past Christmases colored and defined by those symbols/decorations. Nagdedecorate ang mga magulang para ituloy ang masasayang alaala ng kanilang kamusmusan at ipasa/ipamana/ipadama sa mga bagong bata at musmos sa pamilya ang ganoong damdamin. Hindi para mag-glorify ng pagan symbols.
And what's wrong with the idea of a gift-giving Santa Claus based on a real-life person who ministered to countless people with his generosity?
What could be so wrong with a snow man? Or with puto bumbong or Christmas lights, especially the Philippine parol that reminds us of the Bethlehem star?
To ask recently born-again Christians or those who have just shifted to evangelical or biblical Christianity in their midlife to stop such practices is to cut them off from their innocent and harmless but enriching and empowering emotional heritage.
To deny the new generation of biblical/evangelical Christians these colorful and enlivening practices is to make them grow up in a cultureless, heritage-less, vaccum-like iconoclastic bubble. And for what? Nagiging mas banal, mas malinis at mas maka-Diyos ba talaga ang mga hindi nagpapalamuti ng mga ito?
- Ed Lapiz

WALANG DIYOS?!

 Q - May mga ka-work po ako na hindi naniniwala kay God. Tanong nila sa akin pano ko nalaman na may DIYOS nakita ko raw po ba sya.

A - Bakit magpapagod ka sa pagsagot? Baligtadin mo ang tanong: “BAKIT KAYO DI NANINIWALA, narating at na-search nyo na ba ang buung Milky Way and beyond at talagang hindi nyo nakita ang Dios kahit saang sulok?
You ask if I have seen God; I ask if you have really searched everywhere and NOT seen God!

Wednesday, 9 December 2020

GODS WILL AND HUMAN WILL - ED LAPIZ

KAMAG ANAK SA FB PERO HINDI FB FRIENDS?!

 Q - May pinsan po ako na hindi nakikipag-FB friends sa mga kamag-anak?

Parang ayaw makipag-close at walang pakisama?!
A - Ano ba ang kalakaran ng family nyo?
Ano ang mangyayari sa kanya kung makipag-close sa inyo?
Baka ayaw sumangkot sa mga family/clan
- gulo
- chismis
- away
- vexations
- problems?
Ayaw mang-abala at ayaw paabala?
Panakanaka, may mahilig tumunton ng kamag-anak for sentimental and social reasons.
Madalas, ang mahilig manunton ng kamag-anak ay nagdadala ng abala o problema.
BAKA
- NAKA SELF-DEFENSE MODE ANG
- GUSTO LANG MANAHIMIK NG PINSAN MO?
- Ed Lapiz

KULANG ANG DASAL?!

 Q - Bakit minsan kahit magdasal tayo to be somehow free from harm, may nangyayari pa din sa atin? Aren't we praying enough?

A - What happens is an effect of a cause. Pag may cause, the effect will naturally, automatically happen, with or without formal prayer. Sometimes, prayer could cause a miracle, changing the expected effect, but miracles are not normal so should not be expected too often.
Meanwhile, prayer could be formal, meaning technical prayer: dasal, panalangin.
But essentially, actions are prayers too. As formal prayers yield results, so do actions.
- Ed Lapiz

Monday, 7 December 2020

GET ANGRY FIRST - ED LAPIZ

"Love is like a handful of fine sand;

 Q - Bakit po pag parang hindi mo masyadong mahal si BF, parang mas namamahal ka pa nya?

A - Kasi kung hindi mo sya masyadong mahal,
relaxed ka and relaxing to be with. Hindi ka laging
- nakabantay
- nakatanong
- nagseselos
- naghahanap
- nakakasakal?
Ngayon, pag sobra-sobra mong mahal, hindi mo napapansin na sa kababantay,
kae-expect, kasasakal, etc sa kanya ay nagiging bwisit ka na?
"Love is like a handful of fine sand;
open your hand and relax and it stays.
Hold it tightly and it slips through your fingers."
- Ed Lapiz

Thursday, 3 December 2020

ANONG JESUSNESS - ED LAPIZ

People don't always identify religion / religious doctrine with God

 Q - Tito Ed? If you love someone ba? Hahayaan mo sya mamuhay sa kasalanan, na ang kasalanan ay magdudulot ng kamatayang spiritual? Ang Diyos ba natin ay konsintidor? Ano ba ang mas tama? Ang bible? O ang ating mga dadamin?

A - Ang madalas na tunay na malalim na isyu ay
- kung ang inaakala nating kasalan ay kasalanan nga ba talaga?
- Ang isang particular religious teaching ay kalooban nga ba talaga ng Diyos o likha ng relihiyon?
Maraming hindi namumuhay sa ilalim ng particular religous doctrine hindi dahil hindi sila naniniwala sa Diyos kundi dahil hindi sila naniniwala na lahat ng turo ng relihiyon ay galing talaga sa Diyos
People don't always identify religion / religious doctrine with God.

great lessons from history?

 Q - Tito ano po ang great lessons from history?

A - The study of history gives you perspective, especially of time.
You will realize the obvious: everyone dies.
So one great lesson from history is:
Live your life
- to the fullest.
- for your ideals and dreams.
- for love.
Live your true life, love your true love.
WAG PAPIGIL SA PHARISEES.
Para sulit at di sayang ang buhay.
- Ed Lapiz

Paano po ako makakaiiwas na maging hingian, utangan, paluwagan ng bayan?

 Q - I'm just beginning to get out of poverty. Parang nagsisimula na po ang pag-asenso ko. PAANO KO PO MAIIWASAN ANG SINAPIT NG MARAMI NA NUNG UMASENSO AT LUMAKI ANG KITA AY NADISKUBRE NG MG AKAMAG-ANAK AT KAIBIGAN NA GAWING ONE-WAY BANK: Yung puro withdraw pero walang deposit? Paano po ako makakaiiwas na maging hingian, utangan, paluwagan ng bayan?

