- Tito, young pastor-counselor po ako. Any tips?
A - I-series natin para di masyadong mahaba:
DO NOT
1. Entertain every "counselee"; maraming wala lang magawa at gustung gawin ang wala na yun with you. Instantly asses kung ano ang pakay nila: Ask "Ano ang ibig mong ma-accomplish ng couseling natin? Ano ang ibig mong maging bunga ng usapan?"
Dapat clear sa kanya kung ano ang ibig nya. At clear din sa yo.
Kasi merong mga kunwari pa-counsel pero ibig palang umutang, o makipag-ligawan, o basta mag-rant lang, o sinusubukan kung ano ang alam /belief /stand mo on issues.
BE A WISE COUNSELOR. Do not be gullible (i-google ang meaning kung absent nung ituro yan sa school.).
Tips on Counseling # 2
Q - Tito, young pastor-counselor po ako. Any tips?
A - I-series natin para di masyadong mahaba:
DO NOT
2. Counsel face-to-face; online na lang.
Tipid sa oras at energy kesa magtagpo pa kayo in-person. Uubos ng oras at energy sa pag-set ng common time, sa pagpunta sa venue, etc. AT PAG IN-PERSON ANG USAPAN, MARAMING NAUUBOS NA PANAHON sa mga tweetums kumustahan, drama-drama, blah-blah-blah. AT may mga counselees na ibig pang kumalong sa counselor, ha!
(Tapos magma-maritess o magdedemanda ng "ABUSE"!)
WAG OA-ly bait. Stick to standard behavior. Kailangan din ng protection ng counselor from counselees.
AND! IN REVERSE, (TAKE NOTE, COUNSELEES), MAY MGA MANIAKIS DING "COUNSELORS". BEWARE pag nagtatanong ng steamy details about your sexuality or sex life!
Ingat din, Counselor kung si Counselee naman ang nagde-detail ng sex moves nya ---baka inaakit at tine-turn on pala!
Lahat ingat-ingat pag may taym.
Tips on Counseling # 3
Q - Tito, young pastor-counselor po ako. Any tips?
A - I-series natin para di masyadong mahaba:
DO NOT
3. SPOIL counselees by letting them call you any time. Lagyan ng disiplina ang counseling. WHY set this order? Kasi kung pagigising ka any time na tulog ka, your health, alertness and even intelligence will suffer. In the end, LUGI ang counselee at ikaw. Preserve your health, keep your sanity: set definite, decent hours for counseling ---except for life-and-death emergencies.
(Merong mga mag-asawa na mambubulahaw ng "bait" counselor sa hating-gabi, pupunta sa bahay ng counselor ---at dun magbo-boxing!)
Maya-maya, ang counselor na ang pasyente ---sa Mandaluyong.
No comments:
Post a Comment