Q - Tito sana straight English na lang ang preaching and songs sa Day By Day para ma-reach yung mga super sosyal, mega rich and highly educated?!
A -
Hahahhaah!
Maraming "super sosyal, mega rich" at highly educated sa DBD pamangkin, pero hindi naman inuuri ang mga kapatid sa ganyang sukatan. At lalu nang hindi dine-design ang program to deliberately suit "sosyal" demands.
But Tito has a very soft heart for the underprivileged so when a choice must be consciosuly made, Tito serves the underserved.
Tito privileges in church the underprivileged in the world.
Pag may magkatabing yaya at doña, sinisikap nating ma-appreciate nilang pareho ang message.
Pero kung talagang kailangang piliin kung sino ang mas papaboran ng communication style, pipiliin ng Tito yung underprivileged kasi naman very privileged na lagi yung yayamanin at sosyalin. Pati ba naman sa church?
But we do not practice reverse discrimination ha!
Puede naman kasing yumuko ang "matataas" para dukwangin yung message. Pero yung "mabababa", hindi kayang abutin yung lampas sa taas nila.
Kaya sa gitna tumatayo ang DBD.
Q - What can you say about the new video ad featuring a father and son na talk of the internet town ngayon?
A -
1. Hindi magiging candidate magpakamatay o maglayas yung son?
2. Magiging (mas) close, mas relaxed at mas peaceful ang relasyon nung mag-ama?
3. Parang step-up nung ad na sabi ng tatay sa anak: "Suportahan ta ka."
4. Lilipad pailanglang ang sales nung product?
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga pamangkin, kamag-anak, ka-church, kababayan, atbp:
Salamat pero please for a while, wag nyo na munang invite ang Tito na
- magkasal / magninong sa kasal
- magsalita sa mga memorial services, birthdays, etc kung saan ang lahat na yata ng puedeng sabihin ay nasabi na sa mahigit 4K recorded messages nya. Wag na muna sanang invite Tito na ulit ulitin lang ang mga nasabi at nagawa na nya in the past 40 years of ministry! Kailangan ng Tito ng more time and space to study and write about many still-to-be studied and written-about subject matter. Tito would APPRECIATE ATTENDING EVENTS VOLUNTARILY, without having to speak or perform ceremonial roles para naman makasocialize at magenjoy without the mechanical burden of really being there on/ in time, dressing “ministerially” and having to prepare a message! Ang magtatampo sa request na to, panget!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Q - Di po kaya nasa-shock at naooffend sa frank ideas nyo ang mga ultra conservative religious people?
A -
I do not post for them. Hindi sila ang mga pamangkin kong mahal.
Ang kausap ko ay yung mga totoong tao na may totoong katawang-lupa, totoong buhay (hindi fantasy) at mga totoong struggles, problems and limitations. Tito is not at FB to enhance his public image among modern-day Pharisees, but to address real concerns of real people with real hurts that cannot be brushed aside with unrealistic and fanciful other-worldly denials!
Ambulance and ER ang ministry ng Tito, hindi spa.
Q - HOW can I understand the thoughts of a very informed, learned, experienced wise man?
A -
Know what he knows,
learn what he learned, experience what he experienced, walk the path he walked, see through his eyes, think his thoughts?
OR learn at his feet?
Q - Ano po masasabi nyo sa pre-marital and non-marital sex?
A -
May "non-marital" na rin? Yung wala naman talagang intention to marry the partner???
The IDEAL: HUWAG! Reserve that till after marriage.
Pero kung pasaway: At least dapat PROTECTED.
Hindi yan encouragement, ha!
Para lang huwag mangdoble-doble ang problem.
1. Hindi dapat makipag pre/non-marital sex.
2. Pero kung di maawat, at least dapat may protection; walang
pregnancy and/or infection of sexually transmitted diseases!
===============================================================================
Ang nahihiya hindi lalaya!
Huwag namang laging ipanakot ang
"Second Coming" or "End of the World".
BAKIT NAMAN DAPAT PANG TAKUTIN ANG MGA ANAK NG DIYOS? Di ba peace and rest ang gusto ni Jesus para sa mga naniniwala at sumusunod sa kanya?
Ang hindi naman tatalab ang pananakot sa hindi naniniwala, kaya bale-wala. Ang mga natatakot tuloy ay yung believers na!
Scientific Finding: “Fundamentalism and the prejudice generated by extremist beliefs can damage the brain.”
No comments:
Post a Comment