A - If that's what you want --- to progress without being pulled down by so many "beneficiaries",
1. Be quiet. Huwag kang maingay, huwag kang maporma. Huwag kang mag-display ng mga evidences of increasing wealth!
2. Invest your extra income early on --- stocks, dividends, placements, real estate, insurance, etc. para walang maraming liquid assets flowing around to be siphoned off by thirsty spectators.
3. Decide early on HOW MUCH per cent of your income to give away to relatives, friends and other charities. And stick to that percentage. Halimbawa, pampamigay mo every month, 5-10%. Stick to it. Pag ubos na, wait for the next income. Para hindi ka masagad.
Remember, may purpose din kaya ka bine-bless ng Lord: para rin maging blessing ka sa iba, especially sa mga nagmahal, tumulong at nag-aruga sa yo. Don't save too much to the point of being selfish or greedy. SHARE PROPORTIONATELY! But do not waste the two-fold opportunity being given to you: The opportunity to gather and save wealth and the opportunity to share.
- Ed Lapiz

low self-esteem & fears?

 Q - Panu po ba maovercome ang low self-esteem & fears?

Isa po sa kinakatakutan ko ay ang mapahiya sa harap ng maraming tao at baka maulit lang naman po ung pasts failures ko. Kahit po may itsura ako, mabait at sinasabihan nila ako na may potential naman daw ako pero hindi pa rin mawala ung low self-esteem & low self-reliance ko sa sarili ko.
A - Identify your strengths and celebrate them put them to good use. Mag-pracrtice kang makisalamuha sa tao. Sanayan lang yan. Mas sumama ka sa mga taong nang-e-encourage sa yo at nag-aapreciate sa yo. Kalimutan mo na kung may expreiences ka in the past na napahiya ka o minaliit ka ng iba. Continue to improve yourself. And also, do not always focus on yourself. The world doesn't. Focus on others also. Appreciate them. Encourage them. Makikita magiging less self-conscious ka.
- Ed Lapiz

Love life, pag wala nang good choice

 Q - Tito bakit kaya sa love life, pag wala nang good choice, maraming nagtitiyaga sa kahit na lang bad choice?

A -
1. Desperation? Nagmamadali? Kung walang Mr Right, puede na si Mr Right Now?
2. Bllindness? Akala good choice kahit sa totoo ay bad?
3. Pessimism? Masyadong positive thinker? Umaasa na gaganda ang lahat?
- Ed Lapiz

Magpaka-ina ka na lang muna sa anak mo.

 Q - Ang isang anak ko po ay napaka imoral ng buhay at palipat-lipat at papalit-palit ng partner. Kahit po anong pigil, pagalit at parusa ang gawin namin ay ganun pa rin ang buhay nya. Leaders pa naman po kaming mag-asawa sa church pero hindi po sya tinatablan ng religious teachings. Ano po ang magandang gawin ng isang inang tulad ko?

A - Magpaka-ina ka na lang muna sa anak mo.
- Ed Lapiz


PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot
Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag
Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala

KUNG NASA LAMAY...

 Q - Ano po ang magandang sabihin sa isang namatayan ng mahal sa buhay pag pupunta ako sa lamay?

A - Wala. Walang magandang sabihin.
Malamang na kung anu-anu pa ang masabi mo tulad ng
"Una-una lang talaga yan." (parang minaliit mo ang maagang pagpanaw ng yumao.
O
"I know how you feel." (You don't.)
O
"Mabuti pa sya (ang namatay) at napahinga na." (Ikaw, ayaw mong magpahinga?)
"Present in the Lord na sya. To die is gain." (Ikaw, ayaw mo pang mag-gain?)
Better not say anything, unless you really have a good, fresh, comforting word.
A gentle touch or a hug could speak volumes (though not ideal in moments like this), but only IF you are that close to the bereaved..
You presence alone is silver.
Your silence is gold.
- Ed Lapiz

JESUSness

 Q - May mga verses po sa Bible na pag sinunod mo, babagsik at magiging mapanghusga ka. Meron namang nakakapagpa-bait?

A - Read, interpret and apply all verses through
- Jesus, the author and perfecter of our faith.
- the interpretation, re-interpretation, application and teachings and applications of Jesus which are all filtered in / through LOVE, his new and only command.
The LOVE of Jesus cancels and replaces the many judgmental, unkind, unloving and even cruel elements of the Law.
Huwag paghaluin na parang salad si Jesus and the Law.
Salain lahat kay Jesus ang mga verses and teachings.
JESUSness ang i-apply imbes MOSESness.
- Ed Lapiz

HINAHANAP ANG SIYANG MAKIKITA?!

 Q - Bakit po may mga taong lagi na lang may nakikitang demonyo sa art work, sa music, sa fashion, sa media, sa anumang uso, etc?

A - Kasi mas madalas na demons ang hinahanap nila kesa Diyos ang hanapin?
Siempre, kung ano ang hinahanap mo, yun ang makikita mo.
Kaya kung ano ang madalas mong makita, ibig sabihin yun kasi ang hinahanap mo.
- Ed Lapiz

ANG LASING

 ANG LASING

Proverbs 23:29-33 (CEV)
Who is always in trouble?
Who argues and fights?
Who has cuts and bruises?
Whose eyes are red?
Everyone who stays up late,
having just one more drink.
Don’t even look
at that colorful stuff
bubbling up in the glass!
It goes down so easily,
but later it bites
like a poisonous snake.
You will see weird things,
and your mind
will play tricks on you.
- Ed Lapiz

Socialize, circulate, be in the market!

 Q - Maraming single women sa church namin. Karamihan po eh late 20s to early 40s na ang edad. Admitted naman po sila gusto na nila mag asawa pero wala talagang dumarating. Ano po ang maadvise mo po sa kanila?

