Thursday, 19 January 2017

Daily Devotion

Romans 12:3
Do not think of yourself more highly than you ought, but rather think of yourself with sober judgment, in accordance with the measure of faith God has given you.
There is one very dangerous thought na dapat nating pinag-iingatang wag palaging isipin. This is the thought that we are above others.
I am above others intellectually. Mas marunong ako kesa sa inyo. So, pag nagsalita ako, makikinig kayong lahat. Di ko kailangang makinig pag nagsasalita kayo. I am above others materially. Mas malaki ang kita ko. Mas mayaman ako sa inyo. Mas marami akong dino-donate. Mas marami akong ibinibigay, so I deserve more attention. I should be given prominence. I am above others socially. Mas mataas ang ranggo ko. Mas marami akong na-accomplish. Mas kilala ang pamilya namin. When I talk, you shut up. I lead, you follow. 
Isa ito sa mga malalang sakit ng napakaraming tao. Kahit nga kung minsan, mga anak ng Dios pa ang laging nagmamataas. Inilalagay ang sarili sa mas mataas na dapat kalagyan. Ikaw ang dapat na unang bumati sa akin pag nag-aaway tayo, kasi mas superior ako kesa sayo. Pag dumarating ako dapat pinapansin mo ako agad.  Pag meron akong gusto, yun ang dapat mangyari. Yung gusto kong pagkain ang oorderin natin sa restaurant. Yung gusto kong pelikula ang panoorin natin. 
This is childish behavior.  Habang ang tao ay nagma-mature, lalo tayong nagiging mapagbigay. Mas natututo tayong magparaya para sa ikaliligaya ng iba. 

No comments:

Post a Comment