Tuesday, 29 December 2020

DOS AND DONT FOR A HAPPIER NEW YEAR - ED LAPIZ


NEW YEAR

have joy and stay joyful

 Q - Tito how can I have joy and stay joyful?

A -
How To Be Joyful
John 7:37-39 (CEV)
… Jesus stood up and shouted, “If you are thirsty, come to me and drink! Have faith in me, and you will have life-giving water flowing from deep inside you, just as the Scriptures say.” Jesus was talking about the Holy Spirit, who would be given to everyone that had faith in him.
1. Believe in - Jesus.
Come to -
Receive -
=
Receive the Holy Spirit
John 20:22 (NIV)
And with that he breathed on them and said, “Receive the Holy Spirit.
=
Receive a new spirit.
2 Corinthians 5:17 (NIV)
Therefore, if anyone is in Christ, the new creation has come: The old has gone, the new is here!
=
Have a new mindset.
Change your
- mind
- thinking
- ways unto Jesusness.
2. Let - Jesus “live” in you.
Galatians 2:20 (NIV)
I have been crucified with Christ and I no longer live, but Christ lives in me. The life I now live in the body, I live by faith in the Son of God, who loved me and gave himself for me
Let
- the Holy Spirit
- the new thought / thinking / mentality
lead you.
Romans 12:2a (NIV)
Do not conform to the pattern of this world, but be transformed by the renewing of your mind.
3. Let Jesus progressively fill your heart / mind.
John 3:30 (NIV)
He must become greater; I must become less.”
Be filled to overflowing.
Colossians 3:16 (NIV)
Let the message of Christ dwell among you richly as you teach and admonish one another with all wisdom through psalms, hymns, and songs from the Spirit, singing to God with gratitude in your hearts.
= Joy!
Romans 15:13 (NIV)
May the God of hope fill you with all joy and peace as you trust in him, so that you may overflow with hope by the power of the Holy Spirit.
*
John 4:13-14 (CEV)
1Jesus answered, “Everyone who drinks this water will get thirsty again. But no one who drinks the water I give will ever be thirsty again. The water I give is like a flowing fountain that gives eternal life.”
BLESSINGS OF JOY TO ALL PAMANGKINS!
- Ed Lapiz

Tuesday, 22 December 2020

PEACE THE GIFT AND WAY OF JESUS - ED LAPIZ

PAG-IBIG NG ISANG BIYUDA

 Q - Byuda po ako, may mga pamilya na ang mga anak ko. Maginhawa po kami sa buhay kasi may mga negosyo ako. May nanliligaw po sa aking mas bata talaga at hindi kasing yaman namin. In fact, poor. Gusto ko po sana sya pero ayaw ng mga anak ko. Lolokohin lang daw ako. Please advice?

A –
1. Bukod sa talagang concerned ang mga anak mo sis, baka naman pino-protect lang nila ang mamanahin nila?
2. Yan ba namang edad nyo na yan, after all you've done, ay maloloko pa kayo ng bata? Kung makuha man nya ang gusto nya, yun naman siguro ay dahil "pinayagan" nyo na rin kasi may kasiyahan naman kayo. Eh ano namang may makuha ang bata kung may ligaya naman kayong tinatamasa? Basta alam nyo ang limit at hindi kayo "maloloko" to the point na maubusan kayo ng assets! Ano ba ang gusto nyo, walang nakakapanloko pero wala rin kayong ligaya? O may nakakapanloko ng konti pero may ligaya naman kayo? Bayad baga?! Ganun lang naman ang buhay. Sa kalagayan nyo ba namang may edad na kayo, byuda at baka nga lola na ay umaasam pa kayo ng dalisay, busilak at tapat na pag-ibig ng isang binata? Be realistic, Ate.
3. And who knows, baka naman talagang busilak ang hangarin ni Totoy?
- Ed Lapiz

VIRGINITY

 Q - Tito, talking about virginity, kung problem po ng iba ay para nang Aztec ruins ang puri nila, ako naman po ang problema ko e virgin pa ako at my very advanced age. Talaga pong parang Amazon Jungle, untouched and unexplored. Baka po kamatayan ko na virgin ako? Hindi po kaya ako mapagalitan ng Diyos kasi nasayang ang aking Natural Resources. Di po ba dapat sa natural resources ay ine-explore, ineexploit at talagang dinedevelop?

