Thursday, 16 November 2017

Bawat pangungusap ay isang daing o paghingi ng tulong

Bawat sinasabi ng tao ay may 
- context
- background
- pinanggagalingan at pinaroroonan
- tinutukoy
- ipinahahayag at ikinukubli
- nais ipakita at itago
- sakit na idinaraing
- hinanakit na ipinahihiwatig
- sama ng loob na ibinubulalas
- kakulangang pinupuno
- kalabisang sinasamantala
- kaaway na sinasaktan
- minamahal na hinihimas
- pangarap na inaabot
- galit na sinisikil o inilalabas.
Bawat pangungusap ay may
- ipinaliliwanag o pinalalabo
- iminumungkahi o sinasalungat
- itinitinda o binibili
- ipinagkakaloob o ipinagkakait
Bawat pangungusap ay isang daing o paghingi ng tulong

No comments:

Post a Comment