Monday, 7 June 2021

Ed Lapiz - ISANG TANONG ISANG SAGOT

 Q - Tito bakit po may paksiw na pata na ang lapot-lapot (sarap-sarap tuloy) ng sarsa at mayron namang parang ang labnaw (hindi masarap!) ?

A -
Para malapot ang sarsa, dapat yung pata cuts na bagong hugas /nilamas sa asin or bagong thaw ay ilagay sa mainit na caserola at hayaan matuyo mag-isa. Lalabas ang katas/natunaw na taba-taba at hayaang magkasamang kumulu-kulo ang pata cuts at yung konting katas. Bali-baligtarin ang pata cuts para di masunog. After some time, dun pa lang ilagay ang "sabaw"/stock (pinaghalong tubig, suka, toyo, pamintang buo, bulaklak ng saging, laurel, binasag na bawang, sibuyas, etc.)
MAGIGING MALAPOT ANG SARSA PAG GANYAN ANG GINAWA ---BASTA WAG SANG-KATERBA ANG ILAGAY NA "SABAW".
Teka.....nakakahalata ako ....
Q - Bakit po parang habang papatanda, kumokonti ang mga close friends?
A -
1. Law of Nature? Nagde-depart na ang mga old friends na nauna sa pila sa departure gate?
2. Alam na ---at iniiwasan na ---ang mga ayaw na types?
3. Afford nang wag makisalamuha sa mga ayaw na tao?
4. Pagod /Tamad nang mag-invest sa new friendships?
5. Mas comfortable nang mapag-isa most of the time?



Q - Paano po ako magiging like ng maraming tao?
A -
Be useful, not a user.
Maging asset, not a liability.
Tumulong at huwag laging patulong.
Give more than you take.
Be part of the solution, not the problem.



Q - Paano po magkakaron ako ng pagpapatawad sa mga hindi ko gustong ugali/asal at gawa ng mga tao at paano ko matuturuan ang sariling tanggapin ang mga taong ayaw ko ang style nila sa buhay?
A - Isipin/Alalahain mo ang GENETICS. People behave the way they do mostly because of NATURE/genetics: They were born that way.
Surely, may mga ginagawa din ang tao na based sa choice/decision nya o upbringing/context nya: NURTURE. Yun ang puedeng baguhin in significant ways.
Pero marami sa asal/way of thinking/behavior/tendency, etc ay NATURE.
Genes." In the blood."
Hindi mababago in significant ways.
Tinatanggap na lang.
At kung ayaw mo, layuan mo na lang; keep distance.
Isaiah 45:9-10 (CEV)
The Lord said:
... you have no right
to argue with your Creator.
You are merely a clay pot
shaped by a potter.
The clay doesn’t ask,
“Why did you make me this way?
Where are the handles?”
Children don’t have the right
to demand of their parents,
“What have you done
to make us what we are?”
The person cannot complain how he/she is created.
Others shoould not complain how fellow humans are created.



Q - How can I protect myself from being hurt by people's comments? My critics don't even really know me!!!
A -
1. Be invisible, inaudible and imperceptible para wala silang makita, marinig ni madama tungkol sa yo na puede nilang react-an?
2. Do not read them nor listen to them?
3. Tibayan ang sikmura, kapalan ang apog?
4. Recite:
"Stick and stones can hurt my bones,
but words can never hurt me" ?
5. Remember: People's comments are just that: comments.
Those words needs not be taken
- as truth.
- seriously.
Umawit ka ng "NOSI BA LASI" ?
A wise lady once said:
"If they don't know you, it doesn't matter.
If you do noy know them, they do not matter."




Q - May kilala po akong napakaraming posts lagi at ako naman po, comment nang comment. OK po ba yun?
A -
Kung wala lang magawa yung nagpo-post, puede naman sigurong mag-comment ka na lang basta-basta.
Pero kung may purpose /saysay /misyon yung nagpo-post, igalang mo yun.
Mag-comment ka sa wall nya nun lang
supportive sa post nya.
Wag kang mag comment ng pang-gulo,
pangontra o pang agaw-pansin.
Kung may ibig kang sabihin on the same matter pero kontra sa post nya,
DUN KA SA SARILI MONG WALL MAGSABOG ng iyong maningning at preciosang kaalaman.



