Tuesday, 20 February 2018

Ed Lapiz - Isang Tanong Isang Sagot

Q - Tito sana straight English na lang ang preaching and songs sa Day By Day para ma-reach yung mga super sosyal, mega rich and highly educated?!
A -
Hahahhaah!
Maraming "super sosyal, mega rich" at highly educated sa DBD pamangkin, pero hindi naman inuuri ang mga kapatid sa ganyang sukatan. At lalu nang hindi dine-design ang program to deliberately suit "sosyal" demands.
But Tito has a very soft heart for the underprivileged so when a choice must be consciosuly made, Tito serves the underserved.
Tito privileges in church the underprivileged in the world.
Pag may magkatabing yaya at doña, sinisikap nating ma-appreciate nilang pareho ang message.
Pero kung talagang kailangang piliin kung sino ang mas papaboran ng communication style, pipiliin ng Tito yung underprivileged kasi naman very privileged na lagi yung yayamanin at sosyalin. Pati ba naman sa church?
But we do not practice reverse discrimination ha!
Puede naman kasing yumuko ang "matataas" para dukwangin yung message. Pero yung "mabababa", hindi kayang abutin yung lampas sa taas nila.
Kaya sa gitna tumatayo ang DBD.




Q - What can you say about the new video ad featuring a father and son na talk of the internet town ngayon?
A -
1. Hindi magiging candidate magpakamatay o maglayas yung son?
2. Magiging (mas) close, mas relaxed at mas peaceful ang relasyon nung mag-ama?
3. Parang step-up nung ad na sabi ng tatay sa anak: "Suportahan ta ka."
4. Lilipad pailanglang ang sales nung product?





----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Mga pamangkin, kamag-anak, ka-church, kababayan, atbp:
Salamat pero please for a while, wag nyo na munang invite ang Tito na
- magkasal / magninong sa kasal
- magsalita sa mga memorial services, birthdays, etc kung saan ang lahat na yata ng puedeng sabihin ay nasabi na sa mahigit 4K recorded messages nya. Wag na muna sanang invite Tito na ulit ulitin lang ang mga nasabi at nagawa na nya in the past 40 years of ministry! Kailangan ng Tito ng more time and space to study and write about many still-to-be studied and written-about subject matter. Tito would APPRECIATE ATTENDING EVENTS VOLUNTARILY, without having to speak or perform ceremonial roles para naman makasocialize at magenjoy without the mechanical burden of really being there on/ in time, dressing “ministerially” and having to prepare a message! Ang magtatampo sa request na to, panget!


------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------



Q - Di po kaya nasa-shock at naooffend sa frank ideas nyo ang mga ultra conservative religious people?
A -
I do not post for them. Hindi sila ang mga pamangkin kong mahal.
Ang kausap ko ay yung mga totoong tao na may totoong katawang-lupa, totoong buhay (hindi fantasy) at mga totoong struggles, problems and limitations. Tito is not at FB to enhance his public image among modern-day Pharisees, but to address real concerns of real people with real hurts that cannot be brushed aside with unrealistic and fanciful other-worldly denials!
Ambulance and ER ang ministry ng Tito, hindi spa.



Q - HOW can I understand the thoughts of a very informed, learned, experienced wise man?
A -
Know what he knows,
learn what he learned, experience what he experienced, walk the path he walked, see through his eyes, think his thoughts?
OR learn at his feet?





Q - Ano po masasabi nyo sa pre-marital and non-marital sex?
A -
May "non-marital" na rin? Yung wala naman talagang intention to marry the partner???
The IDEAL: HUWAG! Reserve that till after marriage.
Pero kung pasaway: At least dapat PROTECTED.
Hindi yan encouragement, ha!
Para lang huwag mangdoble-doble ang problem.
1. Hindi dapat makipag pre/non-marital sex.
2. Pero kung di maawat, at least dapat may protection; walang
pregnancy and/or infection of sexually transmitted diseases!





===============================================================================


Ang nahihiya hindi lalaya!


Huwag namang laging ipanakot ang
"Second Coming" or "End of the World".
BAKIT NAMAN DAPAT PANG TAKUTIN ANG MGA ANAK NG DIYOS? Di ba peace and rest ang gusto ni Jesus para sa mga naniniwala at sumusunod sa kanya?
Ang hindi naman tatalab ang pananakot sa hindi naniniwala, kaya bale-wala. Ang mga natatakot tuloy ay yung believers na!






Scientific Finding: “Fundamentalism and the prejudice generated by extremist beliefs can damage the brain.”




