LITISAN at TIWALAGAN sa "CHURCH"?
Q – Sa very public and usually painful na pag"lilitis" at pagtitiwalag ng "sinning" members of the church, tama po bang basehan ang turo ni Jesus sa
Matthew 18:15-17
“Kung magkasala sa iyo ang iyong kapatid, puntahan mo siya at pagsabihan mo tungkol sa kanyang pagkakamali. Gawin mo ito na kayong dalawa lamang. Kung siya'y makinig sa iyo, napanumbalik mo na ang iyong kapatid. Subalit kung hindi siya makinig ay magsama ka pa ng isa o dalawa, upang batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay mapagtibay ang bawat usapin.
Kung ayaw pa rin niyang makinig sa kanila, idulog mo ito sa iglesya; at kung ayaw niyang makinig pati sa iglesya, ituring mo siyang isang pagano at maniningil ng buwis.
A –
Si Jesus ang may turo nyan; ibig sabihin wala pang malaking “church” nung oras na itinuro yan; puro pa lang home-based groups we now call SAMBAHAY :
Yan yung groups na hanggang sa panahon ni Paul ay tinawag nyang: “the church that meets in your house”.
So, sa “iglesia” na ganyan kaliit, puro family and close friends lang ang member.
At dahil ang hanapbuhay noon was usually family-run, ang pagturing sa isang pasaway member as “pagan” only meant and purposed corrective “isolation”: isolation sa hanap-buhay, at puedeng maging sa tirahan!
Economic interdependence would then push the erring. stubborn member to accept corporate correction kasi wala syang choice! Wala syang titirhan at hanap-buhay kung patuloy na susuway! Also, dahil close kinship, may malasakit ang buung “church” sa erring member kaya hindi nila ilalabas / ikakalat ang isyu/chismis kahit pa nga it is "TOLD TO THE WHOLE CHURCH!" Sila-sila lang yun!
HINDI RIN SILA MAGIGING NEEDLESSLY CRUEL.
HINDI ITO APPLICABLE sa modern big churches where many members are NOT family nor close friends. AT MARAMING nasa leadership ay may mga political agenda within the church.
Halos stranger na nga ang members sa isat-isa kaya hindi nila pagmamalasakitan at iingatan ang confidentility ng case! Kakalat lang ang balita to the long-term or even permanent damage to the person being "corrected"! So, hindi na correction kundi punishment or revenge na.
AT HINDI SCANDALOUS PUBLIC TRIAL NOR PAINFUL, CRUEL “TIWALAG” ANG APPLICATION NG TEACHING NA YAN NI JESUS! Quiet correction pa rin ito, with attendant malasakit and care kasi nga yung “buung iglesia” ay maliit, intimate fellowship
of family ang close friends!
Hindi bagay i-apply ang ancient, time-and-place-based policy na ito sa churches in other contexts, lalu kung mas malaki kesa sa first-Century Sambahay!
At hindi na rin ito effective to achieve the goal of pushing the makulit member into correction kasi,
1. Hindi naman economically interdependent yung tao sa buung church!
May sarili syang independent hanapbuhay!
Hindi sya maooblgang sumunod!
2. Maraming ibang faith communities na puedeng lipatan ang Itinitiwalag! Hindi tulad noong panahon ni Jesus na yung home church mo lang ang kaisa-isang church sa lugar nyo! Wala kang ibang choices!
OUT OF CONTEXT SA PANAHONG ITO KUNG IA-APPLY AS-IS ANG TEACHING NA YAN.
No comments:
Post a Comment