Sunday, 29 October 2017

Eh Tito di po sabi ni God sa Bible, "I hate divorce"?

Q - Eh Tito di po sabi ni God sa Bible, "I hate divorce"?
A - Yung divorce na tinutukoy sa Bible ay yung divorce na uso noon: One way, only in the favor of men. Noon kasi, pag ayaw na sa wife ng husband, sasabihin lang nya, "I divorce you." Tapos, divorced na. Free na ang lalake na mag-asawa ulit ng kahit sino, pero yung babae hinde. Tapos pag sawa na sya sa bagong wife, idi-divorce nya lang ulit basta. May nangdidivorce pa nga para lang mag-asawa at maenjoy ang ibang babae. Tapos ididivorce nya ulit at babalikan ang dating wife.
To protect those women, inutos ni Moses na mag-issue ng cerificate of divorce ang lalake sa babae para may proof ang babae na free na sya at may panghawakan sya kung ayaw na nya sa lalake kung bumalik ito.
God hates those divorces that were unfair to women or the weaker party.
Ayaw nya ng divorce kung saan maapi o makakawawa o maabuse ang babae o weaker party.
Ngayon, kung divorce ang paraan para malakaya ang babae or aggrieved party sa pang-aapi ng asawa, sa palagay mo, hate pa rin ng Diyos ang divorce?

No comments:

Post a Comment