A - Hindi ka naman siguro papagalitan ng Diyos kung ang problema ay dahil walang naakit na mag-explore, mag-exploit at mag-develop ng iyong natural resources? Imbes maging agricultural land, para ka na ring nagsilbing Nature Reserve tulad ng mga kagubatan ng Palawan at Amazon River. May papel ka na ring gagampanan sa ecology and preservation of the environment. Ang mga di nagsikap na ang mananagot kung bakit nila sinayang ang sana'y ginintuang pagkakataon?

CHRISTMAS AND CHRISTIANITY

 Q - Kung wala pong biblical basis ang Santa Claus, reindeers, snow men, Christmas Trees ---at may associations pa nga with unChristian practices, bakit po ginagamit pang symbols or decorations sa Pasko?

A - Those symbols are used by most, if not all, NOT for their religious associations but for their EMOTIONAL associations. Kung paano man o para saan man ginamit yun ng mga sinaunang tao sa malayo nang panahon ---religious man o hindi--- hindi yun ang dahilan sa paggamit ngayon. Nagdedecorate ang mga tao to evoke memories of their happy chilhood and family life associated with past Christmases colored and defined by those symbols/decorations. Nagdedecorate ang mga magulang para ituloy ang masasayang alaala ng kanilang kamusmusan at ipasa/ipamana/ipadama sa mga bagong bata at musmos sa pamilya ang ganoong damdamin. Hindi para mag-glorify ng pagan symbols.
And what's wrong with the idea of a gift-giving Santa Claus based on a real-life person who ministered to countless people with his generosity?
What could be so wrong with a snow man? Or with puto bumbong or Christmas lights, especially the Philippine parol that reminds us of the Bethlehem star?
To ask recently born-again Christians or those who have just shifted to evangelical or biblical Christianity in their midlife to stop such practices is to cut them off from their innocent and harmless but enriching and empowering emotional heritage.
To deny the new generation of biblical/evangelical Christians these colorful and enlivening practices is to make them grow up in a cultureless, heritage-less, vaccum-like iconoclastic bubble. And for what? Nagiging mas banal, mas malinis at mas maka-Diyos ba talaga ang mga hindi nagpapalamuti ng mga ito?
- Ed Lapiz

WALANG DIYOS?!

 Q - May mga ka-work po ako na hindi naniniwala kay God. Tanong nila sa akin pano ko nalaman na may DIYOS nakita ko raw po ba sya.

A - Bakit magpapagod ka sa pagsagot? Baligtadin mo ang tanong: “BAKIT KAYO DI NANINIWALA, narating at na-search nyo na ba ang buung Milky Way and beyond at talagang hindi nyo nakita ang Dios kahit saang sulok?
You ask if I have seen God; I ask if you have really searched everywhere and NOT seen God!

Wednesday, 9 December 2020

GODS WILL AND HUMAN WILL - ED LAPIZ

KAMAG ANAK SA FB PERO HINDI FB FRIENDS?!

 Q - May pinsan po ako na hindi nakikipag-FB friends sa mga kamag-anak?

Parang ayaw makipag-close at walang pakisama?!
A - Ano ba ang kalakaran ng family nyo?
Ano ang mangyayari sa kanya kung makipag-close sa inyo?
Baka ayaw sumangkot sa mga family/clan
- gulo
- chismis
- away
- vexations
- problems?
Ayaw mang-abala at ayaw paabala?
Panakanaka, may mahilig tumunton ng kamag-anak for sentimental and social reasons.
Madalas, ang mahilig manunton ng kamag-anak ay nagdadala ng abala o problema.
BAKA
- NAKA SELF-DEFENSE MODE ANG
- GUSTO LANG MANAHIMIK NG PINSAN MO?
- Ed Lapiz

KULANG ANG DASAL?!

