Sunday, 31 December 2017

Ed Lapiz

Q- Tito ano po ang pinakagusto nyong "masarap"?
A -
Yung masarap kausap!

Ed Lapiz

ANAK : "Mommy lilipat po ako sa ibang religion! May nangre-recruit sa akin."
INA :
INGAT lang anak, lalu kung claim nila na sila lang ang tama at ligtas.
DUDA ako sa ganyang mapangahas na claim. Teaching din yan nitong present religion natin kaya hindi ako masyadong bilib.
Kung mas lalaya, sasaya, mare-relax at babait ka dun, ok anak. Pero kung hihigpitan ka lang nila, kokontrolin, laging pagagalitan, peperahan, chichimayin, ilalayo ang loob sa pamilya mo at mga kaibigan, gagawing masungit at mapanghusga sa kapwa, tapos pag nagkulang ka ay parurusahan o sisipain ka nila palabas AT BABAWIAN NG "KALIGTASAN",
BAKEEEEEET KA AANIB SA KANILA???

Friday, 29 December 2017

Ed Lapiz

The wise never miss an opportunity to 
- do good
- be magnanimous
- be on the "giving end"
- love "sacrificially"
whenever possible,
especially if that opportunity was
rare or once-in-a-lifetime.






When given a chance to be "heroic",
fools pass up the rare opportunity
and choose to stay comfortable and lazy
and uninvolved.

Ed Lapiz - Q - Nahuhulog po ang loob ko sa officemate ko pero obvious na hindi naman nahuhulog ang loob nya sa akin. What to do, Tito?

Q - Nahuhulog po ang loob ko sa officemate ko pero obvious na hindi naman nahuhulog ang loob nya sa akin. What to do, Tito?
A -
Damputin mo ang nahulog mong loob at itago / sarilinin mo na muna, pamangkin.
Huwag na huwag ihulog ang loob kung hindi naman nya dadamputin! Sayang!

Pastor Ed Lapiz


Nabasa nyo na ba ang LIHAM NI RIZAL SA MGA KABABAIHAN NG MALOLOS?
Read in contemporary Tagalog, yung mas modern ang spelling para mas ma-appreciate.






Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos


A very important excerpt of Jose Rizal's letter to the women of Malolos, made more comprehensible to the modern Filipino by Ginoong Ed Lapiz

Ang tunay na kabanalan ay nasa pagiging matuwid. "Gawa at hindí salita ang hiling ko sa inyo," sabi Cristo; Ang pagiging anak ng Diyos ay hindi nadadaan sa paulit-ulit na pagtawag ng “Ama” sa Diyos kundi sa pagsunod sa kalooban Niya. Ang kabanala’y hindi nagagawa sa kamamano sa pari at ang tunay na kinatawan ni Cristo’y hindi rin makikila sa pagpapamano nya sa mga tao. 

Si Cristo’y hindi humalik sa mga taong Relihiyoso, hindi nagpahalik kaylan pa man; hindi nya pinataba ang mayayaman at masasamang taong palaaral ng relihiyon; wala siyang binanggit na mga kalmen o binibili at isinusuot na mga relihiyosong bagay, walang pagkukwintas, hiningan ng bayad para sa misa, 
at di nagpabayad sa kanyang panalangin. Di naningil si San Juan sa pagbibinyag sa ilog ng Jordan, gayun din si Cristo sa kanyang pangangaral.

Bakit ngayo’y lahat ng ginagawa ng pari ay may bayad?

At parang kulang pa sa kinikita, nagbibili pa ng mga kalmen, kwintas, correa at iba pa? Ang mga ito’y pangnakaw ng pera ng mga tao at pampasama sa kaluluwa pagkat gawin mo mang kalmen o relihiyosong kwintas ang lahat ng basahan sa lupa, ikwintas mo man ang lahat ng kahoy sa bundok, itali mo man sa yong baywang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat ng ito’y pagpaguran mang pangkrus-krusan at pagbulung-bulungan ng lahat ng pari sa mundo, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi.

At dahil pa rin sa kasakiman sa pera ay maraming ipinagbabawal na pwede namang di sundin kung ikaw ay magbabayad tulad ng hindi pagkain ng karne, pag-aasawa sa pinsan, kumpare at iba pa, na pinapayagan basta magbayad ka lang.

Bakit, nabibili ba at mukhang pera ang Diyos tulad ng mga pari? Ang magnanakaw na nagbabayad ng multa sa simbahan ay hindi na inuusig kundi pinatatawad: Ganun ba yun? Nakikikain ng nakaw ang Diyos?
Talaga bang naghihirap na ang Maykapal kaya nakikigaya na sa mga guardia, carabineros o pulis? Kung ito ang Dios na sinasamba ng mga pari ay tumatalikod ako sa ganyang Diyos.

Pastor Ed Lapiz - Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin

Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin 2:
Mga seremonya at riwal sa media noche na “pampayaman” daw.
Wala namang yumaman ever dahil sa 
- pagtatatalon, - bilog-bilog na pritas at designs,
- pag-iingay o pagpa-fireworks, etc.
At kung may yumaman man, dahil lang talaga sa hard, smart work at blessing ng Maylikha sa effort nila.








Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin 3:
WAG MAGPAMASKO BEYOND YOUR MEANS.
Wag ubusin ang savings at lalung wag mangutang para lang magpamasko.
Magpasko within an intelligent budget.
Pang next year to ha!





Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin 4:
MagPamasko pero wag maMasko!
Give if you want / can, but DO NOT ASK FOR nor expect gifts.





Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin 5:
Wag palakihin / sanayin ang mga bata na namamasko (naghihingi / naghahanap-buhay / nag-e-expect).
Turuan silang maghintay na kusa silang bigyan.
BETTER: Turuan silang mag-ipon at sila ang magbigay.
Gamitin ang Pasko for good character building ng mga bata.





Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin 6:
PAGHINGI NG PAMASKO SA POLITICIANS.
Maitutulak lang silang magnakaw sa Bayan sa dami ng hinihingi ng tao sa kanila.





Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin 7:
Shopping abroad for things na meron naman dito sa atin.
Sayang ang kikitain sana ng kababayan kung dito sa atin mamimili.
Kapagod pang magbuhat / magpa-door to door at mahal din ang gastos sa baggage overweight o sa delivery.





Traditions / Practices na Dapat Nang Baguhin / Improvin 8:
TIGILAN NA o bawasan ng wagas ang kahihingi sa mga OFW
para naman lumuwag-luwag sila at maka-ipon 
o para sila naman ang makapag-enjoy ng kita nila.









Ed Lapiz - Q - Maganda po bang gamitin yung traditional Jewish-style animal horn to call people to woship?

Q - Maganda po bang gamitin yung traditional Jewish-style animal horn to call people to woship?
A -
Why not? Walang masama.
But why not use our very own traditional instruments instead like the TAMBULI (carabao horn), pakakak /budyong (giant shell, but save the endangered creatures: don't collect new shells.) or use the agong or dabakan / tambol instead?

Pastor Ed Lapiz

Kesa magsalita ng di maganda
o kaya ay magsalita ng tapos
(at mapasubo)
wag na lang kumibo.

Isang tanong Isang sagoy by Pastor Ed Lapiz

Q-Tito, may salubong service po ba ang DBD? Yung midnight service to salubong the new year?
A -
Wala pamangkin. I want the people to be free from church activities during family-oriented holidays so they could be with their families. Hindi naman kasi laging buong family ay members of the same church. Pag gumawa tayo ng church activities on such days, nahahati ang mga families.

Isang tanong Isang sagoy by Pastor Ed Lapiz

Q - Yun pong poor neighbors namin laging nagpapaputok ng grabe pag new year para daw po swertihin?
A-
Yumaman na ba ?

Isang tanong Isang sagoy by Pastor Ed Lapiz

Q - Tito ano po ang mahalagang element ng isang social gathering?
A -
Enjoyable conversation?

Ed Lapiz

Science could be God's last prophet.

Ed Lapiz




The laws of God best understood and agreed upon by humans could be the laws of Physics.


Ed Lapiz

EVERYTHING DONE IN THE UNIVERSE HAS CONSEQUENCES.

Matthew 19:12 (NIV) Jesus says

Matthew 19:12 (NIV) Jesus says
"...For there are eunuchs who were born that way, and there are eunuchs who have been made eunuchs by others—and there are those who choose to live like eunuchs for the sake of the kingdom of heaven. The one who can accept this should accept it.”

Saturday, 16 December 2017

Ed Lapiz - ANG PAMASKO! The Christmas Gift

Galatians 5:1 It is for freedom that Christ has set us free. Stand firm, then, and do not let yourselves be burdened again by a yoke of slavery.

