Wednesday, 23 September 2015





BAKA PARA SA IBA

Romans 12:13
Take care of God's needy people and
Welcome strangers into your home.


                Bihira na ngayon ang mga taong hospitable dahil sa takot maisahan, ma-holdup, ma-kidnap, o kaya dahil sa hirap ng buhay. Mahal ang gasolina, ang bigas at iba pang bilihin, kaya hindi nakakapag-share sa iba. But hospitality is an honored virtue in Scripture. We are commanded to share with God's people wheter in times of abundance or in times of want. The majority of the israelites were not exactly well-off. They carried on their shoulders imperial taxation. They supported their own elite, the Roman legions, and, in fact, the whole empire. But the Lord commanded them to share. The wonderful thing about sharing is whenever anything is given from the good heart with a good intention, it never really leaves you; it just multiplies and it comes back in many ways.
                Iniisip kasi natin na kailangan wise tayo at hindi tayo dapat naiisahan. Pero, do you know that there are times when what we have in our hands are supposed to handed over to someone else? Ipinapaabot lang pala ng Dios sa kanila sa pamamagitan natin. At kung hindi iniabot dahil sinarili natin, maaaring na-enjoy natin for a moment, pero dahil nanghinayang tayo at hindi binitawan, hindi tuloy naging free enough ang ating kamay para tanggapin yung talagang nakalaan para sa atin. Hinihintay lang pala ng Dios na iabot natin para maging empty ang kamay natin to receive even more blessings!
               In life, we should listen to the dealings and promptings of the Holy Spirit and make it a goal to become a blessing whenever possible.












"...And Listen to Others"
Proberbs 19:20
Pay attention to advice and accept correction, so you can live sensibly.

      Mahalagang tumanggap tayo ng turo, pero dapat ina-advertise parin natin sa ating mga sariling pamamaraan na pwede tayong turuan. Hindi komo mas matanda tayo, ayaw na nating paturo. Noong araw kasi na hindi pa uso ang mga eskuwelahan, yung mas matanda ay mas marami talagang alam. Talagang pagka ikaw ang pinakamatanda usually ikaw yung pinakamarunong. Pero hindi na yun ngayon totoo because of the information available to so many young people. Kaya nga, dapat willing tayo na maturuan at matuto. Kaya minsan magandang makita ang isang lola na nagpapaturo sa kanyang apo na mag-text. Kasi it is a recognition na may alan ang isang bata na hindi alam ng matanda.
      People must be teachable. Hindi yung pag may magsasalita para mag-suggest, dini-discourage natin agad sa pamamagitan ng ating salita, ng ating sungit, o ng ating facial expression."Tapos ka na ba? Kasi kahit sampong beses mong sabihin sakin yan, walang effect sa akin yan." Hindi ganyan ang mga aasenso sa buhay. Kailangang makinig din tayo. We should listen even to ideas that oppose our own ideas. And in the end, after listening, ipanalangin natin, magbulay-bulay tayo, limiin kung kayang lunukin o hindi. Walang kwenta yung nagsisimula pa lang magsalita ang isa, sasabihan kaagad na, "Alam ko na yan." Pag ganyan ang ating ugali, walang mga taong magiging malapit sa atin. Puro hello, goodbye. Ganun lagi kabilis ang mga conversation kasi hindi tayo masarap kausap.

Tuesday, 22 September 2015

Pass that other kind of Trial by Pastor Ed Lapiz

  



                        RECIPE FOR A
                      HAPPIER FAMILY


        M
any families are not happy. A lot of children don't want to go home because their homes are not happy. Maraming tatay ang ayaw umuwi kasi ang kanilang tahanan ay hindi masya. Maraming mga nanay ang ayaw magbabad sa bahay dahil hindi masaya roon. Marami ring mga lolo't lola ang ayaw nang tumira sa mga anak at apo dahi hindi rin masaya. At dahil hindi sila umuuwi lalong hindi sumasaya. Pero kung hindi tayo masaya, bakit pa tayo nabubuhay? The Lord likes us to be happy. Therefore, how can the family be happy? It's important that happiness becomes a goal. And in the family, everyone has to do his or her part to achieve this goal. Ma-put lang in place ang mga ito, eveerybody wil be much happier.


