Thursday, 30 November 2017

Q - Naniniwala po ba kayo Tito sa mga kwentong may namatay, nakarating sa Heaven/Hell tapos nabuhay muli to tell the tale? (Ed Lapiz)

Q - Naniniwala po ba kayo Tito sa mga kwentong may namatay, nakarating sa Heaven/Hell tapos nabuhay muli to tell the tale?
A - No.
Hebrews 9:27 (CEV)
We die only once, and then we are judged.
Minsan lang mamatay ang tao.
Kung namatay na sila talaga, di na sila makababalik.
Kung "nakabalik" ibig sabihin hindi naman talaga nakaalis/namatay.
Q - Eh ano po ang kwento nila?
A -
Guni-guni. Yung mga dati na nilang alam, pinaniniwalan, inaasahan, kinatatakutan, etc ay pinaghalu-halo ng kanilang subconscious mind nang ang katawan nila ay umabot sa clinical state na pwedeng kumilos ang brain nila sa ganung paraan. That can happen under exreme trauma or in near-death states.
Tapos pag nahimasmasan/binalikan ng ulirat, naaalala nila ang nalikhang illusion ng kanilang subconscious at inaakala nilang totoong nangyari/naranasan.
At puede ring yung ibang kwento ay may kahalo ng dagdag o pure fabrication!

No comments:

Post a Comment