Monday, 21 May 2018

Isang Tanong Isang Sagot by Pastor Ed Lapiz 2018

Q - What can you say about spending so much money, time and effort sa pag-tour?
A -
Sa simula, mahalaga yung specific places, especially kung nasa bucket list mo. Yung place is a major factor sa happiness.
Later, what really matters is happiness itself:
yung level of happiness mo, kahit saang lugar ka pa naroon.
So, kung sasaya ka naman sa mas malapit, less costly, less effort na byahe, dun na ?!



Q - Paano po makakapag-pray for the country pero maiwasan na ang prayer ay maging political / politicized rally at maging show of force lang?
A - Sundin ang turo ni Jesus: Pray alone, in private!
Jesus taught and modeled quiet, private, "secret" prayer.
*
Matthew 6:6 (NIV) JESUS: But when you pray, go into your room, close the door and pray to your Father, who is unseen. Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you.
*
Mark 1:35 (CEV)
35 Very early the next morning, Jesus got up and went to a place where he could be alone and pray.



Q - Pano po masusunod ang commands sa Bible na "Be holy for I am holy." and "Be perfect as your heavenly Father is perfect." ??? Para pong imposible!
A
The words HOLY and PERFECT must be understood in their original, contextual and functional use.
As used in Leviticus and in the gospels, they do not mean sinlessness nor moral perfection!
Holiness in the OT means not being contaminated by what ancient Israelites considered as unclean like unclean foods, objects, diseases, menstruation, etc. Such standards of holiness were time-place-culture and context-bound, meaning hindi universal for all peoples, especially for non-Israelites and not for all times and situations!
Yun namang PERFECTion means loving people, even enemies, as God and Jesus do. Hindi yun tungkol sa sinlessness or moral perfection!
Therefore, possible and doable! 





Q - What activity can expand the mind most quickly ?
A -
TRAVEL!!



Kesa magtiyaga kahit kanino na lang para lang may kasama, mapag-isa na lang!!




May oras na mas mabuti nang sarili mo na lang ang companion mo kesa mamalimos ka pa ng kasama!





10 COMMANDMENTS sa Reunions
1. Wala nang singilan ng dating utang. Wala ring bagong utangan.
2. Walang biruan tungkol sa mga mag-ex, 
except kung sila PAREHO mismo ang magsimula.
3. Repeat Number 2, and add: 
"Especially kung may kasama ang sinuman na current partner!"
4. Walang tanungan / ungkatan "Kung sino talaga ang ama ng bata."
5. Walang ungkatan ng embarrassing anecdotes,
except kung yung sangkot ang magsimula.
6. Walang payabangan, payamanan, pagandahan, etc.
pagalingan ng asawa, anak, apo, etc.
7. Walang tanungan ng beauty secrets,
unless in a genuinely flattering way --- and only among the super close.
8. Walang hugut-hugut from past quarrels, aches, pains, etc.
9. Walang Karakoehan unless 100% kayong kakanta lahat.
At kung magkaraokehan man, walang kakanta ng more than 2 songs.
10. Walang - recruitan sa MLM, - convertan sa relihiyon, - debate sa politika, selling ng kung anu-ano, lalu health products!!!
PS:
10.1 Walang tanungan ng "Kelan ka mag-aasawa?" or "Bakit wala pa kayong anak?"





Q - Lagi po akong niloloko ng mga lalaki. Dahil po kaya gay ako?
A -
Pamangkin, nakaparaming babae, legal wife pa nga at may matriz, na niloloko ng mga lalake.





Yung:
Ikinasal na kayo at lahat,
sumisingit pa ang ang ex ng asawa mo???








Q - Ano po ang gagawin sa ex ng BF ko na gustong maging sponsor sa kasal namin?
A -
Gawin mong cord sponsor! 
Itali mo ng matibay na cord sa malaking puno sa Batanes sa buong linggo ng kasal.





Q - Ano po ang magandang sagot sa mga taklesang kamag-anak na tanung nang tanong kung kelan ako mag-aasawa?
A -
Pag ka mo sila ang sasagot sa lahat ng gastos?





Mga tanong na dapat BUGBUGIN ang nagtatanong:
1. Kelan ka mag-aasawa?
2. Bakit wala pa kayong anak?
3. How old are you? (To anyone who looks above 30)
4. Magkano sweldo mo?
5. Magkano ang bili mo dyan?
6. Sino ang ama ng bata?
7. Sino sya? (Hindi na nga ini-introduce yung kasama, ano!?)
8. Masarap ba ang luto ko?
9. Nag-botox ka ba?
10. Bakit ang taba mo?






Q - Ano po ang magandang pang-bara sa nagtatanong kung bakit ang taba ko?
A -
Una, manlisik muna ang mga mata mo. Tapos:
"Ang taba ko dahil sa katatanong ng mga tulad mo!
Nakaka-taba ang ganyang tanong!!! _)(*&^%!!!"





Q - Tito pano ko po sasagutin with shock value ang mga homophobic conservative kamag-anak na tanung nang tanong kung kelan ako mag-aasawa samantalang obvious na obvious po na gay ako??? Hindi ko na po kailangang mag-out kasi pagkasilang na pagkasilang sa akin ay out na ako!?
A -
Gusto mo talagang i-shock para lang matigil sa pagtatanong? Heto:
"Mag-aasawa po ako agad-agad pag meron nang same-sex marriage sa atin! Kayo po ang Principal Sponsor!"





