Ruth 1:16-17
But Ruth replied, “Don’t urge me to leave you or to turn back from you. Where you go I will go, and where you stay I will stay. Your people will be my people and your God my God. Where you die I will die, and there I will be buried. May the LORD deal with me be it ever so severely, if anything but death separates you and me.”
Kausap ba ni Ruth yung asawa nya? Hindi, ang biyenan nya! Kapisan nyo ba ang inyong biyenan ngayon? O, as usual ay nakahiwalay sa inyo? Ano ang sinabi ni Ruth, “Walang maghihiwalay sa atin kundi kamatayan.” Akala mo romantic love? Pagmamahal ng manugang sa biyenan.
Bakit nga ba ang pinakamaraming giyera sa mundo ay sa mag-biyenan? Para bang puede mo pang palitan ang biyenan at ang manugang. Hindi na puede yon. Kaya dapat ay mag-adjust. Kung problema nyo yung biyenan nyo 20 years ago at problema nyo pa rin hanggang ngayon, may problema rin talaga kayo. Tuwing may family reunion, lamay o kasalan, yung reklamo nyo sa kanya ang laging pinag-uusapan nyo. Ganun pa rin hanggang ngayon?
Kung hindi nagbabago yon e di kayo ang magbago. At sa lagay gagawin ninyong miserable ang buhay ninyo at ang buhay ng anak o asawa nyo? Na hindi tuloy nya malaman kung saan siya lulugar at para siyang laging nasa pagitan ng nag-uumpugang bato? Nag-aagawan ng atensyon at nag-uunahan sa pagsusumbong ang nanay at asawa? Pareho namang hindi na puedeng palitan. Dapat mag-adjust. Dapat mahalin ang mga anak at pati na rin ang mga manugang.
No comments:
Post a Comment