Tuesday, 7 February 2017

Matthew 7:6 (CEV)

Anumang bagay na mas malaki sa isang butas ay hindi maipapasok dito.
Ganun din ang idea.
Anumang idea na mas malaki kaysa sa utak/isip ay hindi maipapasok dito.
Huwag magsayang ng lakas na magpaliwanag sa makitid na isip.
Baka awayin ka lang nya.
Para may mangyari,
1. Paliitin ang idea para magkasya, o
2. Palakihin ang utak sa pamamagitan ng pagsasanay.
Jesus says:
Matthew 7:6 (CEV)
Don’t give to dogs what belongs to God. They will only turn and attack you. Don’t throw pearls down in front of pigs. They will trample all over them.

Bakit po kaya walang banana catsup dito sa ibang bansa?

Q - Bakit po kaya walang banana catsup dito sa ibang bansa?
A -
Nilikha ng Pilipino ang banana catsup noong World War II.
Ang catsup na dinala ng mga Americans sa Pilipinas ay gawa sa TOMATO.
Pero noong World War II, hinarangan ng mga Hapon ang mga karagatan sa paligid ng Pilipinas at walang makapasok na imported goods, kasama na ang Tomato Catsup.
SO, UMIMBENTO ANG PILIPINO NG IBANG CATSUP!
Eh ang dami kaya nating BANANAS!
MAgdalo V. FRANcisco created his banana catsup kaya ang brand name ay MAFRAN.
After the war, nakarating ulit sa Pilipinas ang tomato catsup ng Kano,
pero marami nang Pinoys ang nasanay at mas nasarapan sa Banana Catsup kaya tuluy-tuloy na nabuhay ang catsup na sariling atin.
In 1960, Francisco partnered with Tirso T. Reyes para palakihin ang compania.
Pero later nagkaron sila ng di pagkakasundo kaya humiwalay si Francisco at lumikha ng ibang brand, ang JUFRAN na ipinangalan nya sa anak nyang si JUn.
*
Meron naman nyan sa maraming Filipino / Asian Stores!
Hanap[ hanap pag may time. :-) O magapa-DHL ka kaya?

Wednesday, 1 February 2017

Daily Devotions 365 Daily Supplements For The Heart Approved Therapeutic Claims

John 5:17
“My Father is always at his work to this very day, and I, too, am working.”
You know one thing about God? Our God is a working God. Pagbukas ng tabing ng Biblia, Act 1, Scene 1, we see God na nagtatrabaho. Gumagawa ng liwanag, ng bituin, ng halaman, ng hayop at ng tao. Sa ikapitong araw ay namahinga, para i-appreciate ang kanyang ginawa. So, kasali sa paggawa yung appreciation and enjoyment of what we make. Hindi nyo nakita ang Dios na nakatiwangwang at nagpapahinga. Nakita natin ang isang Dios na gumagawa.
Nang ang Panginoong Dios ay bumaba sa lupa at nagkatawang-tao, patuloy pa rin siya sa paggawa. Ano ang ginawa ng Panginoon nung wala pa siyang public ministry? Nagkarpintero! Nung nasa ministry na siya—lakad dito, lakad doon; punta dito, punta doon. Namamangka, naglalakad, umaahon ng bundok, naglilingkod sa mga disipulo, nagpapagaling ng maysakit, nagtuturo sa mga nangangailangan ng karunungan, nagtatama ng mga mali.
Sa climax ng kanyang ministry, nagtatrabaho pa rin! Pinasan ang krus! At habang ipinapako na, nagtatrabaho pa rin. Nanalangin hindi para sa kanyang sarili kundi para sa mga nagpapako sa kanya! At talagang sobrang magtrabaho ang Dios. Namatay na nga, bumangon pang muli. Para magtrabaho na naman. Para i-bless na naman ang kanyang mga disciples. Mag-utos. Mag-manage. Ganundin dapat tayo.
The Lord would like to bless us. He is not selfish. At siya’y mayaman. Natutuwa siya sa mga taong masisipag, marurunong, matatapat. Bagamat mahilig gumawa ng pera ay hindi alipin ng pera at hindi mukhang pera.
Ed Lapiz
Day By Day Christian Ministries

Sunday, 29 January 2017

Ed Lapiz - DEALING WITH DEPRESSION yours and/ or other people's (January...

 DEALING WITH DEPRESSION
















Kabanalan at Spiritualidad

Q - ang pagiging spiritual ba at kabanalan palaging magkasama sa isang tao? O meron po bang spiritual na tao na hindi banal? O me banal po bang tao na hindi spiritual?
A -
Depende sa sa definitions ng "spiritual" at "banal".
Madalas, magka-kontra ang usual definitions ng dalawang words na yan. "Kabanalan" is usually associated with specific religious/sectarian beliefs while spirituality is more universal. Halimabawa, sa isang specific religion, kabanalan could be "Hwag kumain ng ganito at ganyan" habang ang spiritual naman ay "maging less matrerialistic".

