Monday, 1 February 2016

Isang Tanong Isang Sagot by Pastor Ed Lapiz






Q - May tita po kami na dati ay mahilig mag-organize ng family events na sya ang gumagastos. Lately, hindi na po nya ginagawa. Bakit po kaya?
A -
1. Baka walang masyadong funds lately?
2. Baka may nagawa kayo o ang ilan sa inyo na naka-offend sa kanya?
At ayaw naman nyang magorganize ng event na selective ang invites kaya wala na lang for everyone?
3. Baka may iba syang pinagkaka-abalahan?
4. Baka bored / sawa na sya?
5. Baka ni hindi man lang kayo tumutulong o nagpapa-consuelo sa kanya?



The challenge for enlightened and evolved thinkers are to:
1. Share enlightenment with others and possibly
a. Shock / disorient / disturb them.
b. Get misunderstood and vilified
c. Get at least some to be enlightened too.
2. Keep the light to themselves and at least stay safe and peaceful from attacks of the mob who love darkness.
3. Fly trial balloons of new ideas and test the wind/ the mob.
Some truly enlightened ones stick their heads out; some bury their heads in the sand, hoping to play it safe.



When you hear an idea that is
- new
- foreign to you
- different from your thought /belief
there is no need to always
- go against it
- demolish it
- replace it with "your truth".
Just consider it.
Let is tease, challenge, enhance your mind.
Process it right away OR freeze it for now till you are ready and willing to really study it.
People develop and grow more WHEN they "change" their mind --- when they receive new wine in new wine skins than WHEN they just stubbornly cling to old wine in their old wineskins.





 - Tito, ano po ang differences ng bachelor's, masteral at doctoral studies?
A -
Sa bachelor's/ college course
you learn the basics. Natututo ka ng pinaka mababaw at simpleng karunungan na nagsisilbing tools para mas makaya mong matuto pa ng mas malalim, mataas at malawak na mga idea.
YOU LEARN TO BE EQUIPPED TO LEARN MORE.
*
Sa masteral / graduate course,
nagagamit mo ang basic college education mo para makahukay ng mas malalalaim at makaakyat sa mas matataas at makaligid sa mas malalawak na karunungan na alam na at sinulat ng iba.
*
Sa doctoral / post-graduate studies,
you use what you learned in college and masteral studies to discover, synthesize, formulate etc NEW KNOWLEDGE.
*
In other words:
College educatiion makes you see what you need to see and makes you realize you know very little or NOTHING.
Masteral education makes you know more deeply what others know and wrote about. You get to know SOMETHING.
Doctoral studies equip you to and actually make you find, synthesize and formulate NEW knowledge from disciplined and scholarly research.
YOU GET TO PRODUCE NEW KNOWLEDGE.
You become equipped to know for yourself --- by yourself --- an NOT JUST RELY ON WHAT OTHERS ALREADY KNOW OR ARE TEACHING.



Q - Bakit po kaya ang daming pintas ng ilang Christians sa mega churches na akala mo masamang maging mega samantalang sila naman ay effort na effort magpalago ng church nila. Di po ba ang ending din kung maging fruitful and successful sila ay magiging mega church din sila?
A -
Baka
- hinahanap nila sa mega churches ang quaint charms ng small churches?
- hindi nila naiintindihan o naa-appreciate ang unique culture ng mega churches?
- talagang pang mini at hindi pang mega ang taste nila?
- may valid points ang mga criticisms nila?
- feeling threatened, especially kung naglilipatan sa mega ang mga dati nilang members?



Q - May mga pintas po ako sa pastor namin. Ganun din sa two other pastors sa mga churches na dati kong inaniban. Saang church kaya ako makalipat na di ko mapipintasan ang pastor? I need to have my soul rest under the leadership of a really good pastor.
A -
Pastor na wala kang maipipintas ang hanap mo?
Sumama ka sa Heavenly Church, pamangkin.
Dun ka lumipat.
Walang kapintasan ang pastor doon kasi si Jesus mismo!
Kaya lang para makasali ka doon,
kailangan mo munang -----sumakabilang-buhay!
Then you can really Rest In Peace.



Q - I'm a pastor of a small church. Pinoproblema ko po kung paano palalaguin ang church at paano pararamihin ang members. Any tip?
A -
Ang atupagin mo pamangkin ay kung paano magiging relevant, helpful, loving ang beneficial to people ang ministry mo. It is for God to give the growth!



