Thursday, 27 May 2021

design ng bahay

 Q - Tito middle aged couple po kami with children. Ano pong magandang design ng bahay kasi finally, magpapagawa na po kami?

A -
1. Ang main bedroom ay sa baba /ground floor para pagtanda nyo, convenient kumilos; hindi na maghahagdan.
Kung gusto nyo muna habang bata pa kayo na ang bedroom nyo ay nasa taas, maglaan ng space sa GFloor na madaling i-convert into your bedroom pag kailangan (na).
2. Not too big, not too many rooms. Gawing collapsible ang division ng rooms. Kasi your children will have families of their own and leave your house kakalog-kalog.
3. Konting floor /indoor space, maraming open /garden spaces.
4. Put all pipes, plumbing, electrical wiring OUTSIDE THE HOUSE for easy maintenance.
5. Used oversized pipes for drainage. Madaling magbara.
6. Have lots of windows for ventilation and natural lighting.
7. HAVE STORAGE SPACES. Main bodega and mini bodegas/cabinets wherever possible. SUPER KAILANGAN YAN.
8. Kung kaya, concrete roof na lang. Basta galingan ang water proofing. NO/Less maintenance. Puede pang deck, sampayan, lalagyan ng solar panels, etc.
9, Mag solar power. Sulit. Bawi in 5 years.
10. Ilayo sa property line ang bahay. Malayo sa ingay at protection sa neighborhood fire.
11, Pag kaya, wag sa bahaing lugar magtayo. Lifelong dusa twing may baha.
12. Kung nasa main road, lumayo sa road para pag nag widening hindi maputol ang house. Kung puedeng puntahan ang bahay ng vehicles na mawalan ng preno, build barricades / harang para di ka masagasaan sa loob habang nag pepedicure.
13. Make the baños really beautiful, comfortable, restful. Lakihan ang mga windows for lighting and ventilation. Lagyan na lang ng venetian blinds for optional privacy.
14. Put personal touches, like parts of your old sinirang heritage house or anything you like/love like parts of your old vehicle, stairs, etc. Upuan where nag first-kiss kayo, etc.
Corny kung lahat ng parts ng bahay ay nabibili lang sa hardware. Walang kwento/a.
15. The house should please, not impress.

No comments:

Post a Comment