 Q - Bakit minsan kahit magdasal tayo to be somehow free from harm, may nangyayari pa din sa atin? Aren't we praying enough?

A - What happens is an effect of a cause. Pag may cause, the effect will naturally, automatically happen, with or without formal prayer. Sometimes, prayer could cause a miracle, changing the expected effect, but miracles are not normal so should not be expected too often.
Meanwhile, prayer could be formal, meaning technical prayer: dasal, panalangin.
But essentially, actions are prayers too. As formal prayers yield results, so do actions.
- Ed Lapiz

Monday, 7 December 2020

GET ANGRY FIRST - ED LAPIZ

"Love is like a handful of fine sand;

 Q - Bakit po pag parang hindi mo masyadong mahal si BF, parang mas namamahal ka pa nya?

A - Kasi kung hindi mo sya masyadong mahal,
relaxed ka and relaxing to be with. Hindi ka laging
- nakabantay
- nakatanong
- nagseselos
- naghahanap
- nakakasakal?
Ngayon, pag sobra-sobra mong mahal, hindi mo napapansin na sa kababantay,
kae-expect, kasasakal, etc sa kanya ay nagiging bwisit ka na?
"Love is like a handful of fine sand;
open your hand and relax and it stays.
Hold it tightly and it slips through your fingers."
- Ed Lapiz

Thursday, 3 December 2020

ANONG JESUSNESS - ED LAPIZ

People don't always identify religion / religious doctrine with God

 Q - Tito Ed? If you love someone ba? Hahayaan mo sya mamuhay sa kasalanan, na ang kasalanan ay magdudulot ng kamatayang spiritual? Ang Diyos ba natin ay konsintidor? Ano ba ang mas tama? Ang bible? O ang ating mga dadamin?

A - Ang madalas na tunay na malalim na isyu ay
- kung ang inaakala nating kasalan ay kasalanan nga ba talaga?
- Ang isang particular religious teaching ay kalooban nga ba talaga ng Diyos o likha ng relihiyon?
Maraming hindi namumuhay sa ilalim ng particular religous doctrine hindi dahil hindi sila naniniwala sa Diyos kundi dahil hindi sila naniniwala na lahat ng turo ng relihiyon ay galing talaga sa Diyos
People don't always identify religion / religious doctrine with God.

great lessons from history?

 Q - Tito ano po ang great lessons from history?

A - The study of history gives you perspective, especially of time.
You will realize the obvious: everyone dies.
So one great lesson from history is:
Live your life
- to the fullest.
- for your ideals and dreams.
- for love.
Live your true life, love your true love.
WAG PAPIGIL SA PHARISEES.
Para sulit at di sayang ang buhay.
- Ed Lapiz

Paano po ako makakaiiwas na maging hingian, utangan, paluwagan ng bayan?

 Q - I'm just beginning to get out of poverty. Parang nagsisimula na po ang pag-asenso ko. PAANO KO PO MAIIWASAN ANG SINAPIT NG MARAMI NA NUNG UMASENSO AT LUMAKI ANG KITA AY NADISKUBRE NG MG AKAMAG-ANAK AT KAIBIGAN NA GAWING ONE-WAY BANK: Yung puro withdraw pero walang deposit? Paano po ako makakaiiwas na maging hingian, utangan, paluwagan ng bayan?

A - If that's what you want --- to progress without being pulled down by so many "beneficiaries",
1. Be quiet. Huwag kang maingay, huwag kang maporma. Huwag kang mag-display ng mga evidences of increasing wealth!
2. Invest your extra income early on --- stocks, dividends, placements, real estate, insurance, etc. para walang maraming liquid assets flowing around to be siphoned off by thirsty spectators.
3. Decide early on HOW MUCH per cent of your income to give away to relatives, friends and other charities. And stick to that percentage. Halimbawa, pampamigay mo every month, 5-10%. Stick to it. Pag ubos na, wait for the next income. Para hindi ka masagad.
Remember, may purpose din kaya ka bine-bless ng Lord: para rin maging blessing ka sa iba, especially sa mga nagmahal, tumulong at nag-aruga sa yo. Don't save too much to the point of being selfish or greedy. SHARE PROPORTIONATELY! But do not waste the two-fold opportunity being given to you: The opportunity to gather and save wealth and the opportunity to share.
- Ed Lapiz

low self-esteem & fears?