A - Socialize, circulate, be in the market!
Be (more) interesting.
Wag masyadong manang ang dating; baka sobrang "irespeto" ng mga lalake at tawaging Tita at pagmanuhan pa tuloy 🙂
Maging attractive without looking cheap or eager.
- Ed Lapiz

Sosyal na church?

 Q - Pag yumayaman po ba ang isang Christian na ang church ay hindi pangmayaman, dapat syang lumipat sa ibang sosyal na church?

A - Ano ba ang hanap mo, church o social club?
Pag yumayaman ka, be a blessing to your local church.
Hindi kailangang mag-social climbing.
Baka nga malaki ang contribution ng local chuch mo sa pagyaman mo through their prayers and other forms of support?
O kaya you are being blessed by God to be a blessing to your local church?
Tapos iiwan mo?
Consider another fellowship / community only if your
spirituality and mentality cannot grow where you are currently rooted.
- Ed Lapiz

RELIGIOUS VS/OVER FAMILY?!

 Q - Ang family ko po Religion X, ang family ng BF ko, Religion Y.

Nang nag-decide po kaming maging couple against the will of our parents, ISINUMPA PO KAMI PAREHO NG BOTH SIDES. Pinalayas po kami pareho.
At kahit naghirap po kami, lalo na noong nagka-anak kami,
hindi po talaga kami tinulungan ng both sides.
Nag-pray pa po ang biyanan ko noong may malubhang sakit ang anak ko (na apo nya) na ok lang daw pong mamatay ang anak ko kasi bunga ng kasalanan.
SINO PO KAYA ANG TAMA SA DALAWANG FAMILIES na pareho namang under the classification of Christianity ang religions pero magka-iba lang ng brand? Kasi pareho po namang ang basis nila sa pagsumpa ay ang curse daw ng Diyos sa Israel twing nagiging unfaithful ang Israel sa covenant nila with God?!
A - Sino ang tama?
PAREHONG UNJESUS ang ginawa nila.
Ginagaya nila ang mga sumpa-sumpa noong unang panahon sa Israel.
May covenant ang ancient Israel with Yahweh BILANG GANTI SA PAGPAPALAYA SA KANILA FROM EGYPT.
Tanong:
Ancient Israelite ba KAYO?
KASAMA BA KAYO SA PINALAYA FROM EGYPT?
SAKOP BA KAYO NG COVENANT NA YUN?
At kaya nga may NEW covenant na with Jesus: Love.

Thursday, 26 November 2020

Comforting The Bereaved by Pastor Ed Lapiz

RECIEVE THE KINGDOM - Ed Lapiz

righteousness.chismis?!

 Q- Ano po kaya ang source or pinagmumulan ng ugali ng ibang church people na pag may nabalitaang nagkamali, lalu na sa area ng sex like adultery, pre-marital pregnancy, etc ay takam na takam at sarap na sarap silang mag-chismis?

A - 1. Envy? Naiinggit sila sa sexcapades ng iba at ipinagbubunyi nila pag napahiya o gusto nilang ipahiya? Marami sa mga sexually deprived ay chismosa. Kasi ay tigang, uhaw at salat sa kasiyahan. Kung masaya ang tao, wala na sigurong masyadong energy na sasayangin sa negative activities like chismis.
2. Inferiority Complex? In many areas of their lives they feel inferior to to others. Ngayon, pag may nadapa, at least ay mayroon na silang daig, talo. They could have a false sense of superiority.
3. Power trip? They could feel superior to and therefore more powerful than the victims of their gossip? By their tongue, they prove that they have the power to destroy others and they would gleefully wield that dark "power" to hurt, to wound and damage others. Just to use power.
In this area, the family and friends of the powerful are also the target.
People who could not attack a strong/powerful person would delight in attacking people who are close to that person.
4. Deep Inner Poverty? They are so deprived of values, self-respect and dignity that they would feast on other people's pain.
5. Guilt? When people are guilty, in deed or in thought, they feel good by condemning other people. Psychologists call this PROJECTION. To avoid self-condemnation, they initiate the condemnation of others. By making others look bad, they think they could look good.
Anything BUT Righteousness. Chismis cannot come from righteousness. So, pag chismosa, kahit pa nga nagbabanal-banalan at lalu kung nananakit ng kapwa, siguradong hindi righteous. Righteousness does not gossip.
- Ed Lapiz

Tuesday, 24 November 2020

Applicable pa po ba mag save for the future like insurance

 Q - Applicable pa po ba mag save for the future like insurance, investing in properties, and stocks kung sabi nila malapit ng bumalik ang Lord anytime?

A - Very applicable.
Eh pano kung hindi pa bumalik agad? Two thousand years na ngang nakaabang ang ilan. Ano naman ang problema kung abutan ka ng pagbabalik nya na may investments?
Remember the parable of the talents.
Napagalitan ng returning master yung hindi nag-invest at hindi napatubo ang binigay sa kanyang talent/money.
Kaya nung dumating yung Master, napagalitan sya?
- Ed Lapiz

BARAHIN ANG ABUSADONG CHURCH BULLIES! - Ed Lapiz

 Q - Ano po ang dapat reaction sa CHURCH BULLIES--- mga kapwa members/leaders na laging nakabantay sa bawat pagkakamali mo, kakulangan sa perfection, kasuotan, kilos, salita, etc?