For the men  

1. Love you wife.
      Ang number one na dapat gawin ng husband ay pinapasaya ang kanyang wife.

Ephesians 5:25 Husbands, love your wives,
just as Christ oved the church and gave
himself up for her.

   Ang ginagawang pananampalataya ay katulad lang ng pag-ibig ni Hesus sa kanyang iglesia. At ano ang ibig sabihin nun? He gave his life for the church. Husband, love your wife. Siempre, different strokes for different folks. Wives must be loved the way they want to be loved, not the way their husbands think they should be loved. Minamahal mo nga't inuuwin mo ng hopia. So, bale-wala rin yun. naa-appreciate yung thought hut not the thing. Pag mamahalin nyo yung wife nyo, husbands, love them the way they want to be loved. Hindi yung sasabihin nyo, "E talagang ganyan ako mag-express. Mabuti nga mayroon, pasalamat ka."



                                   




                                                                     ÖÖÖ  ÖÖÖ
                                      Wives must be loved the way they want to be
                                       loved, not the way their husbands think they
                                        should be loved.

2. Do not be harsh to your wife.
     
Husbands, do not be harsh in behavior orb words to your wives. Yan ay paulit-ulit na theme ng New Testament. Dapat hindi magaspang ang mga asawang lalaki sa kanilang asawang babae. Dapat aging gumagamit ng good manners and right conduct. Sometimes harshness comes in other forms, like thoughtlessness. Yun langmang makalimutan ng mga husbands to be tender, oving and kind, harshness na yun. E sa gusto ng asawa nyo naaalala nyo yung anniversary nyo, gaano ba naman kahirap tandaan yang anniversary na yan na hindi na lagi maalala? Wala kasing effort to remember. Walang effort to be tender or kind. Do not be harsh.

3. Be considerate.

1 Peter 3:7
Husbands, in the same way be considerate as you live with your wives, and treat them with respect as the weaker partner and as heirs with you of the gracious gift of life, so that nothing will hinder  your prayers.


       
Single men, kung balak nyo pang mag-asawa ay namnamin nyo rin ito para kapag mag-aasawa kayo huwag nyo nang makaimutan. As you live with your wives, be considerate. Hindi komo mabilis kang maglakad lalo't nakatakong siya. Hintay-hintayin, hindi sinisinghal-singhalan. Noong dalaga pa siya, inaabut-abot mo pa yung siko, inilalakad-lakad. Ngayong asawa na e, siya na ang may bitbit ng pinamiling grocery at naiiwan pa. Tapos walang ginawa ang husband kung hindi mag-apura. Pag pupunta sa church, "Dali! Dali kayo!" Bubusi-busina na, nasa kotse na. E palibhasa yung husband hindi naman nagliligpit, hindi naman tinitingnan kung nakasara na yung mga pinto, yung mga bintana, kung nabunot na ba yung plansta, etcetera, etcetera 'tapos apura nang apura. Kung inaapura nyo ang asawa nyo, tulungan nyo sa ginagawa nya. Maraming lalaki ang darating sa bahay, "Hindi pa ba luto? Hindi pa ba luto?" E di makiluto ka kung gusto mong madali yan. Lalung-lalo na if the wife is also working outside the house. Let's say mayroon siyang 8 to 5 kind of job. Sabay lang naman kayong nagtatrabaho maghapon, ano't pagdating mo e ikaw ang hari at siya ang katulong? Lalo kung wala kayong household helper, be considerate. Noong araw na ang mga misis are full-time wives, they didn't go out of the house to earn a living. Siguro mas tamang mag-expect na pagdating mo sa bahay ay luto na ang pagkain at ayos na ang lahat. Pero kung pareho kayong nagtatrabaho sa labas, be more considerate. Paano mong sasabihing ang tagal naman e pagdating mo sa bahay ay manonood ka lang ng TV, magbabasa ka ng diario, habang siya nama'y luto ng luto? Pagkatapos nyang magluto, maghahain pa siya. Kakain ka. Pagkakain mo ngayon e nakahiga ka na. "Ano ba, ang tagal mo, halika na dito!" E nagliligpit pa siya. Siempre lagi siyang late kasi mas marami siyang details na ginagawa (although hindi naman lisence yan, mga kababaihan, para lagi kayong late kasi ang iba naman talaga ay disorganized). Yung iba naman masyadong mabusisi. But, ang utos dito sa mga kalalakihan is, be considerate.
      Isipin mo naman sila as the weaker partner. A woman goes through regular life cycles that most men don't experience. So be kinder and nicer. At ang sabi ng verse din ay they should be treated as co-heirs with you of the gracious gift of life. Pareho lang kayong tagapagmana ng Dios, dapat mayroong fairness so that nothing will hinder your partners. Kaag hindi pala considerate ang mga husbands sa wives, nahi-hinder ang prayers nila. Sasabihin ni Lord, Pray ka nang pray. Be considerate muna sa iyong asawa bago ka maghingi ng kung anu-ano." Husbands, love your wives. Do not be harsh and be considerate. Sa men pa rin, no longer as husbands but as a fathers.