Q - Tito, may frend po ako na give nang give ng "advice" sa FB wall nya kahit wala syang K. 99% po hindi ako agree sa mga sinasabi nya. Minsan po hindi ko matiis kaya nagkocomment ako to give my truth!? Or to modify yung sagot/statements nya.
A -
WAG KANG SUMABAT, pamangkin.
Wall mo ba yun?
Ikaw ba ang tinatanong dun?
Kung napakarami mong "truths":
i-post mo sa wall MO para mabasa ng angaw-angaw mong followers.
Isagot mo sa nagtatanong sa IYO.
Do not trespass sa wall ng may wall.
HINDI MO KAILANGANG ITUWID ANG LAHAT NG LIKO sa tingin mo SA MUNDO.
Otherwise you would have to "correct"
7 BILLION people every minute.


Q - Bakit po maraming preachers ang hilig at ang dalas mag-debate versus one another?
A -
1. Genuine search for "truth"?
2. Genuine concern for the other? Para sya "itama"?
3 Desire to demolish ideas not one's own, especially if contradicting one's position?
4. Agawan ng audience? Pagalingan before the audience?
5. Personal conviction that one is God-appointed "Defender of Truth" / of Faith
/of Sect?



Q - May friend po ako na dati mahilig mag-invite, mag-treat at mamasyal.
I have noticed na matagal na po syang quiet at hindi na nag-i-invite ---kahit noong bago pa magka pandemic?
Bakit po kaya?
A - Baka
1. busy?
2. walang pera lately?
3. nagsawa na kalilibre?
4. nainis sa yo?
5. walang napapala sa kai-invite nya sa yo?




Q - Ano po ang pwedeng gawin pag dumating ka na sa point na feeling mo di ka pinakikinggan ni Lord, yung feeling mo di ka naman Nya talaga mahal?
A - Feeling lang yun.
God loves us no matter what.
But God's love does not always equate to yes answers to your prayers.




Q - Ano po ang gagawin ko sa parents ko na wala nang ginawa kundi i-exploit ako at gatasan ng pera to death. OM na nga po ako, tapos galit pa sila na nakipag-BF ako. Pinagbabawalan po nila akong mag-asawa dahil paano naman daw po ang suporta ko sa kanila at sa mga kapatid ko? Ang tagal-tagal ko na pong nagsusustento sa kanila pero ayaw pa nila akong palayain? Ano po ang gagawin ko?
A - Makipag-BF ka at mag-asawa! Wag mo silang sundin.
Ano ang mangyayari pag sinunod mo sila?
1. Uubusin mo ang youth mo sa sa pagsuporta sa kanila.
2. Tatanda sila at mamatay.
3. Pag nangyari yun, matanda ka na rin, no partner, no anak. Alone.
Ganun.
Suwayin mo sila in that department. Now na. Baka magsara na ang Puerta Isabel II sa Intramuros!
Then, patuloy mo silang tulungan sa abot-kaya. At least, kung mapagod ka, may papa kang sasandalan; kung mainis ka, may papa kang susumbungan. At, kung mauna sa yong gumradweyt ang parents mo,
habang inililibing sila at nag-eemote ka ay may papang naka-akbay sa yo...at may papa kang kasabay uuwi from the libing.
Mahalin ang payrents, pero hindi sila ang partner mo sa buhay kundi si Papa Piccolino.




Q - Unloved po ako noong bata pa ako, hindi napapansin, laging naiiwanan at napipintasan pa. Naging violent din po sa akin ang mga parents ko at kapatid.
Ngayon, para pong damaged ang personality ko. Wala po akong ginagawa sa BF ko kundi awayin sya, paghanapan ng attention at pagbuntunan ng mga init ng ulo ko.
Alam ko pong mali ang trato ko sa kanya pero di ko po mapigil?
A - Huwag mong singilin sa BF mo ang lahat ng utang sa yo ng mundo!
At hwag mong sabihing hindi mo kayang pigilin ang sarili mo.
Excuse at arte lang yan ng mga gustong ipilit ang mali.
Gamutin mo ang sarili mo; ang mga sugat ng childhood.
At mahalin mo ang bf mo na mukha namang pinagtitiisan ang mga drama mo.




Q - Nasa abroad po ako at hindi Filipino ang husband ko. Balak po namin mag-retire dyan sa atin. Ano po kaya ang magandang pundar /investment ngayon pa lang na malayo pa ang retirement age namin?
A - BUSINESS kung may super mapagkakatiwalaan in terms of ability and honesty.
Otherwise, LUPA / REAL ESTATE.
Laging tumataas ang presyo (wag lang katabi ng bulkan). You earn much more than in interests kung itatabi mo ang pera sa bank.
OR part-business and part-real estate and part bank deposits?




