Q - Tito, lumaki po akong di kilala ang aking ama. At ang ina ko po na pinalaki ako habang may pangalawa na syang asawa ay namatay na ng hindi sinabi sa akin kung sino ang father ko. Para po tuloy kulang ang pagkatao ko? Paano po ako mabubuo?
A - Pamangkin buung-buo ka. Imagination at drama mo lang na kulang ka.
Pasalamat ka nga at pinalaki ka ng nanay mo kahit wala na ang tatay mo. At may tumayo naman palang tatay mo...at ngayon ay hayan at sobra ka ngang buo para makapag-isip pa ng mga ganyang tanong at umimbento ng problema.
Isipin mo na lang:
Hindi lang ikaw ang ganyan.
Maraming-marami pang iba.
Kaya pasalamat ka.
Magpakabuti, magsikap and make something of yourself
through honest and hard work.
Yun ang bubuo sa yo...yung pupuntahan mo,
hindi ang pinanggalingan.
No comments:
Post a Comment