4. Be a good Father.
     
But, remember, to be a good father you must be a good husband first. A good husband will almost automatically become a good father, but not all good fathers are good husbands. So, to love your children, fathers, first love your wives. Fathers who don't love their wives cannot love their children fully because; first, you will not show them a good example. Second, you probably will break up your marriage, and what kind of love will you be able to give to your children? A good father is a little bit of a mother too, just as a good mother is a little bit of a father too. Kailangan nagtutulungan. The primary responsibility of the father is to provide for the family.

1 Timothy 5:8 If anyone does not provide for
his relatives, and especially for his immediate

family, he has denied the faith and is worse
that an unbeliever.


         
Masahol pa raw sa hindi mananampalataya yung tatay na hindi nagbibigay ng mga pangangailangan ng kanyang pamilya. Yun naman ay kung siya ay able-bodied. Iba naman kung siya ay may sakit o nagkaroon siya ng kapansanan. Pero habang kaya ng kanyang katawan, tungkulin ng tatay ang mag-provide para sa kanyang pamilya.

5. Do not exasperate the children.
       
Fathers, another way to make your family happier is not to exasperate the children. huwag nyong inisin ang mga bata.

Ephesians 6:4 Fathers, do not exasperate
your children; instead, bring them up in the
training and instruction of the Lord.


       
Huwag inisin, punuin, bugnutin, o takutin ang mga anak. Mayroong mga anak na kapag dumadating yung taaty ay natutulugan na, layuan na. Pagpunta ng mga tatay sa second floor, babaan ang mga anak sa first floor. Pagpunta ng tatay sa kusina, puntahan ang mga anak sa sala kasi iwas na iwas sa kanya. In previous generations, ang turing sa mga tatay ay parang mga poon na dapat ilagay sa altar. Nandiyan lang sila pero hindi puedeng hipuin. How many children ache to embrace their fathers but cannot? And how many father ache to embrace their children, especially their sons, but cannot? Kasi umiimbento sila ng pader, ng distance but it never worked! Yung mga naunang generations sa atin malayo ung mga sons sa mga tatay nila. Gusto nyo bang naghihingalo na kayo't gusto kayong halikan at damputin ngunit hindi magawa-gawa? Hindi kayo mayakap-yakap hangga't hindi kayo malamig na bangkay? So, fathers, be more lobable, loving, and expressive.

Monday, 21 September 2015




TEN STEP
  TO PEACE


                 apakainan na makapiling ang Panginoon dahil sa piling Niya'y may kapayapaan. Isa yan sa mga pinakamalaking pagkakaiba sa buhay ng isang taong may personal na relasyon kay Kristo. Sinumang tumanggap sa kanya bilang Panginoon at Tagapagligtas ay nagkakaroon ng kapayapaan. Ang mga problema ay nawawala at kung dumating man ang mga itong muli, iba na ang pagtingin natin dito dahil nagkakaroon tayo ng bagong pananaw at kapayapaan.
       Ang kapayapaan ay isa sa mga pinakahahangad ng lahat ng tao. Napakailap nito at madaling mawala. Kaya't kung anu-anong entertainment ang hinahanap sa buhay ng napakaraming tao para kahit sandali'y magkaroon man lang ng kapahingahan mula sa mga bumabagabag. Sila'y humahanap ng pag-ibig. Kahit konting pagtinin ay namamalimos para lang magkaroon ng kapayapaan. Subalit laging mailap ito at kung minsan, sa pagdating ay nawawala agad.