Nakakasakal po sila at nakaka-oppress!
A -
1. Suriin kung may point sila, kung tama sila. Kung sa tingin mo ay tama sila, pakinggan at mag-improve ka ayon sa pamumuna nila.
2. Kung sa tingin mo ay sobra na sila, masyadong perfectionist, unrrealistic o kaya ay pakialamera/o sa personal life, choices and style mo,
IGNORE THEM.
Sila ang mamuhay ayon sa standards nila; huwag nilang igiit ang sarili nilang tastes at pananaw sa kapwa. Buntot nila, hilahin nila!
3. Kung sobra na silang intrusive and oppressive, do not suffer in silence.
SAGUTIN MO!
Walang silang karapatang ipabuhat sa yo ang burdens na gusto nila para sa sarili nila.
Wala silang karapatang "pabanalin" ka ayon sa standards nila.
Pag sinagut-sagot mo sila ng buong tapang, titigl sila sa pakikialam. 🙂
Promise, wala silang magagawa hahahahah!
BARAHIN ANG ABUSADONG CHURCH BULLIES!
- Ed Lapiz

Matthew 6. 28-34 JESUS: "DO NOT WORRY."

 JESUS: "DO NOT WORRY."

Matthew 6. 28-34 Jesus:
25 "Therefore I tell you, do not worry about your life, what you will eat or drink; 26 Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?
* God provides.
27 Can any one of you by worrying add a single hour to your life?
* It is useless /unhelpful to worry.
31 So do not worry, saying, 'What shall we eat?' or 'What shall we drink?' 32 For the pagans run after all these things, and your heavenly Father knows that you need them.
* God knows our situation.
33 But seek first his kingdom and his righteousness, and all these things will be given to you as well.
* Let God's peace reign in your heart.
Believe /Hope in God to enjoy his reign of peace, inner joy
and contentment.
34 Therefore do not worry about tomorrow, for tomorrow will worry about itself. Each day has enough trouble of its own.
* Just attend to the needs of today.
God's provisions are enough for today.
* Do not overthink and over worry about tomorrow.
God is God today and tomorrow and forever.

KAPAMILYA O KAPALA NILA

 Q - Taga malayo pong probinsya ang relatives ng magiging husband ko at kilala sila sa pakikitira on extended periods sa mga bahay-bahay ng mga kamag-anak dito sa Manila twing lumuluwas sila (na madalas). Mahigit pong 5-7 days kung makituloy sila!

Ngayon pong ikakasal na kami ni BF at mamamahay ng bukod (uupa lang naman po), malamang na ako naman ang susunod na gawing KABAYAN HOTEL ng mga kamag-anak nya. PANO PO AKO MAKAKAIWAS nang hindi masyadong halata?
A - Ang piliin nyong bahay ay yung super liit, kipot, sikip para wala nang space for extra people?
O kaya ay yung may extra room with its own door, kitchenette and bathroom para dun na lang sila pag makikitira at hindi nyo kahalo pag nariyan sila?

Nakabuntis

 Q - May nabuntis po ako at gusto kong panagutan ung babae pero ang masaklap don gusto nyang ipalaglag sabi ko sa kanya tau ang may kasalanan at wag natin idamay ang unborn baby. Hind ko na po alam ang gagawin ko kasi malayo po ako sa kanya ngaun.

A - Pigilan mo, lalu at gusto mo naman palang panagutan!
Grabe naman...makikipag-do tapos pag nabuntis ipapalaglag???
Q - Pinipigilan ko kaso sabi niya buo na daw loob nyang ipalaglag kasi daw natatakot daw siya sa papa niya kasi graduating pa lang daw sya at wala daw trabaho.
A - Makakaadjust din ang papa nya at buong family sa pregnancy nya.
NATATAKOT SYA SA PAPA NYA PERO SA DIYOS HNDI??!!
Ang tapang nyang makipag-sex tapos takot pala sya sa papa nya?
- Ed Lapiz

real close friend?

 Q - Sino po ang matatawag/maituturing nyong real close friend?

A - Yung
- pag kasama ay hindi kailangang pag-ingatan ang pagsasalita kasi maiintindihan nya at iingatan nya ang sinasabi mo?
- hindi kailangan i-impress at hindi rin nagpapa-impress sa yo?
- kung sumasalungat man sa yo ay para lang sa ikabubuti mo?
- relaxed ka sa kanya at relaxed sya sa yo?
- wala kayong pretense sa isat-isa.
- kahit hindi laging agree sa yo, gusto ka pa ring kasama and vice versa.

NOTA! None Of The Above!

 1. Nanay ng anak ko, hindi kami kasal at wala na kami matagal na.

2. Married woman, sumasakay ng barko ang husband, nagmamahalan kami ng 2 years na twing nasa barko ang husband nya pero lagi akong tinatakot na iiwan nya ako.
3. Isang lady counselor ko na nung iniwan ako ni No. 2 ay sya bigla ang tumihaya at ibinigay ang lahat ng gusto ko. Pero di ko sya mahal. Mapagbigay lang talaga sya kaya may nangyayari sa amin.
SINO PO TITO ANG PIPILIIN KO?
A -NOTA! None Of The Above!
Yung nanay ng anak mo (1), wala na kayo. Yung minahal mo (2), may asawa at ganyan ang ugali. Yung adviser mo (3) , di mo naman talaga gusto/mahal.
Lumayo ka muna sa lahat sa kanila para ka matahimik, manalangin at makapag-isip, pamangkin.

Zero ang love life ko?

 Q - Tito, bakit po kaya hindi naman ako Coke eh Zero and love life ko?

A - Ganun talaga ang buhay, pamangkin.
Minsan mabuti pa ang
- post, nala-like.
- socks, may kapareha.
- target, nami-miss.
- lotto outlet, pinipilahan.
- ulam, tinitikman.
Pero maraming nilalang,
dine-dedma.
SADYANG GANYAN ANG BUHAY.

pamahiin?

 Q - Paano po ba dapat ideal ng isang Christian ang mga pamahiin?

