Monday, 21 September 2015
TEN STEP
TO PEACE
N apakainan na makapiling ang Panginoon dahil sa piling Niya'y may kapayapaan. Isa yan sa mga pinakamalaking pagkakaiba sa buhay ng isang taong may personal na relasyon kay Kristo. Sinumang tumanggap sa kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas ay nagkakaroon ng kapayapaan. Ang mga problema ay nawawala at kung dumating man ang mga itong muli, iba na ang pagtingin natin dito dahil nagkakaroon tayo ng bagong pananaw at kapayapaan.
Ang kapayapaan ay isa sa mga pinakahahangad ng lahat ng tao. Napakailap nito at madaling mawala. Kaya't kung anu-anong entertainment ang hinahanap sa buhay ng napakaraming tao para kahit sandali'y magkaroon man lang ng kapahingahan mula sa mga bumabagabag. Sila'y humahanap ng pag-ibig. Kahit konting pagtinin ay namamalimos para lang magkaroon ng kapayapaan. Subalit laging mailap ito at kung minsan, sa pagdating ay nawawala agad.
Sabi ng panginoon sa
John 14:27
Peace I leave with you; my peace I give
you. I do not give to you as the word
gives. Do not et your hearts be troubed
and do not be afraid.
1 FORGIVE
In order to have peace in life, we've got to recieve and grant forgiveness. Pagpapatawad.
Matthew 6:12
Forgive us our debts, as we also have
forgiven our debtors.
Patawarin Mo kami sa aming mga utang gaya rin ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang samin.
Matthew 6:15
But if you do not forgive men their sins,
your Father will not forgive your sins.
There are two types of forgiveness that we shall talk about in order to have peace. Una, makatanggap tayo ng pagpapatawad ng Dios. Pangalawa, magpatawad tayo sa iba na nagkasala sa atin. Paano tayo magkakaroon ng kapayapaan kung di pa tayo nakatatanggap ng pagpapatawad ng Dios? Kahit conscious tayo o hindi sa ating mga kasalanan, di parin tayo magkakaron ng kapayapaan kung malayo ang puso natin sa Dios. Ang ipinagkaiba lang ng iba, alam nila na dahil sila'y nasa kasalanan, wala silang kapayapaan. Ang di kumikilala ng kasalanan ay alam na magulo ang buhay nila pero di nila malaman kung bakit. Iisa lang ang dahilan. God design human life to be lived according to His will. And if you don't live according to God's will, you'll have trouble, both internal and external. That is why it is important to receive God's forgiveness. Yan ang pinakaimportanteng bagay na dapat matanggap natin sa buhay.
Pwede din kayong hindi tumanggap ng pagpapatawad ng Dios; kaya lang kailangang magbayad tayo ng kasalanan natin. Pwde namang hindi kayo humingi ng tawad. Bayaran nyo nalang. Pero lalo yatang mahirap magbayad. Alam yan ng Dios Kaya nga ang Panginoong Hesus mismo ang namatay para sa ating mga kasalanan para huwag na tayong magbayad. Hingin na lang natin ang libreng kapatawaran. Ang kapatawaran ay natatanggap natin bilang grasya o biyaya ng Dios. Hindi bilang bayad o pabuya sa ating mga paghihirap, pagsisikap at paggawa. It's a gift of God so we've got to receive it.
Have you receive God's forgiveness? Naihingi na ba natin ng tawad sa Dios ang lahat-lahat ng kasalanan natin? Isinuko na ba natin ang ating buhay, ang nakaraan, ang ngayon at ang bukas pa? Tatanggapin natin ang kanyang kapatawaran. Pagkatapos nito, nagkakamali ka pa rin siyempre dahil tao ka lang. Ibang kapatawaran naman ang hinihingi natin. The first one is forgiveness into salvation, and once you are saved through that forgiveness, kapag nagkamali tayo sa pang-araw-araw na buhay ay humihingi tayo ng pagpapatawad, or forgiveness unto restoration. Para maibalik ang magandang relasyon.