               Sabi ng panginoon sa

John 14:27
Peace I leave with you; my peace I give
you. I do not give to you as the word
gives. Do not et your hearts be troubed
and do not be afraid.



FORGIVE
     In order to have peace in life, we've got to recieve and grant forgiveness. Pagpapatawad.

Matthew 6:12
Forgive us our debts, as we also have
forgiven our debtors.

   
Patawarin Mo kami sa aming mga utang gaya rin ng pagpapatawad namin sa mga nagkakautang samin.


Matthew 6:15
But if you do not forgive men their sins,
your Father will not forgive your sins.


     
There are two types of forgiveness that we shall talk about in order to have peace. Una, makatanggap tayo ng pagpapatawad ng Dios. Pangalawa, magpatawad tayo sa iba na nagkasala sa atin. Paano tayo magkakaroon ng kapayapaan kung di pa tayo nakatatanggap ng pagpapatawad ng Dios? Kahit conscious tayo o hindi sa ating mga kasalanan, di parin tayo magkakaron ng kapayapaan kung malayo ang puso natin sa Dios. Ang ipinagkaiba lang ng iba, alam nila na dahil sila'y nasa kasalanan, wala silang kapayapaan. Ang di kumikilala ng kasalanan ay alam na magulo ang buhay nila pero di nila malaman kung bakit. Iisa lang ang dahilan. God design human life to be lived according to His will. And if you don't live according to God's will, you'll have trouble, both internal and external. That is why it is important to receive God's forgiveness. Yan ang pinakaimportanteng bagay na dapat matanggap natin sa buhay.
    Pwede din kayong hindi tumanggap ng pagpapatawad ng Dios; kaya lang kailangang magbayad tayo ng kasalanan natin. Pwde namang hindi kayo humingi ng tawad. Bayaran nyo nalang. Pero lalo yatang mahirap magbayad. Alam yan ng Dios Kaya nga ang Panginoong Hesus mismo ang namatay para sa ating mga kasalanan para huwag na tayong magbayad. Hingin na lang natin ang libreng kapatawaran. Ang kapatawaran ay natatanggap natin bilang grasya o biyaya ng Dios. Hindi bilang bayad o pabuya sa ating mga paghihirap, pagsisikap at paggawa. It's a gift of God so we've got to receive it.
    Have you receive God's forgiveness? Naihingi na ba natin ng tawad sa Dios ang lahat-lahat ng kasalanan natin? Isinuko na ba natin ang ating buhay, ang nakaraan, ang ngayon at ang bukas pa? Tatanggapin natin ang kanyang kapatawaran. Pagkatapos nito, nagkakamali ka pa rin siyempre dahil tao ka lang. Ibang kapatawaran naman ang hinihingi natin. The first one is forgiveness into salvation, and once you are saved through that forgiveness, kapag nagkamali tayo sa pang-araw-araw na buhay ay humihingi tayo ng pagpapatawad, or forgiveness unto restoration. Para maibalik ang magandang relasyon.
      Have you receive that kind of salvation? It is there for the asking. Nahihingi sa pamamagitan ng pananampalataya natin sa Panginoon. At pagkatapos, heto ang kakambal niyang pagpapatawad – pinatawad nyo na ba at patuloy nyong pinapatawad ang mga taong nagkamali at patuloy na nagkakamali sa inyo?