 Q - Panu po ba maovercome ang low self-esteem & fears?

Isa po sa kinakatakutan ko ay ang mapahiya sa harap ng maraming tao at baka maulit lang naman po ung pasts failures ko. Kahit po may itsura ako, mabait at sinasabihan nila ako na may potential naman daw ako pero hindi pa rin mawala ung low self-esteem & low self-reliance ko sa sarili ko.
A - Identify your strengths and celebrate them put them to good use. Mag-pracrtice kang makisalamuha sa tao. Sanayan lang yan. Mas sumama ka sa mga taong nang-e-encourage sa yo at nag-aapreciate sa yo. Kalimutan mo na kung may expreiences ka in the past na napahiya ka o minaliit ka ng iba. Continue to improve yourself. And also, do not always focus on yourself. The world doesn't. Focus on others also. Appreciate them. Encourage them. Makikita magiging less self-conscious ka.
- Ed Lapiz

Love life, pag wala nang good choice

 Q - Tito bakit kaya sa love life, pag wala nang good choice, maraming nagtitiyaga sa kahit na lang bad choice?

A -
1. Desperation? Nagmamadali? Kung walang Mr Right, puede na si Mr Right Now?
2. Bllindness? Akala good choice kahit sa totoo ay bad?
3. Pessimism? Masyadong positive thinker? Umaasa na gaganda ang lahat?
- Ed Lapiz

Magpaka-ina ka na lang muna sa anak mo.

 Q - Ang isang anak ko po ay napaka imoral ng buhay at palipat-lipat at papalit-palit ng partner. Kahit po anong pigil, pagalit at parusa ang gawin namin ay ganun pa rin ang buhay nya. Leaders pa naman po kaming mag-asawa sa church pero hindi po sya tinatablan ng religious teachings. Ano po ang magandang gawin ng isang inang tulad ko?

A - Magpaka-ina ka na lang muna sa anak mo.
- Ed Lapiz


PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA

Andres Bonifacio
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa,
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala.
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop.
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod:
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot
Ang nakaraang panahon ng aliw
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin
Liban pa sa bayan saan tatanghalin?
Sa aba ng abang mawalay sa bayan
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
Walang alaalang inaasam-asam
Kundi ang makita lupang tinubuan.
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
Kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap
Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag
Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig
Hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit
Ito’y kapalaran at tunay na langit
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa wala na nga wala
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala

KUNG NASA LAMAY...

 Q - Ano po ang magandang sabihin sa isang namatayan ng mahal sa buhay pag pupunta ako sa lamay?

A - Wala. Walang magandang sabihin.
Malamang na kung anu-anu pa ang masabi mo tulad ng
"Una-una lang talaga yan." (parang minaliit mo ang maagang pagpanaw ng yumao.
O
"I know how you feel." (You don't.)
O
"Mabuti pa sya (ang namatay) at napahinga na." (Ikaw, ayaw mong magpahinga?)
"Present in the Lord na sya. To die is gain." (Ikaw, ayaw mo pang mag-gain?)
Better not say anything, unless you really have a good, fresh, comforting word.
A gentle touch or a hug could speak volumes (though not ideal in moments like this), but only IF you are that close to the bereaved..
You presence alone is silver.
Your silence is gold.
- Ed Lapiz

JESUSness

 Q - May mga verses po sa Bible na pag sinunod mo, babagsik at magiging mapanghusga ka. Meron namang nakakapagpa-bait?