Q - Nagsisimula pa lang po ang committed relations ko with my brand new bf ay mukhang disaster yata ang napasok ko!!! What to do, Tito??!!
A - Tulad ng ginagawa ng drivers na napapasok sa dead-end street, ATRAS pamangkin!





Q - Tito ang tanga ko po... I lost the man of my dreams not once, not twice, but thrice!!!
All because of my kababawan, ka-artehan,
stubborness, etc.
ANO PO ANG GAGAWIN KO?
A - Congratulations, pamangkin!
Malalim ka na enough to know and acknowledge your liability for losing him many times.
(Maraming tao hindi natututo kahit 1K times pang magkamali. Lagi pa ring sila ang "victim" sa tingin nila.)
So siguro, kung magkakaron ka ulit ng crack at romance, wiser ka na.
Hindi mo na wawaldasin ang opportunity.
Pero malamang sa ibang lalaki mo na ma-a-apply ang newly acquired wisdom mo, kasi baka tulad mo ay mas tumalino na rin yung guy at binura ka na nya sa mapa?




Q - Mas nakikinig daw po ng dasal ang Diyos pag dawn ---kaya lagi kaming dapat mag dawn watch?
A - Daig ng Dios ang botica na gising 24 oras ---so pareho lang sa Dios ang pakikinig kahit anong oras ka magdasal. Ang may relevance ay ikaw, ang kalagayan ng isip mo at katawan sa ibat-ibang oras ng maghapon o magdamag. Dun sa body rythm /body clock mo itugma ang best time for you to pray. Madalas naman talaga masarap manalangin kung tahimik at di ka busy, tulad ng sa madaling-araw.
Pero hindi yun dapat gawin dahil iniisip na mas nakikinig ang Dios sa oras na yun kasi sa ibat ibang bahagi ng mundo ay hindi sabay-sabay na madaling-araw.




Q - Nanaginip daw po ang isang sister na sabi ng anghel papautangin ko sya? Kaya hayan po at kinukuha yung pera in all seriousness?
A - Sabihin mo hihintayin mong managinipi
ka rin muna para i-confirm sa anghel kung magkano ang interest na sisingilin mo sa uutangin nya?



Q - Masama raw pong mag-pray ng nakahiga? Hindi raw po diringgin ng Diyos ang dasal ng nakahiga?
A -
Saan na namang versiculo nanggaling ang alamat na yan?
Walang kinalaman ang posture /bodily pisition para marinig ng Maylikha ang dasal.
Ang mahalaga ay ang kalagayan ng puso, sidhi ng pananalig and practical deeds /pagsunod sa Law of Nature na ang Maylikha din ang nagtakda.





Q - Healthy po ba ang isip kung puro nalang positibo kahit yung totoo negative naman?
A -
Iba ang positive thinking sa escapism/denial.
Positive thinking is about seeing what is good/positive in any situation, WITHOUT denying/ignoring the whole reality, especially negative things that need to be addressed or corrected.





Q - Masama po ang loob ko sa mga taong matapos kung tulungan ng bonggang-bongga ay nilimot lang ako!
A - Wag ka nang magsama-sama ng loob pamangkin.
God is just.
Yung dapat ay "sukli/bayad" nila sa kabutihan mo na hindi nila ibinigay/ibinibigay sa yo ay and Diyos ang
1. nagbabalik/nagdadagdag sa yo.
2. kumukuha/bumabawas mula sa kanila.
Galatians 6:7 (CEV)
You cannot fool God, so don’t make a fool of yourself! You will harvest what you plant.
If you plant goodness, you harvest goodness.
If they plant ingratitude, they will harvest its fruit.




Q - Ang bait po talaga ng friend kong si M. Kahit po kaming tatlo nyang kabarkada ay hindi kagandahan at si M ay maganda, pinagtitiyagan po nya kaming kasama sa lahat ng lakad.
Kahit nga po naka mask….pansinin pa rin sya!
A - Parang nai-imagine ko na na kahit saan kayo magpunta ay sya ang napapansin ng boys?
So, isipin mo rin kung may iba pang dahilan kung bakit nya kayo gustong kasama?



