Thursday, 31 May 2018

Isang Tanong Isang Sagot by Pastor Ed Lapiz

Q - Ano po ang difference ng righteous and self- righteous & judgmental?
A -
Yung righteous (kung meron man nun) ay personally good ---mabuti/malinis.
Young self- righteous and judgmental,
hindi kuntentong mabuti lang sya;
kailangan pa nyang silipin, husgahan, usigin ang ibang taong sa tingin nya'y makasalanan.
*
Luke 18:10-14 (CEV)
10 Two men went into the temple to pray.[a] One was a Pharisee and the other a tax collector.[b] 11 The Pharisee stood over by himself and prayed,[c] “God, I thank you that I am not greedy, dishonest, and unfaithful in marriage like other people. And I am really glad that I am not like that tax collector over there. 12 I go without eating[d] for two days a week, and I give you one tenth of all I earn.”
13 The tax collector stood off at a distance and did not think he was good enough even to look up toward heaven. He was so sorry for what he had done that he pounded his chest and prayed, “God, have pity on me! I am such a sinner.”
14 Then Jesus said, “When the two men went home, it was the tax collector and not the Pharisee who was pleasing to God. If you put yourself above others, you will be put down. But if you humble yourself, you will be honored.”



Q - Anong verse po ang magandang ipa-alala sa mga BIble-based (daw) Christians na laban nang laban sa duly constituted government authority?
A- 
1 Peter 2:13-14 (NIV) 
13 Submit yourselves for the Lord’s sake to every human authority: whether to the emperor, as the supreme authority, 14 or to governors, who are sent by him to punish those who do wrong and to commend those who do right.



Q - Tito gusto ko pong mag pilgrimage sa Jerusalem para malakaran ko ang mga streets na nilakaran ni Jesus at mapuntahan ang Upper Room na pinagdausan ng Lord's Supper.
A -
Pamangkin wala ni isang gusali o bahay sa Jerusalem noong panahon ni Jesus ang nanatiling nakatayo hanggang ngayon, liban SIGURO sa kaprasong bahagi ng western wall ng old temple. (Dapat pang i-verify). Remember sabi ni Jesus walang matitirang bato na nakapatong sa ibang bato pag winasak ang Jerusalem? At ito ay winasak,, sinunog, dinurog ng Romans noong AD 72, very shortly after Jesus was crucified. At ang karamihan sa mga pinakamatatandang gusali sa Jerusalem ngayon ay ginawa noong / mula sa panahon ng Ottoman Empire meaning halos 500 years old lang sila. In all likelihood, walang building or possibly even streets ngayon sa Jerusalem na original from the time of Jesus.
Pag may tourist guide na magsasabi ng ganyang claim, malamang BOLA sa mapaniwalaing turista?!

Ed Lapiz Kung gustong masundan ang mga hakbang ni Jesus, hindi kailangang literal na sa mga kalye ng Jerusalem maglakad. Pag ginagawa mo ang mga turo, utos at halimbawa ni Jesus tulad ng tumulong at magmahal sa kapwa, dyan ka lumalakad / sumusunod sa mga hakbang ni Jesus!
Ed Lapiz A meanigful pilgrimage is not visiting the physical places associated with holy / spiritual persons but in realizing, obeying and living their teachings, especially in caring for, serving and loving others.
Ed Lapiz Do a pilgrimage in reverse: instead of going to places associated with spiritual persons, be an instrument in having their teachings reach your corner of the world though you.


Q - Kung inabandon po ba kaming mag-ina ng daddy ko, nambabae sya at hindi man lang sya nagsupport sa amin mula aking pagkabata hanggang ngayon, isasama ko po ba sya sa wedding march ko?
A -
HINDEEE! NO!!! The march has symbolic value.
To make him march you down the aisle is to imply that he took care of you and now he is transferring that role to the groom.
WALA SYA SA BUHAY NYO, WALA SYA SA MARCH! (Sa April na lang isama?)


Q - Tampo ako Tito kasi a friend unfollowed me?
A -
Magtigil ka pamangkin!
Baka
1. crowded masyado ang posts sa account nya?
2. Irrelevant sa kanya ang posts mo? Nothing personal.
3. Gusto lang nya limitahan ang posts na makikita nya.
4. Naiirita sya sa posts mo?
Tahan na!



Q - Yung pakialamera po naming tiyahin ay nagagalit dahil balak ko pong ibili ng memorial plan ang nanay ko. Para ko raw pong pinapatay na at baka mamatay tuloy ?
A -
Itanong mong kung yung mga ninuno nyong walang memorial plan ay HINDI namatay?


