Saturday, 8 December 2018

Q - Tito, gay po ako. I feel so bad kasi po loveless ako, walang BF

Q - Tito, gay po ako. I feel so bad kasi po loveless ako, walang BF at walang nagmamahal ng tunay, laging alone kahit napakarami kong talents. At madalas, halos bilhin ko na po ang guy just to keep him.
A -
Pamangkin maraming mga babaeng loveless, walang BF at walang nagmamahal ng tunay, at laging alone kahit napakaraming talents. Mayron pa ngang nagka-husband na ay pinagtaksilan at iniwan pa rin ---gayung babae sila. At napakarami ring babaeng halos bilhin din ang lalaki ng buhay nila: sinusuportahan, pinakakain, ginagastusan. Tapos, pinagtataksilan pa rin sila.
Given your comparatively much more difficult reality, how could you expect to have a better or even just a good love life?

Iniwan po ako ng BF ko

Q - Iniwan po ako ng BF ko. Ngayon, parang gusto kong makipag-date kung kani-kanino para pagselosin sya?
A -
Kung iniwan ka, malamang di ka (na) gusto.
Kung di ka (na) gusto, hindi yun magseselos kahit makipag-date ka sa buong Russian army.
Mapapagod ka lang.
Puedeng lalu pang masaktan.
Kaya manahimik ka na lang muna?
And do what is good for you; not what could/would make your ex jealous.

Sunday, 25 November 2018

Q - I'm a fresh seminary/Bible school graduate raring to start a pastoral vocation with a small but rather old church. Please give me some tips on how to best perform my preaching-teaching ministry.

Q - I'm a fresh seminary/Bible school graduate raring to start a pastoral vocation with a small but rather old church. Please give me some tips on how to best perform my preaching-teaching ministry.
A - What we know is little; what what we do not know is immense.
Start with that. Continue in that.
Formal seminary education, like all other educational experiences,
doesn't make you know enough; it actually tells you that you do not and cannot know enough. Unless you went to a brain-washing school that drills into your head that your group knows and understands everything, you should come out of seminary more teachable and humble than when you came in.
Education should not make you proud --- it cannot make you proud; it should make you humble, ever searching, ever teachable.
Because your most inportant realization when you learn is that there is so much you didn't and still do not know.
1. Thus, be tentative.
Do not act like you know it all; do not be dogmatic. Chances are that most of what you now "know" are only "inherited", passed on to you by mentors whose knowledge could also be a hand-me-down relic. This becomes more true if you studied in a seminary run by a congregation whose main mission is to uphold "tradition". Your very education now sets you on a war path against the courses that other congregations take. So, expect "conflict" instead of "harmony".
2. Respect fellow preachers-teachers who, in every sense, could also be like you: products of their own schools, believing they know enough, and believing they, not you, are right.
Maganda kung yung new/young pastors huwag nang manahin at ituloy yung religous wars ng mga naunang generations of Christians. Boring na. In real life naman, no group lives a morally more upright life than others do. Pare-pareho lang na nadadapa at nagkukulang.
3. Keep learning, especially outside of the mold of your small community. There is a vast world or knowledge out there. From the inside, look out. From the outside, look in. Keep expanding your understanding.
On you own, study BIblical Criticism more extensively and more deeply if you like to expand your capacity to understand, interpret and apply Scripture more correctly and meaningfully.
Know more History.

Saturday, 24 November 2018

10 MAJOR TEACHINGS AND EVENTS THAT could HAPPEN IN A CHURCH YOU JOIN

10 MAJOR TEACHINGS AND EVENTS THAT could HAPPEN IN A CHURCH YOU JOIN Gaano ito katotoo? Alin sa mga ito ang nararanasan o naranasan nyo, mga kapatid? Konting soul seraching lang pag may time :-) 1. WELCOME! Nangyayari sa first time o sa first few times kang umattend sa isang church. 2. LOVE LOVE LOVE Puro love ang turo sa mga una mong pagdalo sa mga lessons. God loves all. The Church loves all. We all love all! Ang saya-saya! 3. US! US! US! Kasunod na mga turo: Tayo lang ang tama. Tayo lang ang makadiyos. Minsan pa nga: Tayo lang ang ligtas! 4. THEM THEM THEM Papunta nadito ang turo. Iba ang hindi natin members. Mali sila. Mali ang ginagamit nilang Bible. Hindi sila mga ligtas. Hindi sila tunay na anak ng Diyos. (Tayo lang, remember?) 5. JUDGE JUDGE JUDGE Teachings now make you judgemental of outsiders ---and even of fellow insiders. You begin to become critical of others. You become a Church Bully. 5. SEPARATE! Teachings now become more bold. Kasi, kasapi ka na at judgmental ka na: Separate from other so-called believers. Hindi sila totoo. Separate from your unbelieving family and friends. Separate from society. Dito ka lang sa sariling mundo natin. Itakwil ang lahat. 6. PRETEND Forget your true personality. Forget your true face. Magsuot ka ng mask. Be one and uniform with everyone else. Hide your true feelings. Hide your life's realities. You would be punished for being honest or truthful. Hindi nagagalit ang Kristiyano. Ang Kristiyano hindi na nagkakasala, hindi na worldly, wala na dapat earthly desires. Pretend you are holy or you would be condemned. 7. BAWAL! Bawal ang ganitong hairstyle. Bawal magkaron ng GF/BF. Bawal umabsent sa ministry. Bawal magsuot nito at nyan. Bawal ang ganyang tugtog at kanta. Bawal magparty. Bawal ito, iyan,i yun! Basta puro bawal. 8. OBEY! Blind obedience dapat. Basta sumunod ka. Be submissive to authority kahit unreasonable o uninformed ang leader o kahit magdusa ka. (Teka, saan ba talaga galing yung authority nya? Sino ang nagbigay?) 9. DISCIPLINE! Pag lumabag ka sa mga ordinansa, pag nagkasala, lilitisin ka ng isang banal na hukuman ng mga kapwa mo tao, ibubunyag sa lahat ang kasalan mo. Hihingi ka ng tawad sa madla, sa public event. Ipapahiya ka. Tatanggalan ka ng ministry matapos mong maglingkod ng todo. Baka nga itiwalag ka pa. 10. WELCOME! Every week, may welcome na nagaganap sa mga bagong salta. Mga bagong tuturuan. And the whole process repeats all over again. Ang saya saya!
Show less

Monday, 12 November 2018

Masama po ba pumunta sa sementeryo pag araw ng UNDAS pag BORN AGAIN CHRISTIAN na?

