Q -Hanggang saan po ang sakop sa pakikialam ng isang leader sa personal life ng member?
A -
Hanggang one meter away from the member?
Actually, I do not think na may pakialam ang isang leader sa personal life ng member.
Q -
Di po ba sakop ng ministry nya yon?
A
Magandang magturo sya, magbigay ng guidance, mag-pray, etc --- pero direct pakiki-alam, panghihimasok, pagbabatay, pagpupulis, pagpaparusa, etc I DON'T THINK NA KASAMA YUN SA MINISTRY NG SPIRITUAL / Church leader.
Even Jesus did not get into that panghihimasok.
I MUST ADD na may authority ang leader na magturo o magtuwid kung ang behavior ng member ay makakagugulo sa church life, makami-mislead sa iba o kaya ay makami-misrepresent sa beliefs and teachings ng community. Habang personal pa lamang ang scope at hanggang personal life lang nya ang apektado, private yun at wala dapat pakialam ang leader.
Pero pag nabibilad na ang community sa kahihiyan, nalalagay sa alanganin o napapasama na sa function or public perception, may authority ang leader na alisin sya sa ministry or sa membership mismo kung hindi sya makikinig. Pero yung pagpasok mismo sa private life, choices, behavior ng member, I think lampas na yun.
No comments:
Post a Comment