Mapamahiin po kasi ang mga tao sa barrio namin?
A - Respect people and their beliefs. Di dapat laitin, bale-walain o sadistahin at lalu pang suwayin. Especially kung aral ka nang aral ng Bible. Dapat ang unang talab at bunga say o ang kabaitan, kabutihan, kagandahang asal.

very important mark of civilized persons?

 Q - Tito any tip on good manners na very important mark of civilized persons?

A - Talk softly in public when you are not talking to everyone.
Do not be loud.
It is inconsiderate to fill everyone's ears with your voice.
Dapat yung kausap mo lang ang nakaririnig sa yo at hindi pati yung mga hindi mo kausap / kasama.

Word of God?

 Q - Di po ba dapat panindigan at ipaglaban and Word of God?

A - May 2 big words sa question mo: "God" and "Word" (of God)
Let's tackle muna yung "God".
Kung ang God na tinutukoy mo ay the same God din na tinutukoy ko,
magugustuhan mo ang sagot na YES.
(Panindigan at ipaglaban NATIN ang "word" ng God NATIN.)
Pero kung magkaiba tayo ng God na tinutukoy at pinaniniwalaan,
(and there are many religions with their own Gods)
magugustuhan mo pa ba ang YES answer ko?
Kasi magiging magkalaban tayo.
We will attack and destroy each other, using/obeying/fighting for the "word"
of our kanya-kanyang "Gods".

kuntento at makuntento?

 Q - Di po ba dapat ang Christian kuntento at makuntento?

A - Makuntento kung nagawa mo na ang lahat ng kaya at yun na talaga ang bunga ng best effort mo.
PERO wag naman makuntento agad kung
- wala ka pang nagagawa
- ang konti pa lang ng effort mo
- pinagkakaitan ka ng dapat ay deserved mo.
Yung kuntento agad-agad kahit hindi dapat makuntento ay
- walang ambisyon
o
- tamad
o
bulag ang katwiran.
Hindi ganyan ang tunay na believer.

Ed Lapiz talks about Self

Monday, 23 November 2020

JESUS WAY OF LOVE - Ed Lapiz

Ed Lapiz - SAY NO

Temptasyon/Temptation

 Q -May isang bagay lang na nahihirapan ako na alisin at patuloy pa rin po ako nagkakasala. May asawa na po ako pero patuloy pa rin po ako nagnanasa sa ibang babae.

A - Ang magnasa naman ay normal, up to a point kasi tao ka at talagang namang ang tao ay sexual beings.
Ang dapat lang ay hindi matupad, hindi tuluyang gawin ang ninanasa.
Huwag mong patagalin ang tukso pag pumasok sa isip mo.
Itaboy mo agad.
Hindi kasalanang matukso. Kasalanan lang pag sinunod mo ang tukso.
Kaya parang langaw ang tukso; pag dumapo, hindi mo kasalanan.
Pero pag hindi mo binugaw at itinaboy, responsible ka na.
Relax. Don't over react and condemn yourself needlessly.
Just put temptation under control.
Never allow it to dwell in your mind.
Taboy agad.
Q - Ginagawa ko po pero ang problema ko parang napakahina ko sa tukso.
Pabalik balik po ito, parang sexual addict na po ako.
Gusto ko na po iwasan lalo na po ngayon andito ako sa abroad at hindi ko po kasama ang aking asawa.
A - Hindi naman yan nawawala habang buhay ang tao, lalu na kung bata pa.
Learn to live with it; just do not obey it.
At hwag kang sobrang mag-guilt trip at mahiya o matakot sa Diyos.
God is your Creator; he remembers that you are dust and he loves and understands you.
- Ed Lapiz

Friday, 20 November 2020

LAGING NAAAPI?!

 Q - Lagi po akong naaapi, nababale-wala, hindi pinakikinggan, hindi nasusunod at nagiging sunud-sunuran na lang ako sa gusto ng iba. Ano po ang pwede kong gawin para hindi maapi?

A - 1. Huwag kang kimi; huwag masyadong polite lalu na sa harap ng mga astig-astigan. Sabihin mo ang gusto mong sabihin; huwag kang sumang-ayon kung ayaw mo; express your opinion; disagree with people if really are in disagreement.
Stand up to domineering people and bullies.
2. Be more assertive. Speak louder, clearer. Don't allow people to cut you when you speak.
3. Dress well. Look good. If you like to be treated with resepct, look the part.
4. Be good at what you do; be an authority. Huwag kang sobrang submissive sa "authority" lalu hindi ka naman nila palamon. Hindi komo may rank or edad ay bow ka na agad.
5. Make money, a lot of it. Money talks. And when it does, people listen.

Thursday, 19 November 2020

major contents / messages

 Q - Anu-ano po Tito ang major contents / messages ng posts nyo?

FOR WHAT do you post?
A - Anyone can observe that:
1. Practical, kind, loving, JESUS STYLE applications of biblical teachings in daily life. Spiritual growth unto JESUSNESS.
2. Freedom from oppressive, UN-Jesus religious teachings and practices, including suppressive and repressive traditions and social practices.
Appreciation and enjoyment of earthly life while enriching and growing the spirit the JESUS WAY.
3. Emotional rest, peace and serenity.
4. Forgiveness, understanding, acceptance, appreciation of and love for kapwa-tao. Celebration of humanity.
5. Intellectual growth and development and personal / professional productivity and fruitfulness.
6. Appreciation, enjoyment, love for and promotion of culture and the arts. The refinement and celebration of life!
7. Love for animals and the environment.
8. Love for country, ang Pilipinas nating mahal.
ATBP 📷:-)

2020 ISANG TANONG ISANG SAGOT

 Q - Ngayong retired na ang asawa ko sa trabaho...biglang nagsulputan ang mga kawatan, hahaha. Feeling nila may pinatago silang pera at gusto na e-withdraw. Ano po ba ang magandang isagot sa mga ganitong tao e wala pa naman siya hawak na akala ng iba nagdadahilan lang hay...

