Monday, 12 February 2018

Ed Lapiz 2018 Post

May panghabang-buhay / pangmatagalng DISADVATAGE ang hindi nag-aral na mabuti ng GRAMMAR noong estudiante pa lang.
Ang marunong magsalita at magbasa ng tama ay greatly empowered in many ways.




Yung kulang sa alam at husay ay madalas mambola sa mga kasama at katrabaho para takpan ang deficiency.
Galingan na lang ang performance kesa daanin sa bola ang lahat.





Yung mga bagay na hindi alam pero kakailanganin buong buhay tulad ng grammar, technology, and other skills AY DAPAT ALAMIN at pag-aralan!



Ang taong malaya /lalaya ay yung marunong sumagot ng NO!



Di mahilig ang Tito sa video chat, even sa phone conversations. 
Kasi humahaba masyado ang usapan, ang daming non-essentials, nagsasalubong/nagpapatong na dialogue, repetitions, etc etc.
Mas maganda PM. Short, to the point and may record para di malimutan ang pinag-usapan.




Mga pamangkin: Tito does not video chat ha?! PM na lang kayo, mga bait.




Be brilliant. Then add: Be LIKEable!
Technical excellence alone won't move your work forward.
You will need help, cooperation or at least passive permission from many others. And those others will help, cooperate and permit you to achieve
WHEN THEY LIKE YOU. Being liked will make your work a lot more efficient and fruitful.



Eh kung bawat gawang kabutihan sa kapwa ay nagpapa ganda ng mukha mo?




The personal questions you ask others speak volumes about your own character.
Parang yung mahaderang neighbor na nagtanong sa isang mother tungkol sa dalawa nitong anak na naglalaro: "Which one is your adopted?" Sagot ng inusisa: "I forgot!"





!Lazada Philippines



Sobrang sayang kung nag mamahalan tapos ay magkalayo!



An invitation is both a courtesy and an imposition.



Kanino ka ba sumusunod?
Kay Moses / John / Peter / Paul /James / Etc? O kay Jesus who said "Follow ME!"?
Ang pagsunod ba sa mga naunang binanggit at pareho sa pagsunod kay Jesus? O may pagkaka-iba?




Ano ba ang WAY ni JESUS?
Kasi di ba sya ang "THE WAY"?
At kumusta naman ang way nina Moses? Peter? James? Paul? Atbp? Agree ba?
Pareho ba lahat o may pagkakaiba ang ways nila sa "THE Way" ni Jesus?




May pagkaka-iba kaya ang "CHRISTIANITY" from "JESUSNESS"? Could "Christianity" be loaded with many teachings, practices and post-Jesus traditions that do not conform with the basic gospel teachings of Jesus!?
Suriin at salain ang "Christianity" with the JESUS FILTER.




Ano ang gagawin sa mga Jewish and even early Christianity /post-Jesus teachings on the Sabbath, "unclean" foods, holidays, stoning sinners to death, status of women, circumcision, etc etc etc?
EH DI SURIIN, SUKATIN AT SALAIN SA TEACHINGS NI JESUS!
Si Jesus ang perfect image of God / the Father kaya ang teachings nya dapat ang gawing standard!
Let all teachings pass through the JESUS FILTER.



What to do with verses / teachings that seem to
- contradict Jesus' teachings?
- Jesus revised / reinterpreted / repurposed / abolished?
PASS THEM THROUGH THE "JESUS FILTER"!
Ituloy ang pasado. Isa isang-tabi na ang hindi pasado, kung mayron!
ALANGAN NAMANG PILIT PAGHALUIN kung may magka-iba?!
Kaya nga dumating si Jesus: para
- ituwid ang liko.
- liwanagan ang madilim.
- buksan ang sarado.
- pabaitin ang mabagsik at malupit.
- itama ang mali.
- ipakilala ang tunay at ganap na wangis ng Ama/Diyos!
After all, Jesus is the full revelation of God.
IN JESUS, THE FULLNESS OF GOD IS REVEALED (Col 2.9 )
YAN ANG TEMA NG EL BOOK NA ITO.
One of the most highly recommended ng Tito. 





Litrato ni Ed Lapiz.



Litrato ni Philippines, My Philippines.
“The First Philippine Republic War Flag, Captured by the 13th Regiment, 3rd Brigade, New York Infantry, September 17, 1899,” private collection.






Yung 
minsan kang na-invite sa isang private vacation place, tapos ikaw na ang nag-iinvite sa sarili mo sa susunod?




Kung may nagawa kang mali at itinuwid ng kapwa,
wag magtampo.
Learn, change your ways and move on. And be thankful!