Q - Parang mas gusto ko pa pong mag-suffer sa pagiging mapagbigay kahit sa mga abusero kaysa magpaka “wise” in protecting myself. Ipapasa-Diyos ko na po ang pag protect sa akin?!
A -
Bahala ka!
Pero isipin mo muna kung bakit nagbigay ang Diyos ng brain.


Q - Ano po ang magandang sabihin sa racist Americans na binu-bully at pinapa-alis ang mga colored / asian immigrants?
A -
Hamunin mong lahat ng immigrants aalis at ang iiwan lang ay ang original indigenous people: the native Americans!



Q - Tito what do you think po of the film “Citizen Jake”? Will you recommend na panoorin ng madla?
A -
Parang microcosm of Philippine politics.
Parang genetic slice of the Filipino social cancer.
Parang contemporary NOLI ME TANGERE. 
Very very well crafted.
Salamin ng ating buhay at lipunan.
Magandang panoorin at pag-isipan ang nilalaman, lalu na ang tunggalian ng mga diwa at lakas.
I disagree with some political statements, but all in all, magandang surot sa budhi!
YES, PANOORIN NATIN!
At pag-usapan.



Tanong sa Christians:
Q1 - Gusto nyo bang may prayer sa public school before class begins?
A 1- "YES !!! OF COURSE!"
Q 2- Kahit Muslim / Buddhist / Shintoist / Etc prayer?
A 2-
[Sa palagay nyo, ano ang honest na isasagot ng majority of Christians
(hindi yung tamang isagot kundi ano ang talagang niloloob):
1. "Of course, yes. All prayers are welcome para fair."
2. "Of course, not. Dapat prayer lang namin ang pwede."]



Q - Bakit po pang-mura ang word na “letse”?
Q - Most probably from Spanish “leche” which means milk but evoking sperm. Maraming sex-related words ang ginagamit pang-mura/ curse. Example: “_i_i mo!” atbp.
Ganun din ang “puñe__”, probably from puñal meaning dagger whose shape evokes a sexual symbol.


Q - Ano po ang signs na hindi dapat aniban ang isang religious group?
Q -
1. Nagtuturong sila lang ang kaisa-isang tama at totoo?
2. Gumagamit ng dahas para ipromote ang turo o daigin ang kalaban?
3. Kokontrolin ka/ ang buhay mo?
4. Inaabuso ang members?
5. Puro pera!?
6. Puro bawal at pang-uusig?
7. Puro pananakot tungkol sa future?


Q - May mga nagpapa-uso po ng modern-day Oldism --- yung Christian ka na ay pinasusunod ka pa sa mga Old traditions ? Di po ba pinalaya na nga Jesus ang lahat mula sa mga ganyan?
A -
Galatians 5:4 (CEV)
And if you try to please God by obeying the Law, you have cut yourself off from Christ and his wonderful kindness.


Q - Bakit po may mga tao na pag nag-"thank you" ka ay hindi sumasagot ng "You are welcome" ?
A -
Sa pakiramdam ng iba, pag kasi nagsabi ka ng "you are welcome" ay parang sumang-ayon ka nga na may nagawa kang mabuti sa kapwa ---na may dapat syang ipag-pasalamat o tanawin. AT DAHIL SA KABABAANG-LOOB, dahil ayaw mong malakihin ang mabuti mong nagawa, dahil minamaliit mo ang iyong kabutihan, at para hindi ibaon sa pagkaka-utang na loob yung kapwa, ayaw mong magsabi ng "you are welcome."
Hindi dahil hindi sya welcome kundi dahil ayaw mong idiin ang pagkaka-utang nya.
Kaya nga tayong mga Pilipino, ang sinasabi natin ay
"Walang anuman." Or "Wala yun."


Q - Tito, bakit po hindi kayo mag-accept nang mag-accept ng friends dito?
A -
GInawa na natin yan noon, pamangkin.
Ang result: World War 3!
Kanya-kanyang comments, may mga nag-aaway pa!
Andaming maka-comment lang kahit magulo o walang saysay!
Eeeeeeeeeeee! Crispeeeeeeen! Basiliooooooo!



Q - Bakit po walang word na "WELCOME" sa Tagalog?
A -
Kasi lahat welcome.
Understood na.
BUkas kasi sa outsider ang culture natin.
Inclusive. Naturally open.
Kaya no need for the word "welcome".
Kailangan lang yun sa cultures na may welcome at may hindi.
So yung welcome, sasabihan pa ng "welcome".













No comments:

Post a Comment