Q - Masama po ba pumunta sa sementeryo pag araw ng UNDAS pag BORN AGAIN CHRISTIAN na?
A -
Eh sa ibang araw, hindi masamang pumunta?
*
Jesus says in Acts 1:8 (NIV)
"... be my witnesses in Jerusalem, and in all Judea and Samaria, and to the ends of the earth.”
Walang lugar na morally ay masamang puntahan, especially kung magiging "witness" ka ni Jesus doon, meaning you will share the love and salvation of Jesus.
"The earth is the Lord's and everything in it" kaya puntahan at angkinin natin ang lahat ng lugar in the name of Jesus.
Wala namang masama kung makipag-reunion, makipag-mabutihan at makisalamuha sa mga kamag-anak at mga kaibigan at kababayan / town mates. Basta hindi ka pa-impluwesya sa gawang masama, at mas mabuti kung ikaw pa ang maka-impluwesya sa kanila. Pero paano ka magiging "salt of the earth" kung magkukulong ka lang sa loob ng bote?

Dumaraan po ang buhay ko ngayon sa sobrang dilim na gabi??!!

Q - Dumaraan po ang buhay ko ngayon sa sobrang dilim na gabi??!!
A -
Just survive the dark night.
Ang kasunod ng gabi ay umaga.
Walang forever, lalu na gabi.
Q- Eh di ang kasunod na naman po ng araw ay gabi ulit??
Babalik din?
A -
Siempre naman! Ganun ang buhay: pabalik-balik, paikut-ikot!
ANG MAGANDA, MAKARAMI KA NG CYCLES!
Magpakatibay! Survive! Enjoy life!
Ecclesiastes 1:4-9 (NIV)
4 Generations come and generations go,
but the earth remains forever.
5 The sun rises and the sun sets,
and hurries back to where it rises.
6 The wind blows to the south
and turns to the north;
round and round it goes,
ever returning on its course.
7 All streams flow into the sea,
yet the sea is never full.
To the place the streams come from,
there they return again.
...
9 What has been will be again,
what has been done will be done again;
there is nothing new under the sun.

church leaders demonize abbreviations??


Q - Some church leaders demonize abbreviations?? Ayaw po nila ng mnga LOL kasi raw po Lucifer Our Lord ang big sabihin while we mean Laugh Out Loud??? Pati po "GANERN" may masama silang pakahulugan.
At marami pa pong ibang examples.
A -
Eh pano yung KJV, NIV RSV, etc mayron din ba silang masamang pakahulugan? And how about BC AD BCE MD PhD Dr Av St HHWW etc etc.
Or PhP USD PM AM ???
NASA MENTALITY YAN.
If you want and insist to see the devil in your soup, you will.

tell it to the church

Q - Tito pls explain yung teaching na pag may nagkasala ay "tell it to the church" for correction, discipline or expulsion?
A -
In the formative years of Christianity, "church" meant a house fellowship: a small group of believers that gathered in a home.
Naturally the few people in the "church" were family members, close relatives and friends and even servants or employees of the house owner.
So, "telling the church" about a member's sins for correction was effective because they were personally close to and really cared for one another. The genuine goal for telling the church was para magkatulungan sa pag-aayos ng problem. Also, being personally related and close to one another, everyone was a stakeholder in one another's individual conduct kasi madadamay sila sa mga pagkakamalli ng isang member.
And because they were economically and socially interdependent, effective na pang discipline yung expulsion kasi yung matigas ang ulo ay mapipilitang sumunod. Otherwise, expulsion meant na mawawalan sya ng trabaho, tahanan and all other support systems.
YUNG "TELL IT TO THE CHURCH" was originally meant FOR THE HOUSE CHURCH of usually no more than 10 -20 people.
IBANG-IBA naman sa present time na yung church ay more than 50 ang members, minsan hundreds or even thousands pa nga!
Wala na yung everybody's personal connections/ relations, care, or direct involvement in one another's personal conduct. At dahil marami nang hindi personally loving, pag nalaman nila ang "sins" ng iba ay malamang na pag-chismisan pa nila, at i-judge. Negative ang effect. SO WHY TELL THE CHURCH today? WHY mechanically implement that culture-and -time-bound practice in the past--- today?
Hindi na rin effective and expulsion kasi all the expelled member has to do is transfer to another church. Marami syang choices na lilipatan. Hindi tulad noon na yung home church lang nya ang only church in town.
Verses have to be understood in the context of the original recipients and contextualized to the immediate realities of believers at other times and places

Q - Tito ano po ang qualities ng magandang comment sa posts ng iba?

Q - Tito ano po ang qualities ng magandang comment sa posts ng iba?
A - Sa personal tingin ng Tito:
A comment that
1. Furthers / Advances / Promotes the post. Yung helpful. Yung may saysay.
2. Does not contradict the post. (Kung gusto mong mag ventilate ng iba / opposing idea, sa wall mo na lang ilagay, wag sa wall nya.)
3. Does not distress / deviate from the post. Wag yung nagpapagulo sa idea, nagpapasok ng ibang idea na aagaw ng pansin dun sa original post.
4. Does not minimize / decrease the post and increase your stature; huwag mag-magaling at sapawan yung post ng mas
"maganda" mong ideas.
The spirit of a "good" comment:
Hindi mo kinokontra, sinasapawan o iniinis yung nag-post.
That which makes or keeps friends for you. 

Q - Bakit po maraming taong masisipag naman pero poor pa rin?

Q - Bakit po maraming taong masisipag naman pero poor pa rin?
A -
1. Yung pinag-uubusan nila ng sipag at lakas ay mahinang pagka-kitaan? 
2. Maraming umaasa at kahati sa kita?

What can you say Tito about the idea that Filipinos could be one of the lost tribes of Israel?