Any "god" that always asks for money, sacrifice and blind obedience could only be a "god" invented, fashioned and styled by gurus who benefit from the money, sacrifice and blind obedience of misguided and exploited followers.
Acts 17:24-25 (NIV)
24 “The God who made the world and everything in it is the Lord of heaven and earth and does not live in temples built by human hands. 25 And he is not served by human hands, as if he needed anything. Rather, he himself gives everyone life and breath and everything else.







Q - Tito allergic po ako sa church or religious leader na hingi nang hingi ng pera? Bad po ba ako?
A -
Matalino ka, pamangkin!




Q - May big business po kaming mag-asawa at magkasama kaming nag-mamanage. Madalas po, sa mga byahe, meal time, and even recreation time ay nagiging topic po namin ang office and business matter at madalas ay napupunta sa argument and stress ang togetherness namin! Nagkakapera nga po kami pero dumadalas naman ang pagtatalo.
A - 
NEVER DISCUSS BUSINESS during family time, meal time, recreation, travel, vacation ,etc unless super urgent ng concern.
SET a definite business meeting between the two of you, maybe once a week, to discuss business, assessment of the past week and plans for the coming week. And do this at the office, not at home. Be professionals!
Discipline yourselves to stick to business matter only when at work.
Para yung personal and family time nyo wag ma-sacrifice.





Q - Bakit po kaya mas mapagduda, mas insecure at mas mapaghabol ang wife kesa sa husband?
A -
Dahil usually ay mas may dahilan ang wife na magduda, ma-insecure at maghabol?
At dahil din sa social privileges and economic strength and overall edge ng husbands,
mas 
- maraming mawawala sa wife
- disadvantaged and wife
pag nasira ang marriage






Q - Tito saan po magandang mag tour?
A - Una sa Pilipinas nating mahal! Tapos sa countries na walang kailangang visa. At kung saan may airline sale?!






Q - Ano po ang difference ng righteous and self- righteous & judgmental?
A -
Yung righteous (kung meron man nun) ay personally good ---mabuti/malinis.
Young self- righteous and judgmental,
hindi kuntentong mabuti lang sya;
kailangan pa nyang silipin, husgahan, usigin ang ibang taong sa tingin nya'y makasalanan.
*
Luke 18:10-14 (CEV)
10 Two men went into the temple to pray.[a] One was a Pharisee and the other a tax collector.[b] 11 The Pharisee stood over by himself and prayed,[c] “God, I thank you that I am not greedy, dishonest, and unfaithful in marriage like other people. And I am really glad that I am not like that tax collector over there. 12 I go without eating[d] for two days a week, and I give you one tenth of all I earn.”

13 The tax collector stood off at a distance and did not think he was good enough even to look up toward heaven. He was so sorry for what he had done that he pounded his chest and prayed, “God, have pity on me! I am such a sinner.”
14 Then Jesus said, “When the two men went home, it was the tax collector and not the Pharisee who was pleasing to God. If you put yourself above others, you will be put down. But if you humble yourself, you will be honored.”



Q - Anong verse po ang magandang ipa-alala sa mga BIble-based (daw) Christians na laban nang laban sa duly constituted government authority?
A- 
1 Peter 2:13-14 (NIV) 
13 Submit yourselves for the Lord’s sake to every human authority: whether to the emperor, as the supreme authority, 14 or to governors, who are sent by him to punish those who do wrong and to commend those who do right.



Q - Tito gusto ko pong mag pilgrimage sa Jerusalem para malakaran ko ang mga streets na nilakaran ni Jesus at mapuntahan ang Upper Room na pinagdausan ng Lord's Supper.
A -
Pamangkin wala ni isang gusali o bahay sa Jerusalem noong panahon ni Jesus ang nanatiling nakatayo hanggang ngayon, liban SIGURO sa kaprasong bahagi ng western wall ng old temple. (Dapat pang i-verify). Remember sabi ni Jesus walang matitirang bato na nakapatong sa ibang bato pag winasak ang Jerusalem? At ito ay winasak,, sinunog, dinurog ng Romans noong AD 72, very shortly after Jesus was crucified. At ang karamihan sa mga pinakamatatandang gusali sa Jerusalem ngayon ay ginawa noong / mula sa panahon ng Ottoman Empire meaning halos 500 years old lang sila. In all likelihood, walang building or possibly even streets ngayon sa Jerusalem na original from the time of Jesus.
Pag may tourist guide na magsasabi ng ganyang claim, malamang BOLA sa mapaniwalaing turista?!


Q - Para pong walang gustong sumama sa akin o isama ako?Lagi po akong alone and sad? Paano ko po maeenjoy ang happy company of many people?
A -
Una, pasayahin mo muna ang sarili mo ---mag-isa.
Pag masaya ka na, dun pa lang gugustuhin ng iba na sumama sa yo o samahan ka!
Siempre ayaw ng marami na bumarkada kay Ms/Mr Kalungkutan!






No comments:

Post a Comment