A - Read, interpret and apply all verses through
- Jesus, the author and perfecter of our faith.
- the interpretation, re-interpretation, application and teachings and applications of Jesus which are all filtered in / through LOVE, his new and only command.
The LOVE of Jesus cancels and replaces the many judgmental, unkind, unloving and even cruel elements of the Law.
Huwag paghaluin na parang salad si Jesus and the Law.
Salain lahat kay Jesus ang mga verses and teachings.
JESUSness ang i-apply imbes MOSESness.
- Ed Lapiz

HINAHANAP ANG SIYANG MAKIKITA?!

 Q - Bakit po may mga taong lagi na lang may nakikitang demonyo sa art work, sa music, sa fashion, sa media, sa anumang uso, etc?

A - Kasi mas madalas na demons ang hinahanap nila kesa Diyos ang hanapin?
Siempre, kung ano ang hinahanap mo, yun ang makikita mo.
Kaya kung ano ang madalas mong makita, ibig sabihin yun kasi ang hinahanap mo.
- Ed Lapiz

ANG LASING

 ANG LASING

Proverbs 23:29-33 (CEV)
Who is always in trouble?
Who argues and fights?
Who has cuts and bruises?
Whose eyes are red?
Everyone who stays up late,
having just one more drink.
Don’t even look
at that colorful stuff
bubbling up in the glass!
It goes down so easily,
but later it bites
like a poisonous snake.
You will see weird things,
and your mind
will play tricks on you.
- Ed Lapiz

Socialize, circulate, be in the market!

 Q - Maraming single women sa church namin. Karamihan po eh late 20s to early 40s na ang edad. Admitted naman po sila gusto na nila mag asawa pero wala talagang dumarating. Ano po ang maadvise mo po sa kanila?

A - Socialize, circulate, be in the market!
Be (more) interesting.
Wag masyadong manang ang dating; baka sobrang "irespeto" ng mga lalake at tawaging Tita at pagmanuhan pa tuloy 🙂
Maging attractive without looking cheap or eager.
- Ed Lapiz

Sosyal na church?

 Q - Pag yumayaman po ba ang isang Christian na ang church ay hindi pangmayaman, dapat syang lumipat sa ibang sosyal na church?

A - Ano ba ang hanap mo, church o social club?
Pag yumayaman ka, be a blessing to your local church.
Hindi kailangang mag-social climbing.
Baka nga malaki ang contribution ng local chuch mo sa pagyaman mo through their prayers and other forms of support?
O kaya you are being blessed by God to be a blessing to your local church?
Tapos iiwan mo?
Consider another fellowship / community only if your
spirituality and mentality cannot grow where you are currently rooted.
- Ed Lapiz

RELIGIOUS VS/OVER FAMILY?!

 Q - Ang family ko po Religion X, ang family ng BF ko, Religion Y.

Nang nag-decide po kaming maging couple against the will of our parents, ISINUMPA PO KAMI PAREHO NG BOTH SIDES. Pinalayas po kami pareho.
At kahit naghirap po kami, lalo na noong nagka-anak kami,
hindi po talaga kami tinulungan ng both sides.
Nag-pray pa po ang biyanan ko noong may malubhang sakit ang anak ko (na apo nya) na ok lang daw pong mamatay ang anak ko kasi bunga ng kasalanan.
SINO PO KAYA ANG TAMA SA DALAWANG FAMILIES na pareho namang under the classification of Christianity ang religions pero magka-iba lang ng brand? Kasi pareho po namang ang basis nila sa pagsumpa ay ang curse daw ng Diyos sa Israel twing nagiging unfaithful ang Israel sa covenant nila with God?!
A - Sino ang tama?
PAREHONG UNJESUS ang ginawa nila.
Ginagaya nila ang mga sumpa-sumpa noong unang panahon sa Israel.
May covenant ang ancient Israel with Yahweh BILANG GANTI SA PAGPAPALAYA SA KANILA FROM EGYPT.
Tanong:
Ancient Israelite ba KAYO?
KASAMA BA KAYO SA PINALAYA FROM EGYPT?
SAKOP BA KAYO NG COVENANT NA YUN?
At kaya nga may NEW covenant na with Jesus: Love.