Day by Day info

UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
1. CAMP SAWI
Camp ng mga Bigo at Windang sa Pag-Ibig
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
2.
“I WILL SURVIVE -2”
Camp ng mga Abandonada, Separada, Diborsyada, Atbp.
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
3.
“AMOY KITA”
Camp ng Parents ng LGBT
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
4.
“AMOY AKO!?”
Camp ng mga LGBT
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
5.
CINDERELLA/O
Camp ng Mayrong Stepmon / Stepdad
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
6.
MADRASTA
Camp ng Stepmoms & Stepdads
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
7.
IPIT
Camp ng May Second Wife/Husband at Anak sa Una
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
8.
“BABABA BA?”
Camp ng mga Gusto Nang Lumabas sa o Lumipat ng Church
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.




UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
9.
KAKABA-KABA KA BA?”
Camp ng mga may Phobia at Iba-Iba Pang Fears
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow





UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
10.
“LORD, GIVE ME A LOVER!”
Camp ng mga “Lam na…
*
Ang gustong sumali o may gustong isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.





UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
11.
BLESSED (BUT STRESSED PA RIN)!
Camp ng mga Single Parents
*
Ang gustong sumali o may gusting isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.





UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
12.
“SEEK AND YOU WILL ______”
Camp ng mga Gustong Magka-Ministry
*
Ang gustong sumali o may gusting isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.





UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
13.
ZZZZZZZZZZZZ
Camp ng Mga Bored sa Church
*
Ang gustong sumali o may gusting isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.





UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
14.
BULLIES!
Camp ng mga Self-Righteous, Judgmental at Pakialamera/o sa Kabanalan ng Kapwa. (Camp fee will be shouldered by sponsors: yung mga biktima.)
*
Ang gustong sumali o may gusting isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow





UPCOMING DBD DREAM CAMPS:
15.
GRRRRR!
Camp ng mga Biktima ng Church Bullies

Ang gustong sumali o may gusting isali, email daybydayoffice@gmail.com Attention Ate Weny Paras.
Details like dates, etc to follow.





Monday, 19 February 2018

Ed Lapiz - Isang Tanong Isang Sagot!

Q - Kahit too young and unsure kung Mr RIght na nga sya, dapat po ba akong pakasal dahil lang nabuntis?
A -
NO!
It's tragic to be married to someone na hindi mo talaga love;
doubly tragic when the right one comes along!
Give it time, baka naman ma-prove na sya na nga/rin si Mr. Right eh di dun ka na pakasal.
Why hurry now na magpakasal?
Hindi naman maitutuwid ng kasal ang dating pagkakamali kasi hindi naman retroactive ang effect nun.
Baka maging mas complicated lang.
AT BAKIT NAMAN KASI NI HINDI KA PA NGA SURE NA SYA NA SI MR RIGHT at sabi mo "too young" ka pa EH TUMIHAYA KA NA AGAD, PAMANGKIN???




Q - Ano po ba talaga yung CHRISTIAN LEFT? Mga Christians daw po ito na dahil hindi de-kahon ang pag-iisip ay hindi tuloy anti-minorities, hindi racist, hindi hateful, cruel, judgmental and narrow-minded? Ano po ang beliefs nila? Christian ba talaga silang matatawag?
A-
Search / Google mo pamangkin: THE CHRISTIAN LEFT
at pag-aralan mo.





Q - Pwede po bang lumipat ng ibang church kung sa church mo ikaw ay laging sakal, sinasaktan ang kalooban, hinuhusgahan. At hindi ka talaga masaya? Kasi daw po dapat loyal and faithful sa Diyos kaya hindi dapat lumipat?
A -
Kung talagang sakal, unhappy at hindi hiyang, puede namang lumipat ng ibang church basta the same God naman ang sinasamba doon, bast faithful ka pa rin to the same God. Kahit kasi iisa ang Diyos at iisa ang Bible, madalas ay iba-iba ang cultures ng mga churches / congregations. It is good to find a spiritual community kung saan ikaw ay hiyang, masaya, payapa at lalago.
Pero bago magpalipat-lipat, suriin muna kung baka naman nasa yo talaga ang problem. Kasi kung ikaw ang problem, magpapa-ulit-ulit lang yan kahit saan ka pa lumipat.





Q - Tito ano po ang binabasa nyo these days?
A -
Ito pamangkin:

Litrato ni Ed Lapiz.


Q - Tito paano po kaya ako pinaka-yayaman sa pinaka mabilis na panahon at pinaka-konting puhunan na hindi masama ?
A -
Umimbento ka ng App na kailangan/ gusto at bibilhin ng sangkaterbang tao sa buong mundo!!!





