Tuesday, 7 February 2017

Bakit po kaya walang banana catsup dito sa ibang bansa?

Q - Bakit po kaya walang banana catsup dito sa ibang bansa?
A -
Nilikha ng Pilipino ang banana catsup noong World War II.
Ang catsup na dinala ng mga Americans sa Pilipinas ay gawa sa TOMATO.
Pero noong World War II, hinarangan ng mga Hapon ang mga karagatan sa paligid ng Pilipinas at walang makapasok na imported goods, kasama na ang Tomato Catsup.
SO, UMIMBENTO ANG PILIPINO NG IBANG CATSUP!
Eh ang dami kaya nating BANANAS!
MAgdalo V. FRANcisco created his banana catsup kaya ang brand name ay MAFRAN.
After the war, nakarating ulit sa Pilipinas ang tomato catsup ng Kano,
pero marami nang Pinoys ang nasanay at mas nasarapan sa Banana Catsup kaya tuluy-tuloy na nabuhay ang catsup na sariling atin.
In 1960, Francisco partnered with Tirso T. Reyes para palakihin ang compania.
Pero later nagkaron sila ng di pagkakasundo kaya humiwalay si Francisco at lumikha ng ibang brand, ang JUFRAN na ipinangalan nya sa anak nyang si JUn.
*
Meron naman nyan sa maraming Filipino / Asian Stores!
Hanap[ hanap pag may time. :-) O magapa-DHL ka kaya?

No comments:

Post a Comment