Tuesday, 22 September 2015

  



                        RECIPE FOR A
                      HAPPIER FAMILY


        M
any families are not happy. A lot of children don't want to go home because their homes are not happy. Maraming tatay ang ayaw umuwi kasi ang kanilang tahanan ay hindi masya. Maraming mga nanay ang ayaw magbabad sa bahay dahil hindi masaya roon. Marami ring mga lolo't lola ang ayaw nang tumira sa mga anak at apo dahi hindi rin masaya. At dahil hindi sila umuuwi lalong hindi sumasaya. Pero kung hindi tayo masaya, bakit pa tayo nabubuhay? The Lord likes us to be happy. Therefore, how can the family be happy? It's important that happiness becomes a goal. And in the family, everyone has to do his or her part to achieve this goal. Ma-put lang in place ang mga ito, eveerybody wil be much happier.


For the men  

1. Love you wife.
      Ang number one na dapat gawin ng husband ay pinapasaya ang kanyang wife.

Ephesians 5:25 Husbands, love your wives,
just as Christ oved the church and gave
himself up for her.

   Ang ginagawang pananampalataya ay katulad lang ng pag-ibig ni Hesus sa kanyang iglesia. At ano ang ibig sabihin nun? He gave his life for the church. Husband, love your wife. Siempre, different strokes for different folks. Wives must be loved the way they want to be loved, not the way their husbands think they should be loved. Minamahal mo nga't inuuwin mo ng hopia. So, bale-wala rin yun. naa-appreciate yung thought hut not the thing. Pag mamahalin nyo yung wife nyo, husbands, love them the way they want to be loved. Hindi yung sasabihin nyo, "E talagang ganyan ako mag-express. Mabuti nga mayroon, pasalamat ka."



                                   




                                                                     ÖÖÖ  ÖÖÖ
                                      Wives must be loved the way they want to be
                                       loved, not the way their husbands think they
                                        should be loved.

2. Do not be harsh to your wife.
     
Husbands, do not be harsh in behavior orb words to your wives. Yan ay paulit-ulit na theme ng New Testament. Dapat hindi magaspang ang mga asawang lalaki sa kanilang asawang babae. Dapat aging gumagamit ng good manners and right conduct. Sometimes harshness comes in other forms, like thoughtlessness. Yun langmang makalimutan ng mga husbands to be tender, oving and kind, harshness na yun. E sa gusto ng asawa nyo naaalala nyo yung anniversary nyo, gaano ba naman kahirap tandaan yang anniversary na yan na hindi na lagi maalala? Wala kasing effort to remember. Walang effort to be tender or kind. Do not be harsh.

3. Be considerate.

1 Peter 3:7
Husbands, in the same way be considerate as you live with your wives, and treat them with respect as the weaker partner and as heirs with you of the gracious gift of life, so that nothing will hinder  your prayers.