Q- What can you say Tito about the idea that Filipinos could be one of the lost tribes of Israel?
A -
Like the idea that the Philippines could be the land of Ophir mentioned in the Bible, that could be a very Indiana Jones myth / wishful thinking. Eh lost na nga young tribes na yun. Naglaho. Tapos biglang tayo pala? Sobrang fantastic. And that cound not be proven, even imagined, applying disciplined academic methods of historiography.
WHAT MATTERS IS THAT THROUGH JESUS, ALL BELIEVERS ARE COUNTED
AS CHILDREN/ FAMILY OF GOD.
Hindi na kailangang maki-tribe, maki-kamag-anak o maki-sabit sa Israelites para maging anak ng Dios.
John 1:12 (NIV)
12 Yet to all who did receive him, to those who believed in his name, he gave the right to become children of God—
Galatians 3:28-29 (NIV)
28 There is neither Jew nor Gentile, neither slave nor free, nor is there male and female, for you are all one in Christ Jesus. 29 If you belong to Christ, then you are Abraham’s seed, and heirs according to the promise.

Ed Lapiz advise for exploring Coron Palawan

Q - Tito some tips naman po on exploring Coron?! 
A -
Talagang gagawin mong tour operator ang Tito???
Bueno....
1. Stay on the main (is)land for affordable accommodation. 
Stay on the resort islands for "luxurious" arrangements.
On the main ( is)land, the place to stay if you like comfort, amenities, sea views, etc : TWO SEASONS hotel. Basta: Two Seasons na.
2. GO island hopping.
Visit the lakes and lagoons BUT
if you like to spend for ease, privacy, flexibility, speed, etc.,
hire a private boat. Yung iyo/inyo lang. Kayo lang ang sakay.
And for less cost and less busisi, hire a boat from the owner, not through tour agencies. Choose your kind of boat before hiring one.
3. Package tours usually include picnic lunch.
Sa boat niluluto ng bangkero ang lunch / barbecue. YOU MAY WANT TO JUST MAKE BAON YOUR LUNCH, either kayo ang mag-balot o pabalot kayo sa hotel nyo. I think your food would be cleaner and more suited to your taste. Malaki pa sigurong bawas sa total cost yung lunch.
4. Go to the islands as early as possible.
So much time is wasted at the port while your bangkeros make paper work with the Coast Guard, get and load your lunch picnic food, rent kayaks for you, etc etc. The arrangements that could be made the day before, make na para sa next umaga, punta na kayo agad sa islands, ahead of the multitudes!
5. Wear aqua shoes and other protective clothing.
6. Bring first aid kits. You can never can tell, sabi nga nila.
Be careful. The Coron hospital does not seem to be equipped well enough.
7. Never miss the Maquinit Sea-Salt Water HOT springs. But best to dip in the early morning to avoid the throngs.
8. 3 nights 4 days should be a good minimum length of stay.
Second day for island tours, third day/ morning for Maquinit and the rest of the day in the town.
Magandang puntahan ang Concepcion Falls sa Busuanga!
IF YOU would, USE ONLY "NATURAL", BIO DEGRADABLE, non-toxic, non-pollutant, water-based SUNSCREEN. Mahabag sa sea life.

Q - Bakit po binabawalan ng religious leader ang followers nya na makinig sa ibang preachers?

Q - Bakit po binabawalan ng religious leader ang followers nya na makinig sa ibang preachers?
A - 1. Love nya ang followers? To protect them? 
2. Love nya ang sarili. Para solohin at makontrol ang followers?
3. Insecure? Baka masapawan sya ng iba?
4. Walang tiwala sa followers na kaya nilang mag-isip para sa sarili?

Q - Ikakasal po ako sa isang German

Q - Ikakasal po ako sa isang German pero parang di ko naman po kayang magkaron ng employment sa Germany. Ano po ang maipapayo nyo Tito?
A -
Dapat kumita ka ng sarili mong pera para sa sarili mong security at dignity at para sa mga manghihinging kamag-anak. 
Mag-aral kang magluto, manahi, etc para pagkakitaan mo.
Basta marunong at magaling kang magluto at manahi, ang dami-dami mong opportunities na 
- magsupply kung kani-kanino ng cooked food,
- mag-cater
- magtinda
- tumanggap ng patahi, pa-repair, pa-cut ng pants, etc etc
- tumahi at magbenta ng mga punda, etc.
MAG-ARAL KA RIN NG CARE GIVING!
Titipak ka sa kita sa dami ng opportunities sa pag-aalaga ng may kapansanan o ng matatanda.
MALAKI ANG PAG-ASANG KUMITA SA MGA GANYAN lalu sa Europe na ang mahal ng bayad sa ganyang skills. 

TAMPO SA DIYOS

TAMPO SA DIYOS
Q - Parang ayaw ko na pong mag-church kasi ang dami-dami kong kabiguan sa buhay. Parang God does not care anyway?
A -
Why feel that way about God? God wants only the best for people, but there are natural laws we have to live by for the good things to happen. When failure happens, dapat hanapin ang cause, which is mostly failure to live by natural law.
For example, kahit simba ka ng simba, pag hindi ka nag ingat ay puede kang mahulog sa hagdan. God should not be expected to suspend the natural law of gravity dahil nagsisimba ka. Mahuhulog, malulunod, masusunog, mai-infect, malulugi, matatalo, etc etc ang isang tao when natural laws are broken ---
kahit sya palasimba. Halimbawa, you don't maintain your car properly, kahit patungo ka sa pagsisimba, puedeng mawalan yan ng preno at mahulog ka sa bangin. Piety / Religiosity does not exempt one from natural law. In fact, the truly spiritual would respect God-ordained natural law, not expect exemption from it.
So why put the blame on God for your disappointments?
Why not identify natural laws that could have been broken that resulted in your disappointments?
Halimbawa, nag exercise ka ba ng due diligence bago namuhunan o bumili ng kung anu man, to minimize possibilities of mistakes? Realization, learning and eventual obedience to natural law ang lulutas sa problema mo, hindi ang paglayo sa Diyos.
At pag hindi ka magsisimba dahil tampo ka sa Diyos --- yung gusto mong lumayo sa Diyos ----bakit hindi ka na rin tumigil mag-inhale ng oxygen na gawa ng at galing sa Diyos kasi tampo ka sa kanya? Wag ka na ring uminom ng tubig, kumain ng gulay, etc. kasi galing sa Diyos lahat yan?
Umalis ka na rin kaya sa Universe na likha ng Diyos para lumayo sa kanya. (Kaya lang, saan ka naman pupunta na wala dun ang Diyos?)
Kahit naman di kayo magsimba, aasa pa rin kayo sa Diyos sa lahat ng bagay. And it is most likely that the guidance, wisdom, blessing, etc that you really, really need ay matanggap nyo through / by the ministrations of the church.
Drama against God will not help. 