Q - My husband po sobrang dry nya to the point na I dont even feel na may asawa ako. Nakakapagod din po pala. Giving without receiving. Tama po bang gumaya nalang ako sakanya? I will treat him the way he treats me. Para maramdaman nya ang nararamdaman ko?
A - Try. Baka matauhan sya at mag bunga ng better samahan nyo?
O baka naman may problema sya?
Baka may clinical o emotional issues?
Alamin mo kaya muna?




Q - Tito how can I be popular among many people?
A -
1. Huwag kang pabigat, mang-abala, manghingi, mangutang o mangmolestiya.
2. Huwag kang negative, reclamador, pintasera.
3. Maging malinis ka at mabango. Pero wag yung umaalingasaw sa pabangong amoy dakta ng cactus.
4. Respect people's privacy. Huwag usisera, chismosa at dalahira.
5. Huwag inggitera.
6. Ikisan ang salita/kwento.
7. Kung mang-aabala ng kapwa, huwag tagalan at huwag dalasan.
8. Isoli AGAD ang anumang hinihiram.
9. Be helpful, masipag, at mabilis magvolunteer sa trabaho.
10. Be appreciative of others and their works.
11. Do not impose your political or religious views on others.
12. Be teachable. Nobody likes Ms. KnowEverything.





Q - Ano po ang dapat gawin pag feeling mo nilalayuan ka ng isang tao?
A -
KUNG WORTH SYANG I-KEEP,
suriin kung bakit sya lumalayo; kung fault mo, correct the situation.
Pero kung ayaw pa rin nya lumapit ulit,
or kung di naman sya ganung ka-worthy,
then stay away!
Keep distance!
Huwag ipagsiksikan ang sarili.





Q – Tito please describe ako pala ay taong walang kwentang ka-kwentuhan?
A –
WHEN
1. You KNOW-IT-ALL
2. MAY PEG ka NA “BEEN-THERE-DONE-THAT-BEFORE-YOU-PA.”
3. MAY “knowing” facial expression ka: na alam mo na ang joke nya….o alam mo ang sagot sa pa-quizz nya, etc.
4. Inuunahan mo syang magsabi ng important words ng kwento nya.
5. Kino-korek mo sya all the time.
6. Nagkukwento sya ay sinasabayan mo syang magsalita at gumagawa ka ng small banana discussion group within the group.
7. Nag-iinterrupt ka sa ibat-ibang paraan.
8. Lagi mo syang daig sa bawat sabihin nya.
Q - Naku! Ano po ang dapat kong gawin kung ako lahat yan, Tito?
A - Ituwid ang style!
OR
Patuka sa ahas???




Q - Masama po bang mag-church hopping o lumipat ng church attendance?
A -
Depende sa motibo. Kung naghahanap ng teaching na mas
- papalapit kay Jesus
- nagpapalaya
- nagpapa-bait/buti,
why not?
Kung hindi lumipat ang first-generation Jesus believers from the priest-run temple to the independently run Jesus sambahays, eh di hindi sila lumaya from the teachers of the Law and Pharisees?
Careful with using the word
"CHURCH HOPPER".
Madalas gamitin yan para pagmukhaing carefree, frivolous, careless, playful, foolish, etc. ang mga seekers.
Technique yan ng mga gustung ikulong ang tao sa church nila; pinagmumukha nilang masamang mag-search.
Pero siempre may “church hopping” na questionable:
Kung lagi kasing napapa away sa nilalayasang church, kung para lumipat to have new victims sa pangungutang/ rakets, kung maghasik ng gulo at magsabog ng lagim, naghahanap ng mapagsasamantalahan, etc. Yun ang masamang church hopping.






Q - Patanda po ako nang patanda nang patanda kahihintay kay Mr. Right! Naluluma na po ang aking alindog at natutuyo ang aking balon! Ang dami ko na pong pinalampas at hanggang ngayoy may mangilan-ngilan pa ring pinalalampas? Tito, what to do???
A - Kung talagang mailap at di dumadapo sa bulaklak ng Katuray si Mr Right, at papunta ka na sa pagka-fossil;
kung magsasara na ang Puerta Isabel Ii sa Intramuros, at kung ang ang sariwang buko ay papunta na sa pagka-copra—- at kung ayaw kamatayan ang zero score—- baka panahon nang tanggapin ang pagsuyo ni Mr Right NOW!

No comments:

Post a Comment