       Ang taong di nakakatanggap ng patawad ay hindi magkakaroon ng kapayapaan. Sasabihin nyo, "Ang hirap namang magpatawad. Pambihira, ang laki-laki ng kasalanan nito sa akin." O sige di 'wag nyong patawarin, singilin na lang nyo. Eh makakasingil ba kayo? Unang-una, willing ba silang kumilala na nagkamali sila? Pangalawa, kilalanin man nila, willing ba silang magbayad? Ngayon kung di sila magbabayad at ayaw nyong magpatawad, sino ngayon ang lugi? Eh di kayo. Kasi habang hindi nyo pinapatawad, hindi kayo patatawarin ng Ama. Lugi kayo. Hindi man tayo banal at di sobrang espiritual, kung kayo'y matalino ay magpapatawad na lang kayo. If you're spiritual and very Godly you'll definitely  forgive. But if you're nor spiritual enough to forgive, at least be intelligent enough. If you don't forgive men their trespasses neither will your Heavenly Father forgive you your trespasses.
       Don't burn the bridge over which you too must pass. Galit na galit kayo sa mga tao, pinasabugan nyo ng granada, sukdulang kasama kayong sumabog. Ayaw niyong paraanin, sinira na nyo ang tulay kaya't pati kayo tuloy ay di na makatulay. Ganyan ang ginagawa ng mga taong hindi nagpaatawad.
       Ang bawat tao na may galit kayo at di nyo pinapatawad ay nagiging amo nyo. You are a slave of anyone you don't forgive. Why? Kung naalala nyo siya, nagagalit kayo, at pag nakikita ay nawawala kayo sa mood. Madinig lang nyo ang boses naalta-presyon kayo. Di kayo makatulog o makakain. Sino nayon ang lugi? Kaya't mahalaga ay marunong tayong magpatawad. Unang-una, dahil un ang banal na dapat gawin. You've got to forgive, if not for spiritual reason, then at least for intellectual reason. Sabi ko nga, pwede naman kayong hindi magpatawad, maningil na lang kayo. Di ba nga ang mga kumanya man na talagang di makakulekta ng mga utang ay nira-write=off na lang yun as bad debts? Maningil na lang kayo. Wala na kayong ibang magagawa sa buhay. Di na kayo makakapag-produce. Wala na kayong ibang pagtutuunan ng pansin kundi paniningil. Samantalang kung pinatawad nyo, makakagawa pa kayo ng ibang hanap buhay, kikita kayo nang mas marami pa.
       I don't know your heart, but God does. As you read God's word, forgive men their trespasses. Kasi sayang ang oras nyo. Kung pupunta punta kayo ng church na may dala dalang galit at lalabas din kayo sa pintuan na dala parin ang dating galit nyo at ang dating ay di nyo pinapatawad ay di parin nyo pinapatawad, nagsasayang lang kayo ng pagod sa pagpunta sa church dahil balewala ang lahat. Manananlangin kayo, maga-abuloy kayo, ay kakanta kayo dyan, pero hindi tatanggapin ng Dios habang hindi tayo nagpapatawad. Ang pagfpapatawad ang dapat nating unahin. At kung di natin kaya, humingi tayo ng kakayanan sa Dios. Sabi sa Bible, "ask and it will be given you." Ang di lang naman puwedeng magpatawad ay ang di pa nakatanggap ng kapatawaran para sa sarili nyang kasalanan mula sa Dios. Pero pagnakatanggap na tayo, may grace na. There will be enough grace for us to forgive others. Kaya dapat magpatawad.
              
Do not Neglect
    Your Friend

 
Job 6:14
         My friends, I am desperate, and you should help me,
         even if I no longer respect God All-Powerful.