Friday, 27 January 2017

Ed Lapiz - Isang Tanong Isang Sagot

Q - Bakit po dapat pang magpaganda para makaakit ng manliligaw? Di po ba real beauty is deep inside?
A - 
Kung ang gusto mong maakit na manligaw sa yo ay 
- medical internist na makakakita sa "what is deep inside you",
or
- a prophet who can see your heart/spirit deep inside,
di mo na talaga kailangang magpaganda.
PERO kung ang gusto mong makapansin sa yo ay karanimang taong tulad mo, dapat naman siempre presentable and attractive ka.
Yes, beauty is only skin deep, but would you hope/like to be noticed because of your very beautiful .......intestines???

Thursday, 19 January 2017

Ed Lapiz - How to make Decisions





Ed Lapiz - How to make Decisions

Daily Devotion

Romans 12:3
Do not think of yourself more highly than you ought, but rather think of yourself with sober judgment, in accordance with the measure of faith God has given you.
There is one very dangerous thought na dapat nating pinag-iingatang wag palaging isipin. This is the thought that we are above others.
I am above others intellectually. Mas marunong ako kesa sa inyo. So, pag nagsalita ako, makikinig kayong lahat. Di ko kailangang makinig pag nagsasalita kayo. I am above others materially. Mas malaki ang kita ko. Mas mayaman ako sa inyo. Mas marami akong dino-donate. Mas marami akong ibinibigay, so I deserve more attention. I should be given prominence. I am above others socially. Mas mataas ang ranggo ko. Mas marami akong na-accomplish. Mas kilala ang pamilya namin. When I talk, you shut up. I lead, you follow. 
Isa ito sa mga malalang sakit ng napakaraming tao. Kahit nga kung minsan, mga anak ng Dios pa ang laging nagmamataas. Inilalagay ang sarili sa mas mataas na dapat kalagyan. Ikaw ang dapat na unang bumati sa akin pag nag-aaway tayo, kasi mas superior ako kesa sayo. Pag dumarating ako dapat pinapansin mo ako agad.  Pag meron akong gusto, yun ang dapat mangyari. Yung gusto kong pagkain ang oorderin natin sa restaurant. Yung gusto kong pelikula ang panoorin natin. 
This is childish behavior.  Habang ang tao ay nagma-mature, lalo tayong nagiging mapagbigay. Mas natututo tayong magparaya para sa ikaliligaya ng iba. 

Family or Ministry?

Family or Ministry?
Q - 
I am a young/new pastor. I believe that as a servant of the Lord, I must maintain a well balanced priorities between my Church Ministry and Family. So I have set aside a day for my Family (Family Day), but my other co-pastors make us feel that it is not right (Unbiblical). In spite that I offer most of my weekdays to the Church. (I am also currently an OFW). So what is your view about having time for the family? Which one must be prioritized, family or Church Ministry?
A -
Your family day is an excellent, beautiful, godly idea.
CONTINUE DOING IT.
AND HAVE MORE TIME WITH YOUR FAMILY.
Yung members nga ng church, siguradong may family dayS pa nga.
PAG NAGKASAKIT KA, NARATAY, NABUROL, ETC, family mo ang mananatali sa paligid mo araw-araw.
Church people will only visit you once or twice ---if they would visit you at all.
Minsan sobra ang expectation ng church sa pastors and other workers pero kulang na kulang na kulang naman sa pag-aalaga at pagsusuporta sa mga ministers na ito.

Saturday, 14 January 2017

Daily Devotion

Ruth 1:16-17
But Ruth replied, “Don’t urge me to leave you or to turn back from you. Where you go I will go, and where you stay I will stay. Your people will be my people and your God my God. Where you die I will die, and there I will be buried. May the LORD deal with me be it ever so severely, if anything but death separates you and me.”
Kausap ba ni Ruth yung asawa nya? Hindi, ang biyenan nya! Kapisan nyo ba ang inyong biyenan ngayon? O, as usual ay nakahiwalay sa inyo? Ano ang sinabi ni Ruth, “Walang maghihiwalay sa atin kundi kamatayan.” Akala mo romantic love? Pagmamahal ng manugang sa biyenan.
Bakit nga ba ang pinakamaraming giyera sa mundo ay sa mag-biyenan? Para bang puede mo pang palitan ang biyenan at ang manugang. Hindi na puede yon. Kaya dapat ay mag-adjust. Kung problema nyo yung biyenan nyo 20 years ago at problema nyo pa rin hanggang ngayon, may problema rin talaga kayo. Tuwing may family reunion, lamay o kasalan, yung reklamo nyo sa kanya ang laging pinag-uusapan nyo. Ganun pa rin hanggang ngayon?
Kung hindi nagbabago yon e di kayo ang magbago. At sa lagay gagawin ninyong miserable ang buhay ninyo at ang buhay ng anak o asawa nyo? Na hindi tuloy nya malaman kung saan siya lulugar at para siyang laging nasa pagitan ng nag-uumpugang bato? Nag-aagawan ng atensyon at nag-uunahan sa pagsusumbong ang nanay at asawa? Pareho namang hindi na puedeng palitan. Dapat mag-adjust. Dapat mahalin ang mga anak at pati na rin ang mga manugang.
Ed Lapiz
Day By Day Christian Ministries