A - Tell them plainly na wala kayong resources?!
Na wala talaga kayong perang pampamigay. At huwag mamigay.
Retired na nga sya, ibig sabihin greatly diminished na ang earning power nya.



Q - Tito, what types of comments on your posts would you delete?
A - Yung nakaka-NEGATE or nakaka-DISTRACT from the message.
Example:
Ang main message ng post ay "Have a peaceful sleep."
tapos may magko-comment ng "Ingat po sa bangungot..." DELETE pronto!
Kasi nine-negate yung message of peace at pinapalitan ng worry /concern!
Yan kasing "Ingat!" as comment or greeting or concern inevitably focuses on danger and thus stirs fear.
May mga words na sa biglang tingin ay parang para ka magkaroon ng peace, pero ang underlying effect ay takot at anxiety.
Another example:
Ang message ng post of a photo of Tito sleeping under a tree is "REST IN NATURE" tapos may comment na "Tito, saan po yan?" Or "Anong age nyo po sa photo?" DE-LETE agad! The actual location or my age are NOT the points but the idea of resting in natural surroundings.
Ang posts ng Tito ay ministry: mayrong well-thought out goals and objectives for the benefit ng mga pamangkin. Pinag-iisipan. Mayroong message.
Hindi lang para mag-post for the sake of posting.
Kaya dine-delete ang comment na nakaka-distract.
AT ! Yung may 2 options for LIKE tapos gagawa sya ng 3rd option nya! Hahahahahah! Nasisira yung intention to POLARIZE thought for clear choice.



Q - Pano ko po ihahandle ang mga fears ko?
A - Kundi nakakamatay, gawin mo lahat ---isa-isa.
The only way to conquer your fears is to face and overcome them.
What you fear become walls that imprison you.


Q - Tito I am in a very obviously one-sided relationship. By BF does not care for me even 15% of how much I care for him. Ako na lang ng ako ang thoughtful, kind, patient, etc. He gets and forgets while I give and forgive.
Sobra po akong lugi! Mahal po kaya nya ako talaga?
A -
HINDE!
Hindi-hindi ka nya mahal enough kung ganyang less than 15% ng love mo for him ang love nya for you.
Why keep this one-sided relationship?
GUMISING KA, MARUyA!
Get out of that unhealthy, unedifying, unsatisfying and unfair relationship.




Q - Ang hirap maging malaya, Tito!
Paano po ba di maging takot sa sasabihin at iisipin ng iba!?
A - Wag kang umasa sa kanila; at kung di ka nila palamon....di mo kailangang masyadong pahalagahan ang iniisip o sasabihin nila.





Q - Paano po kaya tutulong ang church namin sa flood victims?
A -
IF you do not have the
- knowledge, skills and equipment to keep your members safe from the viral infection,
- material tools to navigate the flood,
- health experts to train and lead you,
- necessary government permits and clearances particularly permits to travel and mix with crowds,
BETTER SEND YOUR HELP TO/THROUGH ACCREDITED GOVERNMENT AGENCIES AND NGO's.
Iba ang situation ngayon dahil may threat of viral infection.
DO NOT ENDANGER YOUR WORKERS NA
- MAGKAHAWAHAN SILA-SILA,
- MAHAWAHAN NILA YUNG MGA TUTULUNGAN NYO,
- MAHAWAHAN KAYO NG MGA PUPUNTAHAN NYO o ng mga ibang mga tumutulong din.



Q - Pag po ba nag-asawa muli ang isang widow/widower, unfaithfulness po ba yon sa deceased spouse?
A -
Physical death cuts/voids the Marriage Contract and sets both the departed and the surviving person free from it.
At sa kabilang buhay,
- hindi na sila mag-asawa.
- wala nang mag-asawa ---SABI NI JESUS!
The surviving (former) spouse is free to marry
AS a single person.
Mark 12:18-25 ERV
18 Then some Sadducees came to Jesus. (Sadducees believe that no one will rise from death.) They asked him a question: 19 "Teacher, Moses wrote that if a married man dies and had no children, his brother must marry the woman. Then they will have children for the dead brother. 20 There were seven brothers. The first brother married but died. He had no children. 21 So the second brother married the woman. But he also died and had no children. The same thing happened with the third brother. 22 All seven brothers married the woman and died. None of the brothers had any children with her. And she was the last to die. 23 But all seven brothers had married her. So at the time when people rise from death, whose wife will she be?"
24 Jesus answered, "How could you be so wrong? It's because you don't know what the Scriptures say. And you don't know anything about God's power. 25 When people rise from death, there will be no marriage. People will not be married to each other. All people will be like angels in heaven.
Luke 20:34 ERV
34 Jesus said to the Sadducees, "On earth, people marry each other. 35 Some people will be worthy to be raised ffrom death and live again after this life. In that life they will not marRY.





Q - Gusto ko pong mag GROW spiritually ---REALLY GROW. Any advice po?
A -
To GROW you must OUTgrow something.
You want to really grow spiritually?
OUTgrow ---grow out of ---many religious constructs/ boxes
in your mind.
WAG MATAKOT MAGBAGO NG ISIP.
REVIEW
QUESTION
DECONSTRUCT
every religious thought na isinaksak sa utak mo.
Tapos, yung natira matapos magsala,
RECONFIGURE
RECONSTITUTE
RECONSTRUCT
into your new spiritual awareness /consciousness.
This time, pinag-isipan mo, hindi lang isinaksak sa utak mo ng iba.