                     
Never abandon a friend. One of the virtues taught by the bible is to value friendship. Friendships are strengthened in times of adversity and need. Yung mayroon tayong kasama in good times ay maganda, pero kasama parin natin sila sa sandali ng pangangailangan? Ang mga tunay at matitibay na pagkakaibigan ay yung mga pinagbuklod ng pagtutulungan. Kung pinapahalagahan natin yung mga nakakasama natin sa saya, doble nating pahalagahan yung kasama natin sa pangungulila, panghihina, pagluha, dusa, hirap, kadiliman, at kasalatan. Sila ang mga kamay ng Dios na iniaabot sa atin.
                   If your friend is in need and troubled, it is your great chance to strengthen the friendship by being there for him. Huwag nating isipin na ang pangangailangan ng isang kaibigan ay abala, sagabal at setback sa atin. It is an opportunity not to be avoided but actually to be taken advantage of for the furtherance and strengthening of the relationship. Not everybody needs help every time and everyday. So hindi natin pinalalampas ang rare opportunity to be helpful.
                    Hindi dapat tinatakbuhan ang isang nangangailangan. Paano kung tayo naman ang nangangailangan at tinakbuhan tayo ng mundo? Huwag nating palampasin ang pagtatanim ng kabutihan kasi darating din ang panahon ngf anihan. Of course, hindi tayo tumutulong with a view na babawi tayo sometime in the future. The purest motivation in helping is also rewarded by God. Tandaan natin, kahit wala tayong inaasahang sukli, may inilaan ang Dios na sukli para sa ating kabutihan. Never neglect a friend.

Photos




Psalms 51: A Prayer for Forgiveness by Pastor Ed Lapiz

Why People Die by Pastor Ed Lapiz

utang na feelings by Pastor Ed Lapiz

Sunday, 20 September 2015

Magnanakaw! Magnanakaw! 4




                                                   BITTERNESS





         Perhaps we've experienced at least once in our lifetime being wronged by others. Maybe we have been wronged intentionally or unintentionally. Nevertheless we feel wronged.May nagawa ang tao sa atin, sinadya man o hindi, pero nagdusa tayo. And we feel bad about this When such things happen, we can have only two reactions. One is to forgive, and the other one is not to forgive and then be bitter about it for a long time. Or even worse, to feel bitter all your life. Bitterness can destroy aperson's relationship to God, with his fellowmen, and even himself.
That's why bitterness is a thief that rob us of happiness.
          Ano ba yung "bitter"? Alam na natin yan-usually to be bitter is accompanied by severe pain or suffering. To have a bitter life, to have a bitter memory, to have a bitter lifestyle is marked by cynicism, by contempt, by a lot of resentment, by grief and often, a of regret.


                 Objects of Our
          Bitterness

     
The Primary object of bitterness is the person who had wronged us.
Persons who have caused us harm, however unintentional. Minsan, bitter na bitter tayo sa isang tao, dahil may nagawa siyang mali sa atin sometime in the past. Noong kayo'y grade three may isa kayong tita na kurot nang kurot sa inyo. Hanggang ngayon pag nakikita mo siya'y kumukulo ang dugo mo. Naiinis ka sa kanya kasi nandoon ang bitterness. Siguro, naging mahigpit ang nanay. May mga taong bitter sa sariling nanay. May mga taong bitter sa kanilang tatay kasi madalas itong lasing. Lagi silang natatakot pag dumarating na ang tatay nila. There are people who are very bitter about this and that because they have been wronged in the past.
          Or we feel bitter about people who get what we don't have. Gustong-gusto natin ang mga bagay na ito pero bakit nasa kanya lagi? Gusto nating maging sikat pero bakit siya yung sikat? Gusto nating maging mayaman pero siya yung ang yaman-yaman. Kahit anong gawin natin, mahirap parin tayo at mayaman siya. "Lagi na lang siya ang may honor sa school. Lagi na lang siya ang nakakakuha na maid og honor. Lagi na lang siya ang sikat, pero ako'y hindi na makuha," sabi natin. Naiingit tayo. And we feel bitter. Yung tao naman ay walang kamalay-malay na bitter na pala tayo sa kanya.
          When such a habit of bitterness continues, and then becomes an ongoing pattern of life, ones becomes bitter toward humanity as a whole. Yung galit tayo sa mundo. There's not one particular person pero sa lahat ay inis tayo. Sa kaunting bagay ay galit na tayo at hindi tayo makapag-forgive. When something goes wrong, you think the whole world is crumbling and falling apart. All because you have this bitterness about life in general. It comes from a hard and consistently painful life na sinasabi mo, "Ganito ang nangyari noon. Ganyan ang mangyayari in the future. Niliko ako ng limang tao. Itong darating na ito'y manloloko parin yan. Sinaktan ako nitong mga pinsan kong ito. Yung magiging mga kaibigan ko'y sasaktan uli ako ng mga yan." Ang mangyayari'y galit tayo sa buong mundo. May mga taong ganun-galit sa mundo at pinapalaki ang maliliit na bagay.
           There's another object of bitterness which, of course, must never be but somehow happens to be-God. May mga taong nagtatampo sa Dios. Nagagalit sa kanya na bakit hindi siya naging long-legged. Sa halip ay naging bow-legged pa. "Bakit ba naman ganito ang Dios? Hindi tuloy ako makasali sa beauty contest. Kahit hindi ako nakasakay sa kabayo, nakasakang ako." Maraming tao na galit sa Dios. "Bakit ganito ang balat ko? Bakit ganito ang paa ko?" Etcetera, etcetera. And we become very bitter.  Wala nang mapagtampuhang iba kung hindi ang Dios na mismong Manlilikha.

