Q - Ang family ko po Religion X, ang family ng BF ko, Religion Y.
Nang nag-decide po kaming maging couple against the will of our parents, ISINUMPA PO KAMI PAREHO NG BOTH SIDES. Pinalayas po kami pareho.
At kahit naghirap po kami, lalo na noong nagka-anak kami,
hindi po talaga kami tinulungan ng both sides.
Nag-pray pa po ang biyanan ko noong may malubhang sakit ang anak ko (na apo nya) na ok lang daw pong mamatay ang anak ko kasi bunga ng kasalanan.
SINO PO KAYA ANG TAMA SA DALAWANG FAMILIES na pareho namang under the classification of Christianity ang religions pero magka-iba lang ng brand? Kasi pareho po namang ang basis nila sa pagsumpa ay ang curse daw ng Diyos sa Israel twing nagiging unfaithful ang Israel sa covenant nila with God?!
A - Sino ang tama?
PAREHONG UNJESUS ang ginawa nila.
Ginagaya nila ang mga sumpa-sumpa noong unang panahon sa Israel.
May covenant ang ancient Israel with Yahweh BILANG GANTI SA PAGPAPALAYA SA KANILA FROM EGYPT.
Tanong:
Ancient Israelite ba KAYO?
KASAMA BA KAYO SA PINALAYA FROM EGYPT?
SAKOP BA KAYO NG COVENANT NA YUN?
At kaya nga may NEW covenant na with Jesus: Love.
No comments:
Post a Comment