Sunday, 29 November 2015

Paulit-Ulit Na Lang?





Proverbs 3:5-6
With all your heart you must trust the Lord
and not Your own judgement. Always let him lead you,
and he will clear the road for you to follow.



     Pag sinuri nyo ang ating mga ,problema paulit-ulit, pabalik-balik, iyon at iyon din. Yung problema mo sa annay mo, sa attay mo sa ank mo, sa asawa mo, sa sarili mo, iyon at iyon. Problema sa kapitbahay, problema sa kalusugan, parang wala namang bago, bakit kaya pabalik-balik? Halimbawa, bakit yung mga taong nababastos, naaapi, nasasaktan lagi nalang sila ang nagaganun? O kaya napapansin mong lagi ka na lang nilalampas-lampasan, hindi pinapansin, at kahit sino na lang ginaganun ka. Lagi ka na lang nabibiktima. Bakit yung laging nananakawan, naho-hold up, siya at siya pa din ang paulit-ulit na nadududkutan, naagawan, nawawalan? Lagi ka na lang inaabuso ng tao, hinihiraman, inuutangan, hindi binabayaran, pabalik-balik, paulit-ulit. Yung mga na 1-2-3 noon, sila pa rin yung mawa-1-2-3 ngayon at bukas sila pa uli ang madadaya na naman. Yung mga nadadaya ng mga manggagatsong nanliligaw, nakakapitong nobyo na, iyon at iyon pa rin. At kung may madadaya na namang dalaga bukas, siya na naman ang kandidatang madaya.
    If you do not like what's happening in your life, change the way you think. Because the way you think attracts the things that happen in your life. Kung hindi ka masaya sa problemang pababalik-balik, palitan mo ang pag-iisip, palitan mo ang attitude at kasama nun palitan mo ang facial expression, body language and body movement.
    At kung laging ikaw na lang lagi ang namamahala ng buhay mo, oras na para isali mo ang Dios sa usapan.

No comments:

Post a Comment