• When such a habit of bitterness continues, and then becomes an ongoing pattern of life, one becomes bitter toward humanity as a whole.



Friday, 18 September 2015

James 4:11-12
My friends, don't say cruel things about others!
If you do, or if you condemn others, you are condemning God's Law. And if you condemn the Law, you put yourself above the Law and refuse to obey either it or God who gave it. God is our judge, and he can save or destroy us. What right do you have to condemn anyone?

One sin we commit against our fellowmen is slander o paninirang puri. Yung pagsasabi ng laha\t ng mga kapangitan,kasiraan,kasamaan ng isang tao na hindi naman nabibigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanyang sarili dahil hindi naman siya present. Napakabilis manirang puri at mag-pass judgement.

Passing judgement is oversimplication. Pag sinabi mo, "Masama yang taong yan," oversimplification yun, dahil siguradong may mabuti rin sa kanya. Siguradong may kagandahang loob yan sa ilang tao kahit kung minsan may kapangitang loob siya sa iba. Pag may alm kang tatlong tao na hindi nya nabayaran ng isang nagungutang kahit nagbayad naman siya sa pito, at sasabihin mo, "Naku, manunuba yan," it's oversimplification. Madalas ganyan tayo ka-unfair sa ating kapwa.
"You cannot oversimplify a person because he/she is complex. The momentyou over simplify many things about a person, you begin to give that person alabel. And the moment you label a person, that's already slander. You don't respect a person kasi binibigyan mo lang sya ng label according to your biases and what you have heard many people say which you never probably experienced yourself.
Christians should never indulge in slandering people., Nobody can be perfect as to be perfectly wrong or perfectly evil. Kasi perfection yun. At walang taong perfect.
God can destroy everything you have worked for, so don't say something that makes God angry.
 ecc 5:6


    Bantayan natin ang ating bibig. Ang Dios ay maaaring magalit sa atin sa pamamagitan ng mga salitang namumutawi sa ating mga labi. At pag nagalit siya sa atin, maari nyang hayaang masira ung ating mga binubuo at hindi ito magtatagumpay. Tianggalin lang nya ang kanyang proteksyon, masisira tayo naturally, automatically.
         "Bakit kaya ako ganito?
           Baklit nalulugi ako? Bakit ang hirap-hirap ng buhay?"
          "Banal kaba o hindi?" "Ang dami kong ginagawang kasalanan."
           "Natural na magkaganyan ka." Huwag tayong magreklamo sa Dios kung masikip ang buhay natin. Natural na sisikip yan kung marami tayong inaalagaang kasalanan. But in spite of what we are, God remains gracious, dahil marami-rami pa rin tayong nae-enjoy sa buhay. Siyasatin natin. Bakit mayroong prosperous at mayroong hindi? Huwag nating sisihin ang Dios.
     Huwag ibang tao ang pag-aralan natin. Pag-aralan natin ang ating bibig. Baka mayroon tayong mga katabilan at mga sinasabing hindi nakakalugod sa Dios. Remember, we are accountable for every word that we say. there is power in the spoken word. Pag-ingatan ang pananalita. Bawat bibitawang salita, tinatanong natin, "Pwede ba itong bumalik sa akin?"
                 Talbog sa iyo, dikit sa akin.