Have you receive that kind of salvation? It is there for the asking. Nahihingi sa pamamagitan ng pananampalataya natin sa Panginoon. At pagkatapos, heto ang kakambal niyang pagpapatawad – pinatawad nyo na ba at patuloy nyong pinapatawad ang mga taong nagkamali at patuloy na nagkakamali sa inyo?
Ang taong di nakakatanggap ng patawad ay hindi magkakaroon ng kapayapaan. Sasabihin nyo, "Ang hirap namang magpatawad. Pambihira, ang laki-laki ng kasalanan nito sa akin." O sige di 'wag nyong patawarin, singilin na lang nyo. Eh makakasingil ba kayo? Unang-una, willing ba silang kumilala na nagkamali sila? Pangalawa, kilalanin man nila, willing ba silang magbayad? Ngayon kung di sila magbabayad at ayaw nyong magpatawad, sino ngayon ang lugi? Eh di kayo. Kasi habang hindi nyo pinapatawad, hindi kayo patatawarin ng Ama. Lugi kayo. Hindi man tayo banal at di sobrang espiritual, kung kayo'y matalino ay magpapatawad na lang kayo. If you're spiritual and very Godly you'll definitely forgive. But if you're nor spiritual enough to forgive, at least be intelligent enough. If you don't forgive men their trespasses neither will your Heavenly Father forgive you your trespasses.
Don't burn the bridge over which you too must pass. Galit na galit kayo sa mga tao, pinasabugan nyo ng granada, sukdulang kasama kayong sumabog. Ayaw niyong paraanin, sinira na nyo ang tulay kaya't pati kayo tuloy ay di na makatulay. Ganyan ang ginagawa ng mga taong hindi nagpaatawad.
Ang bawat tao na may galit kayo at di nyo pinapatawad ay nagiging amo nyo. You are a slave of anyone you don't forgive. Why? Kung naalala nyo siya, nagagalit kayo, at pag nakikita ay nawawala kayo sa mood. Madinig lang nyo ang boses naalta-presyon kayo. Di kayo makatulog o makakain. Sino nayon ang lugi? Kaya't mahalaga ay marunong tayong magpatawad. Unang-una, dahil un ang banal na dapat gawin. You've got to forgive, if not for spiritual reason, then at least for intellectual reason. Sabi ko nga, pwede naman kayong hindi magpatawad, maningil na lang kayo. Di ba nga ang mga kumanya man na talagang di makakulekta ng mga utang ay nira-write=off na lang yun as bad debts? Maningil na lang kayo. Wala na kayong ibang magagawa sa buhay. Di na kayo makakapag-produce. Wala na kayong ibang pagtutuunan ng pansin kundi paniningil. Samantalang kung pinatawad nyo, makakagawa pa kayo ng ibang hanap buhay, kikita kayo nang mas marami pa.
I don't know your heart, but God does. As you read God's word, forgive men their trespasses. Kasi sayang ang oras nyo. Kung pupunta punta kayo ng church na may dala dalang galit at lalabas din kayo sa pintuan na dala parin ang dating galit nyo at ang dating ay di nyo pinapatawad ay di parin nyo pinapatawad, nagsasayang lang kayo ng pagod sa pagpunta sa church dahil balewala ang lahat. Manananlangin kayo, maga-abuloy kayo, ay kakanta kayo dyan, pero hindi tatanggapin ng Dios habang hindi tayo nagpapatawad. Ang pagfpapatawad ang dapat nating unahin. At kung di natin kaya, humingi tayo ng kakayanan sa Dios. Sabi sa Bible, "ask and it will be given you." Ang di lang naman puwedeng magpatawad ay ang di pa nakatanggap ng kapatawaran para sa sarili nyang kasalanan mula sa Dios. Pero pagnakatanggap na tayo, may grace na. There will be enough grace for us to forgive others. Kaya dapat magpatawad.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
-
GOD EXCLUSIVE TO ONE RELIGION??? BEFORE the - families - tribes - nations - sects - congregations - religions - idols in ston...
No comments:
Post a Comment