Q - Tito d ko na matake talaga. Husband kong hindi affectionate ever... simpleng txt. Simpleng tawag. Simpleng yakap. Simpleng hipo. Simpleng halik. Hindi nya magawa! Habang buhay nalang ba ako manlilimos sa kanya. Masaya na akokung akbayan o hawakan man lang nya kamay ko sa mall. O! Diinan nya ng konti halik nya sa pisngi ko kapag aalis na sya papuntang work. Sobrang inis ko hiwalayan ko na talaga siya!!!
A - ano naman ang assurance mo na magkakakita ka ng better?
usually but not always, ang mga husbands na ganyan ay hindi babaero, hindi lasenggo, walang masyadong bisyo at malamang ay mahusay magtrabaho at good provider.
Q - Tama po kayo Tito! bakit nyo nalaman yan!? Natauhan tuloy ako bigla.Tito mali ako hindi ko dapat masamain asawa ko dahil mabuti naman syang tao at ama. Maharot kasi ako affectionate mahilig makipag lambingan horny baliktad nya. Nakakapagod lang na ako lage... ty po Tito.
No comments:
Post a Comment