Friday, 26 October 2018

Ano po ang masasbi nyo sa GAY MARRIAGE?

Q - Ano po ang masasbi nyo sa GAY MARRIAGE? Maraming Krstayanong humuhusga sa ganito at ayaw na ayaw nila sa ganito? Alam naman po natin na maraming Gays maging sa FAITH natin, my kaibgan dn po akong Gays! panu kung namatay cla at d ngkaron ng chance mabago? Sure na ba ang pa22nguhan nila ay HELL?
A -
I don't think anyone would go to hell for sexual orienation or for anyother reason apart from refusing to believe in Jesus as savior.
Yung may mga verses na pinanghahawakan sa ganyan ( mostly Romans 1), usually ay faulty ang translation ng Bible na binabasa o kaya ay sobrang influenced lang sila ng bigoted theology. Pag-aralan mo itong mabuti kung mahalaga sa yo ang topic na to. Hwag ka basta padala sa sabi-sabi ng mga theologians. Kahit naman sa ibang bagay, hindi sila nagkakasundu-sundo.
Last time I looked in the Bible, people go to hell for refusing to believe in Jesus and to accept him as savior. All who believe and call on God in the name of Jesus will be saved.
Yung ayaw sa ganyang marriage or lifestyle are free to NOT do it in their own personal lives. They can pursue their beliefs. Right nila yun. Pero ano ang right nila na ipilit ang beliefs nila sa buhay ng iba, sa may ibang beliefs?
Hwag nilang gawin kung ayaw nila. But they should not prevent other individuals who want/need/belive in it for their personal lives.
Kanya-kanyang beliefs, kanya-kanyang lifestyles, at kanya-kanyang pananagutan sa Diyos ----basta wala lang lalabag sa batas ng bansa at walang gagawing masama laban sa kapwa tao.

GAY MARRIAGE

Q - I've read yung stand nyo about "GAY MARRIAGE". curious lang po ako, ibig sabihin po ba ok lang din sa inyo magkasal ng gay couple? If a gay couple would approach you ask you na ikasal sila, will you do it?
A -  It was not a stand on gay marriage; it was a stand on tolerance for other points of view. Iba naman yung sabi kong wag ipilit sa iba ang personal beliefs mo at iba naman yung magkasal ng ganyan.
Ang sabi ko, kung ayaw mo eh di hwag mong gawin. Pero hwag mong pigilan yung may gusto. Buhay nila yun eh. Yang buhay mo lang ang paandarin mo sa paraang gusto mo.
Isa pa, hindi naman allowed sa batas natin ang ganyang marriage so there is no marriage officiation to talk about.
Suggesting TOLERANCE for other beliefs and lifestyles does not equate to endorsement or encouragement of those other lifestyles. Basta respetohan lang ng kani-kaniyang pananaw at pangangailangan sa buhay ang iminumungkahi ng Tito.
At yung "stand" ay for tolerance of other beliefs and orientations, not a stand for/in favor/in endorsement of whatever belief or lifestyle

Monday, 15 October 2018

ISANG TANONG ISANG SAGOT (suitors ) by Pastor Ed Lapiz

Q - Ano po kaya ang magandang gawin sa nakaparaming kong suitors slash admirers? Nakakapagod na pong magbasa ng mga texts nila at nakakainis na pong makatanggap ng napakaraming flowers. Wawa naman ang ibang girls na nilalangaw tapos ako very much sought after by guys. OMG. How can I make them wagwag?
A - Why don't you make utang-utang 1M peysos from each of them? Siguradong bigla silang mawawala. At lumayu-layo ka lang sa kin dahil baka di kita matancha.

Wednesday, 10 October 2018

ISANG TANONG ISANG SAGOT (October --, 2018)

Q -Tito ed ano po masasabi nyo sa mga naglalabasan n mga prophecy ngayong panahon? At may mga prophets pa po ba ngayon?
A -
Hindi ko sila pinag-uubusan ng pansin. Marami ng ganyan noon at ngayon. Puro takot lang ang bunga. Just stay busy being godly and do not be obsessed with the future or with so-called fulfillment of "prophecy".
What we should be focused on is the fulfillment of Jesus' teachings for us to love one another. When you do that, you need not worry about anything, even about what will happen.
Jesus says:
Matthew 6:34 (CEV)
34 Don’t worry about tomorrow. It will take care of itself. You have enough to worry about today.
Matthew 24:24 (CEV)
24 False messiahs and false prophets will come and work great miracles and signs. They will even try to fool God’s chosen ones.
Just stay godly. Do good.
AND rest, relax, and be peaceful as Jesus wants you to be.



Q - MAGIGING SINGLE MOTHER po ako dahil tinakbuhan ako ni BF na bumuntis sa akin. Ipapa-adopt ko po ba ang baby?
Kasi po, kung may anak ako, baka wala nang pumatol sa akin at di na ko magka-asawa?
A - No no no! Keep the baby. Ang lalaking hindi tototoo sa iyo dahil may anak ka is not worth your love and partnership. At kahit di ka pa magka-asawa, at least may anak ka na. Partners come and go, but your child remains and continues to be your child.