A - Pastor’s wife po ako at sobrang nagdurusa dahil sa OA expectations sa akin ng church members na maging perfect wife, mother and church worker! Pati damit ko pinakikialaman. Sasabog na po ako!!! Ang laki ng expectation nila sa asawa ko, sa akin at pati sa mga anak ko. Hindi po normal ang buhay namin.
A - 
Be yourself. Live your life as yourself. Dress as yourself. Let your children be themselves. Wag kayong pakontrol sa abnormally high expectations nila. Wala silang magagawa kung maninindigan ka at lalagyan mo ng limit ang pakikialam nila. At mabuti pa wag kang kumuha ng church ministry or position para may distance ka from them. Being wife to the pastor is more than enough a ministry!





Q - Paano po lalawak ang isip kahit hindi mataas ang napag-aralan?
A -
1. Tiyaking madalas may kausap na mas matalino, mas maalam at mas experienced kesa sa yo. May mapupulot kang maganda. 
2. Mas dalasan ang pakikinig kesa pagsasalita. Wala kang natutunang bago pag ikaw ang nagsasalita / bumabangka / nagpapa-star.
3. Mas humanap at sumunod-sunod sa kahanga-hangang tao kesa ikaw ang pilit magpasikat para hangaan. 
4. Be teachable. Handang makinig at maituwid pag may mali.
5. Listen most to people who talk about ideas; less to people who talk about events; least least to people who talk about people.





Q- What to do with relatives, especially in-laws na pangit ang ugali?
A -
Iwasan na lang? Minimize close interaction?





Q - Ano po ang magandang bilang ng companions when traveling, especially abroad?
A -
3-4
Pag mag-isa, walang tutulong sa yo pag may problema.
Pag dalawa lang, walang tutulong sa yo pag yung kasama mo ang maging problema.
Pag tatlo, at least may dalawang magkakatulungan.
Pag apat, kasya pa kayo kahit umangkas sa maliit na coche ng sinuman.
Pag lampas sa apat, unless sobra kayong magagasundo, maraming ng chances na magka-conflict / magka inisan 






Q - Bakit po may mga tao na pag umasenso na ay umiiwas sa mga kakilala noong hirap pa sila buhay?
A -
Baka
1. Umiiwas sa masakit na gunita?
2. Umiiwas maabala?
3. Lumago na ang isip (kaya nga umasenso) at na-outgrow / napagkalakhan na nya ang mga dating katapat?
4. Baka busy lang kasi nga umasenso?
5. Kahit noong una ay hindi naman nila talagang gusto yung mga kasama? Napilitan lang dahil walang choice? At ngayong may kaya na ay lumagay na sa talagang ibig?





Q - ano po ang take niyo sa pagbibihis ng may "modesty"?
is it really necessary po na sobrang haba at takip na takip to the point na para ka ng manang po when going to church?
A -
modestry has to be defined
of course hindi ako kontra sa "modest" na pananamit kung yun ang choice ng may katawan. pero hindi ko rin ipipilit sa may ibang taste.
Q -
kasi sa church po namin parang super big deal un to the point na sometimes u are being condemned.
A -
wag naman talagang sumilip o bumulwak na ang boobs na parang mahuhulog at magdi-dribble sa sahig o mga ganung klaseng exposure! Ka-distract na yun!
Q -
😂
ay hnd nmn po
nkita lng po tuhod aun
A -
Sa Tito, kung tuhod lang naman at hindi yung kaluluwa ang kita is fine hahah!




Q - May members po na magkarelasyon... wala po sa usual norm ang relasyon nila, pati pananamit at kios. tapos, gusto po nila sumama sa choir... May pagkakataon pa naman na iinbitahan na kumanta sa public, choir festival ng bayan... papayagan po bang sumali sa choir?
A -
Kung very public ang kakaibang behavior at pananamit at sobrang magiging isyu sa iba, to the point na sila na lang ang mapapansin at madidistract ang madla from the spirit and essence of the ministry, mabuting sa less visible ministry na lang muna sila. Putting them in such kind of visibility could harm / hurt both them and the public.




