Wednesday, 23 September 2015





BAKA PARA SA IBA

Romans 12:13
Take care of God's needy people and
Welcome strangers into your home.


                Bihira na ngayon ang mga taong hospitable dahil sa takot maisahan, ma-holdup, ma-kidnap, o kaya dahil sa hirap ng buhay. Mahal ang gasolina, ang bigas at iba pang bilihin, kaya hindi nakakapag-share sa iba. But hospitality is an honored virtue in Scripture. We are commanded to share with God's people wheter in times of abundance or in times of want. The majority of the israelites were not exactly well-off. They carried on their shoulders imperial taxation. They supported their own elite, the Roman legions, and, in fact, the whole empire. But the Lord commanded them to share. The wonderful thing about sharing is whenever anything is given from the good heart with a good intention, it never really leaves you; it just multiplies and it comes back in many ways.
                Iniisip kasi natin na kailangan wise tayo at hindi tayo dapat naiisahan. Pero, do you know that there are times when what we have in our hands are supposed to handed over to someone else? Ipinapaabot lang pala ng Dios sa kanila sa pamamagitan natin. At kung hindi iniabot dahil sinarili natin, maaaring na-enjoy natin for a moment, pero dahil nanghinayang tayo at hindi binitawan, hindi tuloy naging free enough ang ating kamay para tanggapin yung talagang nakalaan para sa atin. Hinihintay lang pala ng Dios na iabot natin para maging empty ang kamay natin to receive even more blessings!
               In life, we should listen to the dealings and promptings of the Holy Spirit and make it a goal to become a blessing whenever possible.












"...And Listen to Others"
Proberbs 19:20
Pay attention to advice and accept correction, so you can live sensibly.

      Mahalagang tumanggap tayo ng turo, pero dapat ina-advertise parin natin sa ating mga sariling pamamaraan na pwede tayong turuan. Hindi komo mas matanda tayo, ayaw na nating paturo. Noong araw kasi na hindi pa uso ang mga eskuwelahan, yung mas matanda ay mas marami talagang alam. Talagang pagka ikaw ang pinakamatanda usually ikaw yung pinakamarunong. Pero hindi na yun ngayon totoo because of the information available to so many young people. Kaya nga, dapat willing tayo na maturuan at matuto. Kaya minsan magandang makita ang isang lola na nagpapaturo sa kanyang apo na mag-text. Kasi it is a recognition na may alan ang isang bata na hindi alam ng matanda.
      People must be teachable. Hindi yung pag may magsasalita para mag-suggest, dini-discourage natin agad sa pamamagitan ng ating salita, ng ating sungit, o ng ating facial expression."Tapos ka na ba? Kasi kahit sampong beses mong sabihin sakin yan, walang effect sa akin yan." Hindi ganyan ang mga aasenso sa buhay. Kailangang makinig din tayo. We should listen even to ideas that oppose our own ideas. And in the end, after listening, ipanalangin natin, magbulay-bulay tayo, limiin kung kayang lunukin o hindi. Walang kwenta yung nagsisimula pa lang magsalita ang isa, sasabihan kaagad na, "Alam ko na yan." Pag ganyan ang ating ugali, walang mga taong magiging malapit sa atin. Puro hello, goodbye. Ganun lagi kabilis ang mga conversation kasi hindi tayo masarap kausap.

No comments:

Post a Comment