Q - Lumubog po kami sa utang dahil sa kabibigay ng palihim ng misis ko sa pamilya nya. Based on my salary and capacity to pay, three years to pay po ang credit card utang namin. Ano po ang dapat kong gawin? Umamin po si misis at humihingi ng tawad.
A - Itali mo si misis sa langgaman for three years, habang nagbabayad ka ng utang na palihim nyang ginawa?
Siguro hindi mo naman kayang gawin yan kaya ito na lang:
1. Do you best best na mabayaran AGAD LAHAT ng credit card utang kasi ay napakalaki ng INTEREST NYAN pag minimum payment lang ang ibabayad mo sa loob ng 3 years. Baka lumaki at humaba pa ang bayaran.
2. Tanggalan mo si misis ng credit card use privilege at kontrolin mo personally ang finances ninyo. Obviously, you cannot trust her in that department.




Q - Problemado po ako about love life. Dahil sa tukso po sa akin sa edad ko. Single pa po ako. Lagi po akong umiinom dahil lang dun kasi po nainlove po ako sa sobrang bata. Binlock pa po nya ako sa fb kaya parang naghahabol tuloy ako sa kanya.
Q - Relax ka lang.
Kahit gaano ka-intense ng love, lumilipas din.
Do not damage yourself or others dahil sa emotions na malamang ay lilipas din pagdaan ng panahon.
Get busy with other productive things.
Pray for God's strengbthening.
PAMANGKINS: LET' S PRAY FOR THIS PINSAN OF YOURS.




Q - Tito Ed, bata po akong Pastor, I am 22, graduated with a degree in Theology. I feel less because I graduated with this degree. Alam ko po mali, pero parang nahihiya po ako sa tinapps ko. Siguro po dahil sa hirap na nararanasan ko ngayun sa ministry. Samantalang yung kasabayan ko po may mga gainful employment na. Tulungan niyo po ako please.
A - When you can, get another degree para mas maging well-rounded ang knowledge mo. Bata ka pa, so much to know, do and accomplish.
Wag kang masiraan ng loob. Mahirap talaga ang magsimula.
Basta isipin mo: nagtatanim muna ang tao bago umani.
Huwag kang ma-inggit sa iba: kanya-kanyang calling at misyon ang mga tao.
I'm glad you are in the ministry, pamangkin!




BROAD-MINDED ?
Q - Mukha po kayong very broad-minded sa beliefs and theological stand, liberal at maluwag sa pangunguna sa flock. Have you always been like that?
A - In my more than 40 years of non-stop ministry, study and observation, I have seen it all, I have done it all: I have gone full circle.
I have been militantly Pharisaic, super strict about what songs are sung and what tunes are played at worship; what everyone wore; etc. No long hair for men, no short hair for women, etc; nobody could serve if there was a slightest hint of indiscretion.
I have kept and put out of the ministry not a few excellent persons because of "morality" issues. I have lost some precious friends because of theological differences.
Been there; done that.
But I realized perhaps a bit of what Solomon learned after a lifelong study: Everything is Vanity/Meaningless; a chasing after the wind.
Like what he said in
Ecclesiastes 9:11 (NIV)
11 I have seen something else under the sun:
The race is not to the swift
or the battle to the strong,
nor does food come to the wise
or wealth to the brilliant
or favor to the learned;
but time and chance happen to them all.
---
Ganun din ang nakita ko sa ministry:
Church growth is not always to the most outwardly holy;
Spiritual battle is not always won by the conservative and dogmatic;
Blessings do not always come to the "authoritative" and "anointed";
Heavenly favor does not always go to the seemingly righteous;
Religiosity does not always mean godliness;
Studying the Bible especially formally as a specialty does not always create good character;
Making war for doctrine does not always mean correctness;
Narrow and strict compliance with and imposition of one's theological stand does not always translate into personal righteousness;
Etc Etc Etc
Conservative or liberal;
Ano man ang Bible version na ginagamit;
Ano man ang outward appearance;
Ano man ang preferences sa buhay;
Sinuman ang minamahal o nagmamahal;
Paano man nagpabautismo;
Ano man ang kinakain at iniinom sa Lord's Supper;
May Pasko man o wala;
Linggo man o Sabado sumasamba;
Ano man ang denominasyon;
Etc Etc Etc
Pare-pareho lang ang lahat:
Puro may kulang, may sakit, may sugat: iba-iba lang nga.
Lahat makasalanan pa rin, marumi pa rin,
mapagbalat-kayo lang,
kulang at umaasa lang sa habag at pag-ibig ng Diyos.
So, bakit hindi magiging mahabagin at maibigin?
Bakit magiging Phariseeic at church bully?
Bakit laging magagalit at makikipag-kagalit?
Bakit laging hahanapan ng mali ang kapwa?
Bakit laging itataas ang sarili?
Bakit mananakit ng damdamin para sa "doctrine"?
Bakit manghuhusga at magtatakwil ng kapwa na kapareho lang namang kulang?
So I learned from more than four decades of dedicated, focused and studious ministry.
I learned from Solomon and Jesus.
"Everything" is meaningless.
Even to Jesus, all the laws are meaningless kaya isa lang ang ibinigay nyang bagong utos pamalit sa lahat-lahat ng utos: LOVE.
Sabi nya: "Everyone who has gone before me was a thief."
Ang problema, matapos ituro ang pag-ibig ni Jesus,
biglang ibabalik at isisingit muli ang tambak-tambak na laws!
I understand modern-day Pharisees: I've been there; I've done that.
But thank God for getting me out of that vicious religious cycle where everything and everyone outside of one's orbit is vilified, demonized, ridiculed and hurt in the name of "doctrine"!
Graduate na tayo dyan.
Papunta pa lang ang iba, salamat naman at pabalik/pauwi na tayo.
Nawa sa maiksing buhay na ito, makabalik at makauwi rin ang lahat para makapagpahinga naman at matahimik sa pag-ibig ni Jesus. ~



