Wednesday, 23 November 2022

KAYOD NANG KAYOD PERO POOR PA RIN?!

KAYOD NANG KAYOD PERO POOR PA RIN?!
Q - Nakakagalit pong makita ang sarili mo n kayod ng kayod pero hndi kp rin tinatakasan ng kahirapan while u see others keep doing nothing pero ang yayaman at may mga kasambahay pa...sometimes napapaisip po aq...how come ganun ang buhay nila.. ung tinatamasa nila? And for us n mga taghirap lagi...what do we deserve? Totoo ba ang malas pastor? Manginginom ung tatay q..housewife po nanay q..nkapagtapos aq dahil nagworking student...pero nkapagasawa din ng tamad...may trabaho po aq pero sa tagal ng promotion kaya nagpalipat2 aq...malas po b aq? GOD is a loving God nmn po db...bkit po kaya parang ang ilap ng swerte sakin..kulang b ang faith q?
A - MARAMING POSSIBLE EXPLANATIONS:
1. Mahina ang buelo mo sa simula dahil sa mga sinabi mong lagay ng parents mo. MERONG MGA BATA PA LANG ANG MAY PUSH NA NG PARENTS/FAMILY.
2. Napangasawa mo, sabi mo tamad. Wala ka nang nakukuhang push sa kanya, baka pabigat pa?
3. Yung companies na pinasukan mo, mabagal ang promotions. BAKA HINDI GANUN KA-PROGRESSIVE ANG COMPANIES NA YAN so nadadamay ka.
IN ALL OF THE FIRST THREE POINTS ABOVE, MAY DAMAY EFFECT.
Part yan ng Natural Law.
4. IKAW mismo, baka nasa wrong field/trabaho. Baka hindi yan ang best suited for you. Baka yung pinag-aralan mo ay hindi yung best suited for you.
SO, YOU HAVE TO WORK EXTRA HARD JUST TO GET AVERAGE SUCCESS OR PROGRESS.
This could be under the Cause-And-Effect phenomenon.
LAHAT NG BUNGA AY MAY PUNO/UGAT.
KUNG ANO ANG PUNO AY SYANG BUNGA.
5. Mahina ba ang faith mo? Only you can answer this. Kumusta ang faith mo sa sarli mong kakayahan? Hindi lang yang faith in God out there, but also faith in the wonder of God's creation that is YOU.
---
DO NOT COMPARE YOUR SELF/LIFE WITH OTHERS. Just keep doing your best...and keep finding that best/most suited career for you.
Also, keep improving your knowledge and skills. Keep learning new and fruitful skills.
EXPAND your social circle; sabi nga ng iba: "It's not what you know but who you know." Hindi yan laging totoo, pero may katotohanan din yan. People need help ---especially in the beginning (and in the end). It's good to have people we help and who help us.

No comments:

Post a Comment