Q - Sabi po, "plant and you will harvest."
Bakit po parang wala naman akong harvest sa mga taong tinaniman ko ng mabuti?
A -
1. Hindi pa tapos ang buhay, puede ka pang maka-harvest sooner or later.
2. Ang paggawa ng mabuti ay pagtatanim hindi lang dun sa paticular person/s kundi sa Malikha rin. Kaya kundi ka man umani dun sa specific person, paanihin ka ng Maylikha sa ibang
tao / paraan. Nagtanim ka sa Creation, aani ka sa Creation.
O baka ng nauna ka nang umani from Creation kaya may naitanim ka sa kapwa. Otherwise, saan ka kumuha ng itinanim?




Q - Tito paano po kukumbinsihin ang isang tao para gustuhin pa nyang mabuhay!?
A - Kung ayaw at hindi nya kukumbinsihin ang sarili nya, nobody else could! Wanting to live is the primary, primitive, primordial, natural impulse of life!
Baka ang makatulong ay clinical / psychiatric/ pharmaceutical / therapeutic intervention! O isang non-lethal kidlat from the sky!


Q - May modern BIble versions daw po na nagbabawas at nagtatanggal ng ilang verses? Dangerous po ito, Tito? Kaya dapat stick to old versions?
A -
Madalas, ang sinasabing "binabawas" ng new versions from old versions (na iko-compare pa by tabulation) ay verses na WALA sa mas ancient or older texts! IBINABALIK lang ng newer versions ang text para tumugma sa much older documents na nadidiskubre o na-aapreciate muli.
Baka nga yung "old" versions ang NAGDAGDAG ng verses na WALA NAMAN sa mas nauna / matatandang texts! Kung saan nila kinuha / nakuha ang mga additional verses na yon noong panahong nag-translate sila ay kino-question nga ng newer versions! At inaalis o inililipat sa footnotes, usually with the notation "Not found in more ancient documents".
DO NOT MAKE IDOLS OF ONE OR FEW SPECIFIC VERSES.
What matters is the overall universal theme of the Bible, not
just isolated verses. The theme of the Bible is so imbedded all over it that "subtracting" or "adding" a few verses by certain versions CANNOT CHANGE the overall teaching and message.
Mas pag-ingatan yun nag-iinsist ng "ONLY ONE TRUE VERSION" at NANANAKOT tungkol sa ibang versions.
Do not make an idol of only one Bible version.
Yun ang nagkukulong at nagpapa-kitid ng pang-unawa at pananaw.
Read and study many, many versions to broaden understanding and appreciation of Scripture. Broader study will benefit, not harm, a diligent 
learner.




Q - May Bible study group po ako sa bahay ko, hindi po sila members ng church namin. Gusto po ng pastor namin, bitawan ko, itigil ko ang group study kasi hindi naman daw namin member? 
A -
Huh!?
Huh?! Huh!?
Crispiiiiiiiin! Basiliooooooo!




Q - Sino po ang mamahalin ko, yung
1. mahal ko pero di ako mahal?
2. mahal ako pero di ko mahal?
A -
3. Ang sarili mo na lang kaya, pamangkin!?




Q - Ano po ang magandang sabihin sa taong humihingi sa akin ng phone number ng isang tao o may itinatong tungkol sa taong yun na alam nyang alam ko ang sagot pero hindi ko naman dapat ibigay sa kanya?
A -
"Sorry but I'm not at liberty to give the answer to your question."
Or
"Wala akong authorization na sagutin ang tanong mo."





Q - Tito, what impresses you most sa mga tao?
A - Good manners.
Politeness without demeaning themselves.
Discretion.



Q - Pag po ba may kasama ako tapos biglang may nakasalubong na kakilala at nakipag-usap sya sa akin,
dapat ko po bang i-introduce ang kasama ko?
A -
HINDI required.
Sa public place lang naman kayo nag-meet eh.
Kung sa private domain / lugar nung tao ka nagdala ng kasama, dapat mo introduce yung kasama mo.




Q - Paano po aalis sa isang church in a decent, godly way?
A -
Leave quietly.
Wag nang mag-ingay, mang-gulo o maghatak ng sasama sa pag-alis mo. Maghila ka lang ng sasama sa yo KUNG ang pananatili nila sa church na yan ay ikapapahamak nila.
Pero kung aalis ka lang for personal reasons, keep it personal and private and leave in peace. That way is decent and proper.
At pagka-alis mo, wag ka nang patuloy na mag-text, tumawag o mag-communicate sa mga nanatili doon para lang sila hikayating sumama sa yo. That way is rather undignified.



Q - Bakit po kaya talamak ang chismis sa church namin?
A-
1. Marami lang talagang chismosa?
2. Marami kayong "family" events and other "fellowships" kung saan nagiging "close" kayo sa isat-isa.
Result: nagkaka-alaman ng mga isto-istorya na nag-i-inspire sa pagsilang ng maraming chismisan?
THE
- MORE FELLOWSHIPS
- "CLOSER" THE RELATIONSHIPS,
THE MORE CHISMISAN! 

Wednesday, 29 August 2018

real sin of sodom

Q - napanood ko po yung preaching niyo na the real sin of sodom.
And i also found another video in youtube that tells na sexual immorality is the sin of sodom having this verse jude 1:7
And another explanation na though sodom was inhospitable , its really sexual immorality that deserves the destruction of the city.
A - consider the verses that mention it and stick to the verses, not the preachings of people.
Ezekiel 16:49-50New Living Translation (NLT)
49 Sodom’s sins were pride, gluttony, and laziness, while the poor and needy suffered outside her door. 50 She was proud and committed detestable sins, so I wiped her out, as you have seen.[a]
Q - So bali po consider ko po yung In a similar way, Sodom and Gomorrah and the sorrounding towns gave themselves up to sexual immorality and perversion. They serve as an example of those who suffer the punishment of eternal fire. - Jude 1:7
A -
Yung gamit kasi ng word na sodomite sa Jude is already based on the premise that the sin of sodom was sexual. But the OT verse tells us that the sin was unkindness. Sometime in Israel's religious history, some people began to teach that the sin of sodom was sexual immorality, very probably the conservative priests/religious teachers that were so allergic to anything sexual. Later on, it became traditional to equate the word sodom with sexual immorality. And the use of the word in Jude is based on that usage that was common at the time of writing.
But Ezekiel 16.49 is clear. The sin of the city was unkindness and pride.