FOOD SERVERS:
Wag magsalita sa harap / tapat ng / malapit sa food; siguradong tetelsek eng lewey nye!




Be a blessing sa mga nagne-negosyo,
lalu na sa nagsisimula pa lang:
WAG HUMINGI NG DISCOUNT.
AT LALUNG WAG HUMINGI NG LIBRE!




Kung may kaya naman, wag na sanang BARATIN ang maliliit na mga tindera/o sa palenge.



KUNG KAYA namang magbayad ng buo sa jeepney at maliliit na kainan, 
wag na lang sanang humingi ng discount kahit "estudiante" o "senior".
Wawa naman yung driver o tinderang nababawasan pa ang konting kita?!





Lazada Philippines



Ang pagtatanong ng personal questions ay katulad 
ng pagpasok sa private space ng kapwa. 
Magdahan-dahan at maging magalang.



Ang pagtatanong ay madaling maging pangingi-alam, panghihimasok, panghihiya, panglalait, atbp. 
Mag-ingat sa pagbibitaw ng tanong.




Ang tunay na kaibigan, natutuwa pag umasenso ka.
Yung hindi natutuwa at nangde-dedma pa nga...
'LAM NA...




Kung may kamag-anak o kaibigang matagal na di nakita tapos ay nagtagpo kayo at may mataas-taas na pala syang narating,
HUWAG SYANG PILIT HILAHIN PABABA,
huwag bale-walain ang kanyang achievement
para lang magmukhang kapantay pa lang din natin sya.




Talagang hindi masarap kasama yung
mahilig
- mambara
- manghiya
- manukol / mang-corner
- manlait.
- mambuska
- manduro / manisisi / magpa-guilty
- magpa-Smart Alec.
- mamilit.
- mang-abala
- manghingi / mangutang
IWASAN ANG GANITONG ASAL PARA DI TAYO IWASAN NG KAPWA.





Alin ang style ni Jesus:
1. Ipa-api at ipa-kawawa at ipa-abuso ka?
2. Iligtas at ilayo ka sa nang-aapi, nangkakawawa at nang-aabuso?




Bawat
- needless expense
- luho
- aksaya ng pamilya
- hingi, utang, sakay at palibre ng iba,
humahaba ang pagtatrabaho sa malayo ni OFW.



Pamilya ng OFW:
Minimize consumption / expense. Maximize production / income. 
Maghanap-buhay ang lahat ng able-bodied, kahit part-time. 
O magnegosyo, kahit small-time. PARA MAPADALI ANG PAG-UWI NG MAHAL NA OFW!



Para maka-uwi na soonest si beloved OFW, ang pamilya nya ay marapat
- magtipid. Huwag mag-luho.
- gumawa ng pagkaka-kitaan. Maghanap-buhay sa ibat-ibang paraan. Tumulong sa income generation.
- mag-aral na mabuti at mabilis ang mga estudiante para matapos soonest.
- maging part of the solution, not of the problem.




Yung sya ang pinakama-mahal mo at ikaw ang pinakama-mahal nya PERO matagal na at baka magtagal pa na MAGKAHIWALAY KAYO dahil sa paghahanap-buhay sa malayo?
Sayang ang panahong dumaraan na di kayo magkapiling.
Nawa magkaron ng paraan para magkasama na ulit kayo sa lalung madaling panahon. Nawa magkaron ng oportunidad na malapit lang sa tahanan nyo at
mapag-aralan kung paano 
- babawasan ang gastos
- dadagdagan ang income
- makatutulong sa finances ang iba pa / lahat ng family members
- magtagumpay ang gobyerno at mamamayan na mapaunlad ang bayan 
para di na kailanganing mayrong mahal sa buhay na magtrabaho sa malayo.




Dalawang MAGKAIBANG klase ang religious teachings and "alaga":
1. Yung laging ikaw ang ipinatatalo, ipinadedehado, pinagtitiis,
isinasakripisyo.
2. Yung ikaw ay pinalalaya, pinagpapahinga at pinagiginhawa.
ALIN DITO ANG STYLE NI JESUS?
Suriin dahil ang teaching and style na sinusundan mo will determine the quality of your life.



Yung alaskador sya nung bata pa kayo tapos ngayong matanda na, ganun pa rin!




People above 60 should be given the privilege to decline invites without having to offer excuses!



Yung umanib ka para lang pala higpitan, itali, ikulong, usigin, husgahan at parusahan nila???



Ang media ay
- negosyo.
- instrumento ng pamilya / kompanyang may-ari para sa pulitika at negosyo.
GAANONG KATOTOHANAN ang maaasahan sa media?