Q - Ano po ang tingin nyo sa connection ng science with religion?
Magkalaban po ba?
A-
Kinakalaban ng religion ang science for the longest time.
But God is the creator of nature ---and therefore the creator also of science and the scientific principles behind natural law.
SCIENCE DOES NOT DISPROVE GOD;
science only shows the mechanics of how God works
and therefore actually POINTS TO GOD.
Scientific laws are that: Laws.
Laws have a Law-Maker / Law-Giver!
The Law points to the its author!
Science points to God!
Meanwhile, historical religion in general had been tainted with myth, superstition and even ignorance. And as long as religion had the political power, it has been known to suppress, demonize and terrorize science.
That adversarial approach can longer thrive in this age of freedom and knowledge.
Superstition, myth and lack of knowledge have to yield to unassailable, solid
scientific knowledge.
BUT SCIENCE NEED NOT BE AN ENEMY OF FAITH.
Science does not disprove God; it actually points to God,
the ultimate Scientist, Inventor and Creator of all.
(Although Science could, consequently, disprove some religious myths,
it does not disprove God. There is a line that should be drawn between God and organized religion. Religion does not always correctly present/represent God)
Disproving some religious dogma does not mean disproving God.
In fact, it could mean releasing the true essence of God trapped inside idols made by religion
as it is even religious doctrine that could create false images of God.
That is why God hates images / idols.
And "idol" need not be limited to graven images.
MISTAKEN DOCTRINE COULD ALSO BE A FALSE IMAGE, AN IDOL,
a terrible misrepresentation of God.
SCIENCE reveals how God works.
Science could show us God's ways and will.
Science is not an enemy of the true and faithful seeker of God.
SCIENCE COULD BE GOD'S ULTIMATE PROPHET!





Q - Ang tagal na po ni Choir Directress sa Ministry... tapos po nakapag-asawa, kaya lang di pa po siya makapagpakasal dahil may unang asawa yung naging partner niya. Matagal na pong hiwalay at sa napakalayo naninirahan yung dating asawa.
Inalis po siya bilang Choir Directress.
Makatwiran po ba ito na maalis? o tama lang dahil di daw dapat magsama kung di kasal lalo at Kristyano?
A -
Personal paninindigan yan eh. 
Sa akin, generally and in the absence of compelling reasons, hindi ko siguro aalisin sa minsitry nang ganun-ganun,
unless scandalous, public and in-your-face ang conduct nila ng private lives nila.
But other church leaders mostly have different stands. While many other "sins" like pride, unkindness, cruelty, etc go unnoticed or even "tolerated", they are extra sensitive to marital and sexual issues.




Q - Maganda po ang sinulat nyong book na "KULANG!". Madami akong narealized and tinanggap na dapat tanggapin about myself and my recent situation.
A -
Thanks to GOD!




Q - i am totally down and feel that the world is falling a part from me everything is at running bad and i feel tired for everything. just that everything is a routine for me and all that left me tired and weak in all aspect. but just that there is a thing (BAGO TUMALON book by ed lapiz) that God used to blessed me and help me to stand and walk a little bit further.and made me realize there is more to life than what i think it is. i do really thankful.God is good all the time it is indeed that God would never leave an forsake
A -
praise God. rest. get refreshed. gather strength. and get a life!




Q - Ano p ang gagawin kapag ang isang studyante/teen, naintindihan at nag desisyon na sumunod sa water baptism pero hindi payag ang parents.?
Dapat ba siyang magpa baptize agad kahit magagalit ang magulang o kailangan niyan i delay muna ang baptism?
A -
Delay. Wait for the right time.
It will come.
Hindi naman nakamamatay kung ipaghintay ng mas tamang panahon ang ganyan.
Mabuting hindi ma-offend o ma-hurt ang parents kasi utos din ng Diyos to honor and respect our parents.





Q - Tito di po ba pagan ang Valentine's Day? Puede po bang maki-sali dyan ang mga Christians?
A -
Kelan naman naging pagan ang wholesome celebration of love, pamangkin?
Pati ba naman yan dodoktrinahan?
Crispiiiiiiiin! Basiliooooo! Eeeeeeeeeeeeeeeh!




Lazada Philippines




Q - Tito pano po magkaron ng date ngayong Valentine's?
A -
Tumingin ka sa kalendaryo, pamangkin!



Q - What to do when I do not receive love?
A - 
Give love away! 
And get the cycle going!




Q - Parang ako lang po ang magtataguyod sa parents namin pagtanda nila?
A -
Ikuha mo agad ng health / medical insurance!
Lahat naman ng tumatanda, nagkakasakit o humihina.
Iba na ang ready!





Q - Ano po ang pinakamahalagang katangian sa pagpili ng mapapangasawa?
A - 
Ugali.
Q - Hindi po faith/ religion?
A - 
Important yun. Pero may mabait at walanghya sa lahat ng / kahit anong religion!
Hindi komo katulad mo ng faith, ok at mabait na.





Q - yung married woman neighbor friend po namin na nasa abroad ang husband, ang hilig makisabay sa car ng husband ko pag papasok sa trabaho. Di ko po gusto ang kilos ni babae. Parang seductive. Ano po ang gagawin ko?
A -
Putulin mo ang kalokohang pag sabay-sabay nya sa asawa mo. Whatever it takes!






Q - Bakit po kaya may mga taong know-it-all ang peg? Yung pag may binanggit ka, kunwari may alam na sya noon pa pero halatang bigla lang nag-google para may masabi ?
A -
Sinabi mo na ang sagot, pamangkin!