Sunday, 8 July 2018

Isang Tanong Isang Sagot by Pastor Ed Lapiz 2018

Q - Tito ano po ggwin ko? d na po ako nabbless sa mga teachings sa church ng family ko. pinagbawalan po ako ni nanay na magattend pa sa iba kc daw isang pamilya kme dpt parepareho kmeng sumasamba and walang ibang religion na pwdeng puntahan o sumamba..ngaun po tito almost a yr na wala na po ung dating kong sigla sa church..
A -
Obey your nanay. Worship with them.
Tapos attend ka na lang EXTRA sa church na gusto mo.
Sa ibang araw o oras?




Q - Paano po tatanggihan ang friends and relatives na walang tigil sa paghingi ng pera at gift items sa katulad kong OFW?
Tapos, gusto ko naman po talagang magbigay AT makaipon din?
A -
Mag set ka ng percentage of monthly income mo na pang-save at pamigay.
Pag ubos na ang pamigay for this month, tanggihan na ang mga requests. Next month naman ulit?!



Q - Tito any tips on how to be a good house guest?
A -
Do not be a guest from hell! 
1. Do not invite yourself.
* Never invite/bring your own guest.
*** Never invite yourself again after the first/recent visit.
The last invitation is already past.
It does not entitle you to another.
2. Do not overstay your welcome.
*** The shorter the visit, the more welcome.
3. Respect the host's privacy.
Do not take and post photos without permission.
Never disclose to others whatever you see, hear or discover about the host's private life.
4. Minimize pang-aabala; bring personal effects.
5. Adjust to the host's life ways.
*** If you are the guest of a bat, you must hang upside down too."
6. If you broke or destroyed anything, replace or pay for it.
7. Send a thank you note right after the visit.
*** Better, send a small, thoughtful gift.
Good friends who visit are the best decorations of any house.
Be a good guest.





Q - Pwede po bang gamitin ng Christian ang word na "bahala"?
A -
Why not?
"Bahala" means si Bathla ang masusunod o makapangyayari.
= "God's will be done."
*
Bahala comes from BATHALA.
Na kung isusulat sa baybayin,
ay BAHALA.
*
(Kina-cancel kasi sa baybayin ang double consonants kaya "baTHala" would be written as batahala or bahala.)
*
As Bathala was an ancient Filipino word / name / reference for the Divine Creator/Deity, puedeng gamitin ng Christian kung itutukoy at gagamiting pantawag sa ating Almighty Creator /God.
(Kesa naman gamiting ang "Dios" which is Spanish or any other foreign words for God.)
-
Q - Sabi po "bad trait" ang bahala na? Parang "que sera sera"?

A - No!
Bahala means respossible, reliable, dependable, able, caring, etc. Halimbawa, "Ikaw na ang bahala sa mga kapatid mo." "Ako ang bahala sa inyo." Hindi naman yun que sera sera.
We have the same root word for pamamahala (Pangba-bathala) and pamahalaan (Pang bathalaan) meaning governance, leadership, protectiveness, etc.



Q - Bakit po gusto ni God na siya at hindi tao ang maghihiganti?
A - Kasi
ang tao puedeng magkamali:
yung magalit at maghiganti nang hindi naman pala dapat.
O kaya mawala sa lugar at sumobra ang galit o higanti.
So, sabi ng Poon / God, SYA na lang ang BAHALA.
Wag na tayong maki-alam at maghiganti.



Q - Pag po may conflict ang established scientific fact vs. traditional religious teaching, alin ang mas dapat tanggapin?
A -
Established, proven and tested scientific facts, concluded from standard scientific methods, usually do not contradict one another. And they can be subjected to independent testing and validation.
TO BE A SCIENTIST, one goes through rigorous standard, objective education and training ---kahit sa anung branch of science.
Meanwhile, there are many religious traditions.
1. Different religions contradict one another on major doctrines.
2. Religious teachings on the same subject within the same religion but among different sects could contradict one another.
3. Religious teachings within the same sects within the same religion but among different theologians very often contradict one another.
TO BE A RELIGIOUS "TEACHER" / theologian,
1) Many usually go through rigorous indoctrination, education, orientation and training BUT within the defined SUBJECTIVE theological and traditional mindset of their particular religion or sect.
2) Some "prophets, seers, gurus, preachers, teachers theologians", etc could arise from very PERSONAL and SUBJECTIVE "enlightenment" or "calling", even without training and not giving space for independent testing and validation.
1. Scientists usually agree on their "facts"; disagreements are usually premised on methodology.
2. Theologians hardly ever agree on anything.
SO, YOU FIGURE!? 



Q - Madali po akong ma-offend sa frank talk and language, lalu na pag gumagamit ng words na less than refined and polite at may reference sa sex or sexual organs?
A-
Tibay-tibayan mo ang sikmura, pamangkin.
Gumising ka, Maruja!
Hwag mag-Nene-nenean.
*
"Sapagkat ang mundo'y bayan ng hinagpis,
Mamamaya'y sukat tibayan ang dibdib..."
(Ang nene-nenea'y) walang pagtitiis,
Anong ilalaban sa dahas ng sakit?"
- Balagtas, Florante at Laura





Q - Lagi pong sinasabi ng husband ko na lahat daw ng mga ari-arian namin ay sa kanya kasi sya ang nagtatrabaho at house wife lang ako? Ano po kaya ang magandang isagot na makakabawi ako pero tatanggapin nya? Pikong-pikon na po ako! (PS: hibang na hibang naman po sa sa alindog ko!)
A -
Sabihin mo ikaw ang wife / maybahay kaya sa yo lahat ang ari-arian at ang tanging kanya, kanyang-kanya, exclusive and with feelings na kanya ay ang pag-aari mo! Sabay ipasilip mo ng konti. QUITS!




Q - Ang bait po talaga ng friend kong si M. Kahit po kaming tatlo nyang kabarkada ay hindi kagandahan at si M ay maganda, pinagtitiyagan po nya kaming kasama sa lahat ng lakad.
A -
Parang nai-imagine ko na na kahit saan kayo magpunta, sya ang napapansin ng boys?
So, isipin mo rin kung bakit nya kayo gustong kasama?



