Monday, 12 February 2018

Isang Tanong Isang Sagot 2018 (Ed Lapiz)

Q - yung married woman neighbor friend po namin na nasa abroad ang husband, ang hilig makisabay sa car ng husband ko pag papasok sa trabaho. Di ko po gusto ang kilos ni babae. Parang seductive. Ano po ang gagawin ko?
A - Putulin mo ang kalokohang pag sabay-sabay nya sa asawa mo. Whatever it takes!



 Q - Bakit po kaya may mga taong know-it-all ang peg? Yung pag may binanggit ka, kunwari may alam na sya noon pa pero halatang bigla lang nag-google para may masabi ?
 A - Sinabi mo na ang sagot, pamangkin!



 Q - Ano po ang magandang gawin para maiba naman ang darating na kasalan namin ni partner?
A - 1. Wala na lang nung uso/ asak nang prenup video / photo ek ek? Iba naman? 2. Ibalik ang invite sa old fashioned style, hindi yung kung anik-anik na jeepney-art style? 3. Tama na yung 2-candles-into-one style. Same with 2 bottles of water, 2 jars of sand, etc? bang symbols naman? 4. Tama na yung "you may kiss the bride" drama, lalu na kung nakapag-sex na nga way before! 5. Huwag paghintayin ang guests sa reception. Kainan agad then program. 6. Tama na yung mga pics ng ikinasal sa mga gubat, bangin, ilog, o Luneta? Iba naman visual presentations? 7. Huwag diktahan ang guests kung ano ang isusuot?



Q - Tito. Masama po bang magpatanggal ng nunal? Anlaki po kase ng nunal ko sa mukha nakakawalan ng kumpyansa.
 A - Ask a dermatoligist, pamangkin.



 Q - May tao po na laging nagtatampo. Kapagod na pong suyuin at pakiramdaman lagi.
A - Eh di wag mo nang suyuin at pakiramdaman! :-) Hayae na.



 Q - Pagud na pagod, stressed at halos hopeless na po kami ng husband ko na magka anak! Lagi pong miscarriage! Sinunod na po namin lahat ng payo mg doctor. Tumatanda na po ako! What to do?
A - Relax. Rest. Enjoy muna kayo! Baka yung stress sa kaiisip at kapipilit at kawoworry ang cause ng faikure and miscarriage? Alisin nyo muna sa agenda ang pregnancy at least in the next few months?!



 Q - Pano po iiwas sa isang taong ayaw mo talaga ---kung kasama sya sa group activity?
A - 1. Wag mo na lang iwasan? Kebs mo na lang during the event? 2. Wag kang dumalo? 3. Organize another by-invitaion-only event at siempre, hindi sya invited?




 Q - Anu po ba yung "Jesus Filter" na itinuturo nyo, Tito?
A - Yung lahaaaat ng teachings/tinig sa Bible ng kung sinu-sino ay ihambing, sukatin, paraanin at salain sa teachings NI JESUS! Yung teachings na - lulusot sa Jesus Filter - katugma, katulad, kaisa ng katuruan ni Jesus ay sundin, isabuhay at ituro rin. Yung teachings na hindi katugma, hindi katulad, at hindi kaisa ng turo ni Jesus ay - isa-isang tabi - ituring na CANCELLED by the CORRECTIVE and PERFECTing revelation of God / the Father through JESUS, THE ONLY AND THE PERFECT IMAGE OF GOD! Jesus was sent to be THE light, way, truth, and life. Lahat ng religious / spiritual ideas ay dapat salain sa JESUS FILTER! Pag nangyari ito, Christians will become like Jesus, not like some other biblical / religious characters.



 Q - Sa inyo po, ano ang nakaka-impress na bahagi ng magandang bahay?
A - Ang staff quarters: kwarto ni Yaya at ni Driver. Pag maganda at comfortable yun --- hanga talaga ang Tito sa maybahay! Common na ang impressive sala or dining room or lanai, etc. Wa-epek na yun sa Tito. Pero yung maayos na kwarto ng staff....WOW!





Lazada Philippines




Q - Pano po kaya magkakaron ng more income and more time para sa sarili, sa loved ones at sa ibang interests?
A - 
Huwag mamasukan o kaya ay tigilan ang pamamasukan as empleyado! Employees sell their time and presence to employers, usually at survival rates lang! 
Alamin, idevelop at gamitin ang likas mong galing/ gifting/ hilig / talent and skill para maging independent worker ayon sa personal strengths! Dun ka may chance na kumita ng mas malaki at magkaron ng sariling kontrol sa oras mo!




Q - Tito, how to afford fun vacations??
Q - 
1. Make MORE money! Dagdagan ang income! 
Lahat dapat kumikita!
2. Save money! Cut/ Minimize needless expenses! 
3. Search for / Find least costly but most enjoyable places and activities! Less cost pag weekdays or off-season! Search for speacial offers!
4. Cut / Minimize needless expenses during the vacay! When practical, cook instead of always eat out. When eating out, order filling but less costly fare! (Drinks are usually sooo mahaaal!)



Q - Mahirap po bang maging isang Ed Lapiz?
A -
Hindi mahirap maging ikaw / sinuman basta
- totoo sa sarili.
- walang (masyadong) mine-maintain na "image".
- you don't take yourself too seriously.
- you don't make /have too much expectations.
- you know how and are able to say NO to what you really do not like / want.

1 comment:

  1. tito ed , bakit di po kayo sumasagot sa mga hinaing ng isang attendee ng satelite church , mula pa noon
    ---------- Forwarded message ----------
    From: lanilex tates
    Date: Tue, Nov 28, 2017 at 1:54 PM
    Subject: Compliant for REVIEW by PASTOR GAMI A ALBA for possible amicable settlement
    To: daybydaychristianministry@gmail.com, daybydaymentronorth@gmail.com



    DAY BY DAY CHRISTIAN MINISTRY

    Bulwagan ng Panginoon







    Complaint for persecution of body of Christ against DAY BY DAY METRO NORTH Administrator, Pastor ERNIE BANEZ g NOvember 2017 eto po ang thread

    ReplyDelete