Monday, 12 November 2018

TAMPO SA DIYOS

TAMPO SA DIYOS
Q - Parang ayaw ko na pong mag-church kasi ang dami-dami kong kabiguan sa buhay. Parang God does not care anyway?
A -
Why feel that way about God? God wants only the best for people, but there are natural laws we have to live by for the good things to happen. When failure happens, dapat hanapin ang cause, which is mostly failure to live by natural law.
For example, kahit simba ka ng simba, pag hindi ka nag ingat ay puede kang mahulog sa hagdan. God should not be expected to suspend the natural law of gravity dahil nagsisimba ka. Mahuhulog, malulunod, masusunog, mai-infect, malulugi, matatalo, etc etc ang isang tao when natural laws are broken ---
kahit sya palasimba. Halimbawa, you don't maintain your car properly, kahit patungo ka sa pagsisimba, puedeng mawalan yan ng preno at mahulog ka sa bangin. Piety / Religiosity does not exempt one from natural law. In fact, the truly spiritual would respect God-ordained natural law, not expect exemption from it.
So why put the blame on God for your disappointments?
Why not identify natural laws that could have been broken that resulted in your disappointments?
Halimbawa, nag exercise ka ba ng due diligence bago namuhunan o bumili ng kung anu man, to minimize possibilities of mistakes? Realization, learning and eventual obedience to natural law ang lulutas sa problema mo, hindi ang paglayo sa Diyos.
At pag hindi ka magsisimba dahil tampo ka sa Diyos --- yung gusto mong lumayo sa Diyos ----bakit hindi ka na rin tumigil mag-inhale ng oxygen na gawa ng at galing sa Diyos kasi tampo ka sa kanya? Wag ka na ring uminom ng tubig, kumain ng gulay, etc. kasi galing sa Diyos lahat yan?
Umalis ka na rin kaya sa Universe na likha ng Diyos para lumayo sa kanya. (Kaya lang, saan ka naman pupunta na wala dun ang Diyos?)
Kahit naman di kayo magsimba, aasa pa rin kayo sa Diyos sa lahat ng bagay. And it is most likely that the guidance, wisdom, blessing, etc that you really, really need ay matanggap nyo through / by the ministrations of the church.
Drama against God will not help. 

No comments:

Post a Comment