Q - Para pong hindi mahilig magpa-TESTIMONY sa DBD churches?
A -
1.
Yung testimony kasi ---yung paghalukay sa mga kaloob-loobang isyus ng private life ng tao para "magpatotoo" ay hilig ng western church na imported ng local congregations. Bagay siguro sa culture ng west --at kaya nilang dalhin.
Pero hindi masyadong bagay sa Filipino culture, lalu na sa pagbuklat ng maseselang bahagi ng nakaraan ng tao. Napag-uusapan lang sya tuloy, sometimes in a negative way. At doon natutuon ang sobrang pansion ng madla
2.
Nago- glorify madalas yung mga controvesial and senstitive personal issues ng tao --- o yung tao na pinasisikat ng kwento nya.
3.
Madalas walang control; sobrang haba ang testimony, sobrang detailed at nauubos na ang oras sa mga paulit-ulit and needless storytelling. Ayaw nang bitawan ng nagpapatotoo ang mike




Favorite movie ng
Mangungutang: Sana Maulit Muli
Inuutangan: Gaano Kadalas Ang Minsan?
Overweight: Tinimbang Ka Ngunit Kulang
Manicurista: Maynila sa Mga Kuko ng Liwanag
Naningigil ng pautang: Walang Forever
Nag-aaway na artista : Star Wars



Some people attack other people's doctrines and teachings;
some attack the other teachers personally.
When they do not like the message,
they shoot the messenger.



Q - Ang disadvantage po sa malalaking churches ay parang walang personal /close fellowships!? Darating ka at aalis nang walang nakaka-fellowship?!
Dapat hindi malalaki ang churches!
A -
Mangyayari yan na walang personal fellwoships kung ikaw mismo ay hindi sasali sa mga small group activities and fellowships like Bible study groups, home groups, ministries, interest groups, etc.
Laging maraming small groups to join where closer fellowship and interpersonal relationships happen.
Siempre, mahirap mangyari yon during big events attended by a lot of people.
You need to do something so you could enjoy warm, personal relationships.
Lumalaki ang anumang church dahil may napapala ang dumadalo. Hindi kasalanan ng church kung lumalaki ito; blessing yun.
Ang dapat lang ay maraming small-group activites and fellowships that people could attend in addition to the big events where so many people are present.
Personal responsibility na yun ng atttendee/ member.
ANG MALIIT NA CHURCH, kung effective and fruitful, ay magiging malaki rin; hindi yun mapipigil. Dapat lang mag-adjust ang mga members.



Q - Paano po ako magiging like ng maraming tao?
A -
Be useful, not a user.
Maging asset, not a liability.
Tumulong at hwag laging patulong.
Give more than you take.
Be part of the solution, not the problem



Bawat ungrateful act tulad ng
- paglimot sa gumawa ng mabuti sa yo
- pagsukli ng masama sa mabuti
- masama/maling paggamit sa tulong na natanggap
ay
- nakadadala sa gumagawa ng mabuti.
- nakapapaso.
- nakapagsasara ng sanay bukas nilang palad.
- nagtuturo sa generous na maging maramot na rin



Q - Bakit po kaya parang hindi ako welcome sa mga relatives ko?
A -
Baka
1. Ikaw ang hindi welcome: ugali, asal, kilos, values mo
or
2. Ang kasama/ mga kasama mo ang hindi welcome at nadadamay ka lang/tuloy.
Minsan hindi naman ikaw ang ayaw nila kundi yung partner o friend o companion mo.



Q - Bakit po may mga kamag-anak ang pag yumayaman ay nagiging malayo sa mga relatives? Dahil kaya takot mautangan o mahingan?
A -
1. Puedeng takot --- o pagod o dala na sa kamomolestia, kahihingi, kauutang o kalalapit ng mga kamag-anak.
2. Puede rin na lumalayo rin kasi ang utak/isip --- ang edukasyon, kamulatan, karunungan.
Kasi kung umaasenso sila sa buhay, ibig sabihin umaasenso rin ang kanilang karunungan at pag-iisip. At puedeng "lumalayo" sila sa mga kamag-anak kasi sobra na ring hindi tugma ang consciousness o kamulatan/ karunungan / katwiran nila sa mga kamag-anak na "napag-iiwanan."
3.
Puede ring ang lifestyle nila ay iba na talaga at konti na lang ang commonalities nila with many relatives?
4. Baka rin iniiiwas nila ang mga anak nila sa mga backward or unprogressive family / clan culture?
5. Hindi na sila enjoy makisalamuha sa mga kamag-anak ?



No comments:

Post a Comment