Q - Ano po ang magandang gawin ng sobrang talinong tao sa mga taong malapit sa kanya pero di kasing talino nya o hindi matalino at all?
A -
1. Mag-adjust. Yung mas matalino ang mag-aadjust kasi hindi yan kaya ng less matalino. Hindi naman ibig sabihi'y makisali sa mga level ng pag-iisip ng madla.
Adjust lang...hwag paghanapang masyado ang madla.
2. Dalahan/Babaan nya ng katalinuhan ang madla pero yun lang na kaya nilang maintindhan, tanggapin at ma-appreciate.
3. Huwag na nyang guluhin, ligaligin, ugain, yanigin, sindakin, etc ng katalinuhan ang madla. Malilito lang sila. Solohin na lang nya ang mataas na kaalaman at i-share na lang nya ang mga application na kayang lulunin at tunawin ng madla.
Jesus says in
Matthew 7:6 (NIV)
“Do not give dogs what is sacred; do not throw your pearls to pigs. If you do, they may trample them under their feet, and turn and tear you to pieces.
--------
Talagang it could be lonely at the top ---especially at the top of the intelligence/ wisdom/ enlightenment pyramid.




Don't have a reputation for easy generosity, for being madaling lapitan, maluwag, mapera, mabait, etc KUNG AYAW MONG hindi ka tigilan, hindi tantanan, hindi lubayan, hindi pagpahingahin, hindi kahabagan ng mga palaasa, palahingi, paladaing at pabigat sa buhay hanggang ikaw ay mapagod, magsawa, mainis, manghina at maghirap.
Q - Tito, di po ba magandang ipayo ang pagiging mapagbigay, mabait at generous?
A - Para ano, para maapi, maabuso, matalo? No way.
I want my pamangkins to be free, to be winners, to be fruitful and happy.
Hindi ko kayo papayuhang magpaka-api, magpaka-kawawa, magdusa at maghirap.
All others give that payo already. Yung gusto ng ganung buhay, dun na lang magpa-counsel. I don't want my pamangkins to become victims of thieves!
John 10:10 (CEV) Jesus:
10 A thief comes only to rob, kill, and destroy. I came so that everyone would have life, and have it in its fullest.
Matthew 10:16 (CEV) Jesus:
16 I am sending you like lambs into a pack of wolves. So be as wise as snakes and as innocent as doves.



Q - Sobra po akong disagree sa pamamalakad ng tatay ko sa pamilya namin.
Ayaw naman po nyang makinig at sobra syang authoritative.
Ano po ang magandang gawin?
A -
Kung hindi naman nakamamatay, live with it; live with him habang hindi ka pa independent.
Pag may sarili ka ng buhay,
pag nagsasarili ka na o naging tatay ka na,
dun mo gawin ang gusto mong pamamalakad ng buhay.





Q - Tito bakit po kaya ako nabubuhay?
A - Pamangkin, dapat mong sagutin yan sa sarili mo.
Pag may ibang nagbigay sa yo ng sagot,
baka mabuhay ka para lang sa sagot nila.



BAD THINGS HAPPEN TO GOOD PEOPLE?
Q - Why can some very terrible "accidents",
grave illnesses, horrible crimes, tragic deaths, etc happen to or against very godly, good and kind people, even morally upright religious leaders?
Why doesn't God intervene to prevent such things from happening?
A -
The purest law of God is the law of nature.
God created nature and ordained natural laws to govern it.
Natural Law is above all man-made laws, including religious and moral law ---
all of which came much much later than Creation.
And one of Natural Law's most basic principles is Cause and Effect.
Morality and religiosity, even righteousness or rightness,
exempt no one from natural law especially the rule of Cause and Effect.
If "terrible" things happen, there are causes that make them happen.
When natural law is bypassed, over ruled or aborted, like when the natural and automatic "effect" is suppressed despite the "cause",
that is called by believers as a miracle.
A miracle is a suspension, bypassing, or superseding/cancellation of Natural Law.
The author of Natural Law should not be always expected to suspend it to accommodate various, sometimes even conflicting, individual or personal human agenda.





Q - Tito! Nakakainis po ang BF ko!! Sobrang maginoo!! Wala man lang kahit konting kabastusan!??? Boring po pala sa gurl pag sobra at laging iginagalang? Heeeelp!
A - Gusto mo ipakulong kita sa city jail na punung puno ng mga lalaking hindi laging magalang?



Q - Young / New preacher po ako Tito.
Any tip on how to be excellent?
A -
Study at least 10 hours for every one hour of preaching.
And unless you read the original Hebrew and Greek texts, you are surely reading only a translation.
And translations could be/are INTERPRETATIONS already.
So, by reading translations, you are immediately removed some distance from the original text, context and meaning.
UNDERSTAND THE TEXTS AS CLOSELY TO THE ORIGINAL LANGUAGE as possible.
Have excellent study sources that explain the text as the original language says.
Usually, there will be more than one way to read and interpret it when you refer to the original language.
And many interpretations already choose ONE reading / interpretation for you!
(Some do include the other possible readings in footnotes.)
So, HAVE EXCELLENT REFERENCES TO CONSULT.
Or have a Hebrew and Greek language consultant that you could ask about other possibilities of reading and interpreting the text/original language.



Q - Para pong naasiwa akong aminin na matanda na ako?
Ni ayaw ko pong magpamano?
A -
Gusto mo ma-dedo nang bata pa para wala kang ika-asiwa?
Welcome and embrace senior age!
Privilege yan.
Hindi lahat humahaba ang buhay para abutin ang old age!
To deny, be embarrassed by and ashamed of old age is ingratitude and disrespect for God who extends life and gives breath and everything.
Pag itinago o ikinahiya ang edad, para mo nang sinabi sa Diyos na kunin ka na para hindi ka tumanda o mahalatang matanda!
Every year added to earthly life should be thanked for and celebrated, not hidden like some dark crime!
It is both a gift and an accomplishment!