Q - As I read ur answers sa mga Qs, I observed n most of them are more like personal opinions rather than biblical. As the founder of DBD (thank u Wiki for the info) u r very influencial esp to ur followers, don't u think somehow ma-distort ung beliefs nila thinking that everything u say is right and with accordance to the bible?
Like tolerating revenge for example and that marriage is just a government contract. Diba sa sabi sa bible don't take revenge and sa marriage "What God has joined together, let not man separate"
Though personally I agree with most of ur answers, naiisip ko lang ung mga strong believers esp christians na, no offense, lunod n lunod sa knilang pananampalataya at matindi ang paniniwala sa lahat ng sinasabi ng knilang ministro/preacher or whatever they call it. Aminin man natin o hindi nature n ng pinoy, in general, ang maging gullible.
A -
("As I read ur answers sa mga Qs, I observed n most of them are more like personal opinions rather than biblical." NOW THAT ASSESMENT IS YOUR PERSONAL OPINION!)
I don't need to say it, but for your question's sake, my anwers are actually very bible-based in essence. That coud be seen by anyone who would really carefully study the content and spirit of the answers. Hindi lang nga inilalagay lagi ang vv kasi magiging sermon ang dating. This is done to make the answers readable, reachable and manageable, esp for people na hindi sanay o mahilig sa verses --- yung mga non-religious (And we think of them a lot in this ministry.) Yung mga tadtad ng vv ang posts, MAY NAGBABASA BA?
When some people say that my answers are NOT BIBLICAL, they usualy mean that my application of bilical teachings are NOT THE SAME as THEIR INTERPRETATION, like in the verses on marriage and revenge mentioned in the question above.
But OF COURSE. like Paul who gave his personal opinions when asked (1 Cor 7.12), I HAVE MY PERSONAL OPINIONS TOO. And I will give them whenever needed, especially when the verses are silent or vague on the matter at hand, or when the usual, standard pulpit theology departs from the love of Jesus and promotes Phariseeic stiffness, coldness and indifference to suffering persons. 
(" Diba sa sabi sa bible don't take revenge and sa marriage "What God has joined together, let not man separate" : SABIHIN MO YAN SA SARILI MO at gamitin mo ang traditional, myopic interpretation and application pag nagkaasawa ka ng babaero, may bisyo, iresponsable, nambubugbog, masama ang ugali, palamunin, pabigat at pahirap sa buhay. Tapos itanong mo kay Jesus kung gusto nya yun para sa yo. Then tanungin mo ang modern-day Pharisees na siempre ang ipapayo ay magtiis ka na lang. Good luck na lang sa kaisa-isang buhay mo na masasacrifice dahil sa paboritong Phariseeic, stiff, unloving and uncaring traditional theology that Jesus himself decried and taught against.)
Kaya nga dumating si Jesus, to set people free, to give them a full life and a lot of rest.
Galatians 5:1 It is for freedom that Christ has set us free. Stand firm, then, and do not let yourselves be burdened again by a yoke of slavery.

Wednesday, 6 December 2017

WHAT GOD SAYS

Lazada Philippines Most of the time, 
IT'S NOT WHAT GOD SAYS
but 
what "theologians" say God says.

Ed Lapiz - Q - Tito bakit po may mga sobrang kontra sa Christmas and Christmas symbols?

Q - Tito bakit po may mga sobrang kontra sa Christmas and Christmas symbols?
A -
1. Sincere but misguided iconoclalstic zeal?
2. May mga seemingly innocent, even well-meaning and "Bible-based" teachings that aim to destroy all symbolisms associated with traditional Christianity.
Beware!
This could be the first in the two-step process to convert Christians from Christian traditions to other traditions of other nations/races/religions?
BANTAYAN kung ipinapasok naman nila ang mga symbols and festivals ng isang particular country/ culture. (For example: That of modern-day Israel)
Pag na-convert ka na sa symbols, kasunod ang conversion sa ideas / teachings / philosophy / ideology --- and POLITICS, probably even religious warfare!
Kaya puede kang ma convert from Christianity to, say, contemporary Judaism which could be a morph of the Idumean-based Phraiseeic Judaism that Jesus constantly criticized and opposed.

Does God control people?

Q - Does God control people?
A -
No.
People choose to obey or not.
God gave people free will.
GOD DOES NOT CONTROL PEOPLE; SOME RELIGIONS DO!

Q - totoo po bang may nag-eexist pa din na mga prophets sa panahon ngayon?

Q - totoo po bang may nag-eexist pa din na mga prophets sa panahon ngayon? 
A - 
Puedeng merong konti, pero maraming guni-guni lang nila na prophet sila? 

Q - Kalingan po ba talagang wasakin ang religious images pag na-born again ka? Kasi po si Gideon, winasak nya ang mga ganyan

Q - Kalingan po ba talagang wasakin ang religious images pag na-born again ka? Kasi po si Gideon, winasak nya ang mga ganyan.
A -
Tulad ng hindi ka si Noah, kaya hindi mo kailangang gumawa ng ark,
hindi ka si Gideon kaya hindi mo rin kailangang manira.
(At hindi naman born-again si Gideon!)
Hindi naman kailangang sirain, basta wag mo lang sambahin.
At hinding-hindi DAPAT sirain kung hindi mo personal property.
At kahit peronal property mo, hindi magandang sirain kung may sentimental, heritage or artistic value.

Q - Sino po ang madalas ay opposed to Filipinized Christianity?

Q - Sino po ang madalas ay opposed to Filipinized Christianity?
A - 
Yung ang gusto ay Americanized or Koreanized or Judaized, etc Christianity?





Ed Lapiz - Q - What can you say about the combined Jewish - Christian "Messianic" beliefs?

Q - What can you say about the combined Jewish - Christian "Messianic" beliefs?
A -
Make sure the Christian side is not confused.
Ask them and be sure to get a clear answer IF the Messiah they are waiting for is one and the same as the Jesus Christ of Christianity?
Are they waiting for the (second) coming of the same Jesus or are they waiting for the first coming of another distinct person, THE Messiah of the Jews (who did not and still do not believe in the Jesus Christ of Christians).
It is important to clarify if they believe in and refer to THE SAME person/ messiah

Ed Lapiz - The Power Of Father's Prayer