Yung mga nagsasabing "I have made a fortune by doing so and so..."
tapos may seminar sila at ituturo sa inyo HOW? Naniniwala kayong kung may alam silang paraan para yumaman ay ituturo nga nila sa inyo? Bakit di na lang nila solohin o ituro sa loved ones nila? LOVE BA NILA KAYO para turuan?
Baka yung bayad nyo sa pag-attend ng seminar ang magpapayaman sa kanila?!





Masarap ka bang kasama / kausap?Lagi itong itanong sa sarili.




Pag may "moments" ang kapwa,
huwag mang-istorbo.
Makiramdam.
Get scarce.



Hintaying anyayahan ka;
don't invite yourself!



Yung twing magsasalita sya, may punch / saksak / himangit:
- nambabara
- nanghihiya
- nangpu-put down / naglalait
- nanunukol / nangko-corner 
- nambibisto
- may all-knowing, "bistado kita" ere
- nagpapasubo / namba-braso / name-mressure / nag-iimpose
- nangongontra.
GUSTO MO BA SYANG KAUSAP / KASAMA?





How you treat others is your real religion and statement of faith.


Religiosity / Spirituality should turn Christians more and more UNTO JESUS-likeness. Sa pagdaan ng panahon, sa kaa-aral ng Bible, dapat ang patuloy na nagiging mas kamukha ng Christian ay si Jesus, hindi iba!
Hindi si
- Moses
- kung sinu-sinung prophet
- David
- Peter
- Paul
- James
- John the Baptizer
- etc etc etc
At lalung hindi ang Pharisees o si Satan!
The spiritual development of the Christian should be UNTO JESUSNESS --- to become more and more like Jesus because JESUS IS THE ONLY TRUE AND PERFECT IMAGE OF GOD /THE FATHER!
Pag kasi hindi nanuri at nagbantay, napakadaling ang Christian ay malito at maging mas kawangis ni Moses o ng Pharisees o ng mga iba-iba pang Bible characters!







Lazada Philippines



Pag may plano ng isang mansion o malaking bahay na gagawin at ipapa-review kay Jesus, palagay ko ang una nyang titingnan at susuriin ay yung lagay ng "servants'" quarters. Kasi si Jesus, servant sya, sabi nya. At ang mga anak nya, servants din.
Sabi pa nya, "Whatever you do to the least of these people, you do to ME."
So hindi ang cathedrals or ornate chapels ang kwarto ni Jesus kundi yung kwarto ni yaya at ni driver!





Sa restaurants, mas mahalaga ang ayos, itchura at linis ng kitchen at toilet kesa sa decor / motiff ng main dining hall!



Gusto mong silipin ang loob ng puso ng isang tao, lalu ng "mayaman"?
Silipin mo ang kwarto ng kanyang mga kasambahay at drivers!
Ang ganda ng puso ay hindi nakikita sa lagay ng sala o receiving room ng bahay lamang --- o sa master bedroom; mas kita ito sa lagay ng tirahan ng mga tauhan nya

Ganun din sa hotels or resorts. Ano ang lagay ng drivers' quarters???



EL HAPPINESS PILL # 1
1. Let yourself be loved.
God does not hand you a cup of coffee nor stroke your hair. God does not say “Take care!” nor “I miss you!” God does not save a seat for you in the theatre nor buys you a present on your birthday.
OR DOESN’T HE?
How do you experience God’s love in a tangible way?
If God is love and love comes from God, then all the love of people and love’s many expressions actually come from God! He may not make a personal appearance to love you but he does it through people! So, the more you make people love you, the more you allow God to love you. The more you open up to people’s love, the more you experience God’s love because people are God’s main channels of love to you
To let your self be loved by people is to let yourself be loved by God.





Mag-enjoy na agad if you can!
Now na, not later!
You do not know/ hold the future!
Magpasarap sa buhay in various ways and at different scales once a year/ quarter / month / week / day!
Kasi di mo hawak ang bukas!




SALOT ang KARAOKE pag
- ang INGAY ay dinig ng hindi naman gustong makinig.
- lumalabas at lampas sa private space ng kumakanta at pumapasok sa private space ng iba —- lalu na sa tenga ng iba!
When imposed on unwilling / suffering hearers, peste ang karaoke!




Alin ang mas mahalaga:
1. Ano ang sasabihin nila?
Vs
2. Ano ang magpapasaya sa yo?




Pilipinas social media capital of the world?
Average of four hours everyday in social media?!
Ang damiiiing oras yun --- na walang income!
Bakit hindi na lang ________ (something) manufacturing capital of the world?
Or productivitiy/ agricuture / services / etc capital of the world?
Yung napagkaka-KITAAN SANA capital of the world para umunlad ang bayan?! 











No comments:

Post a Comment