Q - Mula po nang mag OFW ang husband ko, sa nanay nyang nakatira sa family house nila ipinapadala ang monthly remittance, hindi sa akin! Samantalang wala po akong bad record in handling money. Binibigyan lang po ako ng byenan ko para sa pang gastos naming mag-ina? Nasasaktan po ako at naiinsulto. Ano po ang gagawin ko?
A -
Pag-uwi nya for vacation, wag mong pasipingin sa yo. Dun ka mo sya sa nanay nya umuwi?!



Q - Nagbukas po kami ng husband ko ng isang business pero suddenly, nagbukas din ang kumare namin ng exactly the same business! Tapos, sinisiraan ang negosyo namin sa social media!
A -
Hayae. Let the quality of your product, service and pricing do the talking for you!
At may 100+ MIllion Filipinos na market.
Just do your best and do not make her pansin.



Q - Pano po maiiwasang kainggitan? Will I lay low, yung super simple and quiet?
A -
Makakatulong na hindi ka sobrang mapansin.
Pero kahit ka pipi at paralyzed, may mai-inggit pa rin.
Kahit ka dukha, baog, gutom, loveless, may mai-inggit pa rin.
Wala dun sa kinai-inggitan ang problem kundi nandun sa
nai-inggit. Enviers will be enviers no matter what.
So, wag mong sikilin ang sarili para lang wag silang mainggit?!
Live and enjoy your life.



Q - May workmate po akong nandadaya sa OT at time card, madalas manood ng Korean telenovela while at work, maaraming naooffend na clients because of bad behavior, etc etc. Ilang ulit ko na pong sinubukang kausapin to improve her performance pero ayaw pong makinig, sya pa ang galit. Inaabuso po nya ang mabait naming employer.
A - Report to your superior?
Q - Di po ba pag-traydor yon?
A -Yung pagtatakip mo sa mga bad nyang ginagawa ang pag-traidor ----sa employer nyo.




Q - Hindi naman daw po si Lapu-Lapu ang personal na nagpabagsak kay Magellan? Kung ganun, bakit po sya hero?
A -
Command Responsibility!
Desisyon at utos nya ang paglaban.
In everything, the general credit (and blame) goes to the leader.
However, if there were specifically identified achievers, then they could /should be credited as well.
But in that battle, it was Lapu-Lapu vs. Magellan.
Extended, it was indigenous Filipino defence against Spanish/Western colonial offence.
And Lapu-Lapu, the "first Filipino", won!
----
Btw, mayron bang conclusive historical evidence to support that claim you mentioned?




Q - May mga kilala po akong church workers na
"Living by faith" daw tapos utang dito, utang dun;
hingi dito, daing dun, pa-"pray" dito, parinig dun...?
Lagi pong walang pera pero ayaw maghanap-buhay ng extra o mag-business. "God will provide" ang laging bukam-bibig?
A -
"Faith, if it has no works, is dead."
Living by faIth does not have to mean na wala ka nang gagawing practical moves para kumita tapos aasa ka sa charity. Then, asta pa na parang mas holy and godly than those who have gainful employment or business. Enlightened faith moves one to be productive and fruitful in all areas of life, kasama na ang pagtatanim para umani ng mga kailangan sa buhay.

Thursday, 31 May 2018

Isang Tanong Isang Sagot by Pastor Ed Lapiz

Q - Ano po ang difference ng righteous and self- righteous & judgmental?
A -
Yung righteous (kung meron man nun) ay personally good ---mabuti/malinis.
Young self- righteous and judgmental,
hindi kuntentong mabuti lang sya;
kailangan pa nyang silipin, husgahan, usigin ang ibang taong sa tingin nya'y makasalanan.
*
Luke 18:10-14 (CEV)
10 Two men went into the temple to pray.[a] One was a Pharisee and the other a tax collector.[b] 11 The Pharisee stood over by himself and prayed,[c] “God, I thank you that I am not greedy, dishonest, and unfaithful in marriage like other people. And I am really glad that I am not like that tax collector over there. 12 I go without eating[d] for two days a week, and I give you one tenth of all I earn.”
13 The tax collector stood off at a distance and did not think he was good enough even to look up toward heaven. He was so sorry for what he had done that he pounded his chest and prayed, “God, have pity on me! I am such a sinner.”
14 Then Jesus said, “When the two men went home, it was the tax collector and not the Pharisee who was pleasing to God. If you put yourself above others, you will be put down. But if you humble yourself, you will be honored.”



Q - Anong verse po ang magandang ipa-alala sa mga BIble-based (daw) Christians na laban nang laban sa duly constituted government authority?
A- 
1 Peter 2:13-14 (NIV) 
13 Submit yourselves for the Lord’s sake to every human authority: whether to the emperor, as the supreme authority, 14 or to governors, who are sent by him to punish those who do wrong and to commend those who do right.



Q - Tito gusto ko pong mag pilgrimage sa Jerusalem para malakaran ko ang mga streets na nilakaran ni Jesus at mapuntahan ang Upper Room na pinagdausan ng Lord's Supper.
A -
Pamangkin wala ni isang gusali o bahay sa Jerusalem noong panahon ni Jesus ang nanatiling nakatayo hanggang ngayon, liban SIGURO sa kaprasong bahagi ng western wall ng old temple. (Dapat pang i-verify). Remember sabi ni Jesus walang matitirang bato na nakapatong sa ibang bato pag winasak ang Jerusalem? At ito ay winasak,, sinunog, dinurog ng Romans noong AD 72, very shortly after Jesus was crucified. At ang karamihan sa mga pinakamatatandang gusali sa Jerusalem ngayon ay ginawa noong / mula sa panahon ng Ottoman Empire meaning halos 500 years old lang sila. In all likelihood, walang building or possibly even streets ngayon sa Jerusalem na original from the time of Jesus.
Pag may tourist guide na magsasabi ng ganyang claim, malamang BOLA sa mapaniwalaing turista?!