       
Single men, kung balak nyo pang mag-asawa ay namnamin nyo rin ito para kapag mag-aasawa kayo huwag nyo nang makaimutan. As you live with your wives, be considerate. Hindi komo mabilis kang maglakad lalo't nakatakong siya. Hintay-hintayin, hindi sinisinghal-singhalan. Noong dalaga pa siya, inaabut-abot mo pa yung siko, inilalakad-lakad. Ngayong asawa na e, siya na ang may bitbit ng pinamiling grocery at naiiwan pa. Tapos walang ginawa ang husband kung hindi mag-apura. Pag pupunta sa church, "Dali! Dali kayo!" Bubusi-busina na, nasa kotse na. E palibhasa yung husband hindi naman nagliligpit, hindi naman tinitingnan kung nakasara na yung mga pinto, yung mga bintana, kung nabunot na ba yung plansta, etcetera, etcetera 'tapos apura nang apura. Kung inaapura nyo ang asawa nyo, tulungan nyo sa ginagawa nya. Maraming lalaki ang darating sa bahay, "Hindi pa ba luto? Hindi pa ba luto?" E di makiluto ka kung gusto mong madali yan. Lalung-lalo na if the wife is also working outside the house. Let's say mayroon siyang 8 to 5 kind of job. Sabay lang naman kayong nagtatrabaho maghapon, ano't pagdating mo e ikaw ang hari at siya ang katulong? Lalo kung wala kayong household helper, be considerate. Noong araw na ang mga misis are full-time wives, they didn't go out of the house to earn a living. Siguro mas tamang mag-expect na pagdating mo sa bahay ay luto na ang pagkain at ayos na ang lahat. Pero kung pareho kayong nagtatrabaho sa labas, be more considerate. Paano mong sasabihing ang tagal naman e pagdating mo sa bahay ay manonood ka lang ng TV, magbabasa ka ng diario, habang siya nama'y luto ng luto? Pagkatapos nyang magluto, maghahain pa siya. Kakain ka. Pagkakain mo ngayon e nakahiga ka na. "Ano ba, ang tagal mo, halika na dito!" E nagliligpit pa siya. Siempre lagi siyang late kasi mas marami siyang details na ginagawa (although hindi naman lisence yan, mga kababaihan, para lagi kayong late kasi ang iba naman talaga ay disorganized). Yung iba naman masyadong mabusisi. But, ang utos dito sa mga kalalakihan is, be considerate.
      Isipin mo naman sila as the weaker partner. A woman goes through regular life cycles that most men don't experience. So be kinder and nicer. At ang sabi ng verse din ay they should be treated as co-heirs with you of the gracious gift of life. Pareho lang kayong tagapagmana ng Dios, dapat mayroong fairness so that nothing will hinder your partners. Kaag hindi pala considerate ang mga husbands sa wives, nahi-hinder ang prayers nila. Sasabihin ni Lord, Pray ka nang pray. Be considerate muna sa iyong asawa bago ka maghingi ng kung anu-ano." Husbands, love your wives. Do not be harsh and be considerate. Sa men pa rin, no longer as husbands but as a fathers.

4. Be a good Father.
     
But, remember, to be a good father you must be a good husband first. A good husband will almost automatically become a good father, but not all good fathers are good husbands. So, to love your children, fathers, first love your wives. Fathers who don't love their wives cannot love their children fully because; first, you will not show them a good example. Second, you probably will break up your marriage, and what kind of love will you be able to give to your children? A good father is a little bit of a mother too, just as a good mother is a little bit of a father too. Kailangan nagtutulungan. The primary responsibility of the father is to provide for the family.

1 Timothy 5:8 If anyone does not provide for
his relatives, and especially for his immediate

family, he has denied the faith and is worse
that an unbeliever.


         
Masahol pa raw sa hindi mananampalataya yung tatay na hindi nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Yun naman ay kung siya ay able-bodied. Iba naman kung siya ay may sakit o nagkaroon siya ng kapansanan. Pero habang kaya ng kanyang katawan, tungkulin ng tatay ang mag-provide para sa kanyang pamilya.

5. Do not exasperate the children.
       
Fathers, another way to make your family happier is not to exasperate the children. huwag nyong inisin ang mga bata.

Ephesians 6:4 Fathers, do not exasperate
your children; instead, bring them up in the
training and instruction of the Lord.


       
Huwag inisin, punuin, bugnutin, o takutin ang mga anak. Mayroong mga anak na kapag dumadating yung taaty ay natutulugan na, layuan na. Pagpunta ng mga tatay sa second floor, babaan ang mga anak sa first floor. Pagpunta ng tatay sa kusina, puntahan ang mga anak sa sala kasi iwas na iwas sa kanya. In previous generations, ang turing sa mga tatay ay parang mga poon na dapat ilagay sa altar. Nandiyan lang sila pero hindi puedeng hipuin. How many children ache to embrace their fathers but cannot? And how many father ache to embrace their children, especially their sons, but cannot? Kasi umiimbento sila ng pader, ng distance but it never worked! Yung mga naunang generations sa atin malayo ung mga sons sa mga tatay nila. Gusto nyo bang naghihingalo na kayo't gusto kayong halikan at damputin ngunit hindi magawa-gawa? Hindi kayo mayakap-yakap hangga't hindi kayo malamig na bangkay? So, fathers, be more lobable, loving, and expressive.

No comments:

Post a Comment