Ed Lapiz Kung gustong masundan ang mga hakbang ni Jesus, hindi kailangang literal na sa mga kalye ng Jerusalem maglakad. Pag ginagawa mo ang mga turo, utos at halimbawa ni Jesus tulad ng tumulong at magmahal sa kapwa, dyan ka lumalakad / sumusunod sa mga hakbang ni Jesus!
Ed Lapiz A meanigful pilgrimage is not visiting the physical places associated with holy / spiritual persons but in realizing, obeying and living their teachings, especially in caring for, serving and loving others.
Ed Lapiz Do a pilgrimage in reverse: instead of going to places associated with spiritual persons, be an instrument in having their teachings reach your corner of the world though you.


Q - Kung inabandon po ba kaming mag-ina ng daddy ko, nambabae sya at hindi man lang sya nagsupport sa amin mula aking pagkabata hanggang ngayon, isasama ko po ba sya sa wedding march ko?
A -
HINDEEE! NO!!! The march has symbolic value.
To make him march you down the aisle is to imply that he took care of you and now he is transferring that role to the groom.
WALA SYA SA BUHAY NYO, WALA SYA SA MARCH! (Sa April na lang isama?)


Q - Tampo ako Tito kasi a friend unfollowed me?
A -
Magtigil ka pamangkin!
Baka
1. crowded masyado ang posts sa account nya?
2. Irrelevant sa kanya ang posts mo? Nothing personal.
3. Gusto lang nya limitahan ang posts na makikita nya.
4. Naiirita sya sa posts mo?
Tahan na!



Q - Yung pakialamera po naming tiyahin ay nagagalit dahil balak ko pong ibili ng memorial plan ang nanay ko. Para ko raw pong pinapatay na at baka mamatay tuloy ?
A -
Itanong mong kung yung mga ninuno nyong walang memorial plan ay HINDI namatay?


Q - Parang mas gusto ko pa pong mag-suffer sa pagiging mapagbigay kahit sa mga abusero kaysa magpaka “wise” in protecting myself. Ipapasa-Diyos ko na po ang pag protect sa akin?!
A -
Bahala ka!
Pero isipin mo muna kung bakit nagbigay ang Diyos ng brain.


Q - Ano po ang magandang sabihin sa racist Americans na binu-bully at pinapa-alis ang mga colored / asian immigrants?
A -
Hamunin mong lahat ng immigrants aalis at ang iiwan lang ay ang original indigenous people: the native Americans!



Q - Tito what do you think po of the film “Citizen Jake”? Will you recommend na panoorin ng madla?
A -
Parang microcosm of Philippine politics.
Parang genetic slice of the Filipino social cancer.
Parang contemporary NOLI ME TANGERE. 
Very very well crafted.
Salamin ng ating buhay at lipunan.
Magandang panoorin at pag-isipan ang nilalaman, lalu na ang tunggalian ng mga diwa at lakas.
I disagree with some political statements, but all in all, magandang surot sa budhi!
YES, PANOORIN NATIN!
At pag-usapan.



Tanong sa Christians:
Q1 - Gusto nyo bang may prayer sa public school before class begins?
A 1- "YES !!! OF COURSE!"
Q 2- Kahit Muslim / Buddhist / Shintoist / Etc prayer?
A 2-
[Sa palagay nyo, ano ang honest na isasagot ng majority of Christians
(hindi yung tamang isagot kundi ano ang talagang niloloob):
1. "Of course, yes. All prayers are welcome para fair."
2. "Of course, not. Dapat prayer lang namin ang pwede."]



Q - Bakit po pang-mura ang word na “letse”?
Q - Most probably from Spanish “leche” which means milk but evoking sperm. Maraming sex-related words ang ginagamit pang-mura/ curse. Example: “_i_i mo!” atbp.
Ganun din ang “puñe__”, probably from puñal meaning dagger whose shape evokes a sexual symbol.


Q - Ano po ang signs na hindi dapat aniban ang isang religious group?
Q -
1. Nagtuturong sila lang ang kaisa-isang tama at totoo?
2. Gumagamit ng dahas para ipromote ang turo o daigin ang kalaban?
3. Kokontrolin ka/ ang buhay mo?
4. Inaabuso ang members?
5. Puro pera!?
6. Puro bawal at pang-uusig?
7. Puro pananakot tungkol sa future?


Q - May mga nagpapa-uso po ng modern-day Oldism --- yung Christian ka na ay pinasusunod ka pa sa mga Old traditions ? Di po ba pinalaya na nga Jesus ang lahat mula sa mga ganyan?
A -
Galatians 5:4 (CEV)
And if you try to please God by obeying the Law, you have cut yourself off from Christ and his wonderful kindness.


Q - Bakit po may mga tao na pag nag-"thank you" ka ay hindi sumasagot ng "You are welcome" ?
A -
Sa pakiramdam ng iba, pag kasi nagsabi ka ng "you are welcome" ay parang sumang-ayon ka nga na may nagawa kang mabuti sa kapwa ---na may dapat syang ipag-pasalamat o tanawin. AT DAHIL SA KABABAANG-LOOB, dahil ayaw mong malakihin ang mabuti mong nagawa, dahil minamaliit mo ang iyong kabutihan, at para hindi ibaon sa pagkaka-utang na loob yung kapwa, ayaw mong magsabi ng "you are welcome."
Hindi dahil hindi sya welcome kundi dahil ayaw mong idiin ang pagkaka-utang nya.
Kaya nga tayong mga Pilipino, ang sinasabi natin ay
"Walang anuman." Or "Wala yun."


Q - Tito, bakit po hindi kayo mag-accept nang mag-accept ng friends dito?
A -
GInawa na natin yan noon, pamangkin.
Ang result: World War 3!
Kanya-kanyang comments, may mga nag-aaway pa!
Andaming maka-comment lang kahit magulo o walang saysay!
Eeeeeeeeeeee! Crispeeeeeeen! Basiliooooooo!



Q - Bakit po walang word na "WELCOME" sa Tagalog?
A -
Kasi lahat welcome.
Understood na.
BUkas kasi sa outsider ang culture natin.
Inclusive. Naturally open.
Kaya no need for the word "welcome".
Kailangan lang yun sa cultures na may welcome at may hindi.